Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44


Tine's Pov

"Dadd! Daddd..." pagtawag ni Tammie dito.

"Shh baby" suway ko sa kanya habang mabilis ang ginawa kong paglakad palayo sa kay Tj na Timothy naman pala.

Hindi ko alam kung bakit tinawag ng anak ko si Timothy na ganoon. Hindi naman bago sa kanya ang makakita ng ibang lalaki lalo na at sa bahay, nanduon si Yohan at Lolo at kung minsan nanduon din si Matteo pero wala ni isa sa kanila ang tinawag ni Tammie ng ganuon.

"Mama...dad!" Pagkuha niya ng pansin ko habang para bang may itinuturo siya sa likuran namin.

"Baby" malambing na pagtawag ko sa kanya.

Medyo madungis ang mukha nito. Wala na din sa ayos ang maliit na korona sa kanyang ulo.

"Mom...cry?" Pagaalo niya sa akin ng sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang may pumutak na luha sa aking mga mata.

Mahigpit ko na lamang na niyakap ang aking anak dahil sa bigat ng hindi ko malamang sakit na nararamdaman.

"I'm sorry, baby..." yun na lamang ang na sabi ko.

Sorry kasi hindi ko siya kayang bigyan ng kumpletong pamilya. Kaya tuloy naghahanap siya ng father figure sa kung sinong lalaking hindi naman niya kilala.

"Dad!"

"Tine..."

Nabato ako dahil sa tumawag na iyon sa akin. I know it's Timothy, bakit pa siya sumunod?

"Anong kailangan mo?" Walang kaemoemosyong tanong ko sa kanya.

"I'm sorry, Tine. Kung may nagawa akong hindi mo nagustuhan." Paghingi niya ng tawad.

Mabilis ko siyang hinarap. Ang kaninang pagaalala sa kanyang mukha ay nadagdagan pa ng pagkunot ng kanyang noo. Hindi na ako nagatubili pang punasan ang luha sa aking mga mata.

It's still the same, papahiran ko tutulo pa din.

"Why are you crying?" Nagaalalang tanong niya at hahakbang sana siya palapit ng umatras ako kaya naman napahinto siya.

"Daddy, Mommy" tawag ng kararating lang na si Thomas.

Nang dahil sa pagdating ni Thomas ay nagpumiglas si Tammie na bumaba mula sa aking pagkakakarga. Maingat ko siyang ibinaba, mabilis siyang tumakbo patungo kay Thomas at kaagad naman siya nitong sinalubong.

"Mommy...we're going to play there" turo ni Thomas sa may playground na pinanggalingan namin.

"Daddy bye!" Baling niya kay Timothy na somehow ikinagulat ko.

Siya ang Daddy ni Thomas

Hinatid ng mga tingin ko ang dalawa hanggang sa tuluyan na silang makalayo sa amin. Pagkatapos nuon ay pipihit na sana ako para makaalis duon ng mabilis na humakbang si Timothy patungo sa akin at hinigit ang aking braso.

"Let's talk" sabi niyanat tinangka akong hilahin kung saan.

"What for?" Tanong ko sa kanya pero tinitigan niya lamang ako.

"Wala naman tayong dapat pagusapan Tj...or i might say Timothy." Mariing sabi ko sa kanya.

Sandali itong napapikit ng mariin at ganuon na lamang gulat ko ng hinila na ako nito kung saan. Nagpaubaya ako sa kanya dinala niya ako sa may pool side kung saan walang tao. Nagulat ako ng mabilis niya akong hinilig sa pader duon.

Sandaling naghari ang katahimikan sa aming dalawa hanggang siya na ang pumutol nito.

"Tell me Tine, why are you crying?" Tanong niya.

"I'm not" mabilis na sagot ko habang hindi ko magawang tumingin diretso sa kanya.

"Tell me. I want to know" laban pa niya.

"Wala ito, Timothy" mas babang sabi ko ngayon.

"I'm sorry if naging ganoon ang turing ko sa anak mo. I just. I just..." Hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.

"You just what?" Matapang na tanong ko sa kanya.

Hindi pa rin siya makasagot kaya naman kinuha ko na ang opurtunidad na iyon para makapagsalita.

"Nilalayuan mo ba ako Timothy?. Dahil nalaman mong may anak ako?" Puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya.

Umiling siya, but still...he didn't answer.

"Lumayo ka sa akin nung nalaman mong may anak ako, bakit? Kasi ang mga katulad kong babae iba na ang dating sa inyong mga lalaki ganuon ba yon? Dahil sa may anak na kami, we don't deserve guys like you ganuon ba yon Timothy?" Tuloy tuloy na sabi ko na di ko na malaman kung saan ko hinugot.

Damn Cristina, ano ba yang mga pinagsasabi mo?

Batid ko ang malaking question mark sa kanyang mukha. Gulat rin marahil dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Ofcourse not Tine. Hindi ako lumayo sayo, I just need time to think" sagot niya.

"Oh well...ano nga ba tong pinagsasabi ko? Shit naman, Cristina" tumatawang naiiyak na sabi ko.

Napahinto ako ng ikinulong ni Timothy ng maiinit niyang palad ang aking magkabilang pisngi.

"Tell me Tine. What are you trying to point out here?" Mariin at may pagsusumamong tanong niya sa akin.

Umiling ako pero mas lalo niyang hinawakan ang pisngi ko.

"I have no rights..." mahinang bulong ko na hindi nakaligtas sa pandinig niya.

"I gave you the rights. Now, tell me" utos niya.

Kinagat ko ang labi ko. I have so much for today. I'm not going to give it all. I should atleast keep something for myself.

"Tine" pagtawag niya.

Nanatili akong nakatingin sa kung saan. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya.

"Do you like me, Tine. Do you like me too?" Pagsusumamo niya. Pero napabaling ako sa kanya ng marinig ko ang salitang, too?. What does it mean?

Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Tell me, Tine. Do you like me too? Nagseselos ka ba dahil sa nakita mong may kasama akong ibang babae non? Nagkakaganya ka ba dahil lumayo ako sayo?" Patuloy na tanong niya pero nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.

"Nagkakaganyan ka ba Tine, dahil gusto mo rin ako!? Tell me!" Utos niya na ngayon ay medyo mataas na ang boses.

Lalong rumagasa ang luha sa aking mga mata. Hindi ko inakalang magkakaganito ako sa harap ng isang lalaki. Yumuko ako para sana hindi niya tuluyang makita ang pagiyak ko pero hindi ko pa man tuluyang nagagawa iyon ay ganuon na lamang ang gulat ko ng pinigil niya ang pag yuko ko at mabilis na inatake ang labi ko.

Hindi ako nakagalaw nung una. Gulat din ako sa kanyang ginawa. "You have the rights to act that way, Tine. Cause, I like you too. No, I love you tine" sabi niya habang magkadikit ang noo naming dalawa matapos ang halik.

"Nagbibiro ka lang diba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Umiling siya habang nakatitig pa din sa aking mga mata. "No."

Halos hindi ko mahabol ang aking hininga. "May anak ako, Timothy" paalala ko sa kanya dahil baka nakakalimutan niya.

"I have a son too" laban niya habang nakangisi.

"Pero..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng kaagad niyang iniharang ang hintutuor niya sa labi ko.

"Strikto pa din ba ang Lolo mo? Manliligaw sana ako" nakangising sabi niya.

Napaawang ang labi ko dahil sa kanyang sinabi. "Don't do that baby. Baka hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko at mahalikan ulit kita"

Humugot ako ng malalim na hininga dahil sa mga pinagsasabi niya. "May anak ako Timothy...may anak ako" muli kong pagpapaalala sa kanya.

Nagkibit balikat ito. "Mommy ang tawag ni Thomas sayo...and your daughter calls me Dad. No problem with that" nakangising sabi pa niya.

Hindi niya na ako hinayaang pang magsalita pagkatapos ng lahat ng pinagsasabi niya. Pinilit ko naman na dumistansya kahit papaano sa kanya.

"Kanina pa malalim ang iniisip mo, Apo" pagputol ni Lolo sa pagiisip ko.

Kanina ko pa kasi pinagmamasdan sa malayo ang anak ko na kandong kandong ni Timothy habang nilalaro ni Thomas. Nasa isang table siya kasama ang mga kaibigan niya at ni Matteo.

"Mukha po kasing palagay ang loob ng anak ko kay Timothy" nakangiting sabi ko.

Napatingin din si Lolo sa tinitingnan ko. "Mukha din namang palagay si Timothy sa anak mo..." nakangiting sagot naman ni Lolo.

"Is that even possible, Lolo? Nung una parang iniwasan niya ako nung nalaman niyang may anak na ako pero ngayon..."

Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Lolo sa balikat ko. "Nagulat lang siguro siya nung una. But we never know, kung anong nasa isip at plano ni Timothy ngayon" paliwanag niya.

Sandali akong nanahimik, may malalim nanaman sana akong iisipin ng kaagad na may itinanong si Lolo sa akin na ikinabahala ko din.

"I think may problema si Thessa at si Yohan...may alam ka ba duon, Apo?" Seryosong tanong ni Lolo.

"Lolo..." frustrated na tawag ko sa kanya.

Isa pa iyon sa problema ko. Ang bigat pala sa dibdib pag may alam kang malaking sikreto. Lalo pa ngayon hindi ko alam ang gagawin ko para matulungan si Thessa lalo na't kahit saang anggulo tingnan ay kasali ako duon sa problema nila.

"May alam ka ba, Apo?" Muling tanong ni Lolo sa akin.

Napapikit ako ng mariin. Gusto ko silang matulungan, pero ayoko naman na pangunahan sila.

"Tell me, Tine. Anong alam mo?" mapanghamon pang tanong ni Lolo sa akin.

Diretso akong tumingin sa mga mata ni Lolo. Gusto kong sabihin, pero ayokong mas lalong maging involve. Mahirap na, pinsan ko ang maaapektuhan dito. Dahil hindi ako makasagot ay nakita ko ang tipid, pero may pait sa ngiti nito.

"Hindi ko alam na aabot sa ganito...ang hirap dahil hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Thessa" emosyonal na sabi ni Lolo na ikinagulat ko.

"Lolo..."

"Alam ko Cristina. Alam ko ang mga nangyayari ngayon, pero wala akong lakas ng loob. Pareho kong mahal ang mga apo ko pero, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin to keep them both" maluha luhang sabi na niya na kaagad ko namang dinaluhan.

"Lolo, I'm sorry. Hindi ko rin po alam kung anong tulong ang pwede kong gawin" malungkot na sabi ko.

Timothy' Pov

"You sure, hindi mo anak yan Timothy?" Tanong ni Kervy sa akin.

Napangisi ako at tsaka ako napatingin kay Tammie na nakakandong sa akin ngayon. "I don't know" sagot ko sa kanya.

"Why don't you try the test, bro. Wala namang mawawala" pilit muli ni Luke sa akin.

Umiling ako, ayokong magpaDNA test. That's my final decision.

"Why?" Frustrated na tanong niya.

"I can keep them, mas gusto ko na to. Yung ituring na anak ko nga siya. If magpatest kami at negative ang lumabas babalik nanaman ako sa square one, Luke" paliwanag ko.

"It's yours, Timothy. Can't you see that?" Preskong sabi ni Kervy sa akin sa akin at iminwestra si Tammie. .

"I hope so..."

Nang medyo dumilim ay naubos na din ang ibang mga bisita, lalo na't mga bata ang karamihan dito. Nakatanaw kami nina Kervy at Luke habang nagpapaalam ang iba pang mga bisita kina Matteo at Zyrene.

Hindi pa din naman kasi kami umuwi dahil naglalaro pa ang mga bata at nagyaya si Matteo ng inuman. Kanina pa kinuha ni Tine si tammie sa akin. Hindi nga ito makatingin habang kinukuha niya si Tammie, na sa akin na nakatulog.

"May problema?" Tanong ni Kervy kay Zyrene ng mabilis na pumasok ito sa bahay ng Lolo niya.

"Si Thessa kasi...lasing na umuwi" kwento nito.

Nasa garden nila kami ng mabilis kaming napatayo ng makarinig kami ng sigawan sa loob. "We should stay here...that's a family problem" sabi ni Kervy sa amin.

Napatango kami ni Luke kaya naman nanatili kaming nakaupo duon. Wala namang kaalam alam ang mga bata dahil may sarili silang mundo.

"Sam..." bigyan ni Zyrene ang anak kay Samantha at kaagad na tumakbo papasok sa loob ng bahay.

I don't know, pero hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. "Nasa loob ang asawa ko..." sabi ko kaya naman napatingin sa akin sina Kervy at Luke.

"She's fine there, Timothy. They just need to talk, mamaya ayos na din yan" sabi pa ni Kervy.

Huminga ako ng malalim at tumango. Iinom sana ako ng mapahinto ako ng marinig ko ang galit na pagsigaw ni Thessa sa pangalan ng asawa ko kaya naman hindi ko na napigilang tumakbo papasok duon.

"Thessa..." naabutan kong umiiyak na sambit ni Tine.

Nanduon silang lahat sa may sala. Umiiyak pareho si Thessa at si Tine.

"Ganyan ka naman eh! Sipsip ka! Ano masaya ka na ba!?" Sigaw ni Thessa kay Tine.

Mariing napapikit si Tine habang umiiling. Basang basa na ang pisngi niya ng luha. Namumula na din siya.

"Thessa...wala akong sinasabi kay Lolo. At kung meron man, gusto ko lang matulungan ka" laban ni Tine.

Si Don Fernando ay nakaupos sa may sofa dinadaluhan ni Zyrene marahil ay hindi kinaya ang nangyayari sa mga Apo niya ngayon. Tama nga, Thessa is wasted. Hindi ko naman alam ang problema nila, basta ang alam ko lang, my wife needs me.

"Wow Andeng! Lolo!? ang kapal ng mukha mo! Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Sigaw ni Thessa sabay duro dito.

"Thessa lasing ka lang" matigas na suway sa kanya ni Yohan.

Si Matteo ay nasa likod naman ni Tine. "No, Kuya Yohan...kailangan niya ding malaman! Magpinsan kami, Oo. Pero dapat din niyang malaman na kailangan niyang lumugar. " laban na sigaw pa ni Thessa.

"You will regret this Thessa, I tell you. Lasing ka lang kaya umakyat ka na sa kwarto mo" matigas na utos sa kanya ni Yohan.

"For what!? Ipapatapon niyo naman ako sa America diba? So what's the sense of regretting this? Minahal ko ang mga anak niya. But, nagawa niya ito sa akin? Back stubber!" Akusa pa ni Thessa kay Tine.

Mabilis na umiling si Tine. "Thessa, hindi totoo yan. Mahal kita, alam mo yan...gusto ko lang talagang makatulong." Umiiyak na laban nito.

"Alam mo kung anong makakatulong? Yung umalis ka na dito, Andeng. Tutal, marami ka na rin namang nahuthot sa Lolo ko!" Sabi ni thessa.

Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Tine at sa isang iglap lamang ay kaagad na lumipad ang palad niya sa pisngi ng pinsan.

"Lahat ng ibinigay niyo hindi ko hiningi. Pero salamat na din. Tama ka nga siguro, mas makakabuting umalis na lang kami ni Tammie dito" umiiyak pero matapang na sabi ni Tine at mabilis na pumanhik paakyat.

Para namang nagising si Thessa dahil sa sampal na iyon. Napahagulgol na lamang siya at napaupo sa sofa. Mabilis akong umakyat at sumunod kay Tine. Hindi alinta kung hindi ko naman ito bahay. Kaagad kong nalaman kung nasaan siya ng marinig ko ang kanyang pagiyak.

Pumasok ako duon sa may kwarto at duon ko nakitang natutulog na si Tammie sa kama habang mabilis na kinuha ni tine ang isang maleta at nagimpake.

"Tine..." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Mabilis ang bawat paggalaw niya habang hinahakot ang mga damit nila.

"Kailangan na naming umalis dito...yun ang makakabuti para kay Thessa" umiiyak na sumbong niya sa akin.

Mas lalo ko siyang niyakap at inalo. "Pero hindi ko alam kung saan kami pupunta ng anak ko..." pamomorblema niya.

"Sa bahay ko. Sa bahay natin, Tine"







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro