Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43


Tine's Pov

Dumalaw sina Matteo at Zyrene sa bahay, gusto kasi ni Lolo na sama sama kami ngayong araw ng linngo. Kanina ko pa nga napapansin ang pagbubulungan nilang magasawa habang nakatingin sa aking anak na si Tammie.

Pag naman napapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay hihinto ito at tsaka ako ngingitian.

Mabilis nilang binago ang usapan at biniro pa si Lolo Fernando na plano talaga nilang maganak ng madami, dahil sa sinabing iyon ni Matteo ay nagreklamo na si Zyrene.

Sumimangot ito si Zyrene sa asawa."Ano ba talaga tingin mo sa akin ha Matteo!" Sita niya dito.

Napangiti si Matteo at mas lalong lumapit ng upo sa asawa. "Syempre joke lang yon, Sweetheart! Ikaw naman hindi ka na mabiro" paglalambing ni Matteo sa asawa.

"Si Kuya Matteo talaga!" si Thessa.

Tumaas ang isang kilay ni Matteo at hinarap ang pinsan. "Atleast! Hindi ako katulad ng iba diyan, mukhang tatandang binata" natatawang sabi nito at halatang pinaparinggan si Yohan.

Hindi pa rin naman nagbago ang itsura ni Yohan dahil kagaya palagi, nakabusangot pa din ito na tila ba akala mo ay galit siya sa mundo.

Naglalaro si Tammie ng barbie niya habang kalong kalo ko, pansin ko ang minsang pagtitig ni Matteo sa aking anak.

"May problema ba?" Mahinahong tanong ko sa kanya ng hindi na ako makatiis.

Ngumiti muna ito sa akin bago umiling. "Wala...may naalala lang ako kay Tammarie, may kamukha kasi siyang kakilala ko" sagot niya sa akin.

Bigla akong naging interesado. "Ha? Eh sino?"

"Ah wala...old friend" pilit na ngiting sabi pa niya.

"Baby Tammie, anong gusto mong costume?" Tanong ni Matteo sa anak ko. Costume party kasi ang magiging birthday ng anak nilang babae.

"Babie..." nakangiting sabi ng anak ko sabay taas ng hawak niyang barbie.

"Wow...ang ganda naman pala ng gusto ni tammie" natatawang pagaalo ni Matteo sa anak ko.

"Tara nga dito, kiss mo si Tito" tawag niya sa anak ko.

Kilala na siya ni Tammie kaya naman mabilis na itong bumaba sa akin at tumakbo papunta kay Matteo. Ang huling kita niya kasi dito ay nuong anduon pa kami sa America. Nuong umuwi naman kami dito sa Pilipinas ay bihira lang silang magkita ng ganito katagal at kalapit.

Kumunot ang noo ko ng sabay nilang pinagmasdan ni Zyrene ang anak ko na para bang may sinusiguro silang isang bagay. "Kamukha ni Cristina ang batang iyan ano...maganda" nakangiting sabi ni Lolo pagkatapos ang tumingin din sa akin at ngumiti.

Agad namang sumangayon ang dalawa, pero batid kong napaayos ng upo ang dalawang katabi ko, sina Yohan at Thessa. "Pero sino ba talaga ang ama ni Tammie? Kung hindi naman nakaka-offend sayo..." mahinahong tanong ni Matteo.

"Sa totoo lang hindi ko alam..." nagaalinlangang sabi ko pa.

Tinanggap ng pamilya ito ang kalagayan ko nuon at hindi nila ako pinilit na magsalita o alamin man lamang ang lahat ng pangyayari. Binigyan nila ako ng privacy at nirespeto nila ako sa mga naging desisyon ko na wag ng habulin pa ang ama ng anak ko. Sa totoo kasi ay natatakot ako, hindi ko alam kung bakit.

"Paanong hindi mo alam? You had sex with him kaya dapat ay alam mo" pangangatwiran ni Matteo.

"Hijo..." mahinahong suway sa kanya ni Lolo dahil may kasama kaming mga bata.

"I'm sorry" paghingi niya ng paumanhin.

"Then ano ba talaga ang nangyari, Cristina? Bakit hindi mo alam?" Nakakunot noong tanong pa niya.

"Lasing kasi ako non. Hindi ko na alam yung buong pangyayari basta isang umaga nagising na lamang ako na may katabi akong isang lalaki" nahihiyang kwento ko.

"Kuya Matteo, Hindi naman na siguro importante iyon" suway ni Thessa.

"No Thessa...atleast we should know the history right? Lumalaki na si Tammie maghahanap din yan ng ama" pagpapaliwanag niya na kaagad ko ding sinangayunan.

"Wala ka bang nakitang palatandaan sa kanya? Or what so ever na pwede nating panghawakan?" Paguusisa muli nito.

Napatingin ako kay Thessa pero di ko mabasa ang ekspresyon niya na para bang namumutla na ito. "Nasabi ko na rin ito kay Thessa nuon, tungkol duon sa pangalan nung lalaki..." nakayuko ako habang nagkwekwento feeling ko tuloy lumalabas na isa akong kaladkaring babae.

"Nakita ko kasi yung wallet niya, kailangan kong makaalis kaagad nuon, nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko gaanong nakita ang mukha niya. Kumuha ako ng pera para naman may magamit ako pauwi pero hindi sinasadyang makita ko ang isa sa mga ID niya..." kwento ko.

Silang apat ay tutok na nakikinig sa akin. "Bakit kailangan pang balikan to Kuya Matteo? If that man care at hindi lang one night stand ang gusto niya, he should also done something para mahanap tong si Cristina" opinyon naman ni Yohan na kaagad sinang ayunan ni Thessa.

Si Lolo ay tahimik lamang na nakikinig sa amin. "Bakit ba parang ayaw niyong mahanap yung ama ni Tammie? Bakit ba palagi na lang kayong naka-kontrang dalawa?" Nagtatakang tanong ni Matteo sa mga pinsan.

Napayuko si Thessa. Alam ko na ang kakaiba sa kanya ngayon, feeling ko ay magkaaway sila ng Kuya Yohan niya, napapansin kong kahit nagkakasundo sila sa isang bagay ay nitong mga nakaraang araw ay hindi sila ganoong nagpapansinan, para bang nagiiwasan sila.

"Concern lang ako para sa magina...hahanapin niyo yung ama ni Tammie? Bakit sa tingin niyo ba may pakialam pa kaya siya?" Pagpopoint out niya na kaagad ko din namang naintindihan.

"So what? Ang gusto nating malaman dito ay kung sino. Hindi naman natin ipapaako sa kanya yung bata eh, hindi rin tayo hihingi ng financial support. We only want to clear things out" paninindigan ni Matteo.

Mas pinili ni Lolo na tumigil na muna kami dahil nagkakainitan na sina Matteo at Yohan.

"Ang ganda ng pagkakulot ng buhok niya" nakangiting puri ni Zyrene sa anak ko.

Natural ang kulot nitong buhok na medyo maypagka brown, at sigurado akong hindi sa akin iyon nanggaling.

"Teka at ikukuha ko muna siya ng damit sa itaas, basa na kasi ng pawis" paalam ko sandali kay Zyrene.

Umakyat ako papuntang kwarto, papasok na sana ako sa kwarto ng may marinig akong mahinang hikbi at parang may naguusap na pilit pinapahina. Hindi naman ako ganuon ka chismosa pero napilitan akong sundan ang tunog na iyon ng marinig ko ang mariin pero mahinang tawag ni Yohan sa aking pinsan.

"Theresa!" May pagbabantang sabi nito.

Sinundan ko ang tunog at nakita kong nanduon sila sa library. Hindi gaanong sarado ang pintuan kaya naman mas pinili kong sumilip. Duon ko nakitang umiiyak si Thessa sa harap ni Yohan. Matalim namang nakatingin sa kanya si Yohan. Sinasabi ko na nga ba't may problema ang dalawang ito.

"Bakit pa kasi kita naging pinsan?" May hinanakit na sabi ni Thessa na medyo ikinagulat ko

"Sinasabi ko sayo Thessa...itigil mo na ito!" Galit na suway sa kanya ni Yohan.

Kita ko ang panggigigil ni Yohan. Kaagad niyang hinawakan si Thessa sa magkabilang balikat.

"Nahihibang ka na ba? Magpinsan tayo!" Mariing pagpapaintindi nito.

Agad nagtayuan ang mga balahibo ko. Para kasing may hindi ako magandang nasesense sa problema nilang dalawa. At duon na ako napatakip ng bibig sa sumunod na sinabi ni Thessa.

"Mahal kita Kuya Yohan...bakit kasi naging magpinsan pa tayo?" Punong puno ng hinanakit na sabi ni Thessa.

Nabato ako sa aking kinatatayuan, hindi ko alam na ganito na pala kalalim ang problema ng pinsan ko.

"Bakit kasi si Crsitina pa ang gusto mo? Sana kasi siya na lang ang naging pinsan mo at hindi na lang ako!" Umiiyak pang dugtong ni Thessa dito

"Tigilan mo na ito Thessa." Pinal na sabi ni Yohan at medyo marahas niyang binitawan sa balikat ang pinsan ko. Nang makita kong palabas na ito ay kaagad akong tumakbo papuntang kwarto namin ni Tammie at duon lang ako nakahinga ng maayos.

Timothy's Pov

"Gusto ko pirate, Daddy!" Daing ni Thomas sa akin.

"Anak naman...prince and princess ang theme ng birthday party ng anak ng Tito Matteo mo" natatawang sabi ko sa kanya habang inaayusan ko siya.

"Pero gusto kong maging pirate" nakangusong pilit pa niya.

"Sa birthday mo sige..." pagaalo ko.

"Sana kasi nandito na lang din si Mommy at si Tammie..." malungkot na dugtong pa niya.

Agad nanaman na parang may namuong kung ano sa dibdib ko everytime na babanggitin niya ang pangalan ng anak ni Tine.

"Ok lang ba talaga sayo na may iba ng baby ang Mommy mo?" Tanong ko sa anak ko dahil hindi ko alam kung paanong ganuon ka dali ay natanggap niya iyon kaagad. Dahil ba bata pa siya at hindi pa niya alam ang mga bagay bagay?

"Yes po, Daddy. Mabait po si Tammie at maganda pa, she has the same hair po nating dalawa" pagkwekwento nito.

Medyo may pagkakulot ang buhok ko sa tuwing humahaba ito na medyo maypagkabrown, natural na iyon sa amin. Ganuon din naman kasi si Thomas kaya hindi ko maipagkakailang anak ko siya.

"Hindi lang naman tayo ang may ganitong buhok sa mundo, baby" mapait na ngiting sabi ko sa kanya na may lamang hinanakit.

"Ayaw mo ba kay Tammie, Daddy?" Malungkot na tanong nito sa akin.

Matagal akong hindi nakasagot. Ayaw ko nga ba sa kanya? Walang kamuang muang ang batang iyon. Sinabi kong mahal ko si Cristina, kung ganoon bakit hindi ko matanggap na may anak siya sa ibang lalaki?

"Hindi ko pa kasi siya namemeet, Thomas" pagdadahilan ko na lang.

"You should meet her too, Dad! I'm sure you'll gonna love her!" Pagbibida sa akin ni Thomas.

Nang maghapon ay pumunta na kami sa venue ng paggaganapan ng birthday party ng anak nila Matteo at Zyrene. Medyo may karamihan na din ang mga bata duon. Naabutan ko sa isang round table ang mga kaibagan ko kasama ang mga anak din nila.

"That was childish" nakabusangot na sabi ni Lucas anak ni Luke.

Sa harapan kasi niya ay si Ken na nakaPrince costume din at si Suzy na cute sa kanyang cinderalla gown. "Bagay talaga tayo, Suzy" pagpaparinig ni Ken kay Lucas.

Hindi katulad ng dalawa ay nakapolo lamang si Lucas at pantalon, kakaiba talaga magisip ang batang ito. Talo pa ang Daddy niya.

Inaya si Thomas ng isa sa mga anak na lalaki ni Matteo. "Thomas tara duon tayo!" Tawag nito sa anak ko at niyaya itong makisalamuha sa iba pang mga bata.

Tumingin sa akin si Thomas na para bang nagpapalam siya kaya naman tinanguan ko siya. "Careful, ok?" Bilin ko sa kanya.

Umupo ako kasama sina Luke at Kervy, nanduon din sina Samantha at Grace na nagkwekwentuhan. Busy marahil sina Zyrene at Matteo sa iba pa nilang bisita.

"Ano napagisipan mo na ba yung suggestion ko sayo?" Tanong ni Luke tungkol duon sa pagpapa-DNA.

Umuling ako tsaka uminom ng Juice. "Eh anong balak mo?" Tanong pa niya.

"Wag muna ngayon, pare.." pagtanggi ko sa kanya.

Nagkibit balikat lamang ito. "Matthew, asaan ang Mommy at Daddy mo?" Tanong ni Kervy sa panganay na anak nila Matteo at Zyrene.

"Nasa loob po ng bahay Tito Kervy...palabas na din po iyon" magalang na sagot nito.

Natawa kami dahil may hila hila itong isang batang babae. "Sino yan girlfriend mo?" Pangaasar ni Luke sa kanya.

"Hindi po nililigawan ko pa lang" sagot niya na nagpatawa sa amin.

"Anak nga ni Matteo iyon" natatawang sabi ni Luke.

Tumayo ako sandali para tingnan kung ayos lang ba si Thomas. Pumunta ako sa playground kung saan maraming bata. Lahat sila ay nakacostume din. Pero nakuha ng isang batang babaeng nakapink na gown ang atensyon ko.

Magisa itong naglalaro duon sa may bench sa harap ng iba't ibang halaman na may iba't ibang kulay ng bulaklak. Pinipitas niya ito at dahil medyo bata pa ito ay kasama ang dahon pagtinatanggal niya.

Kumakanta kanta pa ito na hindi ko naman maintindihan. Hindi ko alam pero natuwa ako sa kanya kaya naman umupo ako duon sa bench na ginagawa niyang lamesa.

"Hi" nakangiting bati ko sa kanya. Medyo nadungisan ang mukha nito dahil na din sa paglalaro niya ng mga halaman.

Para namang tumigil ang paghinga ko dahil napansin ko ang kulot at medyo brown na buhok nito. Nakangiti ito sa akin habang ipinapakita ang mga dahong napitas niya. Pero nabahala ako ng makita may maliliit na sugat ang kamay nito.

Tinanggal ko ang mga dahon sa kamay niya at parang may kakaibang kuryente naman akong naramdaman nung naglapat ang maliit niyang kamay sa aking palad. "May mga sugat ka baby..." sabi ko sa kanya pero nanatili lamang siyang nakangiti sa akin.

Dahil duon ay napatitig ako sa kanyang mukha. Ikinulong ng mga palad ko ang maliit niyang kamay. Kaya naman mas lalo siyang lumapit sa akin.

"Dad!" Nakangiting sambit niya.

Kinarga ko siya at tsaka kinandong. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko para sa batang ito. Napatigil ako sa pagiisip ng tumatakbong lumapit sa amin si Thomas.

"Daddy! You found her! Kanina ko pa siya hinahanap eh" nakangiti at hinihingal na sabi nito sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa anak ko.

"Nakita ko si Mommy dito...at hinahanap niya din si Tammie buti na lamang at nakita mo siya" sabi ni Thomas.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang nabitawan ang batang iyon. Pero kahit ibinaba ko na siya ay lumapit pa din siya sa akin na tila ba gusto niyang magpakarga ulit.

"Tammie..." malabing na tawag ni Tine sa bata.

"Mommy!" Tuwang tuwang sigaw ni Thomas at kaagad na lumapit kay Cristina.

Napatingin ako sa batang nasa harapan ko. Nakahawak na siya ngayon sa pantalon ko at nakangiting nakatingala sa akin.

"Dad!" sabi nito.

Bumibigat ang dibdib ko. Ang maliit na kamay niyang nakahawak sa akin ay nagbibigay ng kakaibang kuryente sa pakiramdam ko, Kaya naman mas minabuti kong tanggalin ang pagkakahawak niya at tsaka ako lumayo sa kanya ng konti.

"Tammie baby..." malumanay na tawag ni Cristina sa anak. Agad na tumakbo ang anak niya papalapit sa kanya tsaka niya iyon kaagad na kinarga.

Napatingin ako kay Tine pero kita ko ang pagpinta ng sakit sa kanyang mukha.





(Maria_CarCat)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro