Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39


Timothy's Pov

"Daddy why are you smiling?" Tanong ni Thomas habang kumakain kami ng breakfast.

"I'm just happy, baby" nakangiting sagot ko sa kanya.

Napanguso ito. "I want to be happy too..." malungkot niya kaya naman nawala ang ngiti sa aking labi.

"Ano ba ang gusto mo Thomas?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

"I want Mommy...kailan ba siya babalik Daddy? We're rich right? Bakit kailangan pa niyang magwork?" Maluha luhang sabi nito.

"Thomas..."

"Baka ayaw niya lang sa akin...baka hindi niya na ako love" tuluyan ng umiyak ito kaya naman tumayo na ako para kargahin siya.

"Ofcourse not Thomas...love ka ng Mommy mo" pagaalo ko sa kanya.

"No Daddy...hindi niya ako love!" Laban niya sa akin.

Nagpumiglas ito para bitawan ko siya. Kaya naman ng tuluyan ko na siyang binutawan ay tumakbo ito paakyat patungo sa kwarto niya. Naguilty tuloy ako dahil ako, masaya ako ngayon dahil nakita ko si Tine pero si Thomas hanggang ngayon ay nangungulila pa din.

"Thanks, Ma...kailangan ko lang talaga umattend sa meeting, biglaan kasi" pagkausap ko kay Mommy sa telepono habang nagmamadali akong nagbihis.

Kinatok ko si Thomas sa kanyang kwarto at narinig ko ang mumunting hikbi nito. Kaya naman agad na akong pumasok.

"Baby, pupunta si Lola dito...may urgent meeting kasi si daddy" paalam ko sa kanya pero di ito sumagot.

Hinimas ko ang ulo niya kaya naman napabaling ito sa akin. "Ikaw din Daddy, iiwan mo din ako?" Umiiyak na tanong niya.

"Ofcourse not Thomas. Hinding hindi ka iiwan ni Daddy" paninigurado ko sa kanya.

Marami na kaming pinagdaanan na magkasama. Ilang taong ang isa't isa lang ang meron kami. Siya ang kinukuhanan ko ng lakas ng loob sa mga nagdaang taong iyon.

(Flashback)

"Ano ba Timothy! Baka nakakalimutan mong may anak ka pa dito!" Galit na sumbat sa akin ni Kervy habang nasa bahay nila ako at hindi na makausap.

Hindi ko pa din mahanap si Tine kaya naman nagpakalasing ako. Minsan naman ok, pero minsan hindi ko kaya. Maging ang anak ko tuloy ay hindi ko na maasikaso. Minsan nga ay hindi ko na alam kung saan susunduin ito dahil hindi ko alam kung sino ang nagalaga sa kanya o kung saang bahay muna siya tutuloy.

"Ang taas pa din ng lagnat niya" humahangos na sabi ni Grace.

Kahit lasing ay kita ko pa din ang mariing pagpikit ni Kervy. "Eh kung dalhin na lang kaya natin siya sa hospital" suwestyon pa din ni Grace.

"Magtino ka nga Timothy, hindi nakakatulong yang paglalasing mo!" Pangaral pa sa akin nito.

Sa hindi malamang dahilan ay uminit ang ulo ko. "Oo na! Alam ko namang nakakaistorbo na kami ng anak ko eh" sabi ko at tumayo na para sana kuhanin na si Thomas.

"Timothy ano ba yang pinagsasabi mo?" Sabi ni Kervy.

Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy tuloy lamang ako papunta sa kwarto kung nasaan ang anak ko.

"Kukuhanin ko na siya, ako na ang magaalaga...pasencya na at sobra na kaming nakakaabala sa inyo" walang prenong sabi ko.

Mukhang narinig iyon ni Grace kaya kaagad siyang napatayo. "Pero Timothy, nilalagnat si Thomas, dumito muna kayo"

Umiling ako. "Salamat sa pagaalaga mo sa anak ko, Grace" sabi ko at sinubukang kargahin si Thomas ng mapahiyaw ang matandang katulong nila ng tumirik ang mata ng aking anak.

"Diyos ko po, kinukumbulsyon ang bata dalhin niyo na siya sa hospital" sigaw nito.

Hindi ako makagalaw. Nanatili lamang akong nakatayo doon. Pero nagising ako sa katotohanan ng nasanggi ako ni Kervy ng mabilis nitong kinarga ang anak ko.

"Grace tara, dalhin na natin siya sa hospital" nagmamadaking sabi nito sa asawa at mabilis silang nagtungo palabas ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Timothy..." tawag sa akin ni Grace kaya naman kaagad na akong kumilos para sumama sa kanila.

Pagkadating sa hospital ay nahimasmasan na ang aking anak. Sobrang taas na kasi ng lagnat nito. Pero kailangan niyang manatili sa hospital para maobserbahan ng Doctor ng mabuti. Halos mapapikit ako ng mariin ng walang tigil ito sa pagiyak dahil sa pagtutusok sa kanya ng dextrose.

Nakatayo ako habang pinapanuod iyon. Wala naman akong magawa dahil hindi ako pwedeng lumapit. Agad kong naramdaman ang pagtapik ni Kervy sa aking balikat.

"Kayo na lang ni Thomas ang magkasama ngayon. Pero Timothy, tatandaan mo nandito lang kami lagi para sa inyo...wag kang magisip ng kung ano" pagpapaintindi niya sa akin.

Nadala lamang ako ng alak kaya ko nasabi ang mga bagay na iyon kanina. Ni hindi ko nga alam ang gagawin ko kung wala ang mga kaibigan ko.

(End of Flashback)

Napatigil ako sa pagiisip dahil sa ingay ng doorbell at paggising sa akin ni Thomas.

"Daddy may tao po!"

"I'm sorry..." paumanhin ko dahil batid kong kanina pa ako nito tinatawag.

Lumabas ng kwarto para buksan ang pinto. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nanduon.

"Arabelle..."

Ngumiti sa akin. "Timothy, nakiusap si Tita sa akin, nagkaroon din daw kasi siyang agarang lakad kaya ako na lang muna ang sasama kay Thomas" nakangiting paliwanag niya.

Kumunot ang noo ko. "Walang nabanggit si Mommy" sabi ko.

"She's busy kasi...anyway asaan na ba si Thomas?" Tanong niya.

"Ah...I'm sorry, Come in" pagpapatuloy ko sa kanya sa aming bahay.

"Thomas..." tawag ko sa anak ko.

Kaagad itong dumungaw mula sa second floor. "Hi Thomas" nakangiting pagbati ni Arabelle dito.

"Aayusan ko lang siya" paalam ko dito.

Mabilis akong umakyat para liguan at bihisan ang aking anak. "Are you sure, Dad?" Tanong nito kanina pa.

"Yes baby, mabait naman ang Tita Arabelle mo" sagot ko sa kanya.

"Hindi ba niya ako kikidnapin Daddy?" Muli pang tanong nito.

"Hindi baby" nakangiting sagot ko sa kanya tsaka siya hinalikan sa noo.

"Magpakabait ka ok?"

"Yes po, Dad" magalang na sagot nito.

Naabutan namin si Arabelle na nakaupo sa may sala. "Wow Thomas, ang cute mo talaga" puri niya sa anak ko na mabilis din namang nagtago sa likuran ko.

"Don't be scared, hindi naman ako nangangain ng mga bata" pagaalo niya sa anak ko.

"Really?" Tanong ni Thomas na agad namang tinanguan ni Arabelle.

"Do I look like a witch?" Tanong nito kay Thomas.

"No...but I dont like an evil step mother. Or would I say, I don't like a step mother" diretsahang sabi ng anak ko na ikinagulat ko kaya naman agad akong napalunod para pantayan siya.

"Baby, saan mo nakuha iyan?" Malambing na tanong ko sa kanya.

Halos mapatawa naman ako sa kanyang isinagot. "Kay evil grandmother" tukoy niya sa kanyang Lola.

Maging ang tawa ni Arabelle ay nadinig ko din. Nginitian ko na lamang si Thomas tsaka ko ginulo ang buhok niya. "Wag pasaway ok? Wag mong pahirapan si Tita Arabelle" paalala kong muli sa kanya.

Hinatid ko muna sila sa mall na dalawa bago ako dumiretso sa meeting.

"After ng meeting susunduin ko kayo, mag dinner na din tayo after" sabi ko kay Arabelle.

I should atleast treat her a dinner para naman sa effort niya na alagaan ang anak ko ngayon. Agad lumawak ang ngiti nito. Pero nagulat ako ng lumapit ito sa akin at halikan ako sa pisngi.

"Bye..." paalam niya.

Kahit pilit ay ngumiti ako sa kanya. Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko ang nakabusangot na mukha ni Thomas sa akin. Damn. He saw it.

Tine's Pov

"Tinanggihan mo nanaman si Kuya Yohan" sita sa akin ni Thessa kinabukasan.

Nagkibit balikat lamang ako. "Ayoko munang pagusapan yan Thessa. Alam mo namang may anak na ako, tsaka kay Tammie ko gustong ibigay ang buong atensyon ko".

"Try lang naman eh" suwestyon niya.

"Nakakatakot kasi si Yohan eh" nahihiyang sabi ko.

"Yun lang ba talaga?" Naninigurong tanong ni Thessa na para bang may gusto pa siyang malaman na iba.

"Eh...tsaka, ewan hindi ko alam. para kasing may pumipigil sa akin na sumama sa kanya o kaya naman ay pagbigyan yung mga paanyaya niya sa akin" diretsahang sagot ko.

"Try mo din kasi minsan para naman maiba yung tingin mo kay Kuya Yohan. At kung si Kuya Yohan ang makakatuluyan mo wala ka nang magiging problema kay Tammie dahil tanggap naman niya yung anak mo" mahabang litanya ni Thessa.

Napaisip ako, Tama nga naman siya. Sa panahon ngayon iilan na lamang ang lalaking tatanggap sayo lalo na kung may anak ka na. Gusto kong bigyan si Tammie ng kumpletong pamilya, yung mayroon siyang matatawag na Papa, pero hindi ko alam kung paano.

Alam ko naman na kahit papaano ay umaasa pa din ako na darating ang araw na makikilala din namin ni Tammie yung totoo niyang ama. Nakakatawa nga lang dahil ni pangalan nito ay hindi ko alam. Hindi ko rin lubos maisip kung paano kami magkakatagpo na dalawa.

"Bagay din sa kanya yung yellow" sabi ni Thessa habang isinusukat kay Tammie ang kulay yellow na dress.

Nang nabored kasi ito ay nagyaya ito sa mall. Ilang araw na lamang kasi ay sasabak na din siya sa paghahandle ng ilan sa mga hotel nila.

"Mommy..." lumapit sa akin si Tammie at naglahad ng kamay para magpabuhat.

"Napagod na ang baby ko. si Tita Thessa kasi eh" pangaasar ko kay Thessa.

Inirapan lamang ako nito kaya naman napatawa ako pero nagulat ako ng kaagad na may yumakap sa aking paa.

"Mommy!" Umiiyak na sigaw ng bata habang naka yakap sa aking paa.

Lumapit si Thessa para kuhanin sa akin si Tammie. Yumuko ako para pantayan ang batang lalaki. Nagtaasan ang balahibo ko, hindi ko alam kung ano ang kakaibang nararamdaman ko.

"Mommy, finally nakita na kita!" Humahagulgol na sabi nito.

Napatingin ako kay Thessa pero nagulat ako ng makita ko ang kakaibang ekspresyon nito. Gulat pero kita ko ang unti unting pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Thessa..." pagtawag ko sa kanya pero natulala lamang siya sa batang nakayakap sa akin.

"Baby boy..." pagtawag ko sa kanya.

Tumingala siya sa akin. Lumuhod ako para mapantayan siya. "Nawawala ka ba?" Tanong ko.

Kaagad itong umiling. "Mommy umuwi na po tayo...miss na miss ko na po kayo" pakiusap niya sa akin. Kaagad na naantig ang puso ko.

"Pero hindi ako ang Mommy mo" malambing na pagpapaliwanag ko sa kanya.

Mabilis itong umiling. "Kayo po ang Mommy ko!"

Tiningnan ko lamang siya. Agad itong gumalaw na para bang may kukuhanin siya sa kanyang bulsa. Pero bago pa man niya iyon matuloy ay napatigil siya ng marinig siyang boses ng babae.

"Thomas!"

"Mommy iuwi niyo na po ako, sasama po ako sa inyo please po" pakiusap niya sa akin.

"Pero..."

Kita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat. "Sinasabi ko na nga ba, hindi mo na ako love!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo kung saan.

Sumakita ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Sobra din akong nagtaka ng marinig ko ang hagulgol ni Thessa sa aking likuran.

"Damn...pick up the phone" natatarantang sabi ng isang babae.

Hindi ito mapakali. Marahil siya siguro ang Mommy nung bata kanina. Pero napatigil ako ng magsalita ito, hindi ko alam pero may pamilyar na pakiramdam akong naramdaman ng banggitin niya ang mga pangalan.

"Timothy...nawawala si Thomas"











(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro