Chapter 38
Tine's Pov
"Napagod siguro si Baby Tammie sa byahe" medyo paos na sabi ni Thessa.
"Magpahinga ka na din Thessa, ako na bahala sa mga gamit natin" sabi ko dito.
"Hayaan mo na ang mga kasambahay diyan, Andeng. Siguradong pagod ka din, mas mabuti siguro kung magpahinga ka na" suwestyon ni Thessa habang parang zombie na naglalakad patungong kama kung saan natutulog din ang anak ko. Mabilis itong tumabi kay Tammie tsaka ito niyakap.
Pagod ako pero ayokong matulog. Kaya naman ako na ang nagbukas ng mga maleta namin para din pagnagising si Tammie mamaya ay may maisuot siyang mas komportableng damit.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbubukas ng mga maleta ng may kumatok sa may pintuan kaya naman kaagad akong tumayo para pagbuksan iyon.
"Lolo...akala ko po ay nagpapahinga na din kayo, may kailangan po ba kayo?" Tanong ko dito.
"Wala akong kailangan Apo, pumunta lang ako dito para icheck kung ayos na kayo." Nakangiting sagot niya.
Mas lalo kong binuksan ang pinto para sana papasukin siya pero nanatili ito duon sa may pinto lamang. "Natutulog po sina Thessa at Tammie mukhang pagod na pagod talaga sa byahe yung dalawa" nakangiting kwento ko sa kanya.
"Mukha nga, ikaw Hija...hindi ka ba magpapahinga?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Medyo pagod po pero hindi rin naman po ako makakatulog" sagot ko dito.
"Ganuon ba. Oh edi sige aalis na muna ako kailangan ko lang puntahan yung isang hotel natin sa Alabang" paalam niya na kaagad ko namang ikinabahala.
"Pero Lolo, dapat nga po ay kayo ang magpahinga" suwestyon ko dito.
"Ayos lang ako Apo, kayang kaya ko pa ito" pagbibida niya.
"Samahan ko na lang po kayo, Lolo..." sabi ko. Ayoko naman kasi na umalis ito ng magisa at driver lang ang kasama dahil kung minsan ay pinapaiwan niya lamang ito sa parking lot.
"Sigurado ka ba diyan?" Tanong niya na kaagad kong tinanguan.
"Opo Lolo, aayusin ko lang po sandali yung pagkakahiga ni Tammie" paalam ko sandali para siguraduhing hindi malalaglag ang anak ko.
Pagkatapos nuon ay umalis din kami kasama ang isang driver. Marami ding kinikwento si Lolo sa akin tungkol sa mga dinadaanan namin. Nabanggit din niyang kay Thessa pala mapupunta ang hotel na pupuntahan namin ngayon. Ngayon ko lang talaga napatunayan na parang tatlong beses o higit pa na parang nanalo ang pinsan ko sa lotto, pamana pa lang iyon sa kanya. Ang ibang pinsan daw kasi nito ay stable na, kaya naman sila na lang dalawa ni Yohan ang inaasikaso ni Lolo.
"Sa tabi nung hotel na pupuntahan natin ay may bagong tayo na restaurant, pinagawa ko talaga iyon para sa inyo ni Tammarie..." sabi niya.
"Naku po Lolo, hindi niyo na po dapat iyon ginawa. Sobra sobra na po ang natulong niyo sa akin at kay Tammie,. Sobra na po iyon, gayong si Thessa lang naman po ang kadugo niyo" nahihiyang sabi ko.
"Cristina...Apo" tawag niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya at agad na sumalubong sa akin ang matamis niyang ngiti.
"Lahat ng ginagawa ko para sa inyo ay ikinasasaya ko, kaya sana naman ay wag mo ng tanggihan yung mga iyon..." pakiusap niya kaya naman tumango ako.
"Maraming salamat po, Lolo" pasasalamat ko at tsaka yumakap sa kanya.
Sa basement na kami ibinaba ng driver kung saan nanduon ang parking lot. Naglakad kami patungong elevator na kaagad din naman naming sinakyan patungo sa opisina nito. Maganda ang buong hotel. Nakasakay kami sa glass elevator, kaya naman kitang kita namin ang kabuuan nito.
Pagkadating namin sa tamang floor ay kaagad na napansin ng mga nagkukumpulang mga bussiness man din si Lolo na hindi naman nalalayo ang edad sa kanya.
"Fernando..." nakangiting mga bati nito.
Bago tuluyang lumapit ay huminga pa muna ito sa akin ng permiso.
"Sige po, maglilibot libot na po muna ako dito" sabi ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan.
Bumalik ako sa elevator para bumama sa ground floor. Hindi pa man din tuluyang nakakababa ang glass elevator na sinasakyan ko ay natanaw ko na sa baba ang isang lalaking parang hindi mapakali, parehas kasi nitong hinihintay ang pagbukas ng parehong elevator, marahil ay may hinahabol ito.
Medyo nailang ako ng nadako din ang tingin niya sa akin. Kaya naman kaagad kong iniwas ang aking tingin sa kanya. Pero pansin ko ang pagkabato nito, kaya yumuko na lamang ako at hinintay ang pagbubukas ng elevator.
Tumunog ang elevator kaya naman napaayos ako ng tayo, palabas na sana ako ng makita kong nakaharang ito sa elevator.
"Uhm...Excuse me" sabi ko dito.
Pero imbes na umalis at tumabi para makadaan ako ay nanlaki pa ang mata ko ng hawakan nito ang palapulsuhan ko at kaladkarin ako kung saan.
"Kuya, Teka po!" hiyaw ko dito pero kontrolado lang dahil madaming guest.
Nagulat at nabato ako ng marahas ako nitong hinarap at dinuro. "Don't you dare call me Kuya ever again! Do you understand, Cristina!?" Sabi nito na ikinagulat ko.
"Ki...kilala mo ako?" Gulat na tanong ko.
Mas lalo lang tumalim ang tingin nito sa akin at muli hinawakan ang aking kamay pero hindi gaya ng kanina ay halos parang kung anong kuryente ang naramdaman ko.
Sandali akong tumahimik, pero ng makalabas at makarating na kami sa basement ay hindi na ako nakapagpigil muli.
"Teka...saan niyo po ba ako dadalhin!?" Hiyaw ko habang kinakaladkad ako nito sa gitna ng parking lot. Hindi ako nito pinansin dahil mukhang hinahanap niya ang kanyang sasakyan.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasadan ang itsura nito. Ewan pero parang may kakaiba talaga ang nanaramdaman ko ngayon. Lalo na pag ang kulay brown niyang mata ay nakatitig sa akin, sabayan pa ng medyo mahaba niya ng buhok na sumasabay sa bawat paggalaw at minsang paglingon nito sa akin.
Nagising ako sa kahibangan ko ng tumunog ang isang kulay itim na ford everest. Agad niya akong hinila patungo duon. Dapat ay sumisigaw na ako ng tulong ngayon para maagaw ko ang pansin ng mga guards na nagroround at naka base dito sa parking lot pero ewan ko ba kung bakit parang wala akong laban sa lalaking ito na hindi ko naman kilala.
Nanatili akong nakayuko at tahimik habang nakaupo sa kanyang passenger seat. Gusto kong umalis pero wala akong lakas. Para akong isang yelo na unti unting natutunaw sa tabi ng lalaking aking katabi.
"Damn. Timothy, wrong move..." dinig kong frustrated na bulong nito habang nakasubsob sa kanyang manibela.
Ngayon ko lang napansin na nasa mga early 30 na siguro ito. Sayang naman at baka may asawa na ang isang ito. Agad akong napailing, damn it Cristina ano ba yang iniisip mo.
"Look...I'm sorry" basag nito sa katahimikan at ngayon ay presko nang nakaupo.
"Uhm...bakit mo ba ako dinala dito? Tsaka bakit mo ako kilala?" Nahihiyang tanong ko.
Timothy's Pov
"Uhm...bakit mo ba ako dinala dito? Tsaka bakit mo ako kilala?" Nahihiya at medyo naiilang na tanong niya.
Napatulala ako sa kanya. She's still my Tine. Still have that innocent and angelic face that really captures my attention the first time we met. Napaiktad ako ng pumitik ito sa aking harapan.
"Ayos ka lang po ba?" Tanong niya.
"Wag mo na akong i-po. Hindi naman malaki ang agwat ng edad nating dalawa" sita ko sa kanya.
Napatango tango ito. "Pero bakit mo ba ako dinala dito? Kilala mo ako? Bakit nagkautang ba ako sayo dati?" Tuloy tuloy na tanong nito.
"Sorry...napagkamalan lang siguro kita" palusot ko na ikinalaki ng mata niya na para bang hindi siya naniniwala.
"Napagkamalan? Pero kilala mo ako..." nakangising sabi pa niya.
Mariin akong napapikit. Damn, Timothy gamitin mo naman ang utak mo!
"Tinanong ko sa isang staff kanina kung sino ka, kasi kala ko talaga ikaw yung kakilala ko. Sabi niya Apo ka daw ng may ari" kwento ko pa.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sumangayon ito. "Hindi kami magkadugo, tinuturing lang akong Apo ni Lolo Fernando dahil sa pinsan ko, tsaka likas talaga sa kanya iyon, ang matulungin at mabait." kwento niya.
Nakikinig ako sa kanya pero sumasabay na nagproproseso ang lahat ng mga bagay bagay na gusto kong gawin ngayon lalo na at kaharap ko na si Cristina. Halos umurong ang dila ko, ang lakas ng loob na matagal ko ng inipon para sa muli naming pagkikita ay hindi ko na mahanap ngayon.
Sabi ko noon, sa oras na makita ko siya ay yayakapin ko siya, hahalikan at kaagad na iuuwi sa bahay para makita na siya ni Thomas. Pero ni hawakan kahit ang kamay man lang nito ay hindi ko magawa. Natatakot ako na baka sa isang pagkakamaling galaw ko lang ay matulad nanaman kami sa dati.
Kaya naman kaagad akong nakabuo ng isang magandang plano sa aking isipan. Kakaibiganin ko siya, liligawan tsaka ko unti unting aaminin sa kanya ang lahat lahat.
"Sorry talaga Cristina, hayaan mo at babawi ako sayo" sabi ko sabay labas ng cellphone ko. Go Timothy, para ka lang babalik sa pagkabinata na liligawan yung crush mo.
"Can I have your number?" Lakas loob na sabi ko.
Nakangiti itong nakatingin sa akin na para bang natutuwa siya sa mga pinaggagagawa ko.
"Para saan? Naku ha! Strikto ang Lolo ko!" Pangaasar niya sabay tawa.
Gusto kong makitawa sa kanya pero kinakabahan talaga ako. Pinagtawanan lamang ako nito at mukha atang walang balak ibigay sa akin ang number niya. Damn it, Timothy! Think!
"Kung ganon, can I invite you for dinner? Maybe tonight...kung wala ka namang gagawin" kabadong tanong ko.
Kung nakikita lamang siguro ako ng mga gago kong mga kaibigan ay katakot takot na pangaasar ang maabot ko sa mga iyon.
"Uhm...hindi ako sure" paghingi niya ng umanhin.
Nagkibit balikat ako. Sa akin pa rin ang huling halakhak. "Then give me your number para naman malaman ko kung kailan ka pwede" nakangiting sabi ko sabay abot ng cellphone ko.
Napailing iling ito habang kinukuha ang aking cellphone. "You got me"
Yes baby...I got you. At hinding hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit.
"Cristina..." pormal na pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.
Kaagad kong tinanggap ang kamay niya. "Call me TJ" nakangiting sabi ko.
Hindi ko hahayaang makontrol nanaman nina Yohan at ng pinsan niyang si Thessa ang plano ko ngayon para sa amin ni Tine.
Tine's Pov
Nagtataka si Lolo dahil halos malaki daw ang ngiti sa aking labi at namumula ang aking pisngi.
"Anong nangyari dito Lolo?" Tanong ni Yohan sabay turo sa akin pero hindi ko siya pinansin tuloy tuloy lang ako paakyat ng hagdan.
Nasa byahe pa lamang kami pauwi ay nakatanggap na ako ng message kay Tj tungkol duon sa alok niyang dinner. May venue tsaka oras na, Oo ko na lang daw ang hihintayin niya kaya naman hindi ko alam kung paano ako sasagot na oo. O hindi kaya naman ay tama bang sumama ako sa kanya gayong ngayon pa lamang kami nagkakilala.
Papasok na sana ako sa kwarto ng magulat ako ng may humigit sa aking braso.
"Cristina, yayayain sana kitang magdinner mamaya" lakas loob na sabi ni Yohan.
"Ha eh...may lakad na kasi ako mamaya" paliwanag ko na nagpakunot ng noo niya.
"Saan? Sino kasama mo?" Mabilis na tanong nito.
Hindi ko siya magawang sagutin. Hindi ko magawang sabihin na mas gusto kong sumama na magdinner sa lalaking kanina ko lang nakilala kesa sa kanya na matagal ko ng kasama.
"Ka...kaibigan" maikling sagot ko lang.
Nakatitig lamang ito sa akin na para bang may hinihintay pa siyang sabihin ko.
"Sorry Yohan, nauna kasi siyang magyaya sa akin" paumanhin ko.
"Next time then?" Tanong niya.
Hindi ako makasagot. Oo o hindi lang ang isasagot ko pero hindi ko magawa.
"I'll see..." nahihiyang sabi ko sa kanya dahilan para makita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat.
"You look beautiful tonight" salubong sa akin ni Tj ng magkita kami sa may restaurant na nagulat ako dahil pinabook niya ang buong restaurant na iyon para sa aming dalawa lamang.
"Thank you..." nahihiyang sagot ko. Pero ayan nanaman ang mga paru paru sa tyan ko ng hawakan nito ang aking kamay at iginaya ako nito patungo sa lamesa.
Naiilang ako sa tingin nito habang kami ay kumakain. Pero hindi pa din kasi mawala sa isip ko kung bakit nga ba ako nandito at kasama siya, gayong kay Yohan ay hirap na hirap akong pagbigyan ang alok niya sa akin.
"Eat up, wag kang mailang sa akin." Nakangising puna niya.
Napatango ako at tsaka mabilis na sumubo. "Buti at nakapunta ka" pagsisimula niya.
"Pinayagan ako ni Lolo dahil matagal na din naman akong hindi nakakalabas ng bahay kahit nung nasa US pa kami" kwento ko.
Napatango lamang ito tsaka uminom ng wine. "Eh...ikaw? Teka wala bang magagalit sa ginagawa natin?" Tanong ko dahil baka mamaya ay hindi ko pala alam itong pinapasukan ko.
"Bakit ano bang ginagawa natin?" Nakangising tanong niya na may bahid ng pangaasar.
"Wa...wala naman, baka kasi mamaya niyan magselos yung girlfriend mo, o baka naman may asawa ka na" sabi ko na lalo lang nitong ikinatawa.
Umiling lang ito na para bang ipinapahayag niya na wala akong dapat ikabahala.
"Teka sino ba yung inakala mong ako? Pero sa totoo lang naguguluhan talaga ako eh...medyo magulo talaga" sabi ko dahil para atang naging mabilis ang lahat, pero mas lalong naging magulo ang lahat sa akin sa sumunod nitong sinabi.
"Don't worry, Honey. We still have a lifetime para ayusin at linawin ang mga bagay bagay"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro