Chapter 37
Tine's Pov
"I think it's better kung umuwi na tayo ng pilipinas" anunsyo ni Don Fernando habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan.
Narinig ko ang pagbagsak ng kubyertos ni Yohan. Tsaka ko nakitang nagkatinginan sila ni Thessa. Hindi ko alam kung ano ang problema nila pero napansin ko these past few days eh parang palagi silang may inililihim na dalawa, minsan nga ay naabutan ko silang naguusap at pag nakita nila ako ay agad din namang maghihiwalay.
Napapunas ng bibig si don fernando. "Ayokong dito sa America mamatay, gusto ko sa Pilipinas"diretsahang sabi nito.
"Lo!" Daing ni thessa sa kanya.
"Kaya nga ay umuwi na tayo duon. Mas magaan ang pakiramdam ko sa Pilipinas mga apo, mas gusto ko duon" mariing pagpapaliwanag pa nito.
"Pero Lolo..." pagtanggi sana ulit ni Yohan.
"Kung sino ang gustong sumama sa akin pauwi ng Pilipinas sumama, ang gustong maiwan dito maiwan" sabi nito at tumayo para sana umalis duon pero agad akong tumugon para tulungan siya.
"Lolo...kung saan po kayo duon kami ni Tammarie" sabi ko dito na naging dahilan para mapatayo yung dalawa.
"No, Cristina" sabi ni Yohan na ikinakunot ng aking noo.
"Ba...bakit anong problema?" Naguguluhang tanong ko.
Mariin itong napapikit. "It is better if we stay here. Please, Lolo..." pakiusap pa niya.
Nakita ko ang paghigpit ng hawak ng matanda sa kanyang tungkod. "If you are afraid na malaman niya ang totoo, pwes Apo dapat intindihin mong wala kang karapatang kontrolin iyon. Kung malaman niya ang totoo edi malaman niya, malay natin iyon ang makakatulong sa kanya" mahabang sabi ng Don na hindi ko naman gaanong naintindihan kung sino ang kanilang tinutukoy.
"Kung sino ang gustong sumama sa akin, magimpake na ng gamit. Ang ayaw umalis dito, maiwan kayo. That's final" pinal na sabi nito at tuluyan na kaming iniwan kahit pa dumadaing pa din ang dalawa.
Napatingin ako sa mga ito at kita ko ang kanilang pagiging problemado. Hindi ko alam kung ano ba ang kinakatakutan nilang dalawa.
"Mommy..." pagtawag ni Tammarie sa akin.
Binalingan ko ito at duon ko nakita ang nagkalat na sauce ng spaghetti sa kanyang pisngi at damit.
"Mommy, I'm sorry" nakangusong paguna nito. Natakot ito marahil dahil baka magalit ako sa kanya kaya nauna na siyang humingi ng tawad.
Napangiti na lamang ako tsaka ako tumungo sa kanya. Binuhat ko siya at tsaka kinandong.
"Can't eat this" pagmamaktol nito dahil hindi man lang niya makagat ng maayos ang hawak na fried chicken.
Natawa ako tsaka siya tinulungan sa pagkain. Hindi ko na pinansin sina Thessa at Yohan pagkatapos ng mga nangyaring iyon. Ibinigay ko na lamang ang buong atensyon ko sa aking anak.
"Mommy, Tammie loves you" malambing na sabi nito at ikinulong ng maliliit niyang kamay ang aking pisngi para kanyang halikan.
Pumupungay na ang mga mata nito, tinatapik ko kasi ito habang pinapatulog. "Love na love ka din ni Mommy, baby..." tugon ko sa kanya at hinalikan ko ang kanyang noo.
Namulat ako habang nararamdaman ang kakaibang sakit. Napaupo ako at ganuon na lamang ang gulat ko ng may isang matanda ang nasa pagitan ng aking mga hita, kaagad akong nangamba pero di ko magawang humingi ng tulong dahil sa kakaibang sakit na nanangagaling sa aking sinapupunan.
"Siguradong masakit ito, Hija. Lalo na't wala itong anesthesia. Pero siguradong mapapawi ang lahat ng sakit at pagod mo pagnarinig mo na ang iyak ng iyong anak" sabi niya sa akin habang inihahanda yung mga gamit niya sa may paanan ko.
"Isa, dalawa, tatlo...Ire!" utos niya.
"Ayoko na po!" hiyaw ko matapos ang mahabang pag-ire.
"Sige pa, Hija. Kaya mo yan! Nakikita ko na ang ulo niya"
Isang mahabang pagire nanaman ang aking ginawa. Halos malagutan ako ng hininga sa aking nararamdaman. Naliligo na din ako sa aking sariling pawis. Ilang mga ire pa ang aking ginawa bago ang pinakamatagal at huli. Pagkatapos ay narinig ko na ang mumunting iyak ng isang sanggol.
"Ito na ang baby mo" nakangiting sabi niya sa akin at dahan dahan iyong inilipat sa akin.
Wala akong nagawa kundi halikan ang noo nito. Maputi siya at medyo mapula. Lalo na ang matambok nitong pisngi.
Nakapikit lamang ito ngunit mahinang humihikbi.
"Nagugutom na siguro siya. Kaninang madaling araw ay umiyak na din siya, Kaya naman binilhan na lang namin siya ng gatas. Mas maganda kung I-breastfeed mo na siya ngayon" nakangiting sabi nito
Tumango ako at iniayos ang aking damit. Naninibago man dahil sa mga nangyayari sa akin ay masaya naman ako. Sobrang saya ko.
Nang mukhang nakatulog na siya ay hindi ko pa din maialis ang tingin ko sa mukha niya. Alam kong masyado pang maaga para makita ng lubusan kung sino ang kamukha niya pero pamilyar na mukha ang nakita ko dito.
"Anong ipapangalan mo?" tanong sa akin ng hindi ko kilalang babae.
"Christian Thomas" nakangiting sagot ko.
"Andeng!"
Nagising ako sa malakas na sigaw ni Thessa sa akin. Habol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa aking tabi at duon ko nakita ang anak kong umiiyak.
"Tinakot mo kami, Andeng" himutok ni thessa.
Agad na lumapit sa akin si Tammarie at niyakap ako. "Mommy, Tammie is scared..." humihikbing sumbong niya.
Iginala ko ang aking paningin at duon sumalubong sa akin ang mga nagaalalang mukha nila Yohan, Don Fernando at ni Thessa.
"Na...nanaginip ako" wala sa sariling kwento ko.
"Ano?" Si Yohan na ang nagtanong.
"Christian Thomas, may kilala ka bang ganon?" Tanong ko dito, pero nanlaki lang ang mata nito at nabato.
"Wala" diretsahang sagot niya.
Napatingin kaming lahat sa kanila. Pero kita ko ang pagiling ni Don Fernando. "Sigurado ka, Apo?" hamon niya dito.
"Lo..." Pagtawag ni Yohan sa kanya.
"Hindi ko inaakalang ganuon niyo na lamang nakalimutan si Thomas. Kung bumalik man ang alaala ni Cristina, hindi ko alam kung mapapatawad niya pa kayo sa mga kasinungalingan niyo" sabi nito na nagpabato din sa akin.
Timothy's Pov
"Buti pa yung batang yon sinusubuan siya ng Mommy niya" himutok ni Thomas habang kumakain kami sa restaurant.
"Si Daddy na alang ang susubo sayo" pagaalo ko sa kanya.
Bumaling ito sa akin ng nakasimangot. "I don't like, Dad!" suway niya sabay subo ng kanyang meat balls.
"All I want is to have a Mommy. Every night, I pray to God. Every christmas, I leave a letter in my socks to gave it to santa" malungkot na kwento ng aking anak.
"Thomas, promise ni Daddy papauwiin ko na si Mommy" paninigurado ko dito.
"Again" Sarcastic na sabi nito.
Naging mas tutok ako kay Thomas at sa pagaasikaso ng mga bagong bussiness namin. Pati sa aking mga kaibigan ay nakipagbussiness partner din ako. Pero sa kabila ng lahat ng iyon iisa lang naman talaga ang gusto kong pasukin.
"Anong hangin ang nalanghap mo at gusto mong pasukin ang negosyong ito?" Natatawang tanong sa akin ni Matteo habang busy sa mga documento sa kanyang harapan.
"I just want to try new, anong masama duon?" Sagot ko sa kanya habang prenteng nakaupo sa sofa sa kanyang opisina.
Sandali ako nitong tinapunan ng tingin pero mabilis din niyang inalis iyon sa akin.
"May bago kaming ipapatayong hotel sa bagong resort nila Kervy, kung gusto mo duon kita ilalagay." Suwestyon niya.
Nakangisi at mariin akong napaiiling. "Ayoko duon Matteo. I want to invest in your Alabang branch" matapang na sabi ko.
"That's not mine, sa pinsan ko iyon" tuloy tuloy na sagot niya habang busy pa din sa mga documento sa kanyang harapan.
"Kaninong pinsan?" Tanong ko pa.
Akala ko ay mahihirapan akong paaminin ang isang ito, I never thought na ganoon kadali lang siya madudulas sa aking harapan. Although matagal ko ng sinusubukan ito ngayon lang ako nakahanap ng magandang tiempo.
"Kay Theresa..."
Gotcha!
"Damn! Putangina ka, Timothy!" himutok nito pero natatawa lamang akong lumabas sa kanyang opisina.
Siguradong halos mamula na iyon sa sobrang galit dahil naisahan ko siya.
"Where are we going Dad?" Tanong ni Thomas habang binibihisan ko siya.
"Kay Lola, she invite us for dinner" sagot ko dito.
Napanguso ito at natahimik. Kahit sa byahe ay nilalalaro na lamang niya ang kanyang laruang sasakyan.
"We're here" anunsyo ko sa kanya.
Ako na ang nagtanggal sa kanyang seatbelt.
"Hey baby, cheer up" pagpapagaan ko sa loob ng aking anak.
Tipid itong ngumiti para ipakita sa akin na ayos lang pero alam kong hindi at napipilitan lamang ito.Hawak ko ang kamay ng aking anak ng pumasok kami sa restaurant na sinabi ni Mommy.
"Timothy, Thomas" pagbati nito at kaagad kaming hinalikan.
Nagulat ako ng inanunsyon nitong may hinihintay pa kami kaya naman binigyan muna kami ng waiter ng drinks.
"Ang gwapo talaga nitong apo ko" nakangiting puna ni Mommy sa nakayukong si Thomas.
"By the way, Mom sino ba ang hinihintay natin?" Tanong ko.
Sasagot pa lamang sana ito ng kaagad ng sumilay ang malaking ngiti sa kanyang labi, Tila ba may nakita siyang isang importanteng tao sa aking likuran.
"Arabelle...there you are, you're so beautiful, Hija" pagbati nito sa kararating lamang na babae na may mahabang buhok at mala modelo ang katawan at tindig.
"Ofcourse Tita. Alam mo namang I can't resist you" pambobola nito kay Mommy.
"By the way, Arabelle. This is my son, Timothy." Pagbaling sa amin ni Mommy.
Sumilay ang mas lalong malawak na ngiti nito ng matingin sa akin. And because I am a gentleman, I offer a shakehands.
"Timothy. Nice to meet you, Arabelle" pakikilala at pagbati ko sa kanya.
"Nice meeting you too..." pagtugon nito.
Kumunot ang aking noo ng medyo hindi niya binitawan ang aking kamay. Nagtaas ako ng kilay doon. Imbes na salubungin pa ng matagal ang malagkit na tingin niya sa akin ay nilingon ko na si Thomas.
"And by the way this is my son, Thomas" pagpapakilala ko sa aking anak.
Halos gusto kong matawa sa kanyang naging reaksyon at ang biglaang pagbitiw niya sa aking kamay.
"Oh. I thought he's just your younger brother" hindi malamang sagot niya.
Hindi ko alam kung insulto ba yon, pero mukhang nakatuwaan naman ni Mommy. "Ikaw talaga hija..." natatawang suway sa kanya nito.
But it's not funny for me. "Ofcourse not, this is my son" mariing pagpapaintindi ko muli sa kanya.
Pilit na ngiti na lamang ang naisukli nito. Buong dinner ay papalit palit ang tingin nito sa akin at kay Thomas. I can read dismay in her face and I don't feel sorry for her. Mahalaga sa akin ang aking anak.
"I'm sorry, baby. I know you didn't enjoy the dinner" paumahin ko sa aking anak pagkauwi namin sa bahay.
"It's fine dad, as long as we're together" sabi nito na nagpapantig sa aking puso.
Napapangiti ako habang naglilibot sa hotel ng pinsan ni Matteo na gustong kong maginvest. Kausap ko kasi si Matteo at kanina pa ako napapatawa sa mga daing nito.
"I think your already insane Timothy" akusa niya.
"Pumunta ako dito para magnegosyo, tarantado!" Natatawang balik kong sabi sa kanya.
"Ginamit mo lang ako walanghiya ka! Kunwari pang bibisitahin ako sa opisina eh, gusto mo lang madulas ako para mahanap mo si Cristina."
Humarap ako sa glass elevator nila para bumaba sa basement papuntang parking lot. Busy ako sa pakikipagusap kay Matteo ng umakyat ang isang elevator galing parking lot at hindi man lamang ito huminto sa aming palapag.
Halos mabato ako ng maigi kong sinipat ang sakay nito. Halos mabitawan ko ang aking cellphone ng mapansin ang pamilyar na mukha ni...
"Cristina..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro