Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36


After 5 years

Nakatanaw ako sa mga batang lumalabas sa gate ng paaralan. Hawak sila ng kani-kanilang bantay. Napaayos ako ng tayo ng makita ko na ang aking hinihintay.

"Daddy!" Tawag nito at tumakbo patungo sa akin. Naglahad ako ng kamay para salubungin siya.

"How's school?" Malambing na tanong ko dito.

"It's fine, Dad. And look..." taas niya sa kamay niyang may tatak na star.

"Wow! ang galing talaga ng baby ko, anong gusto mong reward?" Tanong ko.

Mabilis itong pumalakpak. "Fries!" sigaw niya.

Dinala ko siya sa pinakamalapit na fastfood para bilhan ng fries. Iniwan ko siya sa isa sa mga table at ako na ang pumunta sa counter para umorder. Pagkatapos umorder ay bumalik na din ako kaagad pero kumunot ang aking noo ng makitang halos mabali na ang leeg ng anak ko sa kakalingon.

"Thomas, sinong hinahanap mo?" Tanong ko.

Ngumuso ito at tumingin sa hawak niyang litratro, para akong nanghina dahil sa paulit ulit na senaryong ganito.

"May nakita akong kamukha ni Mommy" malungkot na saad niya.

Umupo ako sa kanyang tabi. Simula ng magkaisip ang anak namin ay hindi ko ipinagkait sa kanya na makita si Tine, kahit sa litrato lang. Halos limang taon na din at hindi man dapat ay halos mawalan na kami ng pagasa na mahanap pa namin siya. Kung gagamit ng kapangyarihan nila Don Fernando ay sigurong kayang kaya nilang harangin lahat ng nais kong makuhang impormasyon.

"Daddy...kailan po ba uuwi si Mommy? Palagi niyo naman pong sinasabing uuwi siya pero hindi naman"

"Thomas, nagusap na tayo tungkol diyan diba?"

"Family day na namin next week, aasarin nanaman ako ng mga classmate ko dahil wala akong kasamang Mommy" mangiyak ngiyak na dugtong niya.

Bumigat ang aking dibdib. Inaamin kong kasalanan ko, naging tanga ako, gago at mahina. Ni hindi ko man lang napanindigan lahat ng responsibilidad ko bilang isang lalaki, ama at asawa para kay Tine.

"Malapit ng dumating si Mommy" labas sa ilong na sabi ko dahil ito nanaman ako magsisinungaling sa anak ko habang ako din ay umaasa na sana nga makita na namin ulit siya.

"Nanaman..." pagsagot niya na may kasama pang paghalukipkip.

Natawa na lamang ako sa naging reaksyon nito at ginulo ang buhok niya. "Wala ka na sa mood, edi ayaw mo na nitong fries mo?" Pangaasar ko pa.

Mabilis niyang kinuha ang fries. "Sa bahay ko na lang po ito kakainin Daddy, ayoko na po dito" yaya niya sa akin samantalang hindi pa din ako tinitingnan na wari mo'y galit siya sa akin.

Hindi ako nito pinapansin sa buong byahe. Sunod sunod naman ang subo niya sa fries na hawak.

"Daddy, music please..." request nito.

Binuksan ko ang aking cellphone na naka connect sa speaker. Nakashuffle ang mga kanta kaya naman ililipat ko na lang sana sa iba pero pinigilan ako nito.

"Wag ng palipat lipat Daddy..." suway niya sa akin.

Naiinis kasi ito minsan pag hindi ako nakakatapos ng kanta dahil sa paglipat ko nito. Humahanap lang naman ako ng kanta na pwede sa kanya,yung bang appropriate para sa edad niya sana.

Hinayaan kong magplay ang kantang Superman na sinasabayan ni Thomas kahit hindi niya kabisado ang lyrics.

Napatingin ako sa labas ng bintana at napangiti, naalala ko tuloy si Kervy ng kinanta niya ito kay Grace para lang mapatawad siya. Napaisip tuloy ako, kung dumating kaya yung oras na magkikita kami ulit ni Tine, ano kayang kanta ang pwede ko ding kantahin para sa kanya?

"Wani." agad na sambit ni Thomas pagkadating namin sa bahay.

Mabilis na lumapit sa kanya ang alagang aso. Mabalbon ito at napakaamo ng mukha. Binuhat ito ni Thomas na parang laruan at kinarga patungon sa kanyang kwarto.

"Sir Timothy, ihahanda ko na po ba ang tanghalian niyo ni Thomas?" Tanong ng isa sa mga kasambahay namin.

"Oo, bibihisan ko lang si Thomas bababa na kami" sagot ko dito.

Mabilis akong umakyat patungo sa kwarto ni Thomas. Magkatabi ang kwarto namin at may pintong nagkokonekta dito.

"Wag Wani! Ang bad mo!" galit na sigaw ni Thomas mula sa loob ng kanyang kwarto.

Naabutan ko itong tinutulak ang kanyang alagang aso pababa sa may kama. Lumapit ako dito at mas lalo kong nakita ang tuloy tuloy na pagagos ng luha nito.

"Anong problema Thomas?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Kinuha ko muna ang kanyang aso at ibinaba sa may kama. Pagkatapos ay tumabi ako sa kanya at inalo siya.

"Daddy...gustong kainin ni Wani yung picture ni Mommy" humihikbing sabi nito at itinaas ang litrato ni Tine.

Nalukot at may punit na ang picture. Simula nung araw na ibinigay ko sa kanya iyon ay hindi niya na nagawang bitawan pa, kahit saan siya magpunta ay dala niya iyon.

"Papaayos na lang ulit natin yung picture ni Mommy, ok?" pagaalo ko.

"Talaga, Daddy?" Paniniguro niya.

Agad ko siyang hinalikan sa ulo. "Oo, papagawa natin ulit yan"

Pagkatapos naming magtanghalian ay pinatulog ko ito. Kailangan ko din kasing umalis para pumunta sa bar. Hindi ko din naman pwedeng pabayaan yung negosyo namin at mas lalong hindi ko pwede isama duon si Thomas.

"Hindi naman sa sinasabi kong kalimutan mo na si Tine, pero Timothy halos limang taon na, kung gusto ka talagang balikan ni Tine dapat matagal na" pangaral sa akin ni Matteo.

Hindi ako sumagot nanatili ang aking mga mata sa baso ng alak na hawak ko.

"Matagal ng naghahanap si Thomas ng kumpletong pamilya. Hindi ka ba naaawa sa anak mo?" Dugtong pa niya na nagpakunot sa noo ko.

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin Matteo?" Medyo iritadong tanong ko.

Napangisi ito at napailing. "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin" sagot niya na mas lalo kong ikinainis.

"Putangina sabihin mo nga!" Galit na hiyaw ko sa kanya pero hindi man lang ito naapektuhan.

"3 years ago, bumalik si Yohan dito at gusto niyang kunin si Thomas. Pero hindi mo binigay diba? Tinanong mo siya kung nasaan si Tine pero hindi niya sinabi sayo"

"Sinabi niyang masaya na si Tine, masaya na sila ni Tine. Nakalimutan ka na niya at si Yohan na ang mahal niya ngayon. Wag mo ng paniwalaiin ang sarili mo na babalikan ka pa niya, pati ang anak mo ay niloloko mo" Sumbat nito sa akin kaya naman wala na akong ibang nagawa pa kundi ang ibato ang basong hawak ko.

"Putangina Matteo, babalikan niya ako!" sigaw ko dito.

"Kung gusto niyang makasama ang anak namin. Pwes balikan niya ako!" Matigas pang dugtong ko.

"Wag kang selfish, Timothy. Kung masaya na si Tine kay Yohan hayaan mo na siya" seryosong sabi nito.

"Babalikan niya ako...babalik siya sa akin" paninigurado ko sa kanya at aalis na sana ako ng may idinugtong pa siya.

"Pero sabi ni Yohan..."

"Ang putanginang Yohan lang na yon ang nagsabi, pero hindi si Cristina!" sigaw ko sa kanya dahilan para mapatahimik siya.

"Hindi kaya masyado ka nang unfair niyan, Timothy?" Mababang tonong tanong niya.

"Halos lahat naman masama na ang tingin sa akin eh, bakit hindi ko na lang panindigan diba?"

Sobrang higpit ng hawak ko sa manibela habang nagmamaneho ako pauwi. Unti unting bumalik sa akin ang mga sinabi ng walang hiyang Yohan na iyon na pilit kong kinakalimutan hindi ko pinaniwalaan.

Masaya na daw sila ni Tine, bumalik na daw ang alaala nito at siya na ngayon ang mahal. Nakalimutan na daw niya ako at hinding hindi na babalikan.

Kaagad may namuong galit sa aking sistema. Hindi dapat pero kusang nabuo. Kukuhanin ko si Cristina, sa oras na makita ko siya sisigiraduhin kong akin lang siya, wala siyang kawala.

Tine's Pov

"Tammie, Baby..." tawag ni Thessa.

"Si Tita Thessa, andyan na si Tita Thessa" nakangiting pagkausap ko sa aking anak.

Mabilis kong inilapag ang hawak naming story book at agad siyang umalis sa pagkakakandong sa akin.

"Tata!" sigaw nito at nagtatakbong sinalubong si Thessa.

Napairap dahil may bago nanaman siyang dalang laruan para sa anak ko.

"Hindi ba sabi ko sayo wag mong ini-spoiled masyado yang si Tammie" pagkuha ko ng atensyon niya.

Ako naman ang inirapan niya ngayon. "Napasungit naman nito, hindi ko naman papabayaran sayo itong mga laruang ito eh!" Balik na pangaasar niya sa akin.

Pinabayaan ko na lamang silang dalawa. Minsan nga ay nagseselos na ako dahil lagi silang magkasama at halos mas close pa siya sa Tita Thessa niya.

"Tammie..." tawag ko sa kanya.

"Mom..." nakangusong sagot niya.

"Let's sleep na" paganyaya ko sa kanya pero hindi ito gumalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Tammarie" tawag ko sa buong pangalan niya. Alam niyang medyo galit na ako kaya naman agad itong yumakap sa akin.

Ginantihan ko ang kanyang yakap at kinarga. "You need to sleep, baby..." malambing na sabi ko dito na kaagad naman nitong tinanguan. Sumiksik ito sa aking leeg habang papunta kami sa kwarto.

"Matutulog ka na Tammie?" Harang sa amin ni Yohan.

Tumango ang aking anak dito. "Good night" nakangiting sabi ni Yohan.

Ngumiti ang anak ko kahit pumupungay na ang kanyang mga mata. "Night..." maiksing sabi na lang niya at sumubsob ulit sa aking balikat.

"Sige...matutulog na kami" paalam ko din dito.

Ngumiti siya sa akin at bahagyang lumapit. "Good night..." sabi niya at tinangkang hahalikan ako sa ulo ng umiwas ako.

Mabilis akong tumalikod at dumiretso sa kwarto ni Tammie. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako sa kanya. Kahit matagal na kaming magkasama sa isang bahay ay parang hindi pa din ako comportable sa kanya.

Bumait siya nung ipinagbubuntis ko pa si Tammie. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang pansin at tanggapin iyon.

"Good night na baby" sabi ko dito at hinalikan ang noo niya.

Mabilis din naman itong nakatulog dahil na din siguro sa pagod sa paglalaro. Sandali ko muna itong tinabihan. Napatulala ako sa kisame at agad na bumuhos sa akin ang lahat ng alaala kung paano nangyari si Tammie.

(Flashback)

"Sumama ka na Andeng. Minsan lang naman ito" yaya sa akin ni Thessa.

"Mas makakabuti siguro Apo kung magpapahinga na lamang dito si Cristina" si Don Fernando.

"Lolo mas bibilis ang recovery ni Andeng kung makikipagsalamuha siya sa ibang tao at hindi lang magkukulong dito" laban pa ni Thessa.

Sa huli ay wala din kaming laban sa kanya, siya pa din ang nasunod. Malakas ang loob nito ngayon dahil wala ang pinsan niyang si Yohan.

Bago kasi kami pumunta sa america ay dumaan muna kami dito sa Koronadal south cotabato. May ilang bussiness pa kasi silang inayos dito bago namin iwan ang bansa.

Halos manibago ako sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Thessa. Halos lahat ata ng nandito ay umiinom. Maingay din ang lugar at marami ang nagsasayawan sa gitna ng dancefloor. Kasama ni Thessa ang iba pang mga kaibigan kaya naman napili kong magpaiwan na lamang sa table namin.

Pero nakaramdam ako ng uhaw. Walang pasubali kong tinunga ang dalawang baso na mukhang tubig naman ang laman na nakapatong sa may lamesa sa aking harapan. Halos maduwal naman ako pagkatapos dahil sa kakaibang init na naramdaman ko sa aking lalamunan. Nagkamali ata ako dahil hindi ata tubig ang laman non.

Hindi ko na alam ang buong pangyayari basta ang natatandaan ko na lamang ay may tumulong sa aking isang lalaki. Isinakay ako sa kotse niya at dinala kung saan. Dahil wala sa sarili ay nagising na lamang ako isang umaga na nakabalot na lamang ng puting kumot ang aking hubad na katawan. Medyo masakit ang gitna ng aking mga hita dahil na din sa nangyari kagabi.

Nakatalikod sa akin ang lalaki kaya naman hindi ko nakita ang mukha. Kahit masakit ang aking ulo ay nagmadali akong kumilos para makaalis duon. Hindi ko na nga nagawa pang maligo dahil sa pagmamadali. Nakita ko ang wallet niya at kinuha ko ang lahat ng cash. Hindi ko alam kung nasaan ako kaya kailangan ko ng pera para makauwi.

(End of Flashback)

Nang mapansin kong malalim na ang tulog ng aking anak ay napagpasyahan ko ng lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina at duon ko nakita si Thessa na kumakain ng kung ano habang nanunuod ng Tv.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko.

"Ikaw bakit gising ka pa?" Balik na tanong niya din sa akin tsaka tumawa.

"Thessa paano kaya kung sinubakan kong hanapin yung lalaki?" Tanong ko tukoy ko duon sa lalaking ama ni Tammie.

"Andeng sa panahon ngayon ang mga ganyang pangyayari ay normal na bagay na lang para sa mga lalaki" sabi nito ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Eh paano nga kung..." agad nitong pinutol ang akin dapat na sasabihin.

"Andeng, maging thankful ka na lang dahil sa kabila ng mga nangyaring iyon meron ka namang Tammarie, tsaka ikaw na nga ang nagsabi diba wala kang natatandaan na kahit ano duon sa lalaking iyon dahil lasing ka" pangangatwiran niya.

Napaisip ako. Naalala ko na, nakita ko ang apelyido niya nung kumuha ako ng pera sa wallet niya. Hindi ko lang sigurado kung ano ang pangalan niya.

"Medyo naaalala ko na yung apelyido niya..." sabi ko. Hinarap ako ni Thessa.

"Ano?"

"Basta ang alam ko...yung pangalan niya nagsisimula sa letter T tapos, yung apelyido De...Del..." nahihirapang banggit ko dahil sa pagiisip.

Nainip si Thessa. "Anong Del?"

Napakagat labi naman ako, nasa dulo na kasi ito ng aking dila. Nagulat ako ng hinampas ni Thessa ang mesa at malaki ang ngiti na nagsalita.

"Wag mo sabihing Dela Vega, naku po! Kasumpa sumpa!" Sabi nito na natatawang may kasamang panguuyam.

Mabilis na lumaki ang aking mga mata. "Tama! Dela Vega nga!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanya.










(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro