Chapter 35
"Dada...Dada" pagkuha ni Thomas ng aking pansin habang nagkalat ang french fries sa kanyang harapan.
Karga ko si Thomas at nasa tabi namin ang babaeng anak nila Luke, nilalaro niya ang kamay ni Thomas at kung minsan ay sinusubuan pa niya ito ng fries.
"Sayo na lang yan baby Thomas, ang lakas mong kumain" pagkausap niya dito.
"Favorite niya kasi iyan" nakangiting sagot ko dito.
"Tito Timothy, bakit po wala si Tita Tine? bakit ang tagal niyang umuwi, hindi niya po ba nami-miss si Baby Thomas?" Inosenteng tanong niya sa akin.
Ginulo ang kanyang kulot na buhok. "Uuwi din si Tita Tine mo, may pinuntahan lang siya sandali."
Hindi na ito nagsalita pa at nilaro na lamang si Thomas habang nakakandong ito sa akin. Nandito kami ngayon sa bahay nila Kervy, wala namang okasyon pero nagpahanda ito ng maraming pagkain at inimbita kaming lahat.
Naagaw ang atensyon naming lahat dahil sa pagiyak ng kapapanganak lamang na sanggol na hawak ni Matteo.
"Damn, shhh baby wag kang umiyak" natatarantang pagaalo niya sa anak.
Pero walang tigil ang pagngawa ng bata, marahil ay nagugutom ito. Nasa kusina kasi sina Samantha, Grace at si Zyrene.
"Bubuo ka pala ng basketball team ha, Ni pagpapatahan nga diyan sa pangatlo niyo ay hindi mo pa magawa!" Natatawang pangaasar sa kanya ni Kervy na sinamahan pa ni Luke.
"Tarantado! Alanga namang padedehin ko sa akin toh!" Balik na sigaw niya kay Kervy dahilan para mas lalong lumakas ang iyak ng bata.
Napapangiti na lamang ako pagnakikita ko si Matteo na ganyan. Sabay kaming lumaki, at sa aming apat ay siya talaga ang pinakamaloko, sakit ng ulo. Pero tingnan mo naman siya ngayon, parang matatae sa kaba dahil hindi niya mapatahan ang anak.
"Matteo! Pinanggigilan mo nanaman yang anak mo!" Suway sa kanya ni Zyrene.
"Hindi naman baby, nagugutom na kasi siya" sagot nito.
Napatingin ako sa natatawang sina Kervy at Luke sa gilid, takot kasi si Matteo kay Zyrene kaya ganyan.
"Daddy!" sigaw ng paparating na si Lucas.
"Anong problema man?" Tanong ni Luke sa anak.
"Palayasin mo nga si Ken dito at kinukulit nanaman niya si Suzy!" Paghihimutok nito.
"Lucas bahay nila ito" natatawang sagot ni Luke sa anak.
"Suzy baby..." pagtawag ni Luke sa kanyang anak na babae.
"Yes po, Daddy?" Agad lumapit si Suzy dito at yumakap.
"Behave ka na lang sa tabi ng Mommy mo para hindi na naghihimutok tong Kuya mo ha..." malambing na utos niya dito.
Kaagad namang tumango si Suzy at tumakbo pabalik sa kusina kung nasaan sina Samantha.
"Puro sama siguro ng loob ang ibinigay mo kay Samantha, kaya ayan tuloy..." natatawang pangaasar sa kanyang ni Kervy.
May umagaw ng atensyon namin. Si Ken iyon anak ni Kervy.
"Damot damot mo kay Suzy! Hindi naman ikaw ang crush ko kung makapagreact toh!" Masungit na sabi niya kay Lucas at nagmartsa paakyat.
Tipid akong ngumiti, masaya ako para sa mga kaibigan ko. Kung sana ay pinahalagahan ko lang din ang asawa ko ay masaya din kami ngayon katulad nila. Hindi ganito si Thomas na iba iba ang nagaalaga.
"Dada..." tawag nito sa akin tsaka niya ako binasa ng laway dahil sa mga paghalik niya.
"Hahanapin natin si Mommy baby, pangako yan ni Daddy" paninigurado ko sa kanya.
"Sigurado ka bang uuwi na lang kayo?" Tanong sa akin ni Kervy.
"Oo, ilang linggo ko ng hindi nakakasama ang anak ko."
Batid ko ang pagaalala nila sa amin gayong wala si Tine para tulungan ako kay Thomas. Naging maingat ako sa pagmamaneho, nakatulog na din ito kaya naman pagkadating sa bahay ay pinalitan ko ito ng damit at inayos ang higa sa kama, katabi ko.
Yakap yakap ko ang aking anak ng dalawin na din ako ng antok.
"Timothy..." nagising ako sa isang tawag.
Napamulat ako at halos tumalon sa saya ng makita ko ang mukha ng aking asawa, pero nagtaka ako ng makita kong hawak nito ang anak namin habang may hawak na maleta.
"Kukunin ko ang anak ko Timothy" malumanay na sabi ni Tine.
Sinubukan kong tumayo pero mas lalo lamang silang lumayo sa akin.
"Hindi dapat naiwan sayo si Thomas...wala kang karapatan sa anak ko. Una pa lang ay ayaw mo na sa kanya" matapang na sumbat nito sa akin.
Halos hindi ko na alam kung saan ba dapat ako tumingin, natataranta na ako at hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
"Wala kang kwenta, Timothy!" Sigaw niya bago tumakbo palabas ng kwarto. Kaagad akong sumunod sa kanila pero pagkalabas ko ng kwarto ay kalsada na kaagad ang nadatnan ko.
Nanlamig ang aking buong katawan. Duon sa gitna ay nakita kong nakatayo si Tine karga ang anak namin at katabi nila ay si Agnes. Napatingin ako sa kaliwa at duon ko nakita ang isang malaking truck na paparating.
"Timothy tulungan mo ako!" Sigaw ni Agnes.
Hahakbang na sana ako palapit sa kanila ng mapako ang tingin ko sa aking magina. Tahimik lamang na umiiyak si Tine habang yakap ang anak namin. Hindi man lang ito umimik para humingi ng tulong sa akin na para bang alam niyang si Agnes ang ililigtas ko.
"Timothy tulungan mo ako!" si Agnes.
Inipon ko ang aking lakas para makahakbang at makalapit sa kanila, pero wala pa ako sa kalagitnaan ay nakita kong tumakbo si Agnes palapit sa akin at duon nakami natumbang pareho sa gilid ng kalsada.
Hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa bilis ng pagharurot ng kaninang truck. Pero sa kabila nuon ay narinig ko ang iyak ng aking anak.
"Dada..." umiiyak na sambit nito.
Hinanap ko ang pinanggagalingan ng tinig niyang iyon at halos manlaki ang mata ko ng makita kong nakaupo ito sa gitna ng kalsada.
Tumayo ako para puntahan siya pero agad akong nasilaw sa isang paparating na bagay.
"Timothy!"
Napabalikwas ako sa tawag ni Mommy at sa iyak ng aking anak sa aking tabi. Umaga na pala, at panaginip lamang iyon.
"Timothy, kanina pa umiiyak ang anak mo" suway sa akin nito.
"Baby..." pagtawag ko dito.
"Marahil ay gutom na iyan, sandali lang at magpapatimpla ako ng gatas kay Fely" suwestyon ni Mommy at agad na lumbas ng kwarto.
Binuksan naman pala nito ang kurtina dahilan para masilaw ako. Kinarga ko ang aking anak at sabay naming sinara ang kurtinang binuksan ni Mommy.
Sumubsob ito sa aking leeg habang humihikbi. Hinimas ko ang likod nito dahil sa paghikbi niya. Tsaka kami lumabas sa kwarto para kuhanin ang pinatimplang gatas ni Mommy kay Nana Fely.
"Ahay...umiiyak ang baby naming pogi" pagaalo ni Nana Fely dito at kaagad itong kinuha sa akin at dinala sa sofa para padedehin.
Dumiretso ako sa dinning at duon ko naabutan si Mommy na nagaayos ng mga pagkain.
"Umupo ka na anak, mamaya ay pupunta kami ng grocery ni Fely para naman may laman itong kusina mo, mabuti pa siguro ay iwan ko na lang si Fely dito para naman may tumingin tingin sa Apo ko. O kaya naman ay mas mabuti siguro kung sa bahay na kayo tumira..." Suwestyon pa niya na kaagad ko namang tinutulan.
"No Mom, dito lang kami ng anak ko" mariing sabi ko.
"But, Timothy..." pagdaing ni Mommy.
Tumayo ako sa dinning table at dinala ang kape. Pumunta ako sa may sala para tingnan kung maayos na ang anak ko.
"Dada!" Nakabungisngis na tawag ni Thomas sa akin at kaagad na naglahad ng kamay.
Inilapag ko muna ang kape ko sa center table bago ko binubat ang aking anak. "Busog na ang baby ko..." nakangiting sabi ko dito.
Naputol ang paglalaro ko sa anak ko ng sumulpot nanaman si Mommy sa aming likuran galing sa dinning.
"Anak naman, iniisip ko lang naman ang Apo ko at syempre ikaw. Sino ang magaasikaso sa inyo dito eh iniwan na nga kayo ng asawa mo" mapanuyang sabi nito.
"Ma" Mariing suway ko sa kanya.
"Eh kung nagiisip ba naman kasi sana yang asawa mo..."dugtong pa niya.
"Ma naman! Pwede bang tumigal ka na..." mariing suway ko.
"Ewan ko ba naman kasi sayo Timothy!" Pagsisimula pa niya kaya naman mabilis kong inakay ang anak ko paakyat at tsaka naglock ng pinto.
Hindi ko kailangan ng mga pangaral ni Mommy ngayon. Ang kailangan ko ay ang magfocus sa anak ko at sa paghahanap sa asawa ko.
Binihisan ko ang anak ko dahil isasama ko siya ngayon sa mga lakad ko, ayoko namang malayo ang loob nito sa akin dahil palagi akong wala sa tabi niya. Wala na nga si Tine sa amin pati ba naman ako ay lalayo pa sa kanya.
"O saan kayo pupunta?" Salubong sa amin ni Mommy na nakaupo sa may sofa.
"Ipapasyal ko ang anak ko" tamad na sagot ko.
Hindi na ito sumagot pa kaya nagtuloy tuloy ako sa paglabas. Malapit na sana kaming makaabot sa pintuan ng muli itong nagsalita.
"Paano kung hindi na siya bumalik, Timothy?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Babalik siya" matapang na sagot ko.
"Paano kung hindi na, paano kung hindi mo na siya makita?"
Matalim ko itong tiningnan. "Pwes, hahanapin ko siya. Hahanapin ko ang asawa ko" sagot ko sa kanya at mabilis na lumabas doon kasama ang anak ko.
Tine's Pov
Buwan na ang lumipas ng dalhin ako ni Thessa sa America, hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming mangibang bansa. Hanggang ngayon nga ay hindi ko alam kung paanong yumaman ng ganuon ang aking pinsan.
Napayuko ako ng mapansin ko nanaman ang kakaibang tingin sa akin nung pinsan daw niya na si Yohan. Halatang masungit ito at suplado.
"Andeng magbihis ka na at aalis tayo" yaya ni Thessa sa akin.
"Ha...eh saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"May pupuntahan kasing party si Lolo, gusto niya kasama tayo" sagot nito sa akin at kaagad na akong hinila paakyat sa kwarto.
Busy ito sa paghahalungkat ng mga damit niyang nakahanger sa napakalaking aparador. Parang ilang araw lang naman akong nakatulog sa hospital ganito na kaagad ang madadatnan ko, parang ang bilis naman ata ng mga pangayayari.
Imbes na gumalaw ay napatulala na lamang akong muli. May gusto akong mahanap...yun nga lang ay hindi ko alam kung ano. Para kasing may malaking bagay ang nawala sa akin, parang halos buong pagkatao ko ay wala sa akin.
"Parang ayokong sumama..." pagdadahilan ko dahil parang biglang sumama ang pakiramdam ko.
"Sandali lang naman iyon Andeng, tsaka hindi ka ba bored dito? Lumabas naman tayo kahit ngayon gabi lang, pagbigyan mo na si Lolo" pangungulit niya.
"Ikaw Thessa ha, kailan ka pa natutong magparty?" Pangaral ko sa kanya.
Natigilan ito. "Gusto ko lang namang magsaya...namimiss ko na kasi si Thomas" malungkot na sabi nito at maluha luha na.
Hindi ko alam kung bakit parang nasaktan din ako sa sinabi niya. "Thomas?" Tanong ko.
Mas lalo lang itong naiyak at napahagulgol kaya naman yumakap na ito sa akin.
"Sorry Andeng, sorry talaga. Hindi ko nakuha si Thomas" paulit ulit na sabi nito.
Gumulo ang aking isipan, ano ba ang nangyayari sa kanya? Sino ba yung Thomas?
Pagkatapos ng nangyaring iyon ay hindi na umimik pa si Thessa, sumama pa rin naman kami sa kanyang Lolo.
"Pwede bang wag mong ikunot ang noo mo, nakakatakot kasi eh...parang feeling ko anytime mababangga tayo" mahinahong pakiusap ko kay Yohan.
"Mas maganda siguro kung mananahimik ka na lang" masungit na baling niya sa akin kaya naman napatakip na lamang ako sa aking bibig.
Gaya ng sinabi niya ay nanahimik na lamang ako, hanggang sa makarating kami sa bahay nung kaibigan ni Don Fernando. Madaming pagkain at halos Pilipino din ang nanduon.
"Kumain na tayo" masungit na utos ni Yohan.
Napabaling ako sa pagkaing nasa harapan namin at parang may kung anong umikot sa aking sikmura dahil agad akong naduwal.
"Andeng..." nagaalalang tawag ni Thessa at naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin hanggang sa banyo.
"Anong bang nangyari sayo?" Nagaalalang tanong nito.
"Nahihilo ako Thessa..." daing ko sa kanya.
Sandali ako nitong tiningnan at parang ininspection. Pero halos mamutla ito at lumaki ang mata.
"Andeng, Hindi kaya..." hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin.
"Hind kaya ano?"
"Hindi kaya...buntis ka?" Wala sa sariling sabi niya nagpanganga sa akin. Impossible, paanong nangyari?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro