Chapter 33
Timothy's Pov
"Tine..." umiiyak na pakiusap ko dito habang sinasabayan namin ang takbo ng nagmamadaling mga nurse tulak ang hospital bed.
Tuloy tuloy lang din ang pagtulo ng dugo mula sa hindi ko alam na parte ng kanyang ulo. Mas lalo kong hinihpitan ang hawak sa kanyang kamay.
"Tine, please. Hihintayin ka namin ni Thomas" madiing sabi ko.
"Sorry Sir hanggang dito na lang" pagpigil nila sa amin.
Napaupo na lamang ako sa gilid ng pintuan ng emergency room, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang anak naming nilalagnat ngayon ay ibinilin ko lamang sa katiwala doon sa resort. I can't think straight right now.
"Putangina ka talaga Dela Vega! Putangina ka" mariing sambit ni Yohan sa akin ng paulit ulit habang hindi siya mapakaling palakad lakad sa aking harapan.
Hindi ko kayang sagutin siya, hindi siya importante para makisali pa sa dami ng aking iniisip. Tahimik akong umiyak, wala akong pakialam sa itsura ko ngayon.
Napatingala ako ng madinig ko ang ingay at humahangos na pagdating nila Thessa at Don Fernando. "Kuya Yohan anong nangyari...Kamusta na si Andeng?" umiiyak na tanong nito.
"Sinasabi ko na nga ba! Sasaktan mo lang uli siya!" Sigaw nito at agad akong pinagsasampal.
Hindi pa siya nakuntento at hinila hila pa ang buhok ko, pati ang suot kong puting tshirt ay halos mapunit na kakahila niya. "Ang sama sama mo!" Patuloy na sigaw niya sa akin.
"Apo, Hija...tama na iyan" suway sa kanya ni Don Fernando at tsaka siya hinila nito palayo sa akin.
Tinaggap ko lahat ng panankit niya, tama lang ito sa akin. Kasalanan ko naman talaga itong lahat. "Timothy asaan na si Thomas?" Mahinahong tanong ni Don Fernando sa akin.
"Nasa resort po ang anak namin" paos na sagot ko.
"Sinong nagbabantay sa kanya doon!?" Bulyaw sa akin ni Thessa.
"Yu...yung katiwala" sagot ko.
"Eh gago ka pala eh! Iniwan mo yung pamangkin ko sa ibang tao!" Sumbat niya.
"Hijo, mabuti pa siguro ay umuwi ka muna at kuhanin si Thomas, mas mabuti siguro kung sa bahay na lang muna ang bata para mayroong magbabantay sa kanya" suwestyon nito.
"Pero paano po ang asawa ko?" Nanginginig na tanong ko.
"Sasabihan ka namin kaagad kung ano man ang lagay dito, andito naman kaming tatlo kawawa naman ang bata kung ibang tao ang magaalaga sa kanya lalo na sa ganitong panahon." Pangaral pa nito.
Kahit ayoko sanang umalis duon ay ginawa ko, babalik din naman ako kaagad kailangan ko lang talagang puntahan at kuhanin ang anak namin, kailangan din naman kasi niya kami ngayon lalo na at may sakit ito.
"Salamat po sa pagbabantay sa anak ko" pasasalamat ko kay Aling Ine.
"Wala iyon Timothy, bumaba na din ang lagnat niyang si Thomas pero after 4 hours kuhanin mo ulit siya ng temperature para mapainom mo na ulit na gamot" bilin nito sa akin na kaagad ko namang tinanguan.
Inayos ko lahat ng gamit namin habang natutulog ang anak ko sa kama, napagpasyahan ko kasing iwan muna si Thomas sa mga kaibagan ko sa Manila, mas mapapanatag kasi ako kung sakaling nasa kanila ang anak ko.
Medyo matagal na din ang binyahe namin. Natutulog pa din ito sa aking tabi habang nakahilig ang upuan para mas maging comportable ang kanyang pagkakahiga. Ginawa ko ding dahan dahan ang pagtakbo dahil kasama ko ito.
Palabas kami ng Zambales ng may natanggap akong message na nagsasabing ok na ang kalagayan ng aking Asawa ngayon. Hinihintay na lamang nila ang paglilipat dito sa isang private room.
Nagkaroon ako ng panibagong pagasa na pagkatapos ng lahat ng ito ay magiging maayos din ang lahat. Tumigil muna kami sa isang drive thru, gising na din kasi ito at nagiingay na, para bang wala siyang lagnat habang hawak hawak ang kanyang mga sasakyan. Ilang beses na din nitong inireklamo ang nakakabit sa kanyang seatbelt, pero kinakausap ko siyang tungkol dito at para namang naiintindihan niya iyon.
Kumakain siya ng french fries habang papasok kami sa exclusive na subdivision nila Samantha at Luke.
"Good morning" bati ko sa dalawa kahit dinig sa boses ko lahat ng pagod at frustration na nararamdaman.
"Kamusta na si Tine?" Malumanay na tanong sa akin ni Samantha.
"Ayos na siya, ililipat na lang daw sa private room" sagot ko. Sinabi ko na kasi sa kanila kanina ang dahilan nung tinawagan ko sila.
Inilabas ko mula sa passenger seat ang nagiingay naming anak. Basa na din ng laway ang kanyang grey na jacket.
"Pasok na kayo" nakangiting paganyaya ni Samantha sa akin.
Tipid ko lang siyang nginitian, napabaling ako kay Luke na seryoso ang tingin sa akin. Kaagad akong nakaramdaman ng simpatya sa kanya, dahil kita ko sa mga mata niya ang panghihinayang at awa para sa akin. Pero hindi ko kailangan ng awa ngayon.
"Kumain ka na muna bago ka bumyahe pabalik sa Zambales" sabi nito sa akin tsaka ako hinawakan sa balikat.
Kinuha ni Samantha sa akin ang anak ko para daw makakain ako ng maayos. Aliw na aliw naman ang kambal nila ni Luke dito.
Nanunuod ang kambal habang nililinis siya ni Samantha at pinapalitan ng mas preskong damit. Siya na nga din ang nagpainom ng gamot dito.
"Maraming salamat talaga, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo...pasencya na din sa abala" paalam ko sa dalawa.
"Wala iyon Timothy, basta wag mo na masyadong alalahanin si Thomas dito kami na ang magaalaga sa kanya. si Tine na lang ang pagtuunan mo ng pansin doon" pagaalo sa akin ni Samantha.
Tumango ako at nagpasalamat muli. Hinalikan ko ng paulit ulit ang aking anak. Medyo mainit pa din ito dahil sa kanyang lagnat pero wala pa din siyang ginawa kundi ang maglaro.
"Bye Baby, pagbalik ni Daddy kasama ko na si Mommy" sabi ko sa aking anak habang hinahalikan siya sa ulo.
"Mom...Ma?" Nakangiting sabi ni na tila mo ba'y nagtatanong.
Agad akong tumango. "Oo baby si Mommy..."
Tanaw ko sa side mirror ang aking anak habang palayo ako. Konting tiis lang anak, babalik din tayo sa dati. Dumaan ako sa bahay. Naligo at nagpalit ng damit, dinagdagan ko na din ang dinala kong damit para kay Tine. Pagkatapos ng lahat ay mabilis akong dumiretso patungong Zambales.
"Gusto sana namin Doc ay ilipat siya sa Manila" naabutan kong pakikipagusap ni Don Fernando sa isang Doctor.
"Pwede naman po iyon, pero mas maganda siguro kung pagkagising na lamang niya" suwestyon ng Doctor na kaagad namang tinanguan nito.
Napabaling siya sa akin ng magpaalam na ang Doctor sa kanya, tipid niya akong nginitian at nilapitan, hinawakan niya na din ako sa balikat.
"Ayos na ang asawa mo, hintayin na lamang natin ang pag gising niya" sabi niya sa akin.
Tumango ako at tipid ding ngumiti dito. "Sige at pumasok ka na" pagtulak niya sa akin papasok sa kwarto.
Nagaalinlangan man ay buong tapang kong binuksan ang kwarto. Tumambad sa akin ang nakahiga kong asawa, may benda ang kanyang ulo at iilang galos sa katawan, sa braso at sa mukha.
"Nakita mo na ang ginawa mo Dela Vega?" Mahinahon pero punong puno ng paninising sumbat sa akin ni Yohan.
Hindi ko siya pinansin, nagtuloy tuloy lamang ako patungo sa aking asawa. Hinawakan ko ang kanyang kamay tsaka siyang maingat na hinalikan sa pisngi.
"Tine, hinahanap ka na ni Thomas" malambing na bulong ko dito, at naiyak na lang.
Halos ilang oras din akong nakaupo sa kanyang tabi at pinagmamasdan siya. Nakailang sabi na nga sa akin si Don Fernando na kumain na muna ako pero wala akong gana. Siya lang kasi ang pumapansin sa akin.
Halos magdadalawang linggo na ay hindi pa din gumigising si Tine. Kaya naman tuloy panay ang pangungulit ko sa Doctor dahil sa kalagayan ng aking asawa pero iisa lang naman ang lagi niyang sagot sa akin. Maghintay at gigising din siya.
Kakagising ko lang mula sa pagkakaidlip sa may sofa. Madaling araw na din kasi ako nakabalik sa hospital dahil dinalaw ko ang anak ko sa bahay nila Samantha at Luke. Napansin ko ngang mas dumaldal ito, dahil siguro sa kambal ni Luke na nilalaro siya.
Napabalikwas ako ng marinig ko ang daing ni Tine, para bang umuungol ito sa sakit. Agad akong bumangon at tiningnan siya, hindi siya mapakali sa kanyang kinahihigaan kahit nakapikit pa.
Lumabas ako at tumawag ng Doctor. Ako lang magisa ang nagbabantay pero pabalik na din sina Thessa at Don Fernando dito.
Pumunta ang dalawang Nurse at isang Doctor para daluhan ang aking asawa pero pagkapasok namin ay nakadilat na ito. Habol na din niya ang kanyang hininga at iginagala ang paningin sa buong lugar.
Lumapit ang mga Doctor sa kanya, nung una ay parang papalag ito ngunit ng sabihin ng Doctor na hindi siya nito sasaktan ay nagpaubaya na lamang siya. Tahimik lamang ito, kung tatanungin naman siya ng Doctor at tango at iling lamang ang sinasagot.
Lumabas na ang mga Doctor para sabihing ayos na ang kanyang kalagayan. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng nakatingin din pala siya sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya pero pinahinto niya ako.
"Wag kang lalapit" nanghihina pa nga ang boses nito.
Naramdaman ko ang sakit dahil sa pagbabawal niya sa aking lapitan siya. Pero wala na atang mas sasakit pa sa sumunod niyang sinabi sa akin.
"Sino ka?"
Nanlaki ang mata ko dahil dito, kaya naman kinain ng malalaking hakbang ko ang pagitan naming dalawa.
"Damn baby, wag kang magbibiro ng ganyan..." .
Pinilit niyang lumayo at umiwas sa akin. "Sino ka ba? Lumayo ka nga!" pagpupumiglas niya.
"Doc! Nurse! Tulungan niyo ako!" Paghingi niya ng tulong na mas lalo kong ikinabahala.
Bumukas ang pintuan. "Thessa! tulungan mo ako!" Pagmamakaawa niya dito at ganuon na lamang ang gulat ko ng may humila sa akin palayo kay Tine.
Nakita kong si Yohan iyon. Padabog ako nitong ibinalik sa sofa. Napatingin ako kay Tine at nakita ko ang pagiyak nito habang magkayakap sila ni Thessa.
"Sino ba siya?" natatakot na tanong ni Tine dito.
Kumunot ang noo ni Thessa. "Hindi mo siya kilala?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Sabay kaming napasinghap ng umiling siya. Mabilis na lumabas si Yohan.
"Eh si Lolo kilala mo?" Tanong muli ni Thessa tukoy kay Don Fernando.
Kumunot ang noo ni Tine. "Lolo? Kailan ka pa nagkalolo Thessa?" Tanong nito dito.
Napapikit ng mariin si Thessa at sa kanyang pagdilat ay kita ko ang panunubig at pamumula ng kanyang mga mata.
"Eh si Thomas, Naalala mo na si Thomas?" Tanong ni Thessa dito.
Mas lalong gumuho ang mundo ko sa isinagot niya, mas masakit marinig ito kesa sa kaninang pagtanong niya kung sino ako.
"Sinong Thomas?" Balik na tanong ni Tine sa pinsan.
Naiyak si Thessa. "Hindi mo ba naaalala yung anak mo? Anak mo yun, Andeng" mariing sabi nito.
"Anong anak? Wala akong anak Thessa!" Pagtanggi ni Tine dito.
"Andeng naman, kalimutan mo na ang lahat wag lang ang anak mo" pagmamakaawa ni Thessa.
Magproprostesta pa sana muli si Tine ng bumukas ang pinto at iniluwa nuon si Yohan kasama ang isang Doctor. Kung ano ano ang tinanong niya dito at nasagot naman niya lahat pero pagdating sa part ng pagkilala namin, panganganak niya kay Thomas at pati na din sina Don Fernando ay hindi niya na alam.
Hindi ko magawang umalis sa kanyang tabi, si Thessa lang kasi ang kanyang kinakausap at kung minsan ay Don Fernando marahil ay paggalang na din dito.
Natutulog siya ng lumapit ako, nakakalapit lang ako sa kanya pagtulog siya, dahil ayaw niyang may hindi kilalang lumalapit sa kanya, natatakot daw kasi siya. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi.
"Miss ka na namin ni Thomas, Tine. Alalahanin mo naman kami. Wag mo naman kaming kalimutan..." naiiyak na sabi ko.
Hinalikan ko siya sa pisngi, pagkatapos ay sa gilid ng kanyang labi. Sandali ko munang tiningnan ang namumula nitong labi bago ko iyon inangkin.
"Ano ba!?" Hiyaw niya na ikinagulat ko. Bahagya niya din akong naitulak dahil sa pagkabigla ko.
"Umalis ka dito! Lumabas ka!" Sigaw niya sa akin sabay turo sa pinto.
"Tine, hindi mo ba talaga kami naaalala? Kami ng anak natin?" Desperadong tanong ko.
"Anak natin?"
Mabilis akong tumango. "Oo Tine, anak natin, asawa mo ako"
Nanlaki ang mata nito, pero nabahala ako ng sinimulan niyang dumaing sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang ulo kaya naman humingi na ako ng tulong.
"Bakit hindi mo ipakita sa kanya ang anak niya? Malay mo maalala niya" suwestyon sa akin ni Kervy ng tawagan ko siya.
Nagpaalam ako sa kanya kahit tulog siya. Nasa kanyang tabi naman si Thessa at nakaupong natutulog. Nagtaka nga ako nitong mga nakaraang araw ay bumait ito sa akin marahil dahil gising na si Tine pero minsan pag pumapasok ako sa kwarto ay naaabutan ko silang tatlo na may seryosong pinaguuspan. Titigil sila pag nakita ako.
Napatigil ako sa paglabas ng may magsalita. "Aalis ka?" Mahinang tanong ni Tine pero ramdam ko pa din ang pagkailang.
"Oo, may susunduin lang ako sandali, meron pa kasing gustong bumisita sa iyo" nakangiting sabi ko sa kanya.
Bahagya itong tumango. "Bye..." maikling paalam niya sa akin, hindi ko na napigilan ang aking sarili at agad akong lumapit sa kanya para halikan siya sa noo. Lalo akong napangiti ng hindi ito pumalag bagkus ay binigyan pa ako ng tipid na ngiti.
"Sandali lang ako, babalik ako kaagad" paalam ko sa kanya.
Mabilis kong tinahak ang daan patungo kay Thomas, sigurado din kasi akong miss na miss na niya ang Mommy niya. Kinuha ko siya kila Samantha at bumyahe pabalik ng Zambales. Tuwang tuwa pa nga ito nung makita ako, lalo na nung isinakay ko siya sa sasakyan. Ngunit ng malapit na kami ay duon pa nagkatraffic. Umabot ng oras ang traffic dahil sa isang accidente.
Parang tatalon ang puso ko sa saya, gusto ko ng makita ang magiging reaksyon ni Tine sa oras na makita na niya ang anak namin.
"Makikita mo na ulit si Mommy" nakangiting pagkausap ko sa anak namin.
"Mama...Mama" pauli ulit na sambit nito habang pumapalakpak pa.
Nang buksan ko ang kwarto ni Tine ay mawala ang ngiti sa aking labi.
"Nasaan na yung pasyente?" Tanong ko sa nurse na nagaayos nung higaan.
"Kakaalis lang po"
Kumunot ang noo ko, wala akong alam na ganito. "Bakit ililipat daw ba ng hospital? Saang hospital sa Manila ba?" Tanong ko sa Nurse.
"Ay hindi po, Sir. Ang dinig ko po ay sa airport ang punta nila"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro