Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32


"Please Sir Yohan...gusto ko talagang malaman" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Ayaw mong makinig kay Timothy dahil may duda ka na baka magsinungaling siya. Pero sa akin, Cristina? Hindi ka ba natatakot na magsinungaling din ako sayo?" hamon niya sa akin.

Mas lalo akong nanlumo, napasubsob na lamang ako sa aking mga palad tsaka marahang umiling. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, basta ang gusto kong malaman lahat ngayon." garal na sambit ko.

Nadinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Sir yohan.

"Nang nalaman ni Agnes ang tungkol sayo ay pinahanap ka niya. That time, matagal na sila ni Timothy. Ang kaso ay nalaman ng ate mo na may sakit siya..."

"Hindi ko siya Ate" mariing sambit ko.

"Nalaman ni Agnes na may sakit siya kaya mas pinili niyang ipatigil muna ang paghahanap sayo at pumunta ng america para magpagamot. Hindi niya sinabi kay Timothy ang dahilan kaya naman nagalit si Timothy sa kanya. Siguro ay para maging patas ay naghanap siya ng ibang bagay na pwede niyang pagtuunan ng galit...it's you" sandali itong napatigil at napatingin sa akin.

"Pinahanap ka ni Timothy dahil gusto niyang maghiganti kay Agnes. Ginawa niya ang lahat para magtagpo ang landas niyong dalawa..." pagpapatuloy pa niya.

"Ibi...ibig mong sabihin ginamit niya lang ako para saktan si Agnes?" Nahihirapang tanong ko dahil parang gumuguhit ang sakit sa aking dibdib.

Umiwas ito ng tingin tsaka tumango. Hindi ko na napigilan ang paghikbi. "Iniisip niya siguro na mas magiging patas sila ni Agnes pag dumating yung oras na malaman niyang yung hinahanap niyang kapatid ay ang ipinalit sa kanya ni Timothy." Conclusion pa niya.

Mariin akong napapikit. "Ba...baka naman kahit konti ay minahal niya din ako. Diba? Hindi naman imposible diba?" Pagpupumilit ko.

Hinawakan ni Sir Yohan ang kamay ko. "Kung minahal ka niya talaga Cristina, kahit konti man lang, hindi sana siya mapipilitan na bumalik sayo" pagdadahilan nito.

Kumunot ang aking noo. "Mahal na mahal din ni Agnes si Timothy, pero nung nalaman niyang wala na siyang pagasang gumaling pa ay pinakiusapan niya itong bumalik na lamang sayo. Na ibaling sa iyo ang lahat..."

"Kung mahal talaga ni Timothy si Agnes ay hindi siya mapipilitang gawin iyon. Dahil dapat ay naging pursigido siya para manatili sa tabi ni Agnes" laban ko pa.

Mariing umiling si Sir Yohan.

"Kaya pumayag si Timothy na bumalik sa iyo dahil alam niyang iyon ang magpapasaya kay Agnes. Sorry to say this, Tine. Pero lahat ng ito ay para kay Agnes" malungkot na saad niya.

Parang unti unting bumagal ang pagtibok ng aking puso. Ang kaninang bigat sa aking dibdib ay mas dumoble pa ngayon. Ang kaninang luha sa aking mga mata ay may lumakas ang pagagos.

"Si Nanay, mas pinili niyang makasama ng matagal si Agnes kesa sa akin. Ngayon naman si Timothy, kaya siya nasa aking tabi ay para nanaman kay Agnes!?" Hindi ko na napigilan ang pagburst out.

"Hanggang kailan ako makikihati!?" Umiiyak na sigaw ko.

"Cristina..." malumanay na tawag sa akin ni Sir Yohan.

"Patay na siya, pero bakit siya pa din!? Bakit para sa kanya pa din!? Bakit siya na lang palagi?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Niyakap niya ako. "Paano naman ako...kailan ako magkakaroon ng para lang sa akin? Nakakasawa ng tumanggap ng tira tira..." umiiyak na sumbat ko sa kawalan.

"Ang hirap manglimos ng tira tirang oras, ng atensyon at lalo na ng pagmamahal. Nakakapagod na."

Minsan na akong nasaktan, pero parang iba yung ngayon. Para bang kung dati nasasaktan ako pero nagagawa ko pa ding magbulagbulagan at paniwalain ang sarili ko sa mga bagay na sa tingin ko ay tama, ngayon ay hindi na.

"Hindi naman masamang sumuko diba?" Nahihirapang tanong ko.

Naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking likuran. "Hindi masamang sumuko, Cristina. Pwedeng magpahinga, pero tandaan mo andyan pa si Thomas, kailangan ka niya hindi ka pwedeng maging mahina para sa kanya." Pagpapaalala nito.

Gusto kong umiyak ng malakas, gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, pero nahihirapan ako...masyado na kasi talagang masakit.

"Pwe...pwede bang hintayin mo kami?" Pakiusap ko dito.

Tumango na lamang ito kahit hindi ko pa sinasabi sa kanya ang plano ko. Kung totoo ngang napipilitan lang si timothy ay ako at ang aking anak ang kusang aalis. Hindi ko hahayaan na maranasan din ni Thomas na makatanggap ng tira tirang pagmamahal ni Timothy. Malinaw na sa akin ang lahat, ang buong siya ay na kay Agnes pa din talaga.

"Tine, nagalala ako sayo...saan ka ba nanggaling?" kitang kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha habang tinatanong ako.

Naabutan ko siyang pabalik balik ang lakad sa harapan ng pinto. Kaagad ko lamang siyang nilagpasan at kahit ang tanong niya ay hindi ko na din pinansin.

"An...anong ginagawa mo, Tine?" Medyo garalgal na tanong niya habang ipinapasok ko ang mga damit namin ni Thomas sa isang travelling bag.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay mas binilisan ko pa ang pagaayos. "Tine...tine anong ginagawa mo?" Tanong niya at ngayon ay umiiyak na.

Nang pinagpatuloy ko ang hindi pagpansin sa kanya ay mabilis niyang hinatak sa akin ang travelling bag at buong lakas na ibinato kung saan.

"Tangina naman...ano bang nangyayari sayo?" Umiiyak na tanong nito at sobrang bilis ng kanyang paghinga.

"Hindi mo ba nakikita Timothy? Iiwan ka na namin!" Matapang na sigaw ko sa pag mumukha niya.

"Hindi pwede, Tine. Ayoko please parang awa mo na" pagmamakaawa niya.

Dahil sa inis ay nasampal ko siya, hindi pa ako nahusto at sunod sunod na sampal pa ang ibinigay ko sa kanya pero tinanggap lamang niya ito.

"Putangina ka!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

Naghahari ang galit sa aking buong katawan. Pero si Timothy ay nagawa pang lumuhod sa aking harapan at yakapin ang aking mga binti.

"Please Tine, wag kayong umalis...wag niyo akong iwan. Hindi ko kaya" humihikbing pagmamakaawa nito.

Pinilit kong tanggaling ang pagkakayakap niya sa aking paa.

"Tama na Timothy! Hindi na kailangang gawin ito! Hindi mo na kailangang pakisamahan pa kami dahil lang sa ito ang pakiusap ni Agnes sa iyo...Sige na malaya ka na! Siguro naman ay masaya na si Agnes ngayon dahil kahit wala na siya ay siya pa din ang mahal mo!" Sumbat ko sa kanya pero agad lamang itong umiling.

"Tine...tine magpapaliwanag ako" pakiusap nito.

"Napakawalang hiya mo Timothy! Nananahimik ako sa probinsya namin! Pero bakit kailan pang ako ang magbayad sa ginawa niyang pangiiwan sayo? Sobra kitang minahal, ginawa ko lahat para sayo pero ito lang pala ako sayo!" Nanggagalaiting sumbat ko pa.

"Parehas lang kayo ng Nanay! Si Agnes lang ang iniisip niyo. Hindi niyo man lang naisip yung mararamdaman ko! nasasaktan din naman ako ah! Oo lumaki akong wala na si Tatay pati na din si Nanay. Oo lumaki akong mahirap...pero sana naman naisip niyo na yung sakit na pwedeng maramdaman ni Agnes ay mararamdaman ko din." Pangangaral ko sa kanya.

"Tine...aaminin ko. Si Agnes ang dahilan kung bakit ako bumalik sayo pero Tine hindi lang iyon dahil sa utos ni Agnes. Dahil kung tutuusin nga ay pwede ko ng gawin ang mga bagay na gusto kong gawin, pero hindi ko ginawa Tine...nanatili ako sa tabi niyo ni Thomas dahil mahalaga kayo para sa akin..." paliwanag niya.

"Tine maniwala ka, mahal na kita ngayon...mahal na kita Tine. Kaya nagmamakaawa ako sayo, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon." Patuloy niya.

"Timothy ayoko na...siguro mas mabuti kung ako na lang magisa, kami na lang ni Thomas. Nakakatakot ng magtiwala" pumiyok na sabi ko pa dahil sa pagiyak.

Agad itong umiling. "Wag Tine...Oo inaamin ko lahat ng pagkakamali ko, pero Tine please! Please, wag niyo naman akong iwan, hindi ko kayang wala kayo. Gusto ko tong pakiramdam, yung masaya tayo...katulad mo hindi ko rin naman ito naranasan sa pamilya ko eh, ngayon lang din ako naging ganito kasaya" umiiyak na pagmamakaawa at pagpapaliwanag niya.

"Pinatay mo ang Nanay ko, ginamit mo ako....sapat na sigurong dahilan iyon para iwan ka na namin Timothy, Tama na muna. Grabe ang sakit mong mahalin!" Hiyaw ko.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Agad akong tumungo sa kama para puntahan ang anak ko pero agad humarang si Timothy sa akin.

"Wag namang ganito Tine, wag niyo naman akong iwan...nagmamakaawa ako sayo!" Desperadong sabi niya pa.

Pero hindi ko siya pinansin, pinilit kong makalapit sa anak ko pero niyakap lamang ako ni Timothy.

"Mahal kita, Tine maniwala ka sa akin mahal kita..." paulit ulit na bulong niya habang niyakakap ako.

"Si...sige nga Timothy. Sino mas mahal mo ngayon si Agnes o ako?" hamon ko sa kanya.

"Ikaw Tine..." diretsahang sagot niya.

Mapait akong napangiti. "Sabihin mong hindi mo na mahal si Agnes, sabihin mong wala na siyang halaga sayo, sabihin mong nakalimutan mo na siya. Sabihin mong wala ka ng pakialam sa kanya!" Hamon ko pa sa kanya.

Hindi siya nakasagot, nanatiling nakatingin sa akin at umiiyak. "Kunin mo lahat ng litrato niyo, lahat ng bagay na may alaala niya...kunin mo nga lahat Timothy at tsaka mo sunugin sa harapan ko" hamon ko pa.

"Akala mo ba hindi ko nadidinig? Minsan magigising ako pangalan ni Agnes ang binabanggit mo...pakawalan mo na ako Timothy, wala naman akong halaga na sayo diba?" Pangungunsensya ko pa.

"Tine, mahal kita oo, pero hindi mo naman ganoon kabilis maaalis si Agnes sa akin." Paliwanag niya.

Halo halong emosyon na din ang aking nararamdaman. Mariin akong pumipikit pero anduon pa din yung sakit, gusto kong tanggalin iyon at gusto kong sumigaw, hindi ako makahinga sa harapan niya kaya naman tumakbo ako palabas hanggang sa makarating ako sa may kalsada.

"Tine!" Sigaw na tawag ni Timothy sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pa din sa pagtakbo. Malayo pa lamang ay natanaw ko na ang pagbaba ni Sir Yohan sa kanyang sasakyan marahil ay para salubungin ako.

Pagkaapak na pagkaapak ko sa kalsada ay agad akong nabingi dahil sa malakas at mahabang busina ng sasakyang diretsong patungo sa akin.

"Tine!"

"Cristina!"

Magkasabay na tawag nila sa akin, ngunit hindi ko na nagawang lingonin pa ang dalawa ng agad kong naramdaman ang pagtama ng sasakyan sa aking katawan. Bumagsak ang katawan ko sa lupa kasabay ng malakas na pagtama ng ulo ko dito at tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.









(Maria_CarCat)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro