Chapter 31
Timothy's Pov
"Hindi yan totoo!" sigaw ni Tine sa akin.
I want to hurt my self. Napaka-gago at tanga ko para kalimutan ang bagay na iyon. Dapat ay bago ko sila dinala dito ay sinigurado kong walang kahit anong bakas tungkol sa sikretong iyon. Madalas si Dad sa resort na ito nung nabubuhay pa siya kaya naman may mga importante din kaming mga gamit dito. Kahit si Mommy ay madalas din dito.
Dahil sa sayang naramdaman ko kasama ang aking mag ina ay nawala na iyon sa aking isip. Nawala ang lahat ng problemang iniisip ko. Nakalimutan ko sandali.
"Look Tine, you don't need to..." hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil agad niyang itinaas ang kamay niya tanda na gusto niyang tumahik muna ako.
Tinangka ko siyang lapitan pero lumayo ito.
"Hindi pwede. Ayoko, Timothy!" Wala sa sariling sigaw niya.
Tumataas na din ang boses niya at kita ko sa galaw niya ang pagkataranta. Ihinanda ko na ang sarili ko noon para sa pagkakataong ito, pero nawala ang lahat. Maging ako ay hindi din makapagisip ng maayos dahil nakikita kong nasasaktan siya.
Napaupo ito at isinubsob ang kanyang mukha sa mga palad.
"Ako lang ang anak ni Nanay, sabi niya ako lang ang prinsesa niya. Kaya hindi totoo yang sinasabi mo. Hindi ko siya kapatid" umiiyak na pagtanggi niya.
"Wala akong kapatid. Ako lang ang anak ni Nanay, hindi yan totoo" paulit ulit na sabi nito habang nakayuko.
Hindi ko na napigilan, lumapit na ako. Nagpumiglas siya pero mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Nakita ko kung paano tumulo ang masasagang luha mula sa kanyang mga mata, mas lalo akong nasasaktan.
"Paano nangyari yon, Timothy?" umiiyak na tanong niya.
"Not now baby. One step at a time. Please Tine, just calm down" pagaalo ko sa kanya. I guess, I'm not yet ready para sabihin sa kanya ang lahat.
I want her to be prepared. I want her to feel secure and I want to assure her first, bago ko sabihin sa kanya ang lahat dahil sigurado akong sa isang maling pagkakaintindi at sa isang maling kwento ko ay pwedeng mawala itong masayang pamilyang meron ako ngayon.
"Ayoko na, Timothy. Napapagod na ako. Gulong gulo na ako, please nagmamakaawa ako, sabihin mo na ang totoo" pagmamakaawa niya.
Hinalikan ko siya sa noo at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Sasabihin ko Tine. Promise, sasabihin ko. But not this time, baby. Not this time." Pangungumbinsi ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paghinahon nito pero hindi pa din tumitigil ang mahihinang paghikbi. Nakatingin lamang ito sa kung saan habang tahimik na umiiyak. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.
Binuhat ko siya patungo sa kama at duon inupo. Ganuon pa din siya, kaya naman pinahiran ko ang kanyang mukha basang basa ng luha.
"Wag kang ganyan, Tine, please. Andito pa kami ni Thomas, kailangan ka namin" pagpapaalala ko sa kanya.
"Bakit ganon? Ang daya, buti pa yung ibang tao alam nila yung totoong kwento ng buhay ko, pero ako walang kaalam alam" sumbong nito.
"May mga bagay na hindi na dapat malaman pa, Tine" pagpapaintindi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. "Please Timothy, gusto kong malaman, nagmamakaawa ako sayo. Please sabihin mo sa akin" patuloy na sabi pa niya.
Agad ko siyang hinalikan sa labi sandali tsaka tumango. "Promise Tine, sasabihin ko din sayo"
Tine's Pov
Napabalik ako sa aking sarili ng sabihin ni Timothy na nilalagnat si Thomas. Oo nga't wala ako sa aking sarili dahil gulat pa din ako sa aking mga nalaman ngunit kahit kailan ay hindi ko matitiis ang aking anak.
"Shh...Baby andito na si Mama" pagaalo ko dito. Kanina pa ito umiiyak. Mainit siya kaya naman agad ko siyang pinainom ng gamot.
Lumapit sa amin si Timothy habang karga ko si Thomas. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong dapat kong maramdaman para sa kanya.
"Bukas ay pumunta tayo ng bayan para maghanap ng Doctor" sabi ni Timothy habang pinapakalma din ang anak namin na walang tigil sa kakaiyak, hinalikan pa niya ito sa ulo dahilan para medyo magkalapit kami.
Kita ko ang panlulumo niya ng mapansin ang aking paglayo.
"Tine" tawag niya sa akin.
Napailing ako at napayuko. Sa mga oras na ito ay hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang dapat kong unahing isipin. Parang sasabog ang utak ko sa sobrang gulo nito, marami akong gustong itanong at malaman, pero sa ngayon ay gusto kong magfocus kay Thomas dahil may sakit ito.
"Tine, matulog ka na ako na ang magbabantay kay Thomas" suwestyon ni Timothy, kinagabihan.
"Ayoko" maiksing sagot ko. Kahit noon pa man ay hindi talaga ako natutulog pag nagkakasakit ito. Binabantayan ko talaga ang pagtaas at pagbaba ng temperatura nito.
Napabuntong hininga na lamang si Timothy at wala ng nagawa. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Mahal ko kayo Tine, mahal na mahal ko kayo" puno ng sinseridad na bulong nito sa akin.
Namanhid ang buong katawan ko sa mga oras na ito dahilan para mawalan iyong ng epekto sa akin. Nakakapagod na din palang maniwala sa mga bagay lalo na kung hindi mo alam kung totoo ba iyon o hindi.
(Flashback)
"Hindi na muna babalik si Nanay sa Manila, aalagaan muna kita" malambing na sabi nito sa akin habang pinupunasan ako ng bimpo.
Wala pa itong tulog mula kagabi dahil sa pagbabantay sa akin.
"Nanay ok na po ako, matulog na po kayo" sabi ko.
Umiling ito tsaka ako hinalikan sa noo. "Hindi aalis si Nanay hangga't hindi gumagaling ang prinsesa niya" malambing na saad pa niya.
Hindi man magandang sabihin na sana pala palagi na lang akong may sakit para palaging nandito si Nanay. Gusto ko palagi siyang nasa tabi ko katulad ni Tiya Hilda kay Thessa. Kahit inaalagaan ako ni Tiya na parang anak niya na din ay sigurado akong iba ang pakiramdam pag si Nanay mismo ang kasama at nagaasikaso sa akin araw araw.
"Nay...sobrang sakit po ng tyan ko" reklamo ko dito.
Nataranta siya dahil sa aking sinabi, kaagad na naghanap ng gamot para ipainom sa akin. Abala siya sa paghahanap ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Kita ko ang gulat at ang pagaalala nito dahil na din sa kanyang kausap. Mabilis niyang binitawan ang mga gamot tsaka mabilis na tumungo sa kwarto. Kahit hirap maglakad dahil sa sakit na nararamdaman ko ay nagawa kong puntahan si Nanay sa kwarto.
"Nay...saan po kayo pupunta?" Naluluhang tanong ko.
Nagmamadali nitong inilagay ang mga gamit niya sa kanyang malaking bag na ginagamit niya tuwing lumuluwas ng maynila.
"Isinugod kasi sa hospital yung alaga ko, kailangan si Nanay duon ngayon" sagot niya sa akin.
Mas lalo akong napaiyak, dahil sa sakit ng ulo at tiyan ko idagdag mo pa ang pinakaayaw kong sinaryo.
"Sabi mo po hindi niyo ako iiwan hangga't hindi pa ako magaling" may pagtatampong sumbat ko dito.
Napatigil siya at nanlulumong tumingin sa akin. "Anak, babalik din naman ako kaagad eh. Sisilipin ko lang yung alaga ko...tapos babalikan kita dito kaya dapat promise mo sa akin na pagkabalik ko magaling ka na" panguuto niya.
Bumagsak ang balikat ko, matagal na akong sukang suka sa salitang "Promise babalik ako..." kaya naman hindi na lamang ako nagsalita at nakuyong bumalik sa aking kwarto at tahimik na umiyak.
"Andeng aalis na si Nanay ha" paalam na sigaw nito sa labas. Hindi na ako nagabala pang lumabas ng kwarto para ihatid pa siya pasakay ng tricycle.
Bakit ganon? Mas mahalaga ba yung alaga ni Nanay sa maynila kesa sa akin na anak niya?
(End of flashback)
Ayoko mang isipin pero mukhang naging mas malinaw na ata sa akin ngayon ang mga bagay.
Sinabihan ko si Timothy na siya na muna ang matulog at pagkagising niya ay ako naman. Ayaw pa sana nitong pumayag pero pinilit ko siya.
Sa oras na ito ay parang sasabog ang aking puso. Kailangan ko ng makakausap. Kaagad kong kinuha ang aking phone at nakita ko ang number ni Sir Yohan. Tumindig lahat ng aking balahibo ng maalala kong kahit siya ay may alam din. Napatingin ako kay Timothy na mahimbing na natutulog. Bakit ko pa siya hihintayin kung pwede ko namang itanong na lamang iyon kay Sir Yohan.
Tinawagan ko siya para sabihin ang aking pakay, agad itong nabahala ng marinig niya ang aking pagiyak habang kausap ko siya sa phone, kaya naman nuong mga oras ding iyon ay agad siyang bumyahe patungo sa akin.
"Babalik si Mama" paalam ko sa aking anak bago ito hinalikan sa ulo ng nagmadaling araw na.
Maingat akong lumabas ng kwarto. Nagtext si Sir Yohan na nandito na siya at malapit siya sa resort. Yakap ko ang aking sarili, sobrang lamig kahit na naka-jacket ako. Wala pa gaanong tao dahil masyado pang maaga.
Walking distance lang ang layo ng pinagparkingan niya. Mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang kanyang sasakyan. Sa totoo lang ay natatakot akong malaman ang lahat ng magisa, para kasing kailangan ko ng makakapitan at karamay.
Mabilis siyang bumaba para salubungin ako. Hinubad niya ang suot na jacket at mabilis iyong ibinalot sa akin.
"Damn it, Cristina. Namumutla ka" galit pero nagaalalang sabi nito.
Marahil ay dahil sa wala pa akong tulog at sa kaba at takot na nararamdaman ko sa ngayon. Agad niya akong inakay patungo sa kanyang sasakyan at pinaupo sa may passenger seat.
"Sabi ni Timothy kapatid ko daw si Agnes, pero ayokong maniwala. Sir Yohan ayokong maniwala" umiiyak na giit ko.
Niyakap niya ako at inalo. "Parang umurong ang dila kong makipagusap sayo tungkol diyan. Hindi ko kaya na makitang ganyan ka"
Mabilis akong kumawala sa kanyang yakap. "Gusto kong malaman" desperadang sabi ko.
Nagiwas siya ng tingin at napabuntong hininga. "Hindi kaya mas makakabuti kung kayong mag asawa ang magusap tungkol diyan?"
Napailing ako. "Natatakot akong baka may ilihim pa sa akin si Timothy. Hindi impossibleng kahit papaano ay may itatago pa din siya sa akin. Ayoko non" laban ko.
Matagal bago niya binasag ang katahimikan.
"Base sa mga nalaman ko sa private investigator ni Timothy na nagkataon ding nagtratrabaho sa akin..." pagsisimula niya.
"Bago pa man magkakilala ang Nanay at Tatay mo ay matagal na din itong naninilbihan bilang isang katulong sa Manila, which is sa pamilya Servantes. To make the story short ay naging surrogate mother siya para sa mga ito, at iyon na nga si Agnes..."
Kumunot ang aking noo "Bakit kailangang si Nanay pa?" Wala sa sariling tanong ko.
"Siya kasi ang isa sa pinakamalapit sa magasawa at hindi papayag si Mrs. Servantes kung sa ibang babae, malaki ang tiwala nila sa Nanay mo, Tine" patuloy na kwento pa niya.
"Oo nga't nakapagasawa na siya at yun ang Tatay mo. Nagkaanak na din siya at ikaw iyon. Pero hindi pa din niya maiwan si Agnes dahil bata pa lamang ay mahina na talaga ito at sakitin."
Hindi pa man gaanong naa-absorp ng buong pagkatao ko ay agad na ako nagtanong, madami pa akong gustong malaman.
"Nabanggit noon sa akin ni Timothy na yung nanay ni Agnes ang kabit ng Daddy niya. Ang Nanay ko ba iyon o si Mrs. Servantes?" Desperadang tanong ko.
Sandaling napatingin sa akin si Sir Yohan na para bang ayaw niya ng magsalita tungkol dito, pero hinawakan ko ang kanyang kamay. Kailangan kong malaman.
"It was Mrs. Servantes. Ang kaso nga lang, dahil sa kapangyarihan niya at pera ay mali ang naibigay na impormasyon ng tauhan nila Timothy sa kanila. Doon na nila idiniin ang Nanay mo, Tine. Kaya naman ang Nanay mo ang nabuntongan nila ng galit"
Agad akong napaiyak, si Nanay...wala siyang kasalanan pero siya ang nagdusa. Nawala siya sa amin dahil sa kagagawan ng ibang tao. Inosente ang Nanay ko, kaya naman sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. ang isiping wala siyang ginawang mali ngunit iyon ang naging kapalit ng pagtulong niya, Buhay niya ang kapalit at ang oras sana na magkasama pa kami.
"Alam ba ni Timothy?" Umiiyak na tanong ko.
"Late na nilang nalaman na mali pa lang tao ang napagbuntunan nila ng galit. Nangyari na"
"Kaya...kaya ba sila nagkilala noon si Agnes?" nahihirapang tanong ko.
"He really love Agnes, at yung pagkikita niyo is another story to tell..." seryosong sagot niya na ikinanuot ng noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" hindi mapakaling tanong ko.
"Hindi iyon aksidente, Tine. Sinadya niya iyon"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro