Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30


"Ok na ba lahat, wala na tayong nakalimutan?" Tanong ni Timothy habang chinicheck yung mga gamit na dadalhin namin patungo sa beach resort kung saan kami magbabakasyon.

"Ok na lahat" sagot ko sa kanya.

Isinara niya ang likod ng sasakyan kaya naman pinunasan ko muna ang pawisang si Thomas. Hawak nito ang laruang naliligo nanaman sa kanyang laway.

"Safety first..." nakangiting sabi niya habang kinakabitan kami ng seatbelt.

Tahimik lamang ako habang nasa byahe, paminsan minsan ay niloloko ko si Thomas sa pagkuha ng laruan sa kanyang kamay. Naaliw naman kami ni Timothy dahil hindi namin malaman kung maiiyak ba ito o matatawa.

"Hanggang kailan ba tayo duon, kailan tayo uuwi?" tanong ko.

Napabaling ito sa akin dala na rin ng traffic, kinuha niya ang aking kamay at mahigpit itong hinawakan.

"Hind pa nga tayo nakakarating, paguwi na kaagad ang iniisip mo" pagbibiro niya dahilan para mapakagat labi ako. Oo nga naman.

Humingi ako ng paumanhin kaya nginitian niya lamang ako. Nakatulog na si Thomas sa byahe, pinagmasdan ko ang mukha nito nakumpirmang kamukha niya talaga si timothy.

"Ang daya naman, kamukha mo si Thomas. Wala naman ata siyang nakuha sa akin" pagtatampo ko.

Natawa siya. "Malakas lang talaga ang dugo ko" pagmamayabang niya na ikinanguso ko.

Nakita kong bahagya siyang napasulyap sa akin. "Oh wag ka ng malungkot diyan, malay mo naman yung next baby natin kamukha mo na" sabi niya na ikinabato ko.

Naramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi. Kaya naman napayuko ako.

Sa kalagitnaan ng byahe ay dumaan kami ng drive thru para sa aming pagkain. Mas pinili namin ni Timothy na sa jollibee at bumili ng burger at fries. Sinadya naming damihan ang fries dahil kahit kasi si Thomas ay kumakain.

"Kung gusto mong umidlip, ok lang" sabi niya.

Ayoko naman naiwan siyang magisa, nakakapagod magdrive ng mahaba tapos wala ka pang kausap. Kaya naman nilabanan ko ang antok hanggang sa nakarating kami sa resort. Lagi daw nilang binibisita ang resort na ito lalo na pag may family gathering nila.

Medyo malayo ang mga resthouse sa main house ng buong resort. Malayo din ang pinagparkan ng sasakyan namin kaya naman dala ni Timothy ang lahat ng gamit. Ang hindi niya kinaya ay babalikan na lang daw niya.

"Tara na, Tine" pag agaw ni Timothy ng atensyon ko. Tsaka ko napansin ang kabuuan ng rest house. Sa labas pa lang ay makikita mo ng malamig at presko sa loob. Magaan siya sa pakiramdam.

Nakatanaw ako sa dagat habang dinadama ang malakas na pagihip ng hangin sa may veranda. Tulog na si Thomas at nasa banyo naman si Timothy. Mas lalong napahigpit ang yakap ko sa aking sarili ng muli kong naramdaman ang malimig at malakas na hangin na tumama sa aking balat.

Hanggang ngayon ay nangungulila pa din ako kay Nanay. Huli kaming nagkita bago ako mag birthday. Ang sabi niya uuwi siya pero hindi iyon nangyari. Kahit nung mamatay si Tatay ay hindi na din siya nagpakita.

Napabalikwas ako ng may mainit na katawan ang yumakap sa mula sa likuran.

"Nakakalunod. Ang lalim ng iniisip mo" bulong ni Timothy. Halos makiliti ako dahil sa kanyang hininga.

"Pinapagalitan ko kasi si Nanay sa isip ko. Madaya siya, alam kong mali pero galit ako sa kanya, nangiwan siya" sumbong ko at hindi ko na napigilang pumiyok.

"Baka may dahilan ang Nanay mo, Tine" mahinang sabi ni Timothy.

Mabilis ako napailing. "Sabi niya, uuwi siya para sa birthday ko. hinintay ko siya buong araw kasi kala ko tutupad siya sa pangako niya. Tapos nung araw ding iyon namatay si Tatay, tumawag siya para sabihing uuwi siya dahil sa nangyari ni hindi nga niya nalalang batiin ako..." pagtatampong kwento ko pa.

"Shhh...sigurado akong kung nasaan man ang Nanay mo ngayon ay hindi niya ginusto iyon. Hindi niya sinasadyang hindi ka balikan" pagaalo niya sa akin.

Pinaharap niya ako sa kanya at ikinulong ang pisngi ko gamit ang mga palad niya.

"Andito kami ni Thomas, Tine. Kami, hindi ka naman iiwan" malambing na sabi niya sa akin tsaka niya hinalikan ang noo ko.

Niyakap ko siya. "Thank you, Timothy"

Birthday ni Thomas ng sumunod na araw. Napabungisngis ito ng batiin namin siya ni Timothy.

"Ma...ma!" Tawag nito at naglahad ng kanyang kamay para magpabuhat.

Kinuha ko siya at pinuno ng halik."Happy birthday baby ko" malambing na sabi ko dito.

"Happy birthday, baby" sabi din ni Timothy bago hinalikan ang noo nito.

Natawa kami ng tinabig niya ang cake na hawak ni Timothy dahilan para mapuno ng icing ang kanyang kamay.

Si Timothy ang nagluto ng mga pagkain para sa amin. Pinaupo ko si Thomas sa kanyang high chair para subuan. Pagkatapos kumain at pupunta daw kami sa kabilang isla para mamasyal. Tanaw ko na din sa dagat ang yateng gagamitin namin.

"Wag mo na masyadong alalahanin yang anak natin, Tine. Malaki na yan" sabi ni Timothy dahilan para makurot ko siya sa tagiliran.

"Anong malaki ka diyan? One year old pa lang yung anak mo noh!"

Dahil sa aking reaksyon ay lalo lamang itong natawa. Pagkatapos magbreakfast ay nagayos na kami para sa pagpunta namin sa kabilang isla, mas marami daw kasing pasyalan doon.

Kakaibang saya ang aking nararamdaman. Para na kasi kaming isang normal na pamilya. Ito kasi yung bagay na matagal ko ng pangarap.

"Timothy nakakahiya..." namumulang sabi ko sabay iwas sa camera ni Timothy. Kanina pa kasi kami nito kinukuhanan ng litrato.

"Wala kang dapat ikahiya, Tine. sa atin itong yate. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo dito" sabi niya sa akin.

"Ayoko pa din" nahihiyang sabi ko at napatakip na ng mukha.

"Ikaw na lang baby" pagpipilit niya sa anak namin. Pero hindi naman siya nito pinapansin.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Napangisi ako tsaka siya dinilaan dahilan para kumunot ang noo nito. Wala pa mang isang saglit ay napatili ako dahil sa biglaang pagyakap niya sa amin.

"Timothy!"

Mas lalo niya lamang kaming niyakap ng mahigpit ni Thomas.

"Minsan na kayong nawala sa akin, hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit iyon" bulong niya sa akin.

Nakakapagod pero masaya, madami nga talagang pwedeng pagpasyalan sa kabilang isla. Kahit nga si Thomas ay mahimbing na ang tulog. Naririnig pa namin ang mahinang paghilik nito.

Dumiretso ako sa banyo pagkalapag ko kay thomas sa crib niya. Sandali lang din naman ako duon dahil nararamdaman ko na ang antok at pagod sa ginawa naming pamamasyal kanina. Wala mang party na naganap sa birthday ni Thomas ay hindi naman mapapantayan ng kahit anong bagay ang naramdaman naming say kasama si Timothy.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Timothy ng bigla nanamang yumayakap sa aking likod.

"Oo kahit nakakapagod" nakangiting sagot ko.

Napairap ako ng pinaulanan nito ng maliit at mapanuksong halik ang gilid ng aking leeg.

"Baka nakakalimutan mong si Thomas ang may birthday at hindi ikaw" papaalala ko sa kanya.

Pinaharap niya ako sa kanya. "Nagusap kami ni Thomas kanina, sinabi niya sa akin kung ano ang gusto niyang regalo" sabi nito na lalong ikinataas ng aking kilay.

"Ano?"

"Gusto na daw niya ng kapatid" sagot niya.

Nanlaki ang mata ko, kokontra pa sana ako ng mabilis niya ng inatake ang aking labi.

Nagising ako ng may ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ni Timothy sa aking tabi. Nakapatong ang kanyang kamay sa aking bandang tiyan, bahagya ko namang itinaas ang kumot na nagtatakip sa hubad naming mga katawan.

Naupo ako at pinagmasdan ulit siya. Nung una kong makita si Timothy, iba na talaga ang naramdaman ko sa kanya. Lalo tuloy akong ginanahan nuon magtrabaho, siya ba naman ang boss mo at makikita mo araw araw.

Naging mabilis ang arrangement namin noon. Biglaan ang mga nangyari, dala na rin siguro na may gusto ako sa kanya ay mabilis niya akong napapayag. Marami na kaming napagdaanan, hindi man masyadong maganda ay kahit dumating yung araw na bigyan ako ng pagkakataong mamili ng kapalaran ay itong kwento pa din namin ni Timothy ang pipiliin ko.

Maingat kong kinuha ang kanyang kamay. Pumunta ako sa may walk in closet para kumuha ng bagong robe at tuwalya. Maaga akong maliligo para makapagluto ng breakfast.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Bago tuluyang bumaba ay napadaan ako sa home office nila. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip at pumasok ako duon. Maraming libro, ang ibang gamit duon ay halata ding antigo. Umupo ako sa malaking office table na gawa sa mamahaling kahoy. Marahan ko iyong pinasadahan ng aking kamay bago ko binuksan ang mga drawer.

Napahinto ako sa pinakadulong drawer ng makakita ako ng litrato. Ang mga mukhang nandoon ay pamilyar sa akin.

"Nay..." tanging nasambit ko na lamang ng tuluyang makita ko ng malinaw ang babae sa litrato.

Lalo akong naguluhan, may hawak itong bata sa isang litrato. Hindi naman ako iyon. Pero ang lubos kong ipinagtataka ay kung bakit mayroong ganuong litrato si Timothy. Bakit may litrato siya ni Nanay?

"Tine..." gulat na tawag niya sa akin ng makita niya ang aking hawak.

"Bakit may ganito ka, Timothy? Saan nanggaling ito?" Desperadang tanong ko.

Kita ko ang pangamba sa kanyang mukha. "I don't know, Tine" wala sa sarili sagot niya.

"Saan mo ito nakuha, Timothy?" Medyo tumaas na ang boses ko.

"Sino tong bata sa picture? Hindi ako ito. Sino to?" Mariin lamang itong napapikit na lalo kong ikinainis.

"Timothy please, sagutin mo ako!" sigaw ko dahil sa frustration, hindi ko na din matago ang pagapaw ng aking emosyon.

"Wag ngayon, Tine" pakiusap niya.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Sino ito!?" muling sigaw ko.

Pero nanlaki ang mata ko sa sagot niya. "Si Agnes"

Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. "Anong kinalaman ni Agnes sa Nanay ko?" naguguluhang tanong ko.

Napahilamos siya ng kanyang mukha at nagtangang lalapitan ako ng kaagad akong umiwas.

"Sagutin mo ako, Timothy. Please..." umiiyak na pakiusap ko.

"Damn, Tine..." frustrated na sambit niya dahil halatang nahihirapan siya.

"Timothy!" banta ko sa kanya dahilan para lumabas sa bibig niya ang bagay na hindi ko inaasahan.

"Kapatid mo siya, Tine. Ate mo si Agnes" 






(Maria_CarCat)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro