Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27


"Bakit ba kailangan mo pang malaman?" Tanong ko kay Timothy habang nakahiga na kaming dalawa.

Niyaya ko na siyang matulog dahil madaling araw na. Inilipat ko na din muna si Thomas sa crib dahil amoy alak si Timothy.

"Gusto ko lang malaman kung ano yung mga nangyari sa inyo nung iniwan ko kayo" sagot niya.

"Hindi mo naman na kailangang malaman yon. Tapos na, mas mabuti kung wag na lang nating balikan" giit ko.

"Hindi ako matahimik, alam kong malaki ang kasalan ko sa inyo, lalo na sayo" nanlulumong sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Timothy, wag na nating balikan iyon. Wag mo ng ipaalala sa akin lahat ng ginawa mo noon at naiinis lang ako" sabi ko na may kasamang pangaasar.

Pagod siyang ngunit. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "I'm so sorry Tine. Alam kong hindi sapat, pero pangako ko babawi ako" paninigurado niya.

Nagiwas ako ng tingin. "Alam mo, dati ayoko na talagang maniwala diyan sa salitang babawi ako, kasi ilang beses na akong umasa diyan. Katulad na lamang nung ginawa ni Inay sa amin ni Tatay." kwento ko.

Uminit ang gilid ng aking mga mata."Wag na nga nating isipin yon. Basta ang mahalaga ngayon, ginagawa ko lahat ng ito para kay Thomas." dugtong ko pa.

Gumalaw siya, naramdaman ko ang braso niyang yumakap sa aking bewang. "Wag lang para sa anak natin, Tine. Gawin mo ito para sa kanya at sayo."

Nakiliti ako sa hininga niyang tumatama sa aking pisngi. "Sa tingin ko ay inaantok ka na, matulog ka na Timothy" sabi ko sa kanya.

Umiling ito kaya naman kumunot ang noo ko. Lalo ding humigpit ang yakap niya sa bewang ko.

"Ayoko, baka mamaya nagkukunwari ka lang na bati na tayo, tapos pag tulog na ako ay iiwan niyo na ako ni Thomas" dahilan niya na ikinatawa ko.

"Grabe naman yang imagination mo!" Natatawang sabi ko sa kanya at bahagya pa siyang tinapik sa braso.

Pero hindi ko inaasahan ang pagiyak nito, hindi ko tuloy alam kung ano bang nangyayari sa lalaking ito.

"Natatakot ako na iwan niyo ako. Baka maisipan mong gantihan ako at sumama ka kay Yohan" sabi niya habang umiiyak.

Mayroong bar si Timothy, hindi ito malalasing ng ilang can ng beer lang. Sa tingin ko ay naghalo halo na ang nararamdaman niya. Matapang niyang nailabas lahat ng problema niya.

Marahan kong itinaas ang kamay ko para pahiraran ang luha sa pisngi niya. "Kung gusto nga talaga kitang iwanan, wala sana ako ngayon dito. Hindi sana ako papayag na sumubok tayo ulit. Gaya ng sabi mo, hindi na lang para sa ating dalawa ito. Kasama na si Thomas sa mga desisyon natin" pagpapaintindi ko sa kanya.

Narinig ko pa ang ilang beses niyang paghingi ng sorry hanggang sa tuluyan na siyang kinain ng antok.

Sa pagkakaalam ko iniwan niya kami noon para kay Agnes. Wala naman akong maisip na ibang pangdahilan o mas malalim pang dahilan bukod doon.

Masaya ang gising ko kinaumagahan. Mas lalo akong natawa ng magsimula nanamang magingay si Thomas. Para bang kinakausap niya kami kahit hindi naman namin iyon maintindihan. Ang kanyang mga laruan ay basa na din dahil sa kanyang sariling laway.

"Nililinis mo nanaman yang toys mo" pagkausap ko sa kanya na sinagot niya ng hagikhik.

Sandali ko siyang iniwan para tingnan ang niluluto ko. Alas otso na ng umaga at tulog pa din si Timothy. Nailabas ko na nga kanina ang mga labahin dahil maglalaba ako pagkatapos ng almusal. Hindi naman umiiyak si Thomas para magpabuhat. Umiiyak lang ito pag gutom na o puno na yung diapers niya.

"Good morning" paos na bati ni Timothy habang nagkukusot ng mata.

Nilingon ko siya at bumati din pabalik. Nasa dinning na kami ni Thomas at inilapg ko na siya sa crib niya doon. Bahagya akong napanguso ng makita kong hindi nito malaman kung lalapit ba siya sa akin o ano. Pero sa huli ay lumapit siya at hinalikan ako sa ulo.

"Akala ko panaginip lang" wala sa sariling sabi niya.

Natawa ako lalo ng makita kong namumula ang tenga nito. Nahihiya siyang napahawak sa kanyang batok. Hindi na siya nakapagsalita pa, nilingon niya ang anak naming hanggang ngayon ay nagiingay. Lalapitan sana niya ng kaagad ko siyang pinigilan.

"Wag kang lalapit kay Thomas. Ang baho mo, maligo ka muna"

Malungkot itong tumingin sa akin. "Nagugutom na ako..." sabi nito sabay hawak sa tiyan niya.

Inirapan ko siya at hinayaang lapitan ang anak namin para makakain na kami. Inasikaso ko siya, ipinagtimpla ko pa siya ng kape, kagaya ng dati.

Naging maayos ang sumunod pang araw. Ramdam kong bumabawi na talaga siya sa amin at nagbago na talaga. Mas lalo naman akong nainip sa bahay ng magpadala siya ng kasambahay kaya naman wala na akong magawa. Halos buong araw kaming nakakulong ni Thomas sa kwarto, nakikinuod na lang ako ng cartoons kasama siya.

"Ginabi ka nanaman" mahinahong bungad ko kay Timothy pagkadating niya, naabutan niya kami ni Thomas na nanunuod ng tv sa may living room.

Lumapit siya sa amin at humalik. "Sorry, galing kasi ako sa bar natin sa Alabang" paliwanag niya.

Hindi na lang ulit ako sumagot. Ibinalik ko ang atensyon ko sa pinapanuod namin. Ayokong isipin niyang nagiging clingy ako. Tumabi siya paupo sa akin at bahagyang kumunot ang noo ko ng kuhanin niya ang kamay ko at paglaruan ang daliri ko.

Nilingon ko siya, Ang isang kamay niya ay nakatago sa kanyang bulsa, gumagalaw din iyon. Mabilis siyang huminto ng makita niyang pinapanuod ko siya.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong ko.

Mabilis siyang umiling. "Wala, may iniisip lang"

Pinanliitan ko siya ng mata, kita ko ang kaba sa kanyang mukha dahil sa ginawa kong titig sa kanya. Baka gumagawa nanaman ng kalokohan ang isang ito.

Hindi siya umalis kinaumagahan. Nagtaka pa nga ako ng makita kong inaayos niya ang garden. Tinanong ko pa siya kung anong nakain niya pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Nagtatanim siya ng mga bagong bulaklak kahit tirik ang araw. Nang makatulog si Thomas ay sinubukan ko pang tumulong.

"Wag na Tine, magpahinga ka na lang sa loob. Matulog ka din tabihan mo si Thomas" pagpigil niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit parang umiiwas ka sa akin!?" Akusa ko. Nagulat siya at napatayo.

"Hindi naman sa ganon, ayoko lang na mahirapan ka" sabi niya.

Dahil na din siguro sa inis ko ay hindi ko na napigilang masungitan siya. "Kung gusto mong mapagisa, sabihin mo. Para naman alam namin kung saan kami lulugar ng anak mo..." tuloy tuloy na sabi ko at agad pumasok sa bahay.

At dahil biyernes, walang pasok si Thessa kaya naman naisipan kong puntahan na lang namin siya ni Thomas.

"Pupunta ka kila Thessa?" Mahinahong tanong niya ng salubungin niya ang pagbaba namin.

"Oo, atleast doon may pakialam yung mga tao sa amin" parinig ko.

"Tine" pagtawag niya.

"Wag mo na muna kaming pigilan. Gusto din naming makalabas dito sa bahay mo" pagmamatigas ko.

"Hindi, siguro nga mas mabuti kung doon muna kayo kina Thessa" sabi niya naikinagulat ko.

Aba't napahiya pa pala ako duon dahil akala ko pipigilan niya kami. Sa kanya pa mismo nanggaling na umalis nga muna kami.

"Bahala ka sa buhay mo..." inis na sabi ko at iniwan namin siyang magisa doon.

Pinagtawanan ako ni Thessa ng sabihin ko sa kanya ang problema ko. Pakiramdam ko tuloy bigla na lang din siyang pumabor kay Timothy.

"Gusto ko siyang intindihin pero wala talaga. Palagi siyang wala sa bahay at kung minsan ay gabi pa umuwi. Pag nasa bahay naman ay kung ano ano ang ginagawa. Biruin mo ba namang magayos ng garden namin, hindi naman niya normal na gawain yon" himutok ko kay Thessa.

Natatawa lang itong nakikinig sa akin. "Baka naman busy lang"

Napanguso ako. "Magpapatayo ba siya ng flowershop!?"

Itinulog ko na lang ang inis ko. Ni hindi nga pumunta si Thomas para sunduin kami. Hindi naman na ako nagabalang umuwi pa kami. Maaga akong nagising kinaumagahan, pagkalabas ko ng kwarto ay si Sir Yohan ang sumalubong sa akin, may dala itong travelling bag.

Nginitian niya ako ng makita niya ang tingin ko sa bag niya. "Out of town conference" sabi niya.

"Ano nilayasan mo na ba si Timothy?" Tanong niya sa akin.

"Hindi, uuwi din kami mamaya" sagot ko.

Tumango siya at nginitian ako, maging sa kanya tuloy ay nanibago ako. Lumapit siya at humalik sa aking ulo. Sinabi niyang ihalik ko na lang din siya kay Thomas dahil kailangan niya ng umalis.

"Magiingat ka..." pahabol ko.

Ngumiti siya at kinindatan ako. "Para sayo"

Hapon na ng napagpasyahan naming umuwi. Bago mangyari iyon ay pinagpalit pa ako ni Thessa ng dress. Binili daw talaga niya iyon para sa akin at hindi niya ako papaalisin pag hindi ko isinuot. Kahit ayaw ko ay sinuot ko na lang para wala ng problema.

"Wow! Saktong sakto talaga sayo ha" namamanghang sabi nito.

"Umuwi ka na ng nakaganyan. Bagay sayo, ang ganda mo!" panguuto pa niya.

Magsasalita pa lang sana ako ng agad kaming nagulat sa humahangos na kasambahay nila. "Ma'm may tumawag po, yung asawa niyo daw po"

Kinabahan ako. Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng agad na akong tumakbo palabas.

"Thessa ikaw muna ang bahala kay Thomas"

Pinahatid ako ni Thessa sa kanilang driver. Nasa byahe pa lang ay umiiyak na ako sa kaba at takot. Anong nangyari kay Timothy?

Mas lalo akong naiyak sa driver ng maipit kami sa traffic. Sa iba siya dumaan at mas napalayo kami. Halos gusto kong bumaba na lang at takbuhin pauwi sa amin. Duon ko lang narealize ang suot kong puting dress, hindi na ako nakapagpalit pa ng tsinelas na pangloob ng bahay.

Walang ilaw ang buong bahay pagdating namin. Patakbo akong pumasok sa loob at isinigaw kaagad ang pangalan ni Timothy.

Binuksan ko na ang lahat ng ilaw ng buong bahay pero hindi ko pa din siya makita. Nang malibot ko na ang buong bahay ay sinunod ko na ang garden.

Sa garden ko siya iniwan kahapon. Mabilis akong nagtungo doon, kagaya sa loob ng bahay ay madilim din doon.

"Timothy!" sigaw kong muli.

Napabalikwas ako ng bigla akong makarinig ng kung ano. Pamilyar ang kantang iyon sa akin. Hanggang sa unti unting lumiwanag ang buong garden. Naaninag ko ang hindi pamilyar na arco sa may gitna. Wala iyon kahapon. Mas lalo kong narinig as background music ang kantang Got to believe in magic.

Napatakip ako sa aking bibig ng tuluyan kong makita ang kabuuan ng garden. Halos lahat ng kaibigan ni Timothy kasama ang mga asawa nito ay nandoon. Maging si Thessa na karga si Thomas ay nandoon na din, naunahan pa ako.

Nawala sila sa paningin ko ng humarang si Timothy sa harapan ko. May hawak siyang magandang sapatos, lumuhod siya at pinalitan ang suot kong tsinelas pang bahay. Pakiramdam ko tuloy si Cinderella ako.

Tumingala siya sa akin ng tuluyan niya ng masuot ang sapatos sa aking paa.

"Thank God I found you...again" sambit niya sa akin na lalo kong ikinaiyak.

Kung sana palagi na lang ganito. Pero alam kong marami pa kaming pagdadaanan ni Timothy.



(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro