Chapter 25
Timothy's Pov
Halos hindi ko na magawa ng maayos ang kanina kong ginagawa. Tanginang Yohan yon, panira ng araw.
"Ang sarap ng tulog ng baby ko" Narinig kong mahinang tawa ni Tine at ang yapak niya pababa.
Mas lalo kong binilisan ang pagaayos sa dinning para makakain na kami ng breakfast, maya maya lamang ay tuluyan ko na silang nakita ng anak namin. Parang hindi niya napapansin ang presencya ko dahil tuwang tuwa siya dito.
"Good morning" nakangiting bati ko sa kanila. Lumapit ako at sinalubong sila
"Good morning, Baby" sabi ko sa anak namin bago ko siya hinalikan sa ulo. Bumaling naman ako kay Cristina para sana batiin at halikan din siya kahit sa noo pero ramdam kong umiwas siya.
"Good morning" sabi ko pa din.
Bahagya lamang itong tumango at nagiwas ng tingin. "Akin na si Thomas, Tine. Kain na tayo"
Nakakandong si Thomas sa akin habang kumakain. Si Thomas lang ang maingay, natatawa na lang kami minsan dahil hindi naman namin siya maintindihan.
"Aalis ako mamaya para asikasuhin yung kaso tungkol dun sa nangyari. Gusto mo bang iwan ko muna kayo sandali kina Thessa?" Tanong ko dahil hindi din naman ako makakampante kung iiwan ko sila dito sa bahay.
Mabilis siyang tumango. Kaligtasan nila ang una kong inisip kesa ang takot ko sa banta sa akin ni Yohan. Kung ano man ang itinatago ko sa kanya ay sasabihin ko din naman. Naghahanap pa ako ng tamang tiempo.
Pagkatapos kumain ay umakyat sila dalawa pabalik sa kwarto para makapagbihis.
"Tine..." tawag ko sa kanya pagkapasok ko ng kwarto namin. Hindi niya ako sinagot. Nakita ko ang anak naming nakabihis na at nakahiga sa kama habang sinusubo ang laruan niya.
Kinatok ko ang banyo pero walang sumagot, kaya naman napagpasyahan kong dumiretso sa may walk in closet para sana tingnan kung nanduon siya pero ganuon na lamang ang gulat ko sa aking nakita.
"Umalis ka!" gulat na sigaw din niya ng pamansin ako.
Tumakbo pa siya sa sulok para lang makalayo sa akin. Sa gulat ay hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko din naman inaasahang makikita ko siya sa ganitong ayos, walang kahit anong suot na saplot.
"Tine..." nagaalalang tawag ko sa kanya.
"Sabing umalis ka!" sigaw pa din niya sa akin.
Pero hindi ko siya sinunod. Hindi sa pagkakataon na ito. Kumuha ako ng tuwalya at ibinalot iyon sa katawan niya.
"Wag mo akong hawakan" umiiyak na sabi pa niya. Mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit.
"Shh...tama na Tine,Wala na" pagaalo ko sa kanya, batid ko ang panginginig ng kanyang katawan.
"Hindi, naaalala ko pa eh, naalala ko pa!" sumbong niya na para bang ayaw at takot siya sa naiisip niya.
Lalo ko lang narinig ang pagiyak nito. Humiwalay ako sa kanya para punasan ang luha sa kanyang mga mata.
"Trust me Tine, hindi na mauulit yon. Andito lang ako" paniniguro.
Sandali itong natahimik, marahil ay natauhan na din sa aking sinabi kaya naman inayos kong mabuti ang pagkatakip ng tuwalya sa hubad niyang katawan. Pero ganuon na lamang ang gulat ko ng magsalita pa itong muli.
"Pare pareho kayong mga lalaki. Pare pareho kayo" May halong gigil na sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin.
"Shh...hindi Tine, hindi ko gagawin sayo iyon. Hindi kita pipilitin sa mga bagay na ayaw mo" mariin kong sabi.
Kailangan ko siyang tulungan, kailangan maramdaman niyang kaya ko siyang protektahan at hindi ako katulad ng mga iyon.
Natahimik siya at napaiwas ng tingin. "Umalis ka na. Umalis ka na at magbibihis na ako" malamig na sabi niya.
"Damn Baby, Stop thinking about it, ok?" Nanlulumong sabi ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at hirap na tumayo. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya habang nakaupo pa din siya duon sa may sahig.
"Alis na" malamig na utos niya.
Wala na akong nagawa kundi ang lumakad palabas duon, nagulat pa ako ng malakas niyang isinara ang pinto.
Tine's Pov
Ayokong makita niya akong ganoon. Oo nga't asawa ko siya, nakita niya na rin ito dati pero nangako ako sa sarili kong hindi ko naulit ibibigay kay Timothy ang lahat. Kung may pangangailangan siya bilang isang lalaki wala akong pakialam.
Isipin ko pa lang na magpapaangkin ako sa kanya ay halos masuka na ako lalo na pagnaaalala ko o pumapasok sa isip ko kung paano niya ipagtanggol si Agnes. Hindi ko alam pero ang isiping magkatabi sila sa iisang kama at ginagawa ang mga bagay na hindi naman dapat ay lalong nagpapalaki sa galit at puot sa puso ko.
"Cristina, Apo " salubong sa akin ni Lolo.
Tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Lilipas din yan. Kaya mo yan, Ikaw pa." Pagpapalakas niya sa akin.
Maluha luha akong tumango sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pag may nagsasabi sa aking malakas ako ay naiiyak ako, marahil ay gusto kong ipagsigawan sa kanilang hindi iyon totoo. Na kahit ipinapakita kong kaya ko ay hindi, mahina ako. Lumalakas lang ang loob ko dahil dapat, hindi dahil natural na malakas at matapang ako. Matatag ako dahil dapat.
"Andeng..." tawag ni Thessa at mabilis na bumaba ng hagdan para yakapin ako.
"Miss na miss na kita"
"Miss na din kita, miss ka na namin ni Thomas" mahinang sabi ko.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa presencya ni Thessa. Ang sabi kanina ni Timothy ay baka after lunch tapos na ang lakad niya pero magaalas kwatro na ng hapon ay wala pa din siya. Kahit kailan talaga ang lalaking yon, sinungaling.
"Baby Thomas..." agad naputol ang pagiisip ko ng marinig ko ang masayang boses ni Sir Yohan habang tinatawag ang anak ko.
Tumalon talon pa si Thomas ng makita ito habang nakatayo sa binti ni Thessa na may karga sa kanya. Kaagad sumama si Thomas dito ng maglahad siya ng kamay.
Gigil na inabot ni Thomas ang mukha nito at binasa nanaman ng kanyang laway.
"Wow, miss na miss ako ni Baby Thomas. Si Mommy kaya namiss din ako?" Pangaasar nito at nakangiting bumaling sa akin.
Hindi ako nakapagreact, kumunot lang ang noo ko. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi nito.
"May dala akong yema cake, Thessa. Pinahanda ko na kay Manang sa may dinning, magmirienda na tayo..." baling nito sa pinsan ko.
"Sige Kuya Yohan, akin na din muna yang si Thomas, mauuna na kami duon" sagot ni Thessa dito.
Sinundan niya ng tingin si Thessa at ang anak ko hanggang sa makarating ito sa may kusina bago bumaling sa akin.
"Ilang araw ka pa lang nalayo dito, naging suplada ka na. Bakit maganda ka na ba?" Masungit na tanong nito sa akin.
Mahinang natawa na lamang ako dahil hindi pa din siya nagbabago, matalas pa din ang dila niya. Yung tipo ng lalaking walang tinatago, kung bastos siya edi bastos. Kung ganyan talaga siya magmura at pranka ay wala kang magagawa.
Mas gusto kong kasama yung lalaking ganito, feeling ko kasi secured ako. Mapagkakatiwalaan mo siya dahil wala siyang tinatago sayo, ni kahit iniisip niya nga ay sinasabi niya. Wala siyang sikreto. Hindi katulad ni Timothy na kailangan mo pang magingat sa galaw at sasabihin mo dahil hindi mo naman alam kung anong pagiisip meron ang isang iyon.
"Bakit nga pala ang aga mong umuwi?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng mirienda.
Hawak si Thomas ng tagapagalaga niya habang busy naman si Thessa sa phone niya.
"Boring sa resto eh..." sagot nito.
"Ngayon ko lang yan narinig sayo, sa pagkakaalam ko kulang na lang ay duon ka na matulog." pangaasar ko sa kanya.
Medyo nailang ako ng ilapit nito ang bibig niya sa may tenga ko. "Wala ka na kasi doon eh" sabi pa niya.
"Oh ano may tanong ka pa?" Natatawang pangaasar pa niya.
"Bakit napakakapal ng mukha mo?" Mahinahon kong sabi.
Napangisi pa ito at humalukipkip pa, napakayabang talaga. "Kasi gwapo ako"
"Ibang klase, sobrang kapal ng mukha mo" wala sa sariling sabi ko habang umiiling pa.
Sinamaan ako nito ng tingin. "Akala mo naman yung asawa mo gwapo, eh puro kagaguhan lang naman ang alam nuon." Mapanuyang sabi pa nito.
Sinamaan ko din siya ng tingin at inirapan. Hindi dahil ipinagtatanggol ko si Timothy kundi dahil pareho naman silang dalawa na gago.
"Gago ka rin naman..." mahinang sambit ko at magsusubo na sana ako ng cake ng magulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at itinapat iyon sa bibig niya.
"Bakit mo ginawa iyon?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Eh kasi nga, Gago ako"
Lalo ko lang siya sinimangutan, kaya naman ang natitirang piraso ng cake sa platito ko at agad na isinubo iyon ng buo sa bibig ng napakahanging lalaking ito.
Nanlaki pa nga ang mata nito, hindi malaman kung iluluwa ba o kakainin niya kaya naman napatawa na lamang ako. Nagulat kami ng bigla na lang akong mapatayo ng may humila sa akin.
"Timothy!" pagbabantang tawag ni Thessa dito.
Hinila niya ako papunta sa may garden.
"Bakit pag ibang lalaki pwede!? Ako hindi!?" Pagburst out nito na ikinagulat ko.
"Ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.
Napahilamos ito sa kanyang palad at napapikit ng mariin.
"Bakit pag kay Yohan tumatawa ka sa akin hindi?" Puno ng hinanakit na tanong nito.
Hindi ako nakaimik. "Bakit si Yohan pwede kang hawakan ako hindi?" Pagpapatuloy pa niya.
"Bakit si Yohan kinakausap mo ako hindi!?" Frustrated na singhal nito at nakita ko kung paano tumulo ang luha sa kanyang mata.
Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya.
"Kasi totoo siya, wala siyang tinatago sa akin. Lahat ng ipinapakita niya totoo. Yung sayo kasi hindi ko alam kung totoo ba lahat iyon o palabas lang" mahinahon pero matapang na sagot ko.
"Damn it Tine! Nung sinabi kong gusto kitang alagaan totoo yon, lahat yon." Mariing sabi pa niya.
"Pero hindi ka nagpapakatotoo sa akin Timothy" muling bato ko.
"Konting oras pa Tine" pagmamakaawa niya.
Parang may kung anong kumirot sa puso ko, ano ba talaga ang itinatago niya sa akin at hirap na hirap siya sabihin.
"Gaano ba kahirap para sayo sabihin ang totoo?" sumbat ko.
"Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto sayo ng katotohanan Tine, pero ayokong masaktan ka..." pagamin niya.
Isa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Napakasinungaling niya.
"Matagal na akong nasasaktan Timothy, Simula nung minahal kita" mariing sabi ko at mabilis siya iniwan duon.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro