Chapter 24
Timothy's Pov
Sinabihan ko si Cristina na magpahinga muna pero hindi ito umidlip man lang. Buong araw niyang hawak ang anak namin kahit pa natutulog na ito. Bibitawan lang niya kung may importante siyang gagawin.
"Tine, nagluto ako sa baba. Mag dinner na tayo" yaya ko sa kanya.
Naabutan ko siyang nakahiga sa kama habang pinagmamasdan si Thomas. Ni hindi man lang nagabala itong lingonin ako. Kaya naman ako na ang lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa balikat na batid kong ikinagulat niya.
"Sorry" paumanhin ko.
"Kanina ka pa ba nandiyan?" Nahihiyang tanong niya sa akin.
"Hindi naman, tatawagin lang sana kita para makakain na tayo" sagot ko.
Marahan itong tumango pero bago pa man iyon ay sinigurado niyang may harang na unan ang higaan ng anak namin para hindi ito mahulog.
"Dapat tinawag mo na lang ako, para ako yung nagluto" sabi nito.
"Hindi ba nga sabi ko sayo, ako ang magaalalag sa inyo."
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon" sabi niya at hindi makatingin sa akin.
"Gagawin ko yun para sa inyo ni Thomas" pagaalo ko.
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero kagaya nung una ay iniwas niya ito sa akin. Nauna na din itong lumabas at bumaba.
"Nagluto ako ng sinigang na baboy, alam kong pabarito mo yan" pagbibida ko pa.
Iginaya ko siya sa may upuan at pinaghainan siya.
"Ako na..." pagpigil niya at para siyang na kuryente ng magdikit ang mga kamay namin.
"Ako na, Timothy kaya ko na to" paguulit pa niya.
Nagpaubaya na lamang ako at naupo na lang din. Kagaya ng nasa hospital kami ay hindi pa din siya makakain ng maayos.
"Masarap ba?"
Bahagya lang itong tumingin sa akin at agad din naman niyang iniwas.
"Pwede na" sagot niya na ikinatawa ko.
Isa sa mga nagustuhan ko noon kay Cristina ay ang pagiging pranka niya.
"So I will take that as a complement"
Hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong emosyon, ni kahit pilit na ngiti ay hindi niya ako binigyan.
I want my Cristina back, yung Cristina na kahit iniiwasan at sinisigaw sigawan ako ay ayos lang sa akin, basta ba bumalik lang siya sa dati.
"Ako na ang maghuhugas." pagprepresinta niya pagkatapos naming kumain.
"No Tine. Ako na, I think you better wash yourself first para pagakyat ko malagyan ko na ng ointment yang mga sugat mo" pigil ko sa kanya.
Hindi naman namin pinagtalunan iyon dahil mabilis siyang pumihit patalikod at umakyat na. Kahit hindi ako sanay ay ginawa ko lahat ang gawing bahay sa buong araw. Masaya naman pero medyo nakakapagod nga lang talaga.
Matapos kong ma-check ang lahat ay umakyat na din ako. Naabutan ko itong nagsusuklay ng basang buhok sa harap ng salamin.
"Shower lang ako" paalam ko sa kanya.
Tumango lang ito ng isang beses sa akin at nagiwas ng tingin.
Tine's Pov
"Shower lang ako" paalam nito.
Tinanguan ko na lamang siya at ibinalik ang aking buong atensyon sa salamin. Hindi ko alam kung bakit kailangang gawin pa ito ni Timothy. Marahil ay naaawa siya sa nangyari sa akin kaya pinipilit niya ang sarili niyang pakisamahan ako.
Lumabas siya ng nakatapis ng tuwalya. Ni hindi man lang siya nahiya na makita ko siyang ganuon. Pumasok siya sa walk in closet at paglabas ay naka dark blue na pajama lang at walang pangitaas.
"Tara na." yaya niya sa akin habang ipinupunas niya ang tuwalya sa kanyang basang buhok.
Blankong eskpresyon lang ang ibinigay ko sa kanya. I don't really know kung ano itong pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung dala lang ba ito ng trauma ko o sinamahan na ng galit at pagkamuhi.
Gagantihan ko siya, ipaparamdam ko sa kanya lahat ng ipinaramdam niya sa akin noon.
"Tine, gagamutin natin ang sugat mo" muli niyang yaya sa akin, hindi pa siya nakuntento at nilapitan pa ako.
Ayan nanaman siya sa paghawak sa kamay ko. Mabilis kong binawi iyon ng makaramdam ako ng parang kuryente dahil sa hawak niya.
Bago siya tuluyang lumapit sa akin ay maingat niyang binuhat ang anak namin at inilipat ito sa kanyang crib. Mas gusto ko sanang sa tabi ko na lamang ang anak ko.
Sa totoo lang pagnakatingin ako sa malayo ay bigla na lamang papasok ang eksena nung gabing iyon sa utak ko. Nakakaramdam kaagad ako ng takot.
"Mahimbing ang tulog niya" nakangiting sabi nito pabalik sa kama.
"Pwede bang magdamit ka?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Ah, Sige wait lang" natatarantang saad nito at patakbong pumasok sa walk in closet.
Pagkalabas niya ay may suot na siyang puting sando.Tahimik lang ako habang marahan niyang nilalagyan ng ointment ang gilid ng labi ko. Panay ang salita niya, Gusto ko sana siyang sitahin na tumigil dahil ayoko nung tumatama ang hininga niya sa pisngi ko. Nanlalambot ako.
Pagkatapos niyang gawin iyon ay umayos na din ako ng higa. Nakaharap ako sa pwesto ni Timothy, pero nung humiga na siya ay sinadya kong pumihit pabaliktad para talikuran siya. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
Tama lang iyon sa kanya.
(Flashback)
Kakauwi lang niya galing sa ilang araw na out of town. Pinalitan ko ng sapin ng kama at ng mga unan, maselan kasi si ito pag dating sa higaan. Ang gusto pa nga nito ay pinaplantsa iyong mga punda at kumot.
Kagaya ng dati ay walang kibuan. Ako lang minsan yung nagsasalita.
Nauna siyang umakyat pagkatapos kumain, nagayos pa muna ako ng mga pinagkainan. Kahit medyo maumbok na ang tiyan ko ay nagagawa ko pa din naman ang mga gawaing bahay.
Naabutan ko siyang nakahiga na sa kama pagkaakyat ko. Marahil ay pagod dahil sa byahe. Pumasok ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Sandali lang ang inilagi ko doon at mabilis ding nagbihis. Nakaharap si Timothy sa aking pwesto kaya mas lalo akong nagmadaling tumalon sa kama.
Nakabalandra ang matipuno niyang braso sa may unan ko kaya naman kagat labi akong umunan doon. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakakuha ng magandang posisyon ay agad na itong pumihit patalikod dahilan para mahulog ang ulo ko sa unan.
Pero hindi pa din ako sumuko, Niyakap ko na lamang ang malapad niyang likuran.
"I love you Timothy" bulong ko sa kanya.
Pero nagulat ako ng nagpumiglas ito at padabog na umupo sa may kama.
"Ano bang problema mo! Kanina ka pa ah, kita mong natutulog yung tao ang kulit mo!" Inis na bulyaw niya sa akin.
"Kasi Timothy..."
"Doon ka sa sofa! Pag hindi ka pa umalis dito, sisipain kita pababa ng kama!" Galit na utos niya at padabog na humiga muli.
"Bwiset na buhay. Tanginang istorbo!" Nanggagalaiting bulong pa niya.
Wala na akong nagawa kundi ang umalis na lang doon para makatulog siya ng maayos. Sanay kasi ako na may niyayakap man lang kahit unan.
(End of flashback)
Batid kong hindi pa siya natutulog, pasalamat siya at tinalikuran ko lang siya, hindi ko siya pinaalis dito sa kwarto kagaya ng ginagawa niya sa akin noon.
Hindi din naman ako dinadalaw pa ng antok kaya naman tumititig na lang ako sa kawalan. Nagulat ako ng nagsimula itong maghum ng mahina. Pamilyar ang kanyang iyon. Something in the way you look at me ang title kung hindi ako nagkakamali.
Dama ko ang kalungkutan sa boses niya. Marahil ay naaalala niya si Agnes. Kumunot ang noo ko ng maramdaman kong kumilos ito. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.
"One day Tine, maiintindihan mo din kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito" bulong niya bago ako sinimulang dalawinng antok.
Timothy's Pov
Hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Maaga akong gumising kinaumagahan para magluto ng almusal. Nagising si Thomas ng madaling araw kaya naman kinarga ko ito at muling pinatulog bago ako bumaba.
Nagluluto ako ng almusal ng may mag doorbell. Pinatay ko muna ang stove at lumabas para tingnan kung sino iyon.
"Wow, house husband huh?" Nakangising pangaasar nito sa akin ng makitang naka apron pa ako.
"What brought you here?" Matigas na tanong ko sa kanya.
"I'm here para dalawin si Cristina at si Thomas" preskong sagot sa akin ni Yohan.
"Hindi na kailangan, maayos na sila dito" laban ko sa kanya.
Pero hindi ko nagustuhan ang pag ngisi nito at ang kakaibang tingin niya sa akin.
"Maayos nga ba?" Mapanuyang saad niya.
Lalo kong naikuyom ang aking kamao.
"Ano ba talaga ang gusto mong iparating?" Nanggagalaiting tanong ko sa kanya dahil umagang umaga panira siya ng araw.
"Alam ko na ang lahat Dela Vega. Lahat ng sikreto mo, hindi ko lang alam kung paano mo iyon maipapaliwanag kay Cristina sa paraang hindi siya masasaktan..." paguumpisa nito na ikinalaki ng aking mata.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa oras na masaktan siya pag nalaman na niya ang lahat, sisiguraduhin ko sayong kukunin ko siya sayo, kukunin ko sila sayo Timothy" banta pa niya.
Hindi ako nakasagot.
Napangsi ito. "I will give you a chance Dela Vega"
Kumunot ang noo ko, hindi ko alam kung ano ba talaga ang binabalak ng isang ito. Pero bago pa man siya tuluyang umalis ay nagbanta nanaman ito na hindi ko nagustuhan.
"You have her now, but until when?"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro