Chapter 23
Dahan dahan kong iminulat angaking mga mata, damang dama ko ang sakit ng aking buong katawan. Sumalubong sa akin ang puting kisame ng hospital.
"No, ipadala mo na lang sa bahay. Doon ko na lang pipirmahan" rinig kong sabi ng nakatalikod na si Timothy habang may kausap sa phone.
Nabigla pa siya ng makitang nakadilat na ako.
"Tine..." malambing na tawag niya sa akin, ramdam ko din ang pagaalala niya doon.
Marahan niya akong hinaplos sa may braso, pero dahil sa paghaplos niyang iyon ay naalala ko ang muntik ng mangyari sa akin.
"Bitawan mo ako" natatakot kong sabi.
Nagiwas ako ng tingin sa kanya. Kahit siya ay ayokong makita.
"Tine, may gusto ka ba? Sabihin mo lang sa akin" sabi pa niya.
"Wala, lumayo ka na lang sa akin, Please" pakiusap ko.
Nanlulumo lamang siyang tumingin sa akin. Naputol iyon ng may kumatok at pumasok sa kwarto.
"Doc" tawag ni Timothy dito.
Mas lalo akong naiyak ng makita kong lalaki ang Doctor.
"Lumayo ka sa akin" humihikbing pakiusap ko.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Timothy dahil sa aking inasal. Parang naaalala ko ang pagdampi ng labi ng mga lalaking bumastos sa akin at ang paghaplos nila sa iba't ibang parte ng katawan ko, Nandidiri ako.
"Nandito ako para tingnan ka, hindi kita sasaktan" pagaalo nito sa akin.
"Ayoko sayo, please lumabas na kayong dalawa" pakiusap ko.
"Doc, anong nangyayari?" Tanong ni Timothy dito.
"I need to talk to you" sagot ng Doctor dito at nauna ng lumabas.
Sandaling tumingin sa akin si Timothy bago sumunod.
Timothy's Pov
"I think mas makakabuti kay Cristina na babae ang Doctor niya. Ililipat ko kayo kay Doctora Flores, marami na din siyang nahawakan na ganitong cases" paliwanang ni Doc.
"Bakit po ba siya nagkakaganun. Kahit po ako ayaw niyang palapitin" tanong ko.
"Marahil ay na trauma siya, base na din kasi sa mga ipinapakita niya mukhang mailap siya lalo na sa mga lalaki" sagot nito.
"May pwede pa po ba kaming mahingan ng tulong? Mga pwedeng gawin?" tanong ko pa.
"Kailangan niya ay suporta galing sayo at sa mga taong malapit sa kanya. Kailangan natin siyang intindihin, mas kailangan ka niya ngayon" paliwanag nito sa akin.
May mga ilan pa siyang bilin bago siya nagpaalam. Sa lahat ng nangyayari ngayon kay Cristina, sarili ko ang lubos kong sinisisi.
Mabilis akong tumakbo papasok sa kanyang kwarto ng marinig ko ang kanyang pagiyak. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong yakap na siya ngayon ng pinsan niyang si Thessa.
"Shh...wala na sila, wala na" pagaalo nito.
Sa gilid ay sina Don Fernando at ang walanghiyang si Yohan. Kaagad tumalim ang tingin ni Yohan sa akin na para bang gusto niya akong patayin. Pero naagaw ang atensyon ko ni Thessa na galit na bumaling sa akin.
"Kasalanan mo tong lahat!" Galit na sigaw niya.
Tinanggap ko lahat ng sinabi niya.
"Dapat kasi hindi ka na lang bumalik!" Patuloy na sigaw pa niya.
"Look Thessa, hindi ko ginusto na mangyari ito sa kanya. Mahal ko si Cristina at ayoko din siyang nakikitang nagkakaganyan" paliwanag ko.
Nagulat ako ng agad na tumayo si Yohan at kinwelyuhan ako palabas ng kwarto. Nang makalabas ay kaagad niya akong pinaulanan ng suntok.
"Kung hindi ka na lang sana nangialam kagabi!" Sabi niya.
"Kung hindi mo na lang sana siya kinuha kagabi sa akin, hindi mangyayari ito!" Gigil na sabi pa niya at hindi tumigil ng suntok hanggang sa hindi siya mahusto.
Hingal na hingal siyang tumayo mula sa pagkakadagan sa akin, pinahiran ko nalamang ang dugo sa aking labi. Hindi ko siya papatulan ngayon, ayoko ng away dahil ang importante sa akin ngayon ay ang maalagaan si Cristina at ang anak ko, kukuhanin ko na sila. Ako na ang magaalaga sa pamilya ko.
Nanatili akong tahimik ng bumalik sa kwarto ni Tine ng dumating ang babaeng Doctor.
"Kagaya nga ng sabi ko kanina, mas makakabuti kung palagi niyo siyang kinakausap. Sikapin nating wag mabakante ang isipan niya dahil malaki talaga ang possibilidad na bigla na lang niyang maalala ang nangyari" paguumpisa nito.
"Eh paano po yun Doc. Paano ko po siya maaalagaan kung ayaw niya na lumapit ako sa kanya?" tanong ko.
"Na-Trauma siya, ang tanging makakatulong lang sa kanya eh yung sarili niya. Kung takot siya sa mga lalaki, takot siya sayo edi ipakita mong ikaw mismo na asawa niya kaya mong siyang protektahan, na hindi mo siya sasaktan" pangangaral nito sa akin.
Matapos kong makausap si Doctora ay si Don Fernando naman ang kinausap ko. Gusto kong maayos na ipagpaalam si Cristina at ang anak ko. Kailangan ko din kasi ng tulong dahil siguradong hindi papayag si Thessa sa aking plano.
"Sigurado ka bang yan ang mas makakabuti para sa kanya?" Paninigurado ni Don Fernando sa akin.
"Opo, dalawang Doctor na ang nakausap ko, mas makakabuti daw po kung ako ang magaalaga sa kanya" paliwanag ko.
"Alam mo naman sigurong hindi madali, lalo na't nagaalala si Thessa sa pinsan niya"
"Sisiguraduhin ko pong aalagaan kong mabuti ang magina ko, gagawin ko po ang lahat" paninigurado ko sa kanya.
"I'm ok with that Timothy, sisikapin ko ding kausaping mabuti ang aking apo. Pero sana bigyan mo pa ako ng konting panahon" pakiusap niya.
"Salamat po"
Nagpaalam na ako pagkatapos nuon, nagpakuha na din ako ng gamit ni Cristina para dalhin sa hospital. Sandali ko din munang binisita at kinarga ang anak ko.
"Konting tiis na lang anak, uuwi na tayo sa bahay kasama si Mama. Magpakabait ka muna dito ok?" Pagkausap ko sa anak namin bago siya hinalikan sa ulo at pisngi.
Dumiretso agad ako sa hospital dala ang mga damit ni Cristina na kinuha ko sa bahay nila. Papasok na sana ako sa kanyang kwarto ng maabutan ko ang isang lalaking nurse na may dalang tray ng hindi pa nagagalaw na pagkain.
"Saan mo dadalhin yan?" Tanong ko dito.
"Eh Sir, ayaw po kasing kumain. Pero magpapapalit na lang ako sa babaeng nurse." paliwanag nito.
"Hindi na, ako na ang bahala dito" presinta ko at kinuha ang tray ng pagkain at dinala sa loob.
"Tine, kailangan mong kumain." Sabi ko dito ng naabutan ko siyang nakatulala.
Hindi siya gumalaw at hindi man lang ako tiningnan, para bang hindi niya ako naririnig.
"Tine, please kumain ka na. Galing ako sa bahay niyo. Miss na miss ka na ni Thomas" kwento ko sa kanya dahilan para mabilis siyang lumingon sa akin.
"Yung anak ko..."
"Yung anak natin, hinahanap ka na niya, kaya naman kumain ka na para makalabas ka na dito" pagaalo ko sa kanya.
Sinubukan kong lumapit sa kanya pero kagaya ng dati nagtangka nanaman siyang lumayo.
"Kain ako pero wag kang lalapit sa akin."
"Susubuan kita Tine" paglalambing ko sa kanya pero umiling lamang siya.
Nakaupo lang ako sa sofa sa may gilid habang pinapanuod siyang dahan dahang kumain. Hindi niya kasi gaanong maibuka ang bibig niya dahil sa pasa at sugat.
"I'm so sorry tine..." nanlulumong sabi ko sabay halik sa noo niya.
Pag tulog ko lang siya nalalapitan ng ganito, pagtulog ko lang siya nahahawakan at naalagaan.
"Hindi ako papayag Timothy!" nanggagalaiting sabi ni Thessa.
Kahit galit ay pigil na pigil ang kanyang boses dahil sa natutulog na si Cristina.
"
Please Thessa, gagawin ko ang lahat. Pinapangako ko sayo aalagaan ko ang pinsan at pamangkin mo. Asawa ko siya, anak ko si Thomas responsibilidad kong alagaan sila" pagpapaintindi ko sa kanya.
"Sa kabila ng ginawa mo sa kanila? Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sayo?" Mapanuyang sabi niya.
"Give me this last chance Thessa. Ipapakita ko sayo na totoo ang intensyon ko sa pinsan mo, please" pagmamakaawa ko.
Nagiwas siya ng tingin sa akin, mukhang malalim ang iniisip. Dahil sa sobrang desperado na din ako ay wala na akong ibang nagawa at naisip na paraan kundi ang lumuhod sa kanyang harapan.
"Please Thessa. Just this last chance" patuloy na pagsusumamo ko.
Matagal siya bago nakasagot.
"Siguraduhin mo lang Timothy, dahil hindi na ako papayag na saktan mo pa ulit yung pinsan ko" sabi niya tsaka ako mabilis na iniwang nakaluhod duon.
Nanlulumo akong tumayo. Gagawin ko ang lahat para sa kanila, kahit sa kaninong tao pa ako lumuhod gagawin ko basta ba bigyan lang nila ako ng pagkakataong maging asawa at ama sa magina ko.
Kahit ilang suntok pa ni Yohan ay tatanggapin ko at hindi ko gagantihan, mapatunayan lang sa kanila na gagawin ko lahat para kay Cristina.
Naghanda na kami sa paguwi ng pinayagan ng makalabas si Cristina. Pagkatapos kong bayaran lahat ng bills ay yung mga gamit naman namin ang inasikaso ko.
"Si Thessa ang susundo sa akin." Sambit ni Tine ng makita niyang ako ang nagaayos ng mga gamit niya.
"Wala si Thessa ngayon Tine, may pasok kasi siya tsaka didiretso na tayo kay Thomas sa bahay natin..." paliwanag ko sa kanya.
Mukhang hindi niya ata talaga naintindihan ang ibig kong sabihin at ang pangalan lang ng anak namin ang narinig niya.
"Sakay ka na" paglalahad ko sa kanya sa passenger seat habang nakabukas ang pintuan.
Tinitigan niya lamang iyon.
"Sige kung gusto mo sa likod na lang" pagsuko ko tsaka ko siya iginaya sa backseat na agad din naman niyang pinasukan.
Buong byahe ay tahimik lamang ito at nakatanaw sa may bintana. Hindi ko na din muna siya kinibo dahil baka mamaya ay makulitan pa ito sa akin.
"Hindi ito ang daan..." medyo may bahid ng pagpapanic na sabi niya.
"Shh...trust me, Cristina"
Kahit nanahimik ay kita ko pa din sa kanya ang pangamba dahil hindi pamilyar sa kanyang ang dinaraanan namin.
"Andito na tayo sa bahay natin" anunsyo ko.
"Hindi dito ang bahay ko" laban niya.
"Dito Tine, dito ang bahay natin" paliwanag ko.
Nauna akong lumabas ng sasakyan tsaka ko siya pinagbuksan. Medyo nagaalangan pa nga ito nung una pero lumabas din naman.
"Nasa taas si Thomas, natutulog..."
Nagliwanag ang mukha nito at kahit alam kong hindi umabot sa mata niya ang ngiti ay agad naman siyang pumasok sa loob. Sinabayan ko siya habang naglalakad paakyat. Pumasok siya sa kwarto ng anak naming karugtong ng kwarto naming dalawa.
Kitang kita ko ang pagkasabik niya dito. Nabahala ako ng marinig ko ang hikbi niya habang may ibinubolong siya dito, hindi na ako nakatiis at agad na akong lumapit sa kanila.
"Sorry baby, hindi na ulit aalis si Mama" pagkausap niya sa anak namin habang paulit ulit na hinahalikan ito.
"Tine..." tawag ko sa kanya. Nagaalala ako dahil sa kanyang pagiyak.
Parang nawala ang takot niya sa akin sa mga oras na ito dahil nagawa pa niyang ikwento sa akin ang nararamdaman niya.
"Natakot kasi ako. Natakot akong hindi ko na ulit makita yung anak natin." sumbong niya.
Niyakap ko siyang dalawa. "Shh...nandito lang ako. Aalagaan ko kayong dalawa, hindi na ulit ako mawawala sa inyo. Hindi ko na ulit kayo iiwan. Pangako yan."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro