Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


"Sir Yohan..." Akmang lalapitan ko siya ng marahas na kinuha ni Timothy ang kamay ko at hinila ako palabas.

"Timothy ano ba!?" sigaw ko sa kanya.

Marahas ang pagkakahila niya sa akin. Halos hindi ko din masabayan ang malalaking hakbang niya. Kita ko ang galit dahil sa pagkakaigting ng kanyang panga.

"Timothy" tawag ko ulit.

"Shut up, Cristina" suway niya sa akin.

Dinala niya ako sa parking lot. Natanaw ko kaagad ang sasakyan niya. Imbes na pumasok doon ay isinandal niya ako duon. Nakakunot ang kanyang noo, mariin siyang nakatingin sa aking labi.

"Ano bang problema mo?" Basag ko sa katahimikan.

Hindi siya umimik.

"Hindi mo dapat sinabi ang mga iyon. Napakabastos mo!" sumbat ko sa kanya.

"Yun naman ang totoo..." mariing sagot nito na lalo kong kinainis.

"Nakakinis ka!" pagburst out ko.

Nasagad na siya kaya naman natahimik ako ng hampasin niya ang kanyang sasakyan.

"Bastos talaga itong bunganga ko Cristina, lalo na pag ayaw ko nung nakikita ko..." laban niya.

"Kakain lang kami. Pero dahil sa pagsulpot mo ito ang nangyari, bakit ka pa kasi pumunta doon?" Inis na tanong ko.

Sa gitna ng tensyon sa aming dalawa ay nagawa pa nitong ngumisi.

"Kakain kayo? Anong kakainin niya? Labi mo?" mapanuyang sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. Bago ko pa man siya masampal ay nagulat na ako ng kaagad niya akong hinalikan. Ramdam ko ang bawat paggalaw ng labi niya. Nagtaas baba din ang kamay niya sa bewang ko. Muntik na akong madala sa halik niya ng mapadaing ako sa sakit at nalasahan ko ang dugo doon.

"Ako pa din, nararamdaman ko" malambing na pahayag nito habang sa aking labi nakatingin at marahang pinupunsan ang dugo dito.

"Hindi yan totoo" laban ko.

Marahan siyang umiling. "Ramdam ko Tine" giit niya.

"Hindi mo na kailangang bumalik doon" seryosong pahayag niya.

"Kasama ko si Sir Yohan, hindi ko siya pwedeng iwan." laban ko.

Pero naibigla ako sa lumambot ang ekspresyon nito.

"Pero ang asawa mo pwede..."

Parang kung may anong pumitik sa aking tenga dahil sa kanyang tanong. Aba'y napakakapal naman talaga ng mukha ng isang ito para baliktarin ang sitwasyon.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Tinatanong mo ako? Hindi ba't iyan ang ginawa mo sa akin?" mapanuyang sabi ko pa.

Hindi siya nagpatalo. "Ang makipaghalikan sa harap ng asawa mo? Tama ba iyon Cristina?" bato niya.

Walang patutunguhan ang usapan naming ito. "Alam naman natin kung ano ang totoong nangyari. Wag mo ding pakialaman ang pakikipaghalikan ko sa iba dahil hindi ko naman kayo pinakialaman ni Agnes nung nag seSex kayo..." matapang na sumbat ko kahit ang totoo ay nasaktan ako sa aking huling sinabi.

"Wala na si Agnes. Ang pinaguusapan natin ay yung ngayon Cristina, yung ngayon..." giit niya.

Napangisi ako ng wala sa oras. "Oo nga pala, wala na ang mala-anghel mong kabit na walang kamuang muang sa mundo..."

"Cristina." May pagbabantang sambit niya.

Uminit ang gilid ng aking mga mata. Sa bawat oras na gusto kong maging matapang at lumaban sa kanya, laging ako ang talo. Kahit sila ang mali laging bumabaliktad ang lahat. Laging nakapabor kay Agnes ang lahat. Paano naman ako?

Bago pa man ako maiyak sa harap ni Timothy ay tinalikuran ko na siya. Hindi ko hinayaang mahabol pa niya ako. Hindi na din ako bumalik pa sa loob. Gusto kong mapagisa.

(Flashback)

"Inay gusto ko pong sumama sa inyo sa Maynila" umiiyak na pilit ko sa kanya.

"Andeng, nagtratrabaho si Nanay doon. Hindi ba nga pangako ko sayo pagnakapagipon na ako isasama kita doon para ipasyal" pagaalo niya.

Lalo lang akong umiyak at yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Ilang buwan nanaman po kayo mawawala. Birthday ko na sa isang linggo" paalala ko.

Marahan niyang hinawakan ang aking magkabilang pisngi.

"Babalik si Nanay sa isang linggo para sa birthday mo, pangako yan..." panunuyo niya.

"Pangako po?" Paniniguro ko.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Pangako ni Nanay babalik ako sa birthday mo at maguuwi ako ng cake."

Kahit may duda ay pilit akong ngumiti sa kanya. Niyakap ako nito ng mahigpit bago hinalikan sa pisngi at umalis na.

"Tama na ang iyak ng mahal kong Prinsesa" pagaalo sa akin ni Tatay habang tinatanaw ko ang paglayo ng sinasakyang tricycle ni Nanay.

Sa huli ay mahigpit akong yumakap kay Tatay at sa kanya umiyak.

Hanggang sa dumating ang araw ng birthday ko.

"Happy birthday Andeng" bati ng pinsan kong si Thessa.

"Salamat" malungkot na sabi ko habang nakatanaw pa din sa may bintana.

"Umaga pa lang kasi, marahil ay mamayang tanghali pa darating si Tiya Helen" pagaalo nito sa akin.

Hindi ko siya pinakinggan, sobrang bigat ng dibdib ko.

"Andeng anak, aalis na si Tatay, paguwi ko mamaya ay may dala akong cake para sa birthday mo" sabi niya bago ako hinalikan sa ulo.

Wala ako sa sarili ng lingonin ko siya. Tipid niya akong nginitian. "Mahal na mahal ka ni Tatay, Anak" sabi nito.

Nawalan na ako ng pagasa na uuwi pa si Nanay ng dumilim na. Mahina akong umiyak sa may sulok, Kahit si Tatay ay hindi pa din umuuwi. Wala man lang sa kanila ang nagpahalaga sa kaarawan ko.

Nagising ako sa sigaw na tawag sa akin ni Thessa. Nagulat ako ng makita kong umiiyak ito.

"Anong problema?" Nagaalalang tanong ko.

"Wala na si Tiyo. Patay na ang tatay mo, Andeng"

Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Ni wala pa ngang luha ang pumatak sa mata ko.

Pinatay si Tatay, yun ang balibalita. Hindi simpleng aksidente ang nangyari sa kanya. Sa bawat araw na lumipas ay tahimik lang akong nakatingin sa kabaong niya.

Nagkaroon ako ng pagasa ng tumawag si Nanay isang araw.

"Nanay, wala na po si Tatay, please po umuwi na po kayo" umiiyak na sumbong ko.

"Uuwi si Nanay pangako" malungkot na sagot nito sa akin.

Ilang pangako na ang pinanghawakan ko, ilang beses akong naghintay. Ilang baldeng luha na ang iniyak ko. Pero ni minsan walang tumupad ng pangako nila sa akin, lahat sila iniwan lang ako, lahat sila second choice lang ako.

(End of Flashback)

"Sorry po!" Nagising ako ng mabungo ako sa isang malaking bulto.

Tiningnan ko ito at nakitang dalawa silang lalaki. Nakaramdam ako ng takot kaya naman naghanap ako ng ibang tao sa paligid. Hindi ko na alam kung nasaang lugar ako.

Tangkang aalis na ng hinigit nito ang aking braso.

"Teka Miss..." nakangising pagpigil nito.

"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko.

Sumigaw na ako ng tulong ng sapilitan ako nitong hinila.

"Bitawan niyo ako!" malakas na sigaw ko at nagpumiglas ulit.

"Dalian mo na..." utos nito sa kasama.

Kinaladkad ako ng mga ito patungo sa kung saan. Wala ni isang sasakyan man lang o tao ang dumadaan dito. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa damuhan. Mas lalo akong naiyak sa takot.

"Wag!" sigaw ko ng makita kong naghuhubad ito ng damit.

Lalapitan na sana nila ulit ako ng mapamura ito ng tinuhod ko siya at sinipa. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumayo at tumakbo palayo. Kahit nahihirapan ay hinabol nila akong dalawa.

Nang maabutan at napasigaw ako ng hinaklit nito ang aking braso at kaagad na sinampal. Dahil sa lakas nuon ay parang bigla akong nahilo at bumagsak sa damuhan.

"Gusto mo yung nasasaktan ka pa eh" sumbat nito at walang sabi sabing winarak ang damit ko dahilan para agad kong maramdaman ang lamig.

Hindi ako nakalaban dahil sa hilong nararamdaman. Tumulo ang aking masasaganang luha. Wala akong ibang iniisip kundi ang anak ko. Paano na siya kung patayin ako ng mga ito ngayon? Gagayahin ko din ba ang mga magulang kong basta na lamang akong iniwan?

Ang isiping walang tutulong sa akin ngayon ay lubos ding nagpapasakit sa akin. Hanggang ngayon wala pa ding tutupad sa mga pangako nila sa akin, Hanggang ngayon ay wala pa ding nandyan para sa akin.

"Tine!"

Ang kaninang halos papikit ko ng mata ay bahagyang nagkabuhay.

"Tiningnan mo kung sino iyon." Natatarantang utos nung isa.

Mukhang nakatakot ang mga ito.

"Cristina!" patuloy na sigaw nito.

Kahit nabuhayan ako ng loob ay hindi na ata talaga kaya ng katawan ko. Gusto ko na talagang pumikit.

Narinig ko ang sigaw at ang pagkakagulo ng mga ito.

Nangingibabaw ang galit na sigaw ng taong dumating. Kaya naman mula sa pagkakapikit ay pinilit kong dumilat. Nakadagan ito sa isa sa mga lalaki at walang humpay sa pagsuntok dito.

"Timothy..." mangiyak ngiyak na tawag ko sa kanya.  


(Maria_CarCat)




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro