Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21


"Tss..." Sambit ko tsaka ko siya inirapan.

Hindi daw pagsisisihan, eh ngayon pa nga lang nagsisisi na akong sumama ako sa kanya. Hindi ko ata talaga kakayaning makasama siya ng matagal.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na pababa. Hindi na ako nagabala na libutin pa ang buong bahay.

"Tsk. mapapagalitan na ako nito eh" reklamo ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Ni hindi ko din dala ang phone ko.

"Timothy!" Pagtawag ko sa kanya lalo na't nakita kong madilim ang kalangitan, mukhang uulan pa.

"Timothy ano ba! Uulan na..."

Dahil hindi niya ako sinagot ay wala na akong nagawa kundi ang umakyat ulit para yayain na siyang umalis.

"Timothy!"

Kung saan saan ko na siya hinanap hanggang sa nakarating na ako sa garden. Maayos na din iyon at may iba't ibang klase ng bulaklak na. Napaghandaan na talaga niya.

Pagod akong napatingin sa buong paligid. Kung papayag ako sa gusto niya ay ito ang magiging bahay namin ni Thomas sa susunod na dalawang buwan. Kasama si Timothy na dating may ayaw sa presencya naming dalawa.

Ngayon pa lang ay natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari. Natatakot akong magiging malapit ulit kami sa isa't isa. Natatakot akong baka umasa pa din akong mapapalitan ko si Agnes sa puso niya.

Napasigaw na ako ng maramdaman ko ang biglaang pagbuhos ng ulan. Tumakbo ako papasok ng sinalubong ako ni Timothy. Sa gulat naming dalawa ay nagkatulakan na kami at parehong bumagsak sa pool.

Hindi ako marunong lumangoy kaya naman kaagad akong nataranta. Mabuti na lang at naramdaman ko ang hawak ni Timothy sa akin. Wala sa sarili akong napayakap sa kanya para makaahon kami.

Napahawak ako sa aking dibdib habang habol ang aking paghinga.

"Kanina pa kita hinahanap!" sigaw ko sa kanya ng makabawi.

Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Sorry..."

"Sorry mo mukha mo!" dugtong ko at nagpatuloy papasok.

Mas lalo kong naramdaman ang lamig ng makapasok na sa loob.

"Tine Sorry..." paghabol niya sa akin.

Inis ko siyang nilingon. "Lumayo ka nga sa akin. Minamalas ako sa tuwing kasama kita" akusa ko sa kanya.

Hindi siya natinag. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kabuuan ng katawan ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Kailangan mong magpalit ng damit. Magkakasakit ka niyan"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ayoko!" sigaw ko sa kanya.

Umigting ang panga niya. "Wag ng matigas ang ulo, Tine" giit niya.

"Ano bang pake mo kung ayaw ko?" sabat ko.

"Magkakasakit ka" madiin laban niya.

Imbes na makipaglaban pa ay humalukipkip na lang ako sa harap niya. Nilabanan niya din ang titig ko.

"Wag mong hintayin na ako pa ang maghubad sayo" banta niya.

Lalong kumulo ang dugo ko dahil sa narinig. Ang kapal talaga ng mukha ng isang ito.

"Bahala ka na nga diyan basta aalis na ako dito..."

Bago pa man ako makahakbang ay hinila na niya ako palapit sa kanya. Sinigawan ko siya ng tangkain niyang hubaran ako.

"Hubarin mo sabi..." pilit niya.

Nagpumiglas ako hanggang sa halos mapunit ang uniform ko dahil sa pagaagawan namin.

Buong lakas ko siyang itinulak hanggang sa napahagulgol na lang ako dahil sa sobrang pagkainis. Napayakap ako sa aking sarili ng tumigil siya. Napasubsob na lang ako sa aking mga palad.

"Tine, I'm sorry" marahang sabi ni Timothy at naramdaman ko ang mainit niyang hawak sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Ipinakita niya sa akin ang kulay puting long sleeve niya. Gusto niyang isuot ko iyon. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Sa sobrang galit ay tumayo ako sa harap niya at doon ko mismo hinubad ang suot kong uniform. Hinubad ko lahat bago ko ibinato sa mukha niya. Nagulat si Timothy sa ginawa ko, sa huli ay napayuko na lamang.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kuhanin sa kanya ang long sleeve at isuot. Malakas pa ang ulan kaya naman alam kong hindi pa kami makakaalis. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ni Thomas.

Nanatili ako doon hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako. Naalimpungatan na lang ako ng maramdaman ko ang mainit na kamay na humahaplos sa aking ulo.

"Anong ginagawa mo dito?" madiing tanong ko sa kanya.

Hindi siya umimik, pinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa. Pagod kong tinabig ang kamay niya.

"Iuwi mo na ako" utos ko sa kanya sabay irap.

Narinig ko ang pagod niyang pagngisi kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay.

"May nakakatawa ba?"

Marahan siyang umiling, kita ko pa ang bahagyang pagnguso nito para itago ang ngiti. "Lumaki lang yung dibdib mo, nagsungit ka na" sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Anong sabi mo?" mariing tanong ko.

Pilyo itong ngumiti sa akin.

"Kaya pala ang lusog lusog ng anak natin, busog sa..."

Hindi ko na hinayaang matapos niya ang sasabihin. "Napakawalang hiya mo, Dela Vega!" sigaw ko sa kanya.

Madilim na ng maihatid niya ako pauwi. Ni hindi na ako nakababa pa ng dumaan kami sa restaurant dahil sa aking itsura. Dinig ko ang tawanan ng mga kasambahay sa kusina, mukhang tulog na din ang aking anak. Maingat akong umakyat. Nakahinga ako ng maluwag ng malapit na akong makarating sa kwarto.

Wala akong suot na panloob. Mabuti na lang at malaki ang long sleeve ni Timothy sa akin. Magulo din ang medyo basa ko pang buhok.

Pipihitin ko na sana ang door knob ng mariin akong mapapikit ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Sir Yohan. Hindi ako nakagalaw kaagad, ayoko sana siyang lingonin, hindi ko kayang humarap sa kanya na ganoon ang aking itsura.

"Anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong niya ng pasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan.

Kumunot ang noo niya. "Kay Timothy ba yan?" tanong niya tukoy sa suot kong long sleeve.

Hindi ako nakasagot, nagtangis ang kanyang panga.

"Magbihis ka na..." madiing utos niya.

"Sir kasi po, nabasa ako ng ulan kaya kailangan kong suotin to, pero wala naman pong masamang nangyari..." paliwanag ko.

Tipid niya akong tinanguan.

"Magbihis ka na, baka magkasakit ka pa" pagaalala niya.

Bago pa man ako makaalis ay hindi ko nanaman napigilan ang bibig ko.

"Aalis po kayo Sir?" tanong ko.

Sinimangutan niya ako. "Sinabing Yohan na nga lang"

"Sorry..."

"Kakain sana ako sa labas. Pwede ka ba?" yaya niya.

Mabilis akong nagpaalam na magbibihis lang ako. Nang masigurado kong mahimbing na ang tulog ni Thomas ay bumaba na ako. Naabutan kong kausap ni Sir Yohan ang ilang kasambahay.

"Paki sabi na lang kay Lolo na umalis kami ni Cristina. Sa labas din kami kakain ng dinner" bilin niya dito.

Ibinilin ko si Thomas sa tagapagbantay nito. Nagulat ako ng biglang kunin ni Sir Yohan ang kamay ko. Nakita ko ang tingin ng mga kasambahay at ang pagpipigil nila ng ngiti.

Sakay kami ng kanyang itim na fortuner papunta ng mall. Doon na lang daw kami maghanap ng makakainan dahil medyo umaambon pa. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay nakahawak na kaagad siya sa kamay ko.

Sa huli ay nakapagdesisyon na din kami ng kakainan. Halatang mahal doon kayan naman medyo nahiya pa akong pumasok, mas lalo tuloy hinigpitan ni Sir Yohan ang hawak sa kamay ko.

"Isang pang Sir Yohan mo, Hahalikan na talaga kita" banta niya sa akin ng makaupo na kami sa loob.

Napanguso ako "Yohan..." sambit ko.

Napangiti siya dahil sa sinabi ko at kaagad na nagiwas ng tingin.

"Kumain ka ng marami, para kang ginugutom ah" pangaasar niya sa akin habang pumipili kami sa menu.

Sinamaan ko siya ng tingin pero sa huli ay pareho din kaming natawa. Natigil lamang iyon ng biglang may lumapit sa aming pwesto.

Nagtaas ng kilay si Yohan sa kanya. "Mr. Dela Vega. Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"

Hindi niya pinansin ang tanong ni Yohan dahil diretso ang tingin niya sa akin.

"Timothy anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sinisigurado ko lang na ayos ka..." nakangiting sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko.

"Ofcourse ayos siya. I can take good care of her" sabat ni Yohan.

Galit na bumaling si Timothy dito. "At gusto ko lang ding icheck kung may suot na siyang panloob. Naiwan kasi niya sa akin yung suot niya kanina"

Napatingin ako kay Yohan. Nanatiling blanko ang ekspresyon nito.

"Timothy tumigil ka na" suway ko sa kanya.

"Sir Yohan, mabuti pa siguro umalis na tayo dito..." yaya ko sa kanya. Natawag ko siyang Sir dahil sa hiya dahil sa pinagsasabi ni Timothy.

Isang pang Sir Yohan mo, Hahalikan na talaga kita

Naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan sa harap ni Timothy. Napasigaw na lang ako ng bumulagta ito sa sahig ng suntukin siya nito.







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro