Chapter 20
"Tumayo na po kayo diyan..." sabi ko at pinaghila ko pa siya ng upuan.
Wala pa ring tigil ang pagiyak niya, nasa amin na tuloy ang atensyon ng ibang customer.
"Hindi ko talaga sinasadya ang mga nangyari nuon, Cristina" pagpapatuloy niya.
"Matagal na po iyong tapos" sabi ko.
Ang kamay kong nakapatong sa may mesa ay dahan dahan niyang hinawakan.
"Hindi ko hinihinging patawarin mo ako. Alam kong grabe ang nagawa ko sayo, pero nakikiusap ako sayo bigyan mo ng pangalawang pagkakataon ang anak ko"
Dahan dahan kong inilayo ang kamay ko.
"Ano po ba talaga ang nangyayari?" tanong ko.
Dahil sa tanong kong ito ay napayuko na lamang ito. Kita ko ang pagaalinlangan sa kanyang mukha.
"Ilang araw pagkatapos mong tumakas, sumunod ako sa States...because Timothy tried to end his life" naiiyak na kwento niya.
"Bakit po?" tanong ko.
"Because of depression"
Nang dahil sa sagot niyang iyon ay napatawa ako ng pagak.
"Kasi namatay si Agnes." pahayag ko.
Marahan itong umiling iling. Mas lalong nalukot ang mukha ko.
"Nadepressed siya kasi iniwan ka niya"
"Wow! at siya pa talaga ang nadepressed?" mapanuyang sabi ko.
"May reason siya..." sambit muli nito.
"Yung reason na ayaw din naman niyang sabihin sa akin" sumbat ko.
"Kasi natatakot siya" giit niya.
Lalong kumunot ang noo ko. "Natatakot saan?"
Mula sa pagiging tensyonado ay kumalma ito.
"Wa...wala akong karapatang sabihin sayo ang bagay na iyan, mas mabuti pa sigurong kay Timothy mo na lang malaman" mahinahong sabi pa niya.
"Gusto niyang patawarin ko siya, Gusto niyang bumalik ako sa kanya, Gusto niyang magtiwala ako ulit. Pero ngayon pa lang may hindi na siya sinasabi sa akin" giit ko.
Hindi siya nakapagsalita.
"Pasencya na po kayo, may trabaho pa po ako" paalam ko.
Marahan siyang tumango. Malayong malayo siya sa nagkulong sa akin dati at balak pang ilayo ang anak ko.
"Pasencya na at naabala kita, pero sana pagisipan mo" malumanay na sabi niya.
Hindi nawala sa isip ko ang mga sinabi ng Mommy ni Timothy. Hanggang ngayon ay wala pa din akong maintindihan. Kaya naman kahit nakauwi na ay kinausap ko pa din si Helga.
"Papatawarin mo na agad?" singhal niya mula sa kabilang linya.
"May sinabi ba ako?"
"Kasi sa paraan ng pagkwento mo parang awang awa ka..." sagot niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Nabigla lang ako"
Naputol ang pakikipagwentuhan ko dito ng makarinig ako ng sigaw mula sa may living room. Sa takot ay mabilis akong nagpaalam kay Helga at tumakbo pababa.
Napahawak ako sa aking dibdib ng makita kong si Sir Yohan iyon. Hawak niya ang aking anak at basa ang kanyang damit.
"Tulungan mo ako" pagmamakaawa niya sa akin. Nabasa siya ng ihi ng anak ko.
"Baby Thomas..." natatawang tawag ko dito dahil sa ginawa niya kay Sir Yohan.
"Grabe tong anak mo, muntik na sa mukha ko ah!" kwento niya.
Agad kong kinuha ang aking anak.
"Baby, bakit mo inihan si Sir Yohan?" natatawang pagkausap ko dito.
Para namang nakaintindi ang anak ko at tinawanan ako. Nahihiya akong bumaling sa kay Sir yohan.
"Sorry po Sir "
Mas lalo itong sumimangot.
"Yohan na lang sabi..." pagtatama niya na may kasama pang pagirap.
Kaagad akong nagpaalam dito na papalitan ko muna si Thomas dahil basang basa na din ito. May dala siyang pasalubong para dito, tangkang kukunin ko na iyon ng ilayo niya iyon sa akin at nagpresintang siya na ang magdadala.
Buong akala ko ay aalis na siya pagkahatid niya sa amin sa kwarto pero hindi pa pala.
"May kailangan pa po ba kayo?" tanong ko.
Nagkibit balikat lamang ito at umupo sa kabilang gilid ng kama.
"Parang ayokong umalis dito..." malumanay na sabi niya.
"Alam ko namang wala akong karapatan sayo, kahit kay Thomas. Pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako..."
"Natatakot po kayo saan?" tanong ko.
"Na umalis kayo" diretsahang sagot niya.
Nagiwas na lang ako ng tingin. Ramdam ko din ang lungkot niya.
"Bata pa lang ako nasaksihan ko kung paano magaway ang parents ko. Sigawan at halos maubos ang mga gamit namin dahil sa batuhan "
Naawa ako sa kanya dahil alam kong masyado siyang nasasaktan.
"Pero kahit ganon, mahal ko silang pareho. Ginawa ko lahat para lang magkabati sila, minsan nga nagkukunwari pa ako na may sakit para lang tumigil sila at alagaan ako" nabahala ako ng mapansin kong naiiyak na ito.
"Sir Yohan"
Lumapit ako sa kanya, karga ko pa din ang anak ko. Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang balikat. Nagawa pa niyang kuhanin si Thomas sa akin.
"Nagdesisyon silang maghiwalay ng hindi man lang iniisip kung paano na ako. Gusto nilang magbagong buhay kaya wala sa kanilang gustong isama ako. Isang araw pagkagising ko magisa na lang ako sa bahay namin. Masyado pa akong bata non, hindi ko alam ang gagawin ko. Tatlong araw akong walang kain, iyak lang ako ng iyak hanggang sa dumating si Lolo" kwento niya.
Nilingon niya ako. "May mali ba sa akin Cristina?"
Marahang iling ang isinagot ko sa kanya.
"Ginawa ko naman lahat para wag nila akong iwan, pero iniwan pa din nila ako" malungkot na saad pa niya.
Nalulungkot ako para kay Sir Yohan, naranasan ko din naman kasi ang naranasan niya, nararamdaman at naiintindihan ko siya.
Bata pa lang din ako, wala na si mama sa tabi ko. Dahil sa hirap ng buhay kailangan niyang lumayo sa amin para kumita ng pera. Magsasaka naman si Papa. Nung una ay inuuwian pa niya kami hanggang sa isang araw, hindi na siya bumalik. Ginalingan ko sa school, palagi akong kasama sa top. Nagsumikap ako para naman matuwa siya pagbalik niya.
Napadaing si Sir Yohan na naging dahilan para mabalik ako sa realidad.
"Inihan nanaman niya ako" nakangusong baling niya sa akin na tinawanan ko.
"Kayo kasi Sir eh, kinuha niyo pa" pangaasar ko.
"Malay ko bang trip akong ihan ng anak mo" sagot niya sa akin.
Kinuha ko si Thomas at inilipag sa kama para linisan. Habang ginagawa ko yon ay napatigil ako ng bigla na lang maghubad ng damit si Sir Yohan sa harapan ko.
"Ano pong ginagawa niyo"
"Basang basa ng yung damit ko" natatawang sagot niya.
"Bakit hindi ka makatingin diyan ha? Ngayon ka lang ba nakakita ng abs huh?" pangaasar niya.
Hindi na ako nakasagot ng marinig ko ang pagtawa nito. Minsan hindi ko din talaga siya maintindihan. Kanina lang ay nagdradrama pa kami.
"Basa din pala yung pants ko" pagpaparinig niya at akmang huhubarin iyon ng sumigaw na ako.
Nagkaroon ng masayang balita kinabukasan ng sabihin sa akin ni Helga na natanggap siya at magkakasama na kami sa trabaho.
"Napakasosyal naman ng uniform!" puna niya.
Nginisian ko na lang siya at niyaya ng magtrabaho. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi habang nagtratrabaho kami.
"Cristina may demonyo este may naghahanap sayo" nagmamadaling sabi niya sa akin sa kalagitnaan ng aming ginagawa.
Mariin akong napapikit, siguradong si Timothy nanaman ito.
"Ano nanaman ba ang kailangan mo!?" bungad ko sa kanya.
Kahit sinigawan ko na ay nginitian pa din niya ako. Nagulat ako ng kuhanin niya ang kamay ko at hinila ako.
"May ipapakita lang ako sayo" laban niya ng magpumiglas ako.
"May trabaho ako!" giit ko pero hindi niya ako pinansin.
Wala akong laban ng isakay niya ako sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero pagod na akong makipaglaban pa.
Halos hindi ko nasundan ang byahe namin. Nagangat na lang ako ng tingin ng huminto kami sa tapat ng isang magara at malaking bahay.
"Pinagawa ko ito para sa atin. Nagustuhan mo ba?' nakangiting tanong niya.
Pinandilatan ko siya ng mata. "At sinong nagsabi sayong pumapayag na ako?"
"I told you Tine, gagawa ako ng paraan. Tara pasok tayo, tingnan mo" pagbibida pa niya sa akin.
Hindi na ako nagmatigas pa para matapos na. Sumama ako sa kanya papasok sa loob.
Panay ang salita niya tungkol sa plano sa mga parte ng bahay. Hindi ko pinansin dahil wala naman akong pakialam.
"Tara sa taas, tingnan mo yung kwarto natin tsaka yung kay Thomas" masayang pagyaya niya sa akin
"Baka ang ibig mong sabihin, kwarto mo. At kwarto namin ni Thomas" pagtatama ko sa kanya.
Hindi niya iyon pinansin.
"Kailan ka ba libre? Para makabili na tayo ng mga gamit" tanong niya.
"Masyado akong busy" tamad na sagot ko. Ang totoo ay wala naman talaga akong balak. Yayayain ko na sana siyang umuwi ng mabigla ako sa lapit naming dalawa ng lingonin ko siya.
Parang huminto ang oras habang nakatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko din maintindihan ang kakaibang magtatambol ng puso ko ngayon. Hindi ko na kinaya ang tingin niya at nagiwas na ako.
"Tabi nga diyan..." pagtabig ko sa kanya, pero hindi niya ako hinayaan.
"Pumayag ka lang Tine. Gagawin ko ang lahat, sisiguraduhin kong hindi mo ito pagsisisihan"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro