Chapter 2
"Cristina ano ba!?" sigaw ng aking asawa.
"Sandali lang" natatarantang sabi ko.
Tanghali na ako nagising kaya naman nagalit ito ng makitang wala pang nakahaing almusal. Matalim ang tingin niya sa akin ng lumabas ako sa may kitchen.
"Sorry" paumanhin ko.
"Makakain ko ba yang punyetang sorry mo?" mapanuyang tanong niya.
"Medyo masama kasi ang pakiramdam ko" paliwanag ko.
Ngumisi siya. "Wala akong panahon sa drama mo. Ginusto mo to, panindigan mo!"
Napayuko ako dahil sa kanyang sinabi. Napahawak na lamang ako sa limang buwan ko ng tiyan. Kahit nasaktan ay nagawa ko pa ding tipid na ngumiti sa kanya.
"Ginagawa ko nama ito para sayo at sa baby natin" marahang sabi ko. Nagulat ako ng marahas niyang hinila ang braso ko.
"Tigilan mo na ang kakasabi na anak natin yan. Sayo lang, dahil hindi ko matatanggap ang batang yan!" madiing sabi niya.
Tumulo ang aking luha. "Timothy naman..."
Hindi niya na ako pinatapos. Mahigpit niyang hinawakan ang panga ko. Napadaing ako sa sakit.
"Hanggang ngayon nga, hindi pa din ako sigurado kung akin ba talaga yan eh..." mapanuyang sabi pa niya kaya naman inipon ko na ang lahat ng lakas ko para makawala sa hawak niya.
"Ikaw ang nakauna sa akin! Halos araw araw mo kung ikama noon, tapos pagdududahan mo itong dinadala ko?" sumbat ko sa kanya.
Pagak siyang tumawa hanggang sa halos mabingi ako sa sampal na iginawad niya sa akin.
"Wag mo akong sumbatan! Bayad lahat ng yon, Cristina. Wag mong sabihin yan na parang labag sa loob mo dahil trabaho mo naman talaga yon! Punyeta ka!" sigaw niya na may kasama pang panduduro.
Hindi pa siya nahusto. Tinabig pa niya ang mga nakahain sa ibabaw ng lamesa.
"Putangina! Nakakawalang gana" galit na sabi niya at iniwan ako.
Tahimik akong umiyak habang nililigpit ang mga kumalat na pagkain sa sahig. Pinilit kong bumangon kanina kahit sobrang sama ng pakiramdam ko para lang paghainan siya.
Matapos kong iligpit iyon ay nagulat ako ng makita kong pababa ito, bihis na bihis.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Hapon ang karaniwang alis niya papunta sa high end bar na business niya.
"Anong pake mo?" walang ganang sagot niya sa akin. Tinabig pa ako nito para lang makadaan siya.
Hinabol ko ng hawak ang kanyang braso. "Magpapaalam sana ako, bibisita ako sa tiyahin ko"
Padabog niyang binawi ang braso niya sa pagkakahawak ko. "Wala akong pakialam. Kahit wag ka pang bumalik" sabi niya bago ako tuluyang iniwan.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko. Kung paano ko pa matitiis ang trato niya sa akin. Aminado akong kasalanan ko naman. Sex lang ang ugnayan namin nung una hanggang sa napamahal na ako sa kanya. Sinubukan kong tulungan siyang makalimutan yung ex niya. Hanggang sa naisip kong ayoko siyang mawala sa akin kaya naman hinayaan kong mabuntis niya ako. Buong akala ko ay magiging masaya siya pag nalaman niyang magkakaanak na siya. Nagkamali ako.
Dumaan ako ng grocery para sa tiyahin at pinsan ko. Habang namimili ay nakita ko pa si Samantha, asawa ng kaibigan ni Timothy na si Lucas. Nagulat siya ng makita ang aking mga pasa.
"Anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong niya.
Tipid akong ngumiti. "Wala ito"
Bumaba ang tingin niya sa aking sinapupunan kaya naman nakita kong mas lalo siyang nagalala. Sa kanyang likuran ay lumapit si Luke, ang kanyang asawa.
"Totoo bang bumalik na si Agnes kaya ganyan?" nagaalalang tanong nito sa akin.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko din kasi alam ang tungkol doon. Napamura na lang si Luke dahil sa naisip. Hanggang mag sink in sa akin ang lahat. Bumalik na si Agnes? At ano naman kung bumalik na ito? Hindi ba't galit siya doon dahil iniwan siya nito?
Dumiretso ako sa may tenement kung nasaan ang aking Tiya Hilda.
"Andeng!" sigaw ni Thessa sa aking palayaw.
Sinalubong niya ako ng yakap na kaagad kong ginantihan. Siya at si Tiya ang kasama kong lumaki.
"Para ito sa inyo" Tukoy sa pinamili kong grocery.
"Naku! bawal magbuhat ang buntis ng mga mabibigat" suway niya at mabilis iyong kinuha sa akin.
"Sorry po, Doctora" natatawang sabi ko.
"Hmp! Namiss kita!" nakangusong sabi niya at hinila ako papunta sa apartment na tinutuluyan ko din dati.
Magulo doon, maraming bata, maingay at maraming nakatambay. Maingat akong naglakad habang nakahawak sa aking sinapupunan.
"Sorry Mrs. Dela Vega. Wala pong elevator dito" biro pa niya sa akin ng medyo nahirapan akong umakyat sa pangatlong palabag kung nasaan ang apartment. Hanggang walong palapag ang tenement, mabuti na lang at nasa bandang baba lang ang sa amin.
"Ano ka ba. Para namang hindi ako dito lumaki" nakangising suway ko sa kanya.
Pagkaakyat namin sa tamang palapag ay sumalubong kaagad sa amin ang ilang nakakumpol na mga kapitbahay. Nagchichismisan. Imbes na makipagtitigan sa kanila ay yumuko na lang ako. Ramdam ko kaagad ang mga mapangutyang tingin nila sa akin at sa aking sinapupunan bago sila magbubulungan.
Naabutan kong naglalaba si Tiya Hilda sa tapat ng apartment kaya naman inalalayan ako ni Thessa dahil sa madulas na daan.
Tamad itong tumingin sa akin ng mag mano ako sa kanya. Matapos akong irapan ay padabog siyang pumasok. Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod papasok.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" masungit na tanong niya.
Umupo ako sa kahoy naming upuan. "Nagdala po ako ng mga grocery at dala ko din po ang pang matrikula ni Thessa" sagot ko at kinuha ang perang sahod ko mula sa pagtratrabaho.
Nahihiya iyong tinanggap ni Thessa. "Pasencya ka na at ngayon lang. Kakakuha ko lang kasi niyan kahapon" paliwanag ko.
"Nagtratrabaho ka pa din!?" gulat na tanong ni Tiya Hilda.
"Opo"
"Cristina naman!" namomoblemang tawag niya.
Bilang kapalit sa pagkupkop nila sa akin ay tumutulong ako sa pagpapaaral sa pinsan kong si Thessa. Kung tutuusin nga ay magkaklase lang sana kami ngayon kung nagaaral pa ako. Hanggang 1st year college lang ang tinapos ko, pagkatapos nuon ay huminto na ako para magtrabaho, para makapagaral ang pinsan ko.
"Alam ba yan ng asawa mo?" tanong ni Tiya.
"Hindi po..." nakayukong sagot ko.
"Sa bagay, wala namang pakialam yon sayo eh" panunuya pa niya.
Hindi ako nakasagot.
"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin ang ibinibigay niya sayong pera para makapagsimula. Tanggapin mo na kasi!" pamimilit niya.
"Pero Tiya, Kailangan po ng tatay ng anak ko" giit ko.
"Putangina naman Cristina. Nasaan ba yang utak mo!? Hindi na uso yan. Ang importante ngayon, pera! May tatay nga yang anak mo! pero naghihirap ka pa din. Tingnan mo nga yang itsura mo. Eh kung tutuusin ay napakayaman niyang asawa mo!" sumbat niya sa akin.
"Ayoko lang naman pong isipin ni Timothy na pera niya lang ang habol ko kaya pinilit kong panagutan niya ako" paliwanag ko.
"Eh ano!? May mas mahalaga pa ba kesa sa pera ha!?" nakapamewang na tanong niya.
"Mahal ko po si Timothy..." nahihiyang sabi ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanya.
Pumadyak ito at tuluyan ng tumayo "Jusko! Andeng naman, mapapakain ka ba niyang pagmamahal na yan? Eh hindi ka nga gustong panagutan eh. Tingnan mo!" turo niya sa mukha ko.
"Sinasaktan ka na nga! Ano ba yung kunin mo na lang yung pera at umalis sa poder niya. Ayaw mo kamong ipalaglag yang bata edi sige! kung may pera ka Cristina lahat ng gusto mo pwede. Edi kung gusto mo pang magaral pagkapanganak mo edi magaral ka ganon kadali! Napakadaming lalaki diyan! Susmaryosep!" himutok niya.
"Tiya, Hindi niyo po kasi naiintindihan. Mahal ko po siya, kahit papaano ay sigurado naman akong may puwang ako sa puso niya" naiiyak na sabi ko.
Padarag itong umupo habang naiiling. "Hala sige, bahala ka, tutal bata ka pa naman eh. Pag dumating yung oras na magising ka diyan sa katangahan mo, Eh may pagasa ka pa" tamad na sabi niya at nagwalkout.
Napasubsob na lamang ako sa aking palad. Palibhasa hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko.
"Andeng, Pagpasensyahan mo na si Inay. Alam mo naman yung naranasan niya kay Tatay diba? hayaan mo pag nakilala ko kung Tatay kong mayaman hihingi ako ng pera tapos hahatian kita para ipakita sa Prince charming mo na hindi mo kailangan ng pera niya" pagpapatahan niya sa akin.
Napangiti na lamang ako at mahigpit siyang niyakap. Buti na lang at may pinsan akong kagaya niya.
Madilim na ng naka-uwi ako. May hindi pamilyar na sasakyan sa harap ng aming bahay. Mabilis akong pumasok at kaagad na sumalubong sa aking pandinig ang paguusap ng mga tao sa aming sala.
"Hindi mo kasi naiintindihan, Luke" si Timothy.
"Hindi ko talaga maintindihan, Timothy. Iniwan ka niya, bakit kailangang hanapin mo pa?" giit ni Luke.
Ang sumunod na sinabi ni Timothy ay parang isang punyal na tumusok sa aking dibdib.
"Mahal ko si Agnes. Hindi ko siya susukuan."
"Paano ang asawa mo? Paano si Tine? Mahal na mahal mo pala si Agnes, Bakit may Tine?"
Sandaling naghari ang katahimikan. "She's just my past time. Malinaw ang usapan namin Luke!" nanggigigil na sabi ni Timothy.
"At ang anak mo?"
"Hindi ko alam" problemadong sagot nito.
"Sabihin mo sa akin ang totoo. Nasaan si Agnes?" tanong ni Luke na para bang alam niyang may nililihim si Timothy.
Nagulat ako ng marinig ko ang mumunting hikbi ng aking asawa. "Agnes is sick. My baby is sick..." nanlulumong sabi nito.
"Wha...what?"
"Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. Iniwan niya ako ng malaman niyang may sakit siya. Ayaw niyang masaktan ako kaya naman pinili niyang lumayo. Damn, She doesn't deserve this" nanlulumong paliwanag nito.
"Anong sakit?" nagaalala tanong ni Luke.
"Leukemia"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro