Chapter 19
(Flashback)
"Siguradong masaya doon. Ano bang ginagawa niyo karaniwan pag pasko?" excited na tanong ko.
Bisperas ng pasko at aattend kami ng kanilang family reunion. Excited akong mas makilala pa ang pamilya nila Timothy.
Nagtaas siya ng kilay at napangisi. "Sino bang nagsabi sayo na isasama kita? Family gathering iyon, hindi kita pamilya" madiing sabi niya.
Hindi ako nakaimik. Nagawa pa niya akong tingnan mula ulo hanggang paa. "Kahit Dela Vega na ang apelyido mo, hindi kita itinuturing na parte ng pamilya ko" patuloy niya.
Sa bawat araw na magkasama kami ay ipinapamukha niya sa aking ayaw niya talaga sa akin. Hindi ko na din alam kung paano ko natatanggap ang masasakit na salitang iyon.
Sinigurado kong maayos ang pagkakalock ng gate pagkaalis ni Timothy. Mapait na lang akong napangiti ng tumingin ako sa aming bahay, ako nanaman magisa ang naiwan.
Malungkot akong napatingin sa regalo ko para sa kanya. Ito sana ang unang pasko namin bilang magasawa. Hindi kami magkasama.
Hindi din naman ako makapunta kina Tiya Hilda dahil hanggang ngayon ay may tampo pa din ito sa akin dahil sa pagpapakasal ko kay Timothy. Nagpadala na lang ako ng pera sa pinsan kong si Thessa para may ipang handa sila.
Nakatulog ako dahil sa lungkot at naalimpungatan ng makarinig ako ng sunod sunod na pagbusina. Nang sumilip sa bintana ay nagulat ako ng makita kong si Timothy iyon. Tumingin ako sa wall clock at nakitang masyado pang maaga.
"Bakit napaaga ata ang uwi mo?" tanong ko sa kanya.
"Dalian mo at magbihis ka" tamad na sabi niya sa akin.
"Ha?"
"Magbihis ka na! tangina naman." naiiritang bulyaw niya.
Mabilis ko siyang sinunod. Sinuot ko ang dress na dapat sanang susuotin ko sa reunion nila. Malakas ang pakiramdam ko na doon din ang punta namin.
"Isasama mo na ako doon?" tanong ko.
"Hinahanap ka nila" tamad na sagot niya.
Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa kanyang sinabi. Iba ang pakiramdam na hanapin ako ng pamilya niya. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko.
May lalaking kasing edad niya ang sumalubong sa amin pagdating namin sa kanilang mansyon. Kahawig niya ito kaya naman nakumpirma kong isa ito sa mga pinsan niya. Bumaling sa akin ang lalaki, napahigpit tuloy ang kapit ko sa braso ni Timothy. Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng sakit ng pinilit niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya.
Kita kong nagiwas ng tingin ang pinsan niya ng makita ang ginawa ni Timothy. Napayuko na lamang ako dahil sa hiya.
"Nasa garden silang lahat" sabi na lang nito para basagin ang katahimikan.
Naunang naglakad si Timothy at iniwan nanaman ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
"Ikaw si Cristina?" nakangiting tanong ng isang babaeng sumulpot sa kung saan.
Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Maganda siya at mukhang mas bata sa akin.
"Ako naman si Pat, pinsan ako ni Kuya Timothy" pagpapakilala niya.
Nailang akong ngumiti ng tiningnan niya ang kabuuan ko. "Parang magkasing edad lang tayo ah, ang laki na din niya tiyan mo" puna pa niya.
Hindi pa man ako nakakabawi ng kaagad niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako kung saan. Ipapakilala niya daw ako sa iba pa nilang pinsan.
Maganda talaga ang lahi nila Timothy. Sa tuwing may ipapakilala kasi ito sa akin ay para akong nakakakita ng mga artista. Mababait sila sa akin.
"Ang ganda mo tsaka yung pagkamorena mo ang ganda din" puri pa sa akin ng isa sa kanila.
"Salamat" nahihiyang sabi ko.
"Kain na tayo nagugutom na ako" Yaya ni Pat sa amin.
Bago sumama sa kanila ay nagpaalam muna akong pupuntahan si Timothy. Nahihiya akong naglakad palapit sa table kung nasaan siya kasama ang mga pinsan niyang lalaki. Kagaya niya ay nag gwagwapuhan din ang mga ito.
"Timothy" tawag ko dito.
Nahinto ang paguusap nila. Tumayo pa ang ibang pinsan niya para makipagkilala sa akin.
"Excuse us" sabi ni Timothy at hinila ako palayo sa mga ito.
"Ano bang kailangan mo!?" singhal niya sa akin.
"Nagugutom na kasi ako" pagdadahilan ko.
"Putangina naman Cristina! Nasa akin ba ang pagkain at kailangan mo pa akong tawagin!?" sigaw niya sa akin.
Mabilis akong naging emosyonal, dala na rin siguro ng pagbubuntis ko.
"Gusto ko lang naman sanang itanong kung gusto mong sabay na tayo"
Lalong dumilim ang itsura nito.
"Ang sabihin mo gusto mo lang magpabida. Kung saan madaming tao doon ka din. Bakit Cristina? hindi ka pa ba kuntento sa atensyon ng mga pinsan kong babae, pati sa mga lalaki kong pinsan gusto mo ikaw pa din?" sumbat niya sa akin na inilingan ko lang.
"Oo nga pala, Malandi ka nga pala" nakangising sabi niya dahilan para agad na lumipad ang palad ko sa pisngi niya.
Nang makabawi siya ay ganuon na lang ang gulat ko ng mahigpit niyang hinawakan ang panga ko.
"Wag kang magalit sa sinabi ko dahil yun ang totoo! Umuwi ka na! " sigaw niya sa akin bago ako padarag na binitawan.
"Sorry, hindi ko sinasadya" naiiyak na sabi ko ay tangkang hahawakan ang pisngi niya ng tinabig niya ang kamay ko.
Dumukot siya ng pera sa bulsa at marahas na inabot sa akin. Pamasahe ko daw at umuwi na ako.
Mas lalong bumuhos ang luha ko. Ano bang mali sa inaalala ko siya, na gusto kong sabay kaming kumain?.
Imbes na umuwi ay dumiretso na lang ako sa bahay ng aking kaibigang si Helga. Hindi naman siguro ako makakaabala sa kanya dahil magisa lang din siya sa kanyang apartment.
"Wow, hanggang ngayon hindi ka pa din maka-move on sa undas" puna niya sa akin ng makita ako sa labas ng apartment niya.
Hinampas ko na lang siya sa braso. Mabuti na lang at may kaibigan akong kagaya niya.
"Pwede bang dito ako magpasko?" malungkot na tanong ko.
Hindi niya ako sinagot, pero nilakihan niya ang bukas ng pinto tanda na pinapapasok niya ako.
"Grabe naman yung asawa mo" asik niya ng ikwento ko sa kanya ang nangyari.
"Ayaw niya lang talaga ng presensya ko" malungkot na sagot ko.
"Edi iwanan mo na"
"Hindi naman ganon kadali iyon, Helga. Ako ang pumilit sa kanya sa sitwasyong to, kaya wala akong karapatang umayaw dito." paliwanag ko.
"Wala naman yan sa kung sino ang pumilit, Cristina. Kung nasasaktan at nahihirapan ka na, may karapatan ka ding umayaw"
"Magbabago din naman siguro si Timothy. Baka kailangan ko lang maghintay" mahinang sabi ko at hindi ko na nagawang tumingin pa sa kanya.
"Paskong pasko, hindi ka pa din tapos sa drama mo! kantahan na lang natin yan!"
Ngingitian ko na sana siya kaso biglang nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang kantang nagplay sa dvd player niya. Someday by Nina. Agad niyang kinuha ang microphone at tumayo sa harapan ko.
"Helga parang ayoko na" sambit ko sa kalagitnaan ng pagkanta niya.
"Anong sabi mo?"
"Nahihirapan na ako..." sabi ko at nalahagulgol na. Pero ang lukang si Helga, nagpatuloy pa
Pagkatapos ng kanta niya ay agad niya akong niyakap.
"Kawawa naman itong kaibigan ko"
Tiningala ako siya, kita ko ang pagaalala sa mukha niya.
"Wag kang magalala, Kung hindi man dumating yung oras na matutunan kang mahalin ni Timothy, malay mo naman, darating yung oras na matututunan mo na lang na magmahal ng iba"
(End of flashback)
"Ay bonga yon!" natatawang sabi ni Helga.
Nagkita kami sa isang mall. Sasamahan ko siya sa restaurant nila Don fernando para makapasok din siya at magakasama na kami sa trabaho.
"Mas malaki pala ang sahod sa inyo, napakalaking tulong non" sabi pa niya.
"Oo, tsaka hindi lang sa restaurant hiring ngayon pati din sa hotel nila. May bagong branch na kasi sila sa may Parañaque" kwento ko sa kanya.
"Kamusta na kayo ni Sir Yohan mo?" tanong niya.
"Anong kami? walang kami" agad na sagot ko sa kanya at napasimsim sa juice ko ng manuyo ang aking lalamunan.
"Walang kayo? Pero kung magkapaghalikan kayo"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
"Cristina, kung may nararamdaman ka na talaga diyan sa Sir Yohan mo na yan, aba'y makipaghiwalay ka muna ng maayos sa asawa mo." pangaral niya.
"Yun na nga ang problema eh..." daing ko.
Kumunot ang noo nito.
"Humihingi si Timothy ng dalawang buwan. Pag hindi daw talaga, papayag siyang makipaghiwalay" kwento ko.
"Eh anong balak mo?"
Nagkibit balikat lang ako.
"Eh baka may nararamdaman ka pa" akusa niya.
"Wala na ah!"
"Wala na, pero natatakot ka?" laban pa niya.
Nagiwas ako ng tingin. Tama naman si Helga, natatakot nga ako.
Nang maghapon ay nagpatuloy ako sa trabaho habang hinihintay si Helga, maraming nagaaply kaya naman sa hall ng hotel sila nakapila ngayon. Kumpyansa naman akong matatanggap siya dahil magaling at masipag talaga.
"Cristina, may naghahanap sayo. Nasa table 9" sabi ng isa sa mga katrabaho ko.
Napasimangot ako ng isiping baka si Timothy iyon. Pero habang palapit ay kaagad may namuong kaba at galit sa aking dibdib.
Cristina..." tawag niya sa akin.
"Ano pong kailangan niyo?" matapang na tanong ko.
"Cristina patawarin mo ako" pagmamakaawa niya.
Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Dahil lahat ng sakit ay bumabalik sa akin.
"Hindi ko sinasadya..." muling sambit niya.
Hindi ko siya pinansin, nanatili lamang akong walang reaksyon at hindi nakatingin sa kanya. Nagulat ako ng unti unti itong lumuhod sa aking harapan.
"Nagmamakaawa ako sayo Cristina, Patawarin mo ako sa nagawa ko sayo. Balikan mo na si Timothy" umiiyak na pakusap ng Mommy niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro