Chapter 17
(Flashback)
"Kung bakit ba naman kasi pumulot ako ng batong ipupokpok sa sarili ko" pagmamaktol ni Timothy.
"Timothy sige na, ako na ang bahala dito magpahinga ka na lang sa itaas" presinta ko.
Kakalipat lang namin sa bahay na iniregalo sa amin ng Mommy niya.
"Kung umalis ka na lang sa harapan ko ng hindi ako nabwibwiset sayo" pagtataboy niya sa akin.
Hindi ako nakaimik, siya naman ang iniisip ko.
Inirapan na lang niya ako at hindi na ako pinansin pa. Nagpatuloy ako sa pagaayos ng gamit, maingat kong binuhat ang isang balik bayan box para ayusin iyon. Hindi naman ganon kabigat kaya naman inakyat ko na sa itaas. Pag dating sa kwarto ay hindi sinasadyang nabitawan ko iyon. Nabasag ang lamang mga picture frame.
Nakakatakot na sigaw ni Timothy ang narinig ko.
"Hindi ko sinasadya, nadulas sa kamay ko" paliwanag ko.
Nagtangis ang panga niya. Nabigla ako ng ibinato niya sa akin ang hawak niyang nakatuping mga damit.
"Wala ka talagang kwenta!" sigaw niya.
Mabilis kong pinahid ang tumulong luha. Lumuhod ako para pulutin ang basag na mga frame. Doon ko lang nalaman kung bakit ganuon ang naging reaksyon niya.
Ang ilan don ay family picture nila at picture ng Ama niyang matagal ng pumanaw. Napangiwi na lang ako ng makaramdam ako ng hapdi at nakitang dumudugo na ang kamay ko dahil sa bubog.
"Timothy" tawag ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya ng makitang papalapit ako sa kanya. Bago ko pa man siya mahawakan ay naitulak na niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. Kinabahan ako at kaagad na napahawak sa aking sinapupunan. Nag angat ako ng tingin sa kanya pero wala akong nakitang bakas ng pagsisisi o pag aalala.
"Lumayo ka sa akin kung ayaw mong masaktan" banta niya.
Mas lalo siyang naging mailap sa akin ng sumunod pang mga araw. May takot din ako na baka kung ano ang magawa niya sa akin kung malapit ako sa kanya.
"Aalis tayo" sabi niya isang araw na ikinagulat ko.
Kakauwi niya lang at hindi ko alam kung saan siya nagpalipas ng gabi.
"Ano bang kailangang suotin? Para makapaghanda ako" mahinahong tanong ko. Ayokong galitin siya dahil halatang iritado na.
Tamad siyang tumingin sa akin. "Ikakasal ulit si Sam at Luke. Kung hindi ka lang hinanap ni Sam sa akin ay hindi kita isasama"
Nakaramdam ako ng excitement para sa aking kaibigan.
"Pero wala akong maisusuot para don" pamomorblema ko.
Nagtaas siya ng kilay at mapanuyang ngumisi.
"Sino ka ba para pansinin ng mga tao don? Kahit anong isuot mo, walang may pake!" asik niya.
Umakyat na lang ako sa kwarto para maghanap ng damit. Gusto ko lang namang maging presentable, pormal na okasyon iyon. At siya lang din naman ang iniisip ko, magkasama kami kaya naman ayoko ding mapahiya siya kung ano man ang isusuot ko.
Nakita ko ang luma kong dress, kulay puti iyon. Hindi naman lumaki ang katawan ko kaya sa tingin ko ay pwede na iyon. Maganda at simple.
Tanghali pa lang ay nakaayos na ako. Kailangan pa kasi naming bumyahe ni Timothy papunta sa venue ng kasal. Mas lalong nadepina ang kurba ng aking katawan dahil sa suot kong dress. Heart shape spaghetti strap iyon na hanggang tuhod. Medyo halata na din ang umbok ng tiyan ko. Nakalugay ang aking buhok at naglagay ng konting make up.
"Bakit na napakatagal mo!?" salubong na bulyaw nito sa akin pagkababa ko ng hagdan.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang pa. Napailing na lamang siya na para bang nadismaya siya. Nakaramdam ako ng hiya, buong akala ko ay magugustuhan niya ang ayos ko.
"Hindi na lang ako sasama" naiiyak na sabi ko.
Dinuro niya ako at marahas na hinila palabas. "Hoy Cristina! wala akong panahon sa kaartehan mo!"
Mahina akong umiyak sa loob ng sasakyan habang nasa byahe kami. Unang bumaba si Timothy pagkadating namin sa venue na para bang wala siyang kasama. Bumaba na lang din ako at sumunod sa kanya.
Nang makahabol ay sinubukan kong kumapit sa kanyang braso ng kaagad niyang tinabig ang aking kamay. Iniwan niya ako ng may tumawag sa kanyang kakilala.
Naramdaman ko ang kakaibang tingin sa aking ng ibang bisita kaya naman sa hiya ay lumapit ako kay Timothy at kumapit sa braso niya. Kailangan ko ng kasama.
Nagulat siya, nilingon niya ako at sinamaan ng tingin na para bang pinapalayo niya ako sa kanya.
"Yan ba yung asawa niya?" natatawang bulong nung isa.
"Bakit parang..." hindi na nila iyon tinuloy pero mapanginsulto silang tumawa.
Nang hindi na makaya ang hiya ay nagpaalam siya sa mga kausap at hinila ako sa kung saan. Napadaing pa ako sa higpit ng hawak niya sa akin pero wala siyang pakialam.
"Ba...bakit?" tanong ko.
"Pwede bang wag kang lalapit sa akin!" matigas na utos niya.
"Pero hindi ako sanay dito"
"Wala akong pake!" galit na asik niya.
Bumigat ang aking dibdib, uminit ang gilid ng aking mga mata.
"Ikinakahiya mo ba ako Timothy?" naiiyak na tanong ko.
"Oo. Ikinahihiya kita!" diretsahang sagot niya.
Tumulo ang aking mga luha. "Wala naman akong ginagawang masama"
Umigting ang kanyang panga. "Wala kang ginagawa. Pero sa tuwing kasama kita, hinihila mo ako pababa" giit niya.
Hindi ako nakaimik at mas lalo na lang naiyak.
"Sino namang gugustuhing makasama ka? Tangina napakamalas ko!" sabi niya at iniwan akong magisa doon.
(End of Flashback)
"Anong problema mo?" tanong ni Grace sa asawa ng makitang nakabusangot ito.
"Ganyan talaga ang mga insecure" pangaasar ng pinsang si Zach.
Sinamaan siya ng tingin ni Kervy. "Hindi ako insecure, Gago!"
Bumalik din sa tahimik ang lahat matapos magkaasaran ng magpinsan. Kami ni Samantha ang magkatulong na nagihaw. Hanggang sa mailang ako ng lumapit si Luke sa kanya, niyakap ito mula sa likod at hinalikan.
Nahihiya siyang sinaway ni Samantha pero mas lalo lang nagpatuloy si Luke para asarin ang asawa.
Napangiti na lang ako at nagiwas ng tingin. Para silang may sariling mundo. Ganoon siguro talaga pag totoo ang pagmamahal niyo sa isa't isa.
Napabalikwas ako ng may biglang humawak sa bewang ko.
"Tulungan na kita diyan" si Timothy.
Sinamaan ko siya ng tingin. Mabilis kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko.
"Hindi na" pagtanggi ko at kaagad siyang tinalikuran.
"Sige na, tutulungan na kita" pamimilit niya na paulit ulit ko ding tinanggihan.
Sa inis ay padabog kong ibinigay sa kanya ang hawak kong pamaypay at iniwan siya doon. Edi siya magisa ang gumawa.
Bakit ba lapit pa siya ng lapit? Ito na ang matagal niyang gusto hindi ba? Akala ko ba, nakakahiya akong kasama?.
Umalis ako doon at napiling tawagan si Thessa habang naglalakad sa may dalampasigan. Napanguso na lang ako ng makita kong mahirap tumawag dahil walang signal. Babalik na lang sana ako ng humarang sa daraanan ko si Timothy.
"Tine please..."
"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ko sa kanya.
"Please Tine, gusto lang talaga kitang makausap" pakiusap niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Binigyan na kita ng chance na magpaliwanag. Ano pa bang gusto mo?" naiiritang tanong ko.
Bago pa man siya makasagot ay naglakad na ako palayo. Tinawag pa niya ako pero hindi ko pinansin.
"Wag mo nga akong sundan!" sigaw ko.
Napasigaw na lang ako ng higitin ako nito sa braso at sapilitang iniharap sa kanya. Sumalubong sa akin ang nanlulumo niyang mga mata.
"Kung yun lang ang paraan para bumalik ka sa akin, gagawin ko" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
Hindi siya nagsalita, hindi ako nakagalaw ng bitawan niya ako at naglakad siya patungo sa may dagat.
Nanlaki ang mata ko. "Kung magpapakamatay ka, wag mo akong idamay!" sigaw ko sa kanya.
Pero hindi siya natigan, nagpatuloy lang siya.
Nakaramdam ako ng takot pero hindi ko pinansin. "Bahala ka diyan, Wala din akong panahon sa drama mo!" pagsuko ko at pinapatuloy ang paglakad.
Mariin akong napapikit, hindi kaya ng kunsensya ko. Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng makita kong wala na si Timothy.
"Timothy, hindi ako nakikipag biruan sayo!" sigaw ko sa kanya. Ang dami ko ng iniisip tapos dadagdag pa siya.
Ilang beses pa akong sumigaw pero hindi talaga siya nagpakita. Sa takot ay tumakbo na din ako patungo duon at lumusong.
Huminto lang ako ng nasa may bandang dibdib ko na ang tubig.
"Timothy!" isang pang malakas na sigaw ko. Napansin ko na lang na umiiyak na ako.
"Timothy...Please" mahinang pakiusap ko dahil hindi ko din alam ang dapat kong gawin
Aalis na sana ko para humingi na ng tulong ng magulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
"Tine...please" hingal na hingal na sabi niya.
Mabilis ko siyang hinarap. Nakita kong namumutla siya. Hinampas ko siya sa dibdib. Paulit ulit habang sinisigawan siya. Grabe ang takot na naramdaman ko dahil sa kanyang ginawa.
Hinila niya ang kamay ko at kaagad akong kinabig palapit sa kanya at hinalikan. Sinubukan ko siyang itulak pero masyado siyang malakas.
"Please Tine. Be my wife again" pagsusumamo niya ng matapos ang halik.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro