Chapter 15
"May bisita ka kanina?" sabi ni Don Fernando.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin tungkol kay Timothy.
"I know, kilala ko na kung sino" putol niya sa akin.
"Hindi naman sa nangingialam ako Hija, Pero why don't you give him a chance. Hindi ko alam ang ginawa niya sayo, pero sigurado akong sobra kang nasaktan. Pero kung ayaw mo na talaga, atleast just give him a chance to explain his side" pahayag ni Don Fernando.
"Bibigyan ko naman po talaga siya ng time para don pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa po alam kung kailan at paano. Hindi pa ako handa" paliwanag ko.
"I understand, Hija. Sabi ko nga sayo para na din kitang Apo. Kung saan ka mas magiging masaya" paliwanag niya tsaka ako niyakap.
Kung darating man yung araw na magkakausap kami ni Timothy ng masinsinan gusto ko yung wala na talaga, Yung wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya.
"Hanggang ngayon?..." hirit ni Thessa.
Tinanguan ko na lamang siya.
"Mukhang mahal na mahal nga niya yung Agnes na yon. Kasi ba naman kung ipagtanggol niya eh akala mo nakakaramdam pa ng sakit iyon." himutok niya.
Tumigil din siya ng mapansin niyang hindi ako nagsasalita
"Birthday ng anak ni Kuya Matteo sa isang araw kailangan tayo don" biglang paalala ni Thessa.
Yun pa nga ang isa ko pang problema. Hindi naman si Matteo si Timothy para maging siya ay iwasan ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya naman ang pangit naman kung simpleng imbitasyon lang ay hindi ko pa mapagbigyan.
"Kung anduon siya, ipakita mo lang na hindi ka apektado" suwestyon ni Thessa.
Tipid ko lang siyang tinanguan.
"Kung bakit ba naman kasi yung ibang tao, hindi marunong magpahalaga kung anong meron sila. Hahanap pa talaga ng bagay na wala na. Ang hindi nila alam, yung mga bagay na pinabayaan at iniwan nila ay yung tunay na mahalaga" dirediretsong sabi ni Thessa.
Sinalubong ako ni Sir Yohan kinaumagahan at inalok na sumabay na ako sa kanya. Tipid lang akong tumango, hindi na ako tumanggi pa dahil hindi rin naman ako mananalo sa kanya.
"Mukhang desidido talaga siyang makuha kayo ulit" sabi nito.
Naipit nanaman kami sa traffic.
"Hindi pa rin po malinaw sa akin kung anong gusto niya. Tinapon niya na kami dati, bakit ngayon ay kailangan pa niya kami uling pulutin?" kwento ko.
"Narealize niyang mukhang mali pala ang natapon niya" seryosong sagot nito ng hindi man lang ako tinitingnan.
"Eh paano kung ayaw ng magpapulot sayo nung tinapon mo?" tanong ko.
Nagulat ako ng maramdama kong hinawakan nito ang kamay ko.
"Edi ipakita mo sa kanya na kaya mo kahit wala na siya. Kasi hindi mo naman pipiliin ang pangalawa kung sapat na ang una hindi ba?"
"Eh paano kung hindi naman kailangang maging sapat nung una? Kasi kahit wala naman sa kanya ang lahat eh mamahalin mo pa din siya..." diretsong sabi ko.
Tipid at pagod siyang ngumiti sa akin.
"Napakaswerte niya"
Nagfocus na lang ako sa trabaho ng buong araw na iyon. Kahit ang hirap para sa akin dahil napaka dami kong iniisip. Kahit ng mga sumunod na araw ay ganon din.
"Susunod na lang ako, sandali na lang ito" pagkausap ko kay Thessa sa phone.
Ngayon ang birthday ng anak ni Matteo. Ang kaso nasa trabaho pa ako kaya nauna na lamang sila duon at marahil ay dumiretso na din duon si Sir Yohan mula sa isang business meeting. Nang matapos na ang trabaho ko ay agad din naman akong pinasundo ni Don Fernando sa driver at sandali kaming umuwi ng bahay para makapagbihis din ako.
"Tine!" sigaw na tawag sa akin ni Grace at kaagad akong niyakap.
"Lagot ka kay Zyrene, Kukurutin ka daw niya sa singit sa oras na makita ka niya, hala ka!" pananakot niya sa akin tsaka ako agad hinila papasok ng bahay.
Nakita kong madaming bata sa may garden. Tuwang tuwa ang mga ito dahil sa mga clown sa gitna. Dumiretso kami sa loob ng bahay nila Matteo at Zyrene.
"Ito na siya!" malakas na paghiyaw ni Grace dahilan kung bakit naagaw namin ang atensyon nilang lahat sa may sala. Kumpleto silang lahat duon at kahit na ayoko mang makita ay nandoon din si Timothy.
Nakabusangot na lumapit sa akin si Zyrene. hindi ko alam kung galit pa ba siya sa akin pero nagulat ako ng bigla niya akong hinampas sa braso at niyakap.
"Si Timothy lang naman ang may kasalanan sayo" bulong niya sa akin.
"Sorry, hindi ko naman ginustong hindi magpaalam sa inyo pero kasi..." hindi niya na ako pinatapos.
"Hep. tama na muna ang explanation ang mahalaga nandito ka na. Ay teka, nasaan si Baby Thomas?" tanong niya.
Kaagad din akong nataranta, asaan na nga ba ang anak ko?
"Hawak ni Yohan" singit ni Matteo.
"Kukuhanin ko na muna" paalam ko pero tatakikod pa lang sana ako ng bigla na silang sumalubong sa akin.
"Andito na pala si Mama" nakangiting sabi ni Yohan habang karga ang anak ko.
Bago ko pa man makuha ito ay nauna na sina Grace at Zyrene.
"Ang pogi ng baby mo Tine. Kaso..." hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bumaling siya kay Timothy.
Alam ko na ang gusto nilang sabihin. Na kamukhang kamukha ito ni Timothy.
Nilingon ko si Sir Yohan ng maramdaman ko ang hawak niya sa likod ko. "Kumain na tayo, hindi pa ako kumakain, hinintay kita"
Nanlaki ang mata ko. Lalo ng ngumisi ito at nagkunwaring masakit ang tiyan niya.
"Sige na tine, kumain na muna kayo dun. Hindi pa din kumakain ang isang yan" si Matteo.
Tipid akong tumango at nagpaalam sa kanila. Hindi naman naiwasang mapatingin ako kay Timothy na seryosong nakatingin sa akin.
Sa lamesa kung nasaan sina Lolo at Thessa kami umupo at kumain. Hindi nagtagal ay nakita ko din ang paglabas ng lahat. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ng makita kong si Timothy ang may hawak sa anak ko. Wala siyang karapatan kay Thomas kasi in the first place ay gusto nga niyang ipalaglag ito.
Mabilis akong nagmartsa palapit sa kanila.
"Akin na ang anak ko" galit na agawa ko sa kanya.
Tumalim ang tingin niya sa akin pero hindi ko pinansin.
Hindi kami napansin ng iba dahil umingay ang paligid dahil sa magic show. Tatalikuran ko na sana siya bitbit ang anak ko ng hinigit niya ang braso ko at pinaharap ako sa kanya. Hindi pa siya nakuntento at sapilitan pa niyang kinuha sa akin si Thomas.
"Anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko.
Dinala niya ako papasok sa loob ng bahay. Pumasok kami sa isang kwarto at agad niya akong binitawan paupo sa kama. Nakita ko namang dumiretso siya sa isang crib kung saan inilapag niya ang anak ko. Nuon ko lang napansin na marahil ay isa sa mga kwarto ng anak nila Matteo.
Matapos niyang ilapag ang anak ko sa crib at pinaandar ang kung anong laruan sa taas nito na tumunog at umikot ay bumaling sa akin. Hinila ako patayo.
"Ano bang problema mo?" hiyaw ko sa kanya.
"Pag ibang lalaki pwede. Pag ako hindi? Anak ko yan Cristina!" sigaw niya.
Hindi ko siya sinagot. Nilabanan ko lang ang titig niya.
"Anak ko yan, may karapatan ako..." hindi ko siya pinatapos at agad kong inilagay ang magkabilang palad ko sa tenga ko sensyales na ayokong pakinggan ang sasabihin niya.
"Cristina makinig ka pwede!?" sigaw niya sa akin.
"Hoy putangina mo! wag mo akong sigawan!" sita ko.
Kumunot ang noo niya, hindi ata makapaniwala na sinigawan ko siya.
"Gusto kong mag usap tayo ng maayos" mahinanong sabi na niya.
Hindi pa din ako nagsalita. Padabog kong binawi ang kamay ko at bumalik ng upo sa may kama.
"Sige tanungin mo na ako" utos niya.
"Wala akong tanong Timothy. Tapos na ang paguusap na to" sabi ko at akmang tatayo na ng pigilan niya ako.
"Agnes mother was my Father's mistress." paguumpisa niya.
Kahit gulat ay nanahimik pa din ako.
"Nung nalaman ni Mommy yon, halos mabaliw siya. Hindi ko din alam ang gagawin ko. Pero hindi ko nagawang makipaghiwalay kay Agnes dahil sobra ko siyang mahal"
Wow! ang kapal talaga ng mukha nito para ipagmalaki pa sa akin iyon.
"Hindi ko namalayang lumala na pala si Mommy. She even asked someone to kill my Father and his mistress. Yun na lang ang natitira kay Agnes, ang Mommy niya. Nawala iyon dahil kay Mommy at kahit hindi ko man ginusto ay kunsensya ko din iyon. Halos mawalan ng pagasa si Agnes nung nawala yung Mommy niya. Sa panahong yun nakita ko kung gaano siya kahina, dahilan kung bakit mas lalo ko pa siyang minahal" pagpapatuloy niya.
"Alam mo Timothy, kung ikwekwento mo lang yung love story niyo ni Agnes wag sa akin pwede!" giit ko.
Pero hindi pa din siya nagpaawat.
"Mas lalo akong naawa nung nalaman kong may sakit siya. Dala dala ko pa din yung sikreto na dahil sa Mommy ko kung bakit nawala ang Mommy niya. Gusto ko siyang alagaan, pakiramdam ko kasalanan ko din iyon"
Naramdaman kong dahan dahan siyang lumapit sa aking pwesto.
"Ayoko naman talagang iwanan kayo. Pero kasi nalaman kong pinapahanap din siya ni Mommy. Alam ko kung anong kayang gawin nito. Kaya natakot ako para kay Agnes, lalo na at may sakit ito" patuloy niya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay agad bumagsak ang luha ko.
"Kaya mas pinili mong kami na lang ang iwan sa Mommy mo?" sumbat ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita.
"Alam mo pala kung anong kayang gawin ng Mommy mo, pero mas pinili mong iwan kami sa kanya" puno ng hinanakit na sabi ko pa.
"Tine, wala na akong choice" sabi niya.
"May choice ka Timothy!" asik ko.
Tumayo ako para kuhanin ang anak ko. Aalis na kami dito.
"Anong karapatan mong bawiin ngayon ang bagay na mas pinili mong bitawan?" pinal na sabi ko bago namin siya iniwan.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro