Chapter 14
"Nakaka-badtrip naman pala yang ex prince charming mo" himutok ni Thessa ng ikinwento ko sa kanya ang mga nangyari sa muli naming pagkikita ni Timothy.
"Galit ako sa kanya, Galit pa rin ako sa kanya" madiing sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
Pero dahan dahang bumaba ang tingin ko sa anak kong mahimbing na natutulog sa aking mga bisig.
Isang tingin ko pa lamang sa kanya ay mukha nanaman ni Timothy ang aking nakikita. Ang mga mata nito, pilikmata, ang perpektong pagkakaguhit ng kanyang kilay at ang matangos nitong ilong.
"Bakit daw ba kasi siya umalis?" tanong nito.
Hindi ko alam.
"Andeng, Bakit hindi mo muna siya pakinggan?"
"Ewan ko Thessa, hindi pa ako handa na marinig ang walang kwentang dahilan niyang iyon. Ni ayoko pa nga siyang makita." matapang na sagot ko.
"Paano si baby Thomas?"
"Sa akin ang anak ko, kaya ko naman siyang buhayin ng wala si Timothy" giit ko.
"Andeng, lumaki at nagkaisip tayong dalawa na hindi kumpleto ang mga magulang natin. Ako walang amang kinagisnan tanging si Inay lang. Ikaw, palaging wala si Tiya Helen sa bahay laging si Tiyo lang ang kasama mo. Pati ba naman sa anak mo gusto mong ipasa yung kalagayan nating dalawa?" pangungunsensya niya.
Tama si Thessa. Sabay kaming lumaki at nagkaisip. Parehong may kulang sa amin. Siya yung Tatay niya. Ako naman si Nanay. Hindi ko nga alam kung bakit kailan pa niyang umalis non, ang sabi kasi sa akin ni Tatay kailangang magtrabaho ni Nanay sa malayo.
"Pero hindi ko pa kaya" naiiyak na sabi ko.
Lumapit at niyakap niya ako.
"Kung hindi mo pa kaya ngayon, ayos lang yon. Pero darating talaga ang oras na kailagan mong malaman ang side niya"
Hindi ako sumagot.
"Pero, Kung gusto mo si Kuya Yohan na lang ang gawin mong bagong Daddy ni Thomas, mas feel ko yun" pangaasar pa niya.
"Thessa" pagbabanta ko na tinawanan niya.
Inilapag ko si Thomas sa queen size bed ni Thessa kung saan napapagitnaan namin siyang dalawa.
Biglang gumalaw si Thomas ng lumundo ang kama dahil sa pagsampa nito.
"Shh. Ang ingay mo" suway ko sa kanya.
"Sorry" natatawang sagot niya.
"May ikwekwento ako sayo" biglang sabi niya.
"Ikinwento lang sa akin ito ni Lolo. Alam mo kasi yang si Kuya Yohan kaya masungit yan dahil meron siyang trust issues. Hindi siya mabilis magtiwala, minsan nga ay pagihinahatid niya ako sa school may mga tanong pa din siya sa akin na minsan medyo masakit. Pero pag narealize niya iyon ay hihingi naman agad siya ng paumanhin at sabay na lang naming tatawanan. Sinasabi ko to sayo kasi alam kong minsan medyo masakit din talaga siyang magsalita." kwento niya.
"Anong minsan, palagi kaya." sabat ko.
Tumawa si Thessa. "Iba ka kasi, may kasamang pagpapapansin yung sayo."
"Palagi ka kaya niyang tinatanong sa akin. Pero minsan pag aasarin ko na siya ay bigla na lang magsusungit, Masyadong torpe" natatawang kwento niya.
"Tumahimik ka na. Matulog ka na at may klase ka pa bukas." suway ko sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa kawalan. Hindi ko kayang patawarin si Timothy. Bumalik siya sa amin dahil wala na si Agnes, kung ganon pala'y kung hindi nawala ito ay baka hindi ko na siya nakita pang ulit.
Tinanong ko siya noon kung minahal ba niya ako, ang tanging nasagot niya lang ay akala ko. Tama ba yon? paano kung tanungin niya din ako tapos ang isagot ko sa kanya ay hindi, na gago pera mo lang ang habol ko. Ano kayang mararamdaman niya?
Ayaw niya sa anak ko dahil hindi naman daw siya sigurado kung sa kanya daw talaga ito. Anong nakain niya at ngayon ay babalik siya tapos mangaangkin. Napakadami kong tanong, Sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung gusto ko pa nga bang malaman ang kasagutan.
Napagpasyahan kong bumaba ng makita kong wala ng laman ang pitsel namin. Sinigurado ko munang may harang si Thomas para hindi siya mahulog. Madilim na sa buong bahay, Mabuti na lamang at sanay ang mata ko sa dilim. Pero wala pa nga ako sa pangalawang baitang pababa ay kinilabutan ako sa aking narinig. May umiiyak.
"Please...Don't leave me Mommy!" umiiyak na sabi nito.
Pinakinggan kong mabuti kung saan iyon nanggagaling. Base na rin ng boses na aking narinig ay lalaki ito.
"Sasama po ako, Please!" patuloy na iyak nito at kung hindi ako nagkakamali ay sa kay Sir Yohan na kwarto nanggagaling ito.
Dumiretso ako sa kwarto niya. Mabuti na lang at hindi nakalock ang pintuan.
"Sir Yohan." tawag ko sa kanya.
Wala itong pangitaas. Tumutulo din ang pawis niya kasabay ng pagluha. Sinubukan kong tapikin siya pero wala pa din dahil patuloy lang siya sa pagiyak. Akmang aalis ako para humingi ng tulong ng hawakan nito ang palapulsuhan ko.
"Don't leave me, please" pagmamakaawa niya.
Hindi ako nakasagot, tanging tango na lamang ang aking nagawa. Hinawakan ko ang noo niya, inaapoy ito ng lagnat.
"Sir, Nilalagnat po kayo, kukuha lang po ako ng gamot" paalam ko dito.
Hindi pa sana niya papakawalan ang kamay ko pero masyado siyang mahina para labanan ang lakas ko.
Bumalik ako sa aming kwarto para kumuha ng gamot. Kaagad din akong bumalik sa kwarto ni Sir Yohan at nagulat na lang ako ng makita kong nakatayo na siya doon.
"Akala ko hindi ka na babalik" paos na sabi niya tsaka ako niyakap.
Dahil na din sa nakahubad siya ay damang dama ko ang init ng kanyang katawan. Inakay ko siya pabalik sa kanyang kama at pinahiga. Naglaba na din ako ng bimbo para ilagay sa kanyang noo.
"Can you stay here, please?" pakiusap niya.
"Please" pagmamakaawa niya.
"S...sige po" pagsuko ko.
Hindi niya binitawan ang kamay ko. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa pagbabantay sa kanya. Nagising na lang akong nakahiga na ako sa kanyang tabi at nakayakap na siya sa akin.
Mahimbing pa din ang tulog niya ng maingat akong lumabas ng kanyang kwarto. Nagulat ako ng maabutan ko si Thessa na hawak hawak ang anak ko habang nagkukusot ng mata. Kaagad nanlaki ang mata niya at sumilay ang pilyang ngiti ng makita niya kung saan ako galing.
"Diyan ka natulog?"
"Ha...Hindi ah!" pagtanggi ko.
"Sinasabi ko na nga ba!" patuloy na pangaasar pa niya.
"Manahimik ka nga, Baka magising..."
Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Sir Yohan.
"Sabi ko wag mo akong iwan diba?"
Hanggang sa hapagkainan ay hindi ako makatingin kay Thessa. Ipinaparinig pa niya kay Sir Yohan yung pangaasar niya sa akin.
"Kung ganon Apo, wag ka na lang munang pumasok, magpahinga ka na lang muna" nagaalalang sabi sa kanya ni Don Fernando.
Tumango lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain. May tagapagalaga si Thomas sa tuwing nasa trabaho ako at may pasok naman si Thessa.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako ng madatnan ko si Sir Yohan.
"Sir may kailangan po kayo?" tanong ko.
"I just want to say thank you" mahinang sabi niya.
"Po?"
"Sabi ko Thank you, ang bingi mo naman" medyo naiinis na sabi pa niya.
Napanguso ako, kahit kailan talaga napakamainitin ng ulo niya.
"Wala po iyon Sir, magpahinga na lang po muna kayo"
Tipid lang itong tumango at mabilis na pumasok sa kwarto niya. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano yung iniiyak niya kagabi, basta ang alam ko lang tinatawag niya ang Mommy niya.
"Good morning po" bati ko kay Manong guard.
"Good morning din Cristina, Nga pala kanina pa may naghihintay sayo sa loob." sabi nito.
Kinutuban na ako. Mukhang kilala ko na kung sino.
"Ano nanaman ba?" inis na tanong ko.
"Tine please, magusap naman tayo oh" pakiusap niya sa akin.
"Timothy naman, umagang umaga!" hiyaw ko.
"Makinig ka naman muna kasi sa akin, Parang awa mo na oh..."
"May trabaho ako Timothy, kung ikaw wala kang magawa sa buhay mo pwedeng wag mo akong guluhin dito?" masungit na sabi ko.
"Gusto kong bumawi sa inyo ng anak natin" paliwanag niya.
"Bakit? Dahil wala na si Agnes, ganon ba?" sumbat ko sa kanya.
"Wala na siya Oo, pero sariling kagustuhan ko tong..."
Hindi ko na siya pinatapos.
"Yun na nga eh. Wala na si Agnes, bakit kaya hindi ka na lang sumunod sa kanya?" dirediretsong sabi ko na ikinagulat ko din naman.
Ang kaninang nanlulumo niyang mata ay lalo pang nanlumo. Bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa nakikita ko ngayon. Maitim ang ilalim ng kanyang mata, Gulo gulo din ang medyo mahaba niyang buhok. Hindi ko din alam kung saan niya nakuha ang mga pasa at sugat sa mukha niya.
"Si...sige aalis na muna ako. Baka naiistorbo na nga kita sa trabaho mo, Anong oras ba ang uwi mo mamaya? " tanong niya.
"Wag na" matigas na sabi ko at agad siyang tinalikuran.
Naging maasyos ang buong araw ko sa trabaho. Buti na lamang at hindi na bumalik si Timothy simula kaninang umaga. Ng mag-gabi ay dinaanan ako ng sundo ni Thessa kaya sabay kaming umuwi sa bahay. Ang dami nga nitong kwento sa buong araw niya sa skwela.
"Mukhang may bisita si Lolo" pahayag niya ng makita namin ang isang itim na sasakyan na nakagarahe sa labas ng bahay.
Pero ng pagmasdan ko iyon ay agad na may namuong kung ano sa aking dibdib. Andito siya...
Hindi nga ako nagkamali at pagkapasok namin sa may sala ay nakita ko si Timothy na nakaupo sa may sala karga ang anak ko. Nagulat ito ng bigla kong kinuha ang anak ko.
"Kapal talaga ng mukha mo" madiing sabi ko sa kanya.
"Tine..."
"Ano bang ginagawa mo dito? bakit ba napakakulit mo?" nanggagalaiting tanong ko.
"Andeng kalma lang, Akin na muna si Baby" singit ni Thessa at agad kinuha sa akin si Thomas.
Sinundan ng tingin ni Timothy ang aking anak hanggang sa makaakyat ito sa hagdan kasama si Thessa.
Maluha luha itong bumaling sa akin at ganon na lamang ang gulat ko ng yakapin niya ako.
"Tine, anak ko yun, Anak ko yun" paulit ulit na sabi pa niya.
"Bitawan mo nga ako" pagpupumiglas ko.
Pero dito ito nakinig at mas lalo lang akong niyakap ng mahigpit.
"Sabing bitawan mo nga daw siye eh, Bingi ka ba!" nagulat na lamang ako ng biglang may humila sa akin palayo kay Timothy.
"Sir Yohan..."
"Sino ka ba!?" galit na sigaw ni Timothy dito.
"Bakit Ikaw, Sino ka ba!?" laban ni Sir yohan sa kanya.
"Asawa niya ako." matapang na sagot ni Timothy.
Napangisi lamang si Sir Yohan na bumaling sa akin. "Akala ko, matagal ng nasa impyerno yung asawa mo kasama yung kabit niya" nakangising sabi nito.
Napabaling ako kay Timothy, Lalong nagalit ito.
"Putangina ka! Wag na siyang idadamay dito!" sigaw ni Timothy at sinugod ng suntok si Sir Yohan.
Natumba si Sir Yohan dahil sa suntok nito. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakabawi ay agad ng lumipad ang palad ko sa pisngi niya.
"Tine..." nalulumong tawag niya.
"Umalis ka na!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
Tinanaw ko siya hanggang sa makalabas na siya ng pinto. Nang tuluyan siyang makalabas ay tumulo na din ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Si Agnes pa din talaga.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro