Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unang Klase sa Einstein

Tumayo ako sa harap na parang tuod. Parang natuyo na yata ang laway ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nakakahiya kasi parang bigla akong amateur singer na kakanta sa barangay fiesta. Lahat sila nag-aabang sa sasabihin ko, kung sino ako, kung ano ang mga gusto at hindi ko gusto. Ayaw ko na sanang tignan pa pero kasi 'yong mata ng iba sa kanila parang kakainin ako. Alam niyo 'yong mga tingin na jinajudge ka na agad? 'Yong tipong wala ka pang ginagawa parang dehado ka na agad. Ganun!

Pero kahit ano pa man ang pag-iisip ko tungkol sa kanila, wala namang magagawa 'yon para makaalis na ako dito sa unahan. Wala eh, bago ako—kailangan kong ipakilala ang sarili ko sa kanila. So, eto na nga, inintroduce ko na ang sarili ko. "Good morning everyone. I'm John Daniel Tamundong. 15 years old. Nice to meet you."

Ang awkward, grabe! Di rin alam ng mga kaklase ko kung ano ang dapat nilang reaksyon. As if pwede silang pumalakpak diba? Basta tahimik. 'Yong iba nakangiti noong narinig 'yong pabebe kong boses. Oo na. 15 na ako pero parang pang-bata ang boses ko. May isang beses, tumawag 'yong bangko tungkol sa credit card ni daddy. Ako ang nakasagot. Aba! Tawagin ba naman akong ma'am. Pero I must admit, hindi naman ako nagalit, hindi ko na rin itinama. Pakiramdam ko blessing itong boses kong ito. It was like a natural, unsolicited compliment. I'm special, unlike boys my age na pumipiyok nagsasalita lang nang normal or kaya kapag pinapabasa tuwing recitation.

Akala ko tapos na, akala ko pwede na akong bumalik sa upuan ako. Hindi pa pala. May follow-up questions! Thesis defense lang? Tinanong ako bigla ni Ms. dela Fuente, "John Daniel, tell us something about yourself. Hobbies, talents, likes, and dislikes."

Kinagat ko ang labi ko sa kaunting hiya. Eto na. Mukhang napasubo ako. Hindi ko pwedeng sabihin na kumakanta ako at baka biglang magsigawan ang mga 'to ng 'Sample! Sample!' 'Di naman ako aware na nasa Showtime na pala ako. Kaya sinabi ko na lang 'yong feeling ko safe for now. "Uh, I read books. Mystery. I also watch films—horror, psychological, and sometimes chick flick."

Ngumiti si Ms. dela Fuente sa akin, halatang gusto niya ang mga hobbies ko. "Okay, that's it. Thank you, John Daniel. I hope ma-at home ka sa Einstein. Sana maging kasundo mo rin ang mga classmates mo. Go back to your seat."

Wooh! Natapos din. Naglakad ako pabalik sa upuan ko at umupo na ulit. Dahil unang araw pa lang naman ng school year, in-orient lang kami ng adviser namin sa new policies, line-up of school activities for the whole year, and lastly, 'yong about sa subject niya which was Physics. Gosh! Ayoko sa Math. Engineer si daddy pero mukhang hindi ko namana 'yong talino niya sa numbers. Mas inclined kasi ako sa English, Arts, and Performing. Hindi alam ng parents ko actually na gusto kong maging artista someday. Ang alam nila mag-dodoctor ako. Nga pala, magaling din pala ako sa Biology. Kaya parang naconvince na rin ako na siguro pwede akong maging doctor in the future. Anyway, too early to tell.

Eto ang mas kailangan kong pagtuunan ng pansin. Makalipas ang isang oras, natapos na 'yong period ni Ms. dela Fuente. Medyo overtime nga siya eh. Naghihintay na pala sa labas 'yong teacher namin for the next period.

Mataba, early 30s, malambot, pero mukhang masungit. Nakasimangot siya habang naglalakad papunta sa teacher's table. "Class, ganyan na talaga upuan niyo?"

Nagtinginan lang ang lahat. Tapos sumagot ulit 'yong babae kanina. "Yes, Sir."

Nagtaas ng kilay 'yong teacher. "Ayoko niyan. I-aarrange ko kayo alphabetically. Boys tapos girls. Tayo kayong lahat at pumunta kayo sa likod. Kapag tinawag ko ang pangalan niyo, umupo kayo kung saan ko kayo ituturo... Now!"

Ang sungit, grabe. First day of class palang, bad vibes na kaagad. Ni hindi pa nga siya nagpapakilala eh. Tahimik na tumayo ang lahat at pumunta sa likod. Isa-isa niyang tinawag ang mga classmates ko—boys muna, starting from letter A, hanggang sa umabot na sa pangalan ko.

"Tamundong."

Hindi ko narinig noong una kasi ang hina ng boses niya noong pangalan ko na. Bigla na lang ako nagulat nang sumigaw na siya. "Tamundong! Absent ba?"

Grabe, para akong lalamunin ng lupa. Agaw-atensyon na naman ako. "Sorry, sir. Present."

"Next time, you listen. Ayoko nang paulit-ulit. Doon ka."

Tinuro niya ako sa second row, kanan, 2nd seat mula sa aisle. Ang lapit sa kanya. Okay lang naman sana, kaso kapag sa teacher na 'to, nakakatakot.

Natapos na niyang tawagin ang lahat, at naka-arrange na kami alphabetically. Tinignan niya kami nang isang pasada bago siya umupo sa upuan niya. "Good morning class. I'm Mr. Joey Lambudo. Call me Sir Joey. Don't ever call me by my last name, okay? I won't respond. Clear?"

"Yes, sir." sumagot kaming lahat.

Tumayo siya at nagsulat sa blackboard, gamit ang pink na chalk: Economics.

"Economics is not easy. If you think that it's just about Math, then get out of here. It's Math with common sense." sabi niya habang palakad-lakad sa harap. Simula pa lang, binantaan niya na kami. Hindi ko gusto ang teacher na ito; siya 'yong typical na terror teacher sa TV. I didn't know that these people exist in real life pala. He's not crazy; he's cold-blooded. Parang wala siyang ka-amor amor sa mga students. Naramdaman niyo na ba 'yon? 'Yong tipong nawalan ka na ng motivation hindi pa nagsisimula? Mahirap na nga 'yong subject, masungit pa 'yong teacher. Wala na—I'd be dead for sure.

Hindi ko rin mapaniwalaan na natiis ko ang isang buong period na walang ibang laman kung hindi puro rants niya about our current society. He's got a point, alam kong matalino siya pero para naman kasing sarili niya lang ang kinakausap niya. Para siyang nasa Senado na ang daming pinaglalaban. Hello? Paki-tone down naman sana kahit kaunti. Minors kaming lahat ano! Tapos minsan may mga inside jokes pa na pang adults—kagaya na lang noong nagdiscuss siya about farmers, crops—rice, tapos biglang napunta sa mushrooms ang usapan. Alam niyo na siguro ang ibig kong sabihin? Har har! Pero eto ang mas malala, sa tuwing nagtatanong siya sa class, madalas laging ako 'yong tinawag niya. Tamundong, what is allocation? Tamundong, what do you think should the new president focus on in terms of economic growth? Nakaka-olay!

Ang sabi ng teacher ko sa Chemistry dati, dalawang paraan lang para matandaan ka ng teacher. It's either you have brains or you messed up with their brains. Para kay Sir Joey, tumatak na siguro ang pangalan ko sa kanya bilang isang lutang at binging estudyante. Nasagot ko naman 'yong mga tanong niya. Di naman ako napahiya pero kasi sa surname ako laging tinatawag. I hate my surname! Tamundong, hello?

Don't get me wrong. I don't disrespect my whole clan or whatsoever, talagang ayoko lang sa apelyido ko. It's like a combination of a man's pleasure juice and thunder or lightning. Both are associated with sex. Eww! Double-platinum gross!

Mabuti na lang tumunog na ang bell. Nagdismiss na siya. Bumalik 'yong mga classmates ko sa dati nilang mga upuan. Yeah, cliques, factions, tropa. Maya-maya pa, tumayo na 'yong iba para bumili sa canteen. Recess na kasi. 9:00 am. Forty minutes lang ang break namin. Tsk tsk!

Hindi ko na sila pinansin. Tumayo na rin ako to buy food. Kailangan kong bilisan kasi nasa 4th floor nga kami. Baka pagbaba ko pa lang, bell na ulit. So typical technique, headsets on, Earth off. Papunta na sana ako ng pinto nang biglang may kumulbit sa akin. Nilingon ko siyempre. Siya 'yong pretty girl na laging sumasagot sa teacher. Infairness, maganda talaga siya. Halos kasing tangkad ko, maputi, matanos ang ilong, maganda ang kilay, at nakafull bangs with pink headband.

"Hi," bati niya.

Tumango ako at ngumiti.

"John Daniel, diba?"

"Oo, bakit?"

"I'm Amielle, kamusta naman so far?"

Weird. Bakit bigla niya akong tinatanong nang ganito. Anong meron sa akin? Out of courtesy, of course, sinagot ko, "Uh, okay naman. Thanks."

"Alam mo, 'wag mo na lang pansinin 'yong baklang teacher na 'yon. You answered well sa mga questions niya. Do you like politics?"

"No. Tamang nood lang ng news."

"Ah... Sabay ka na sa amin bumaba!"

Oh-oh! Plano ko pa man din kumain lang mag-isa. Hindi ko naman natanggihan kasi ang nice naman niya sa akin. Tinawag ni Amielle 'yong mga friends niya. Additional three girls, pero stand out ang beauty niya. Pagkalapit nila, binati nila ako na para bang hindi ako bagong salta.

Bumaba kami at pumunta sa canteen. No, no. It's not what you think. Hindi siya enclosed room. Para kang nasa food fest, ganun. Sa dulo ng quadrangle, tolda tolda lang tapos kanya-kanyang puwesto ang mga tindahan. 'Yong ibang stores may table so pwede umupo—basta mauna ka. Karamihan sa mga students, bibili lang tapos aalis. Wala 'yong parang katulad sa mga movies na may mga table talaga tapos kanya-kanyang clique, tapos 'yong bida maglalakad sa gitna at mabubully. Sadly, walang ganun. Sanay na rin naman ako. Dati naman kami nila Elle, either babalik kami sa room para doon kumain o kaya naman doon kami pupuwesto sa mga arm chairs na nakalabas sa classrooms. Speaking of Elle, nasaan na nga ba ang babaitang 'yon?

Sumunod lang ako habang tumitingin-tingin sila sa mga pagkain. "Ui, may macaroni salad! Dito tayo!" yaya nung isang friend ni Amielle. Ugh, kay Manay Suleng? Eh puro dahon-dahon mga tinda dito eh! Nagcr-crave ako sa footlong eh.

"Perfect!," ngumiti si Amielle at inilabas ang makapal na pink, My Melody wallet. "Ate, limang macaroni salad tsaka limang coke zero."

Napatingin ako kay Amielle. Lima? Kasali ako? Pagkabayad niya, niyaya nila ako doon sa round table. Maya-maya lang, sinerve na 'yong macaroni salad at coke zero.

"Sa 'yo 'yan, John Daniel." paglilinaw ni Amielle.

"Uh, salamat."

Bigla akong siniko nung isa niyang friend. Maikli ang buhok, maikli rin ang katawan. "Hey, newbie. You're lucky. Nilibre ka ni Amielle!"

"Claire, ano ka ba? Oh diba? Nailibre ko na ang lahat sa Einstein." sabat ni Amielle.

"Lahat?" tukso nung isa pa. Malaki ang mata, hanggang bewang ang buhok, naka-tirintas kabayo.

"Nalibre ko na si John Daniel, so lahat." nagtaas ng kilay si Amielle, sabay higop sa drinks niya.

"Ashteen, lahat na nga, nalibre niya. Ang kontrabels mo! Sige ka, baka sa susunod, hindi ka na ilibre" sagot nung medyo chubby na girl, na nakapony-tail.

"Jerralyn, eh diba si—"

Bago pa man maipagpatuloy ni Ashteen ang sasabihin niya, kinausap na ako bigla ni Amielle. Lalong nanglaki ang mga mata ni Ashteen noong parang inirapan siya nung iba.

"Ang haba naman ng pangalan mo, anong palayaw mo?"

"JD."

"Hmm, parang ang lakas makapogi nung John Daniel."

"Ang jologs kaya!" sagot ko.

"No, pogi ka kaya. Not a hottie but a cutie. Siguro kapag naging babae ka ang ganda mo. May lahi ka ba? Ang tanos ng ilong mo eh." bola pa niya.

Naconscious tuloy ako sa itsura ko. Medyo nagblush ang lola niyo. "Ui, hindi naman matanos. Sakto lang."

"Ang kinis mo rin kasi eh. Ano gamit mo?"

"Facial."

Biglang sumabat si Ashteen. Mas lumaki ang mga mata niya. "Ha? Anong klaseng facial?" sabay tawa.

Saway naman ni Jerralyn, "Ashteen, anong facial ba iniisip mo?"

"Ang green-minded mo. Ang baboy, eww!" maarteng dagdag ni Claire, sabay ayos sa buhok.

"Hala. Anong ginawa ko? Wala naman akong sinabing green ah." depensa ni Ashteen.

Sinagot ko na ulit para matapos na. "Wala, normal lang na facial wash, tapos toner, then moisturizer."

Natanaw ko na napatango si Amielle tapos si Ashteen naman parang namangha. "Wow, ang dami naman nun. Ako nga sabon lang, hindi pa gabi gabi. Bakla ka ba?"

At nagulantang ang lahat, kulang na lang tumaob 'tong mga babaeng 'to sa kinauupuan nila. Si Jerralyn nasamid pa, sakto kasing pagbulalas ng tanong ni Ashteen, humihigop siya ng softdrink niya.

"Oh my Gosh, Ashteen, bakit mo kailangang itanong 'yan? Masyadong personal. Remember, kakakilala lang natin sa kanya," paalala ni Claire.

"Okay lang. Hmm, yeah, I am. Pero ang gayness ko depende sa kung sino mga kasama ko."

Bakas sa mukha ni Amielle ang curiosity. "Hmm, what do you mean it depends on who you're with? That doesn't work like that."

"No, I mean, kilos ko, pananalita, and stuff..."

"I understand."

"Baka naman confused ka lang?" tanong ni Jerralyn, puno ang bibig ng huling subo ng macaroni salad niya.

"I don't know."

"60-40!" bulalas ni Ashteen, sabay duro sa akin.

"What?" napakunot ang noo si Claire. "Ano 'yon?"

"Uh, 60-40, 60% siyang lalake, tapos 40% siyang babae. Ganun?"

"That's dumb!" tumayo si Claire at tinapon 'yong soda can niya sa trash bin.

"Ang ibig niya lang sabihin is baka 60% na masculine, tapos 40% na feminine," supporta ni Jerralyn.

"Oo, ganun na nga! Ang talino mo!" pagpuri ni Ashteen. Tumingin siya ulit sa akin. "Pusta ko pagkagraduate natin, 80-20 ka na. Wala pa akong tinanong dati na nagmintis." tumawa na naman siya. To be honest, okay siya. Nakakatawa. Feeling ko pure talaga 'yong ignorance at let's say, kashungahan niya. Siya at si Amielle lang 'yong feel ko sa group nila. Si Claire medyo maarte kasi. So far, hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan. Si Jerralyn naman parang more on support lang sa mga hirit ni Ashteen.

"Malapit na mag-bell. Akyat na tayo," pag-aya ni Amielle.

"Ay, sige mauna na kayo. May bibilhin lang ako," sabi ko.

"We'll wait for you. Saglit ka lang naman siguro, diba?"

"Ay nako, baka ma-late pa kayo. Sige na, mauna na kayo."

"Amielle, let's go," suggest ni Claire.

"Okay." tumayo si Amielle at sumunod na sila. Habang pinapanood ko silang maglakad sa quadrangle, dali-dali akong bumili sa stall ni Mang Domeng. Ayun! Buti may footlong sandwich pa. Pagkatingin ko sa cellphone ko, 9:30 na. Shocks! 10 minutes na lang bago mag-bell.

Malamig na pawis ang tumulo sa noo ko kahit na pumupunta sa mukha ko 'yong usok mula doon sa ihawan ni Mang Domeng. Ang tagal maluto ng footlong ko! Aligaga na ako, pumapadyak-padyak, habang nakikita ko na paunti na nang paunti 'yong mga students sa canteen. 'Yong ibang teachers, naglalakad na papunta sa mga classroom nila. Pabawas na nang pabawas ang mga tao sa quadrangle.

Matapos ang dalawa o tatlong minuto, naihanda rin sa wakas. Mistulang vacuum cleaner ang bunganga ko sa laki ng subo ko. Dire-diretso na! Hindi ko na masyadong nginuya. Mabuti na lang, hindi ako nabulunan sa laki ng tinapay at sa haba ng footlong. Nang naubos ko ang pagkain, tumakbo naman ako sa fountain para mag-refill ng tubig.

Kringggggggg kringgggggg!

Hala, bell na! Next period na! Kumaripas ako nang takbo paakyat. Wala ng pake sa oras, kahit sa kaunting tapon ng tubig sa polo ko. Basta ang mahalaga, maunahan ko 'yong teacher. Nang papunta ako sa pinto, narinig ko na silang bumati, "Good morning, Miss Dimayuga!"

Shocks, paano 'to? Late na ako. Mabuti na lang bukas 'yong pinto. Pumasok na ako baka sakaling makalusot.

"Hey, you two, you're late!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro