John Daniel
MONDAY NA NAMAN. What a fantastic way to start the entire week, the entire school year! Kadalasan, hindi naman talaga ako naiinis kapag Mondays. Like hello, can't you see the good sides of Mondays? Para sa mga teleserye fan na katulad ko, super exciting ng Mondays. Bagong episodes ng Mara Clara! Kung alam niyo lang kung gaano ko hinintay na mag-Lunes, matapos kong mapanood iyong teaser noong Biyernes. Parang ayaw ko na mag-weekends. Ang hirap rin kaya maghintay ng dalawang araw lalo't kating-kati ka ng panoorin 'yong mga sunod na episodes.
Pero alam niyo kung ano ang mas mahirap? Ang bumangon sa umaga. 7:00 a.m. ang klase ko, at isang oras pa ang travel ko kahit na sa bayan lang naman 'yong school ko. Ang heavy ng traffic, sobra. Lalo kapag pumatak na ng 6:30—naku po. Super olay!
Narinig ko na tumunog 'yong alarm ko, sinabayan pa ng bunganga ng nanay ko. "John Daniel, bumangon ka na dyan! Tanghali na." Isa rin talaga sa pinakahinahangaan ko sa nanay ko ay 'yong kakayahan niyang gawing O.A. ang lahat. Well, I can't blame her because it's somehow effective. May kakaibang power talaga ang boses ng mga nanay. 'Yong tipong kapag nagtanong ka ng oras, sasabihin 6:00 am na pero ang totoo 5:00 am pa lang, so ikaw major aligaga!
Madilim-dilim pa kaya. Hmm, 'di pa naman siguro ako late. Dinampot ko 'yong Xpress Music ko sa may uluhan (bongga 'diba? Latest model 'to).
5:15 am. Shit!
Bumangon ako agad-agad at kumaripas ng takbo pababa. Lumagabog 'yong hagdan namin na parang may higanteng dumaan. Pagkababa ko, nakita ko na nakahanda na ang breakfast. Yummy! Hotdogs, corned beef, tapos pandesal, na may mainit na kape. Nawala na 'yata antok ko.
Si daddy nakaupo na sa mesa, katabi 'yong phone niya na pinuputakte ng mga calls and messages mula sa foreman, sa mga pintor na magca-cash advance, at kung kani-kanino pa.
"Daddy, ihatid mo na si JD," sabi ni mommy habang hinahalo 'yong salabat para kay daddy. Eto namang tatay ko, sumulyap lang sa akin. "Malaki na 'yang anak mo. Tsaka may meeting ako sa Pasay. Iba daan ko."
Sumabat ako, "Sige po. Okay lang. Ligo na po ako."
Pagpasok ko sa banyo, dinutdot ko muna 'yong kamay ko tubig sa balde. Olay ah, ang lamig! Nagpatugtog muna ako tapos sumayaw-sayaw para pagkabuhos ng tubig, hindi ko masyadong ramdam 'yong lamig. 3 minutes lang. Timer ko 'yong kanta. Baby are you down down down down down? Even if the sky is falling down.
Ayoko rin naman gumamit ng mainit na tubig kasi feeling ko parang hindi rin ako naligo. I don't know, that's just me. After ng isang kanta, nagbuhos na ako. Woohhh! In fairness, di masyadong malamig.
Success! Umakyat ulit ako sa taas para magbihis na. Polong puti na may patch sa kaliwang dibdib (logo ng school). Itim na pantalon. Leather shoes. Ang simple lang ng uniform namin. Mula pa pagkabata, sa tuwing binibihisan ako ni mommy, lagi akong nakatuck-in. Formal daw kasing tignan. Pero hanggang ngayon na fourth year high school na ako, nakatuck-in pa rin ako. Sabihin na lang natin, nakasanayan ko na. Bagay sa hulma ng katawan ko (maikli ang torso, mahaba ang legs) at higit sa lahat, komportable ako.
Nagsuklay ako sa harap ng salamin, staring at my reflection. Nakakainggit din pala 'yong ibang mga teenagers. Bakit sila wala masyadong pimples? Bakit sila kahit anong kain, 'di tumataba? Bakit ang pogi ng mga mapuputing singkit? Ewan ko ba. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakafrustrate—'yong hindi ko alam kung pretty ba ako or chaka o 'yong feeling na nararamdaman ko sa tuwing nakakakita ako ng mas conventionally pretty kaysa sa akin. I feel so superficially inferior. Siguro kaya marami silang friends, siguro kaya maraming pumapansin sa kanila. Sila tatayo lang sa tabi, magkakafriends na, ako—kung hindi pa dahil sa kwela kong jokes, waley. Nganga!
If you were in my position, siguro malilito rin kayo. May lahing Spanish ang mom ko, pero ironically, singkit siya, maputi, at maliit. Si daddy naman, sabi pure pinoy pero mukhang 5,6. So ako, hindi ko alam kung saan ako belong. I mean, tignan niyo na lang 'tong malalim kong mata, semi-matanos na ilong, heart-shaped na lips, at wavy kong buhok. Parang ang ganda diba kung individual titignan, pero kung as a whole, wala—walang dating! Mga driver na nga lang tumatawag sa akin ng pogi.
Habang nagmomoment ako, may narinig akong mga yapak paakyat. Magaan. Alam ko na agad na si mommy 'yon. Impossible namang si JP 'yon, eh tulog mantika 'yong tabachingching na 'yon. Buti pa siya half-day lang, mamaya pang 1 p.m. ang pasok. Ang sarap bumalik sa kinder. Trace the dots. What shape is this? Mary had a little lamb, little lamb, little lamb.Walang iniisip na problema.
Tok tok. "JD, papasok ako." tinuloy ko lang ang pagsusuklay. Pagpasok ni mommy, lumapit siya sa akin at binuksan ang pitaka niya. "Anak o, baon mo." One hundred pesos. Hindi na rin naman ako nagulat. Medyo mahina ang business, so kailangan mag-adjust.
"Thanks, mommy," tugon ko, sabay ngiti.
"Anak, pagpasensyahan mo na muna ang daddy mo. Frustrated lang 'yon. Talo kasi sa bidding doon sa farm to market road project sa may Marinduque."
"Okay lang 'yon, ma. Pasok na po ako." niyakap ko siya at hinalikan sa noo.
"Nga pala, anak. Si Tita Martha mo, pasabihan na dadaanan ng daddy mo doon sa may Barangay Hall. Kailangan daw isama sa bidding ang liaison officer eh."
Tumango ako at kinuha ang phone ko sa bulsa. Tinext ko si Elle, bestfriend ko since Grade 5. Andreau Elle ang pangalan niya. Pustahan tayo, mali kayo ng bigkas.
Girl, si Tita Martha ba, ready na?
Huwag mo 'kong tawaging, girl. Oo kanina pa.
Attityodang 'to!
Oi, ne. Nakaalis ka na ba? May aksidente dito sa may San Nicholas.
Shit, seryoso? Oh my gosh! Eto na!
Ha ha ha. First day mo pa naman sa Einstein, tapos late ka pa.
Tulad ng kabayong nilatigo ang puwit, kumaripas ako ng takbo pababa. Sinimangutan ako ni daddy, habang nagliligpit siya ng laptop niya. "Bye, daddy," paalam ko, sabay dampot ng Hawk bag. Hindi na ako nag-kiss or nagmano. Hinabol ko ang hininga ko hanggang sa makarating ako sa terminal ng tricycle sa may labasan ng subdivision namin. Ayun! Buti may libreng isa.
"Kuya, sa may St. Matthew ako. Magkano special?"
"Sixty."
Juskolord, ang mahal! Kuwarenta na lang baon ko. Oportunista talaga 'tong mga tricycle drivers na 'to. Ang lapit lang ng school ko, pero kung makasingil akala mo ginto ang upuan. Well, kahit irapan ko naman 'to at makipagtawaran ako, wala rin namang mangyayari. Jusmiyo 6:30 na. Parang hinihipan ang oras!
"O sige na, kuya. Dalian mo ah!"
Broom broom! Ewan ko ba kung bakit lapitin ako ng mga babaeng O.A., juskolord! Akala ko naman malalang aksidente. Dalawang motor lang pala na nagkasagihan. Sadyang nagtalakan lang talaga sila sa daan, atsaka ang tagal din dumating ng mga pulis. Kaya nagtraffic kasi gawa ng mga ususero't ususera na kumpul-kumpol sa daan. Akala mo naman may artista. Mabuti medyo lumuwag nang dumaan kami.
Huminto ang tricycle sa may gate ng school namin. Inabot ko ang bayad at tumakbo na. Para akong nasa marathon na may iba't ibang stations—at ang finish line—my new classroom.
Station 1: Gate. Kulay beige ang pintura. 'Yong walls naman, super taas. Kung hindi ka taga St. Matthew, iisipin mo na bilibid ang school namin. Marami na ring tumatakbo papasok. 'Yong iba galing sa kotse, 'yong iba naman grupo grupo galing sa jeep, at karamihan, tulad ko, naka-tricycle. Habang humahangos ako papasok, bigla akong hinarang ni Manong Guard. "Ops, I.D. mo."
Shit. Naiwan ko ba? Natulala ako saglit. Binuksan ko 'yong maliit na pocket ng bag ko sa unahan. Juskolord, salamat. Nandito. Isinuot ko, so okay na. Cleared!
Station 2. Lobby. Total chaos. Ang dami pang desks na nakaharang sa gitna kasi on-going pa rin ang enrolment. Madami na ring nag-aabang na mga nanay sa may cashier. Paunahan sa pila. May mga naghaharutan na mga bata, habang sinasaway ng mga nakapila nilang magulang. Takbo, takbo. Ayun, may nadapa pang isa. Haha! Papaakyat na sana ako sa fourth floor nang mapansin ko na dumadagsa ang mga estudyante sa quadrangle. Galing sila sa iba't ibang building, pababa. Shocks, Flag Ceremony nga pala! Ah, bahala na. Ayokong pumila sa Einstein! Tumigil ako sa pagtakbo at tumabi sa gilid. Nakita ko si Elle at 'yong mga dati kong classmates. Hindi ko alam na bestfriend ko na pala si Justin Bieber. Pangit ng gupit ng gaga! Nakahoodie pa. If I know, incomplete uniform lang siya!
Maya maya pa. Umakyat na si Mr. Castañeda sa stage, hawak 'yong mic. Parang mas tumaas 'yata ang hairline niya ngayong school year. Pero infairness, slim pa rin siya. Gosh! Sana hindi ko na siya maging teacher ngayong school year. Nakakaantok ang boses niya.
Hindi ko namalayan, may umakyat na pala na babaeng student sa stage. Narinig ko na lang nag-Amen na silang lahat. Prayer, Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, St. Matthew Hymn. Minsan may exercise pa. 'Yang 'yong usual programs. 'Di ko rin naman naeenjoy dati kasi mga tuod ang mga nagle-lead. Imbis na mawala antok mo at ganahan ka, mabuburaot ka pa.
Natapos ang flag ceremony at nagsimula nang bumalik sa mga classrooms ang lahat. Para akong incognito student, he didn't notice I was late. Pinapunta ni Mr. Castañeda sa gitna 'yong mga nakita niyang late. Urghh, bahala sila. Ayokong tumakbo nang 10 times paikot sa quadrangle. Hindi naman ako late, saktong 6:55 ako dumating ng school, noh?
Umakyat ako sa fourth floor ng bagong tayong building. Last April lang siya natapos. Naalala ko pa noong third year pa kami, umaakyat kami ni Elle sa fourth floor tuwing uwian. Madilim ang mga hallways, wala pang ilaw. Tapos parang plywood lang 'yong dingding. Isang tulak mo lang, sira. Tapos sa left side kasi ng hallway ng fourth floor, nandoon 'yong auditorium. Wala pang laman. Wala pang pintura, may mga scaffoldings sa gilid, pero may CR na. Bongga diba! Picture, picture, then tawanan. Nakakamiss. Bakit ba kasi ako lang 'yong napahiwalay? Sana pala hindi ko masyadong ginalingan para hindi ako nalipat sa Einstein.
Station 3. Einstein classroom. Malaki, bagong pintura, puti. Medyo maamoy pa. Walang aircon, pero may apat na bentilador. Kanya kanyang armchairs, makintab, mukhang bagong barnis. Tapos pagpasok mo ng room, kapag tumingin ka sa bintana sa harap, kitang kita mo ang Mt. Makiling. Napakaganda, maliban nga lang kung umuulan.
Masasabi ko na parang wala naman talagang bago noong pumasok ako. Umupo ako sa dulo, habang pinapanood ko lang sila. Maingay rin, infairness. Daldal dito, daldal doon, but they're not rowdy unlike our section before. Ang awkward nga lang kasi magkakakilala 'yong mga tao. Well, kilala ko naman 'yong iba pero sa pangalan lang. 'Yong mga Student Body Officers last year, 'yong mga nanalo sa Mathrathon na nakabalandra 'yong mga mukha nila sa gate, 'yong mga artista sa Drama Club, players noong Intrams, at iba pa. Bukod din pala sa awkward, nakaramdam ako ng panliliit. Pakiramdam ko kasi ako 'yong pinakabobo. Sure, my average was pretty competent last year, pero feeling ko wala akong binatbat sa mga 'to. Kasi being on the top section was like being on the top of the food chain. Iba ang criteria, iba ang standards. 90 might be equivalent to 80. Isa pa, merong special privilege kapag nasa top section. 'Yong mga teachers, sa kanila agad pipili ng mga ipanlalaban sa mga academic contests. Lagi silang priority na parang all of them could do nothing wrong. Nababalewala ang kakayahan ng mga nasa lower sections.
Pero may disadvantages rin naman siguro ang pagiging top section. Sa ngayon ang alam ko lang, lagi silang nagegeneralize, nata-typcast. Ay, nerd yan. Naku, mayabang 'yan.
But that's just me. Siguro pinangungunahan ko lang ang sarili ko. Preparing for the worst.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok na 'yong adviser namin, na may dalang eco-bag. Alam kong siya ang adviser kasi lagi namang first period teacher ang adviser. Never ko pa siyang naging teacher pero she has this notorious name. Terror daw, mahirap magpa-exam. Well, malalaman ko rin naman.
Tumayo ang buong klase habang siya'y naglakad papunta sa harap—sa table niya.
"Good morning, Ms. Dela Fuente!" bati naming lahat.
"Good morning. Take your seat," sagot niya. Malaki ang boses, parang si Jaya. Medyo nakakaintimidate.
My inner me screamed for her fashion efforts. Ang ganda ng buhok niya. Brazilian curls. Bagay sa kanya 'yong red blouse and red pencil cut skirt nilang uniform. Kaso lang parang masyado 'yatang makapal ang foundation niya, hindi bagay sa bilugan niyang mukha. Ang pula masyado ng labi, ang kapal pa. 'Yong incisors niya, nagmumura na. Gusto ko pa sana siyang tignan kaso bigla na siyang nagsalita.
"Einstein, ilan kayo?"
May babaeng sumagot, in fairness medyo maganda—hindi ko masyadong natitigan, "Ma'am, we have a new student from other section."
"Is that so? Okay, wait." May kinuha siyang papel mula sa bag niya. Class list yata.
She cleared her throat bago nagpatuloy, "Tamundong, John Daniel? Where is he?"
Tinaas ko ang kamay ko. Suddenly, all eyes were on me. Nakakaconscious. "Yes po?"
"Okay, so let's do the drill. Go in front," utos ni Ms. dela Fuente.
I knew it. I knew it. Heto na nga. Ang pinaghandaan ko simula pa noong Sabado. Ang pinaka ayaw kong gawin. Self-introduction.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro