Chapter 18
WILD CARD
I rolled my eyes and glared at Sirius when he pushed me. "Ano?" inis kong tanong.
"Kanina ka pang tulala," aniya.
Nagbuntong-hininga naman ako, at tumingin sa paligid. We were at the cafeteria, and we've just finished two classes. Hindi na naman siguro mahalaga kung anong classes ang mga 'yon. Just training and the like.
"Iniisip ko lang kung bakit ako inatake ng mga taga-underworld cities," I said.
Totoo kaya ang sinabi ni Zero sa'kin, o ang sinabi ni Sir Ephraim. Isa pa, ano 'yong napanaginipan ko sa regenerating rooms. That's just so weird. Lahat nalang dito weird, potek.
"Why do you think so?" tanong niya.
"Tanga, hindi ko nga alam, eh."
Tumawa naman siya at umiling.
Napatikhim naman siya bigla at tumingin sa likod ko. Napansing kong namumula siya, kaya't alam ko na agad kung sinong nasa likod ko.
"Ey," bati ko kay Nicolas nang lumingon ako.
Ngumisi naman siya, at nagulat nalang ako nang nilapag niya ang meal niya sa tabi ko. He opened it while asking, "How was the underground cities?"
"Ay, 'wag mo nang ipaalala. Nas-stress lang ako," sagot ko.
Tumawa na naman siya. "I bet you saw Ruelle."
Umirap ako. Kahit na sabihin nilang spy-kuno si Ruelle, hindi ko pa rin matanggap kung ba't niya ako kailangang saktan. Gosh! Masyado namang realistic pagka-spy niya kung gan'on.
"She's kind," weh, " She must feel guilty doing it to you. Pagbalik niya-"
"Kahit 'wag nang bumalik, charot!"
Umiling naman si Nicolas, "You two might get along with each other." I made a double-chin and mouthed weh.
"Okay na ako kay Sirius! Hindi ko na need ng ibang friend!" giit ko. Nilingon ko naman si Sirius at kinindatan.
Hindi na siya ulit nagsalita kaya't nagpatuloy nalang kaming tatlo sa pag-kain. Sinusulyapan ko si Nicolas dahil tila may sasabihin siya na hindi naman niya masabi. Or maybe he doesn't have the guts yet.
"So, bakit ka narito?" tanong ko.
He looked at me with a creased forehead. "Masama bang makisama?"
I scoffed, "Hindi naman. Alam ko lang na may sadiya ka talaga para maki-kain sa'min. Besides, kanina pang nakatingin si Lein at Iris dito."
Sabay namang sumulyap si Sirius at Nicolas sa dalawang babae, at kaagad naman nilang tinakpan ang mata nila.
Nicolas sighed loudly. "I'm actually here to announce you something," aniya at naging seryoso na.
"Bakit muna english?"
"Because I'm serious."
Ah, required pala na kapag seryoso mag-eenglish?
May nilapag naman siyang isang playing card, pero empty ang laman n'on. Ngunit sa likod ay may katagang wild card.
"Wild card?" gulat na sambit ni Sirius.
Napatingin naman kami sa kaniya, at kaagad niyang iniwas ang mata niya. My eyebrow raised in confusion.
Akmang hahawakan ko na ang card nang biglang hablutin 'yon ni Nicolas.
He smirked na naman. "A wild card is a player who is qualified for the Orphic Games without having to achieve high ranks or high power."
"Ha?"
"The Orphic Games is coming soon, Four," si Sirius naman ang nagpaliwanag ngayon. "This year, every team will have a wild card. The wild card doesn't need to be powerful, but of course teams would choose someone powerful enough."
Napatikhim naman ako dahil d'on, "Oh tapos?"
"Lalabas lang ang wild card sa Orphic Games kapag may na-injure na isa sa mga teams, or kung gusto ng team na ilabas agad ang wild card. The wild card can only be used once, actually," paliwanag ni Nicolas.
"Okay...? Then why are you telling me this?"
Nagulat naman ako nang bigla ring maglabas ng playing card si Sirius. Nagkatitigan naman sila ni Nicolas, at ako naman ay confused na confused na here.
Does Nicolas want me to be their wild card?
Oh no.
"She's mine, Sirius," nagulat naman ako nang sabihin 'yon ni Nicolas.
Nakita kong natigilan si Sirius, ngunit tila natauhan din siya. He scoffed, "That is if she chooses you."
"Ha?"
Sabay naman silang lumingon sa'kin, "We want you to be our wild card."
Hindi na ako nagulat dahil halata na naman 'yon, pero... "Bakit ako?!"
༻❁༺
"Bakit nga ako?" kulit ko kay Sirius habang hawak-hawak ang braso niya.
Tinatabig naman niya ang kamay ko, at kanina pa akong hindi sinasagot. I pouted and let his hand go. Nagpadyak-padyak pa ako nang parang bata at inis naman niya akong nilingon.
"Para kang tanga," diretsong sabi niya.
"Ikaw parang tanga!" balik ko sabay duro sa kaniya. "Bakit naman ikaw ang pipiliin ko, eh hindi mo nga sinasabi sa'kin kung bakit ako gusto mong wild card!"
"Ba't hindi ka pumili ng pogi?" asar ko at pinitik naman niya ang noo ko.
I made a long face, and rolled my eyes. Yumuko naman siya para bumulong, "Baka hindi ako makapag-focus."
Hinampas ko naman siya nang malakas at tumawa siya.
"Kidding asides. Of course, I wouldn't look into someone's look. Kung ikaw siguro-"
"Hindi ha!" I defensively said and crossed my arms.
"Kung gusto mong maging totoo ako sa'yo, 'yon ay dahil pinagkakatiwalaan kita. Well I think even if I dom't trust you, I'd still choose you as my wild card," aniya.
"Oh, bakit naman?"
"Because you have the orb. That alone is a great advantage for the team," tugon niya. "You see, Four, the orb is something that can be more powerful than some peculiars or Orpheuses."
"Talaga lang ha?"
Tumango naman siya.
"So, you really need the orb's power?"
Umiling naman siya this time, "Hindi naman need as in need. Kagaya nga ng sabi ko advantageous siya. The orb is also flexible kaya kahit anong test ay pwedeng ipan-laban 'yan."
"Hindi ba delikado ang Orphic Games?" tanong ko.
"It is,"sagot niya. "Pero 'wag kang mag-alala dahil hindi naman kita ilalabas, unless the team is in a disadvantageous situation."
"Wow, parang sure ka na sa'yo ako sasama, ah. Tsaka anong 'wag akong mag-alala. Kung disadvantageous ang situation para sainyo, e'di mas lalo na sa'kin?"
He smirked and patted my head, "Hindi naman kita ilalabas kung alam kong hindi mo kaya. At oo naman, sure na ako. Hindi mo naman ako matitiis."
Yumuko na naman siya para bumulong, "Baka hindi na tayo maging magkaibigan kapag sumama ka kay Nicolas."
I rolled my eyes, "Selos ka lang, eh."
"Maybe," sagot niya at tumawa.
"By the way, sino bang ka-team mo?" tanong ko.
"Kaiden is actually the leader," oh. "Then Astraeus is part of the group, kaya kuryos talaga 'yon kung bakit ako malapit sa'yo. He knows that I'm an introvert."
Tumango naman ako. "Then sino pa?"
"Willyn Ace. Hindi mo pa siya nami-meet," aniya.
"Ha? Jelly Ace?" pag-uulit ko.
He scrunched his nose. "Willyn. She's also called Celestial Princess by some. May kapangyarihan kasi siyang kontrolin o manipulahin ang kalawakan. Katulad ko, mailap din siya sa mga tao, dahilan kung bakit hindi mo pa siya nakikita."
Oh. She must be powerful, then. I wonder what she looks like.
Sirius. Astraeus. Kaiden. Willyn.
"Apat lang kayo?" tanong ko. Umiling naman siya.
"We also have Ruelle in our team."
Natigilan naman ako dahil d'on. Sure na sana akong sasama sa team ni Sirius, kaso biglang kasama pala si Ruelle. That girl, pinapakulo ang dugo ko ha. Literal.
"Yikes, parang ayoko na pala maging wild card niyo," sambit ko.
The Orphic Secret
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
New mentioned character:
Willyn Ace by XxWillynia
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro