Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

RORY

"Y-yes. He used to visit us before. He's my brother's friend," sagot ko at nagpumiglas sa hawak ni Kaiden. Sinubukan kong tumakbo papunta sa kotse, ngunit mabilis akong hinila ni Kaiden pabalik.

"The heat of the car's fuel might burn you, dumb."

"Pero baka alam niya kung nas'an si Kuya!" angal ko.

He sighed loudly, "Kapag nakita ulit natin siya, saka mo tanungin. We need to find a way to the underground cities."

I pouted and turned to the elevator. Nauna na akong pumasok dahil sa pagka-badtrip. I could have asked Kuya Ten about Kuya Nine! This is so frustrating.

"Kailan ba natin siya makikita ulit?" tanong ko, at malakas na nagbuntung-hininga.

"Malay ko."

Napairap agad ako sa sagot niya. Napakapit ako sa metallic na pader nang biglang bumaba ang elevator. I held my breath when it fastly went down. Napahawak pa ako sa ulo ko, dahil para akong nahilo.

Ano ba 'to elevator or ekstreme tower? Naramdaman ko pa ngang humiwalay ang paa ko sa sahig. Napailing-iling ako nang sa wakas ay tumigil na ang elevator. Bumukas 'yon, at napagtanto kong nasa unang palapag na kami.

"What's our plan, Kai?" tanong ko.

"Lourd and Astraeus suggested this plan. You see, inquisitors in this area are very strict. Kaya mayr'ong ilang mga naghahack or gumagawa ng fake identities para makapasok sa ilang buildings. You will enter the C building through hacking. You still don't have an Orphic ID, so we made you a fake one. The building is where the biggest night bar is located."

"Ano namang gagawin ko r'on?" tanong ko. "At saka bakit sa bar? Paano ka?"

Kaiden winked at me, "I'll be following you from behind. Kailangan mo lang magmasid sa paligid. If you find someone weird—"

"Weird kayong lahat," sabat ko agad.

Inirapan niya ako, "Most underground citizens have tattoos, like a mark of which organization they belong, pero tago ang mga 'yon. Madalas din silang nagmamasid sa paligid. They usually make transactions in the bar."

"Can you give me a picture of what the tattoos look like?" tanong ko.

Nilagay namam ni Kaiden sa harap ang bag niya. I just waited for him to finish finding the tattoo while looking around.

This building looks like a hotel, though. My eyes caught a glance of one man looking at us. Naningkit naman ang mata ko nang bigla niyang iiwas ang tingin niya. His neck had a small circular tattoo. I looked around more, and realized that there were more men looking at us.

"Nevermind, Kaiden. Huwag mo nang ilabas ang picture," sagot ko.

Nagtaka naman siya, "Huh? Bakit? Paano mo—" Hinawakan ko ang leeg niya kaya't natigilan siya. I pulled his face closer to mine and whispered.

"Some people are watching us."

Humiwalay naman ako nang nakangiti, "Saan nga tayo pupunta?"

Pasimple namang tumingin si Kaiden sa paligid habang sinasagot ako, "C building! The night bar."

Tumango naman ako, at naglakad na kami palabas. One of the beads in my orb bracelet separated from the others. It floated up in the air. It will serve as my third eye, literally. Not the third eye na nakakakita ng mga ghosts.

Everytime I'll close my eyes, I can see the surroundings through the orb. Hinawakan ko ang braso ni Kaiden, para makapaglakad kahit nakapikit.

As I closed my eyes, I saw the men still following us. Hinawakan ko naman ang puso ko dahil sa kaba. They're really following us. They have tattoos too! Ibig sabihin ba n'on mga underground citizens sila?

I opened my eyes when I almost tripped. Napatingin naman sa'kin si Kaiden, "Ayos ka lang?"

I nodded, and tried my best not to look back to the stalkers. Ah, I'm being anxious right now.

"How far is the C building?" tanong ko.

"We have to ride a car. It's not flying this time," tugon ni Kaiden. Tumango naman ako, at pilit na ngumiti.

He raised his hand to something. Napatingin ako sa side na tinitingnan niya. Oh, is this the kind of taxi here? The car was pure black, and it even had a dark tint. The only thing that lit it up were the light and faint neon lines, and the neon blue design of the alloy mag of the wheels.

It stopped in front of us, and the door opened upwards. Wow, ferrari ka, ghorl? Kaiden motioned his hand like he's telling me to enter first.

Yumuko ako para makasakay. My eyes drifted to the man in tuxedo who was in the driver's seat. Napangiwi ako nang mapansing nakashades pa siya. Weird. Akala ko sa movies ko lang nakikita ang mga gan'yan.

Umisod naman ako sa dulo para makaupo si Kaiden. He immediately said, "C building, sir."

May nilabas din siyang card, at sinwipe 'yon sa isang mini machine? May holographic image namang lumabas sa taas n'on. 249 c. I guess it's the fee.

Sinandal ko ang ulo ko sa backrest, at pinikit ang mata. Hindi ko na alam kung s'an pumunta ang mga sumusunod na lalaki, ngunit napansin kong may tatlong motorsiklo sa likod namin.

Lumuwag naman ang paghinga ko nang mag-overtake sila. Nauna na sila sa'min. That must mean they aren't really following us, right?

Minulat ko naman ang mata ko, at napansing napakarami na rin palang pasikot-sikot ang dinaanan namin. Kailanman ay hindi nawalan ng malalaking buildings sa paningin ko. Sobrang linis pa ng paligid.

From afar, I already recognized a big building with a signage of letter C. Nang makarating kami r'on, nagbukas na naman pataas ang pinto. Nauna na si Kaiden lumabas, at sumunod nalang ako.

May sinipit naman siya sa leather jacket na suot ko, at bumulong, "That's your fake identification card."

Napatingin ako sa pila papasok sa building. Nagkunot-noo naman ako. Anong mayr'on sa loob? May event ba?

One, uh... bouncer I think, motioned us to go in line. Tinulak naman ako ni Kaiden papunta r'on. Kinuha niya na rin mula sa'kin ang backpack ko.

"Ako na magdadala," sabi niya.

Napangisi ako, "Akala ko ba ayaw mo?"

"Ayaw ko nga, pero baka tatanga-tanga ka, mawala mo pa mga gamit mo," asar niya. Napaawang naman ang bibig ko, tapos sinimangutan ko.

"Thank you, ha."

He smirked at me, "You're welcome."

"Your identification card, Ma'am?" tanong ng bouncer ba 'to? Kinuha ko naman ang ID na nasa bulsa ng leather jacket ko.

Tinapat 'yon ng bouncer sa mini scanner sa kamay niya. Napalunok ako nang nag-angat siya ng tingin sa'kin at nagtataka akong tiningnan. He even clicked his watch and was about to say something, but then he suddenly opened the door. Jeez, akala ko hindi na ako papapasukin!

Inabot niya rin pabalik sa'kin ang ID ko, at lumuwag ang dibdib ko. I entered fast, and the disco music filled my ears an instant. Tiningnan ko naman kung anong panagalan ang nakalagay sa ID na ginawa nila para sa'kin.

Napangiwi ako nang makita ang pangalan. Aurora Calytrix. Ang arte naman ng pangalang 'to. Aurora Calytrix?

Lumingin naman ako para tingnan kung nas'an si Kaiden. Kaagad naman akong napakunot-noo nang hindi siya makita. Where's that stupid guy? Iniwan ako?

I sighed, and just looked around the night bar. I made a disgusted reaction when I saw people making out. Gosh. First time ko pa naman sa mga gan'tong bar. Well, actually first time ko sa mga bar kasi strict si Kuya?

Siguro dapat sulitin ko na ang pagkakataong ito! Yipee!

I smiled and looked around. Naglakad-lakad ako habang tinitingnan ang paligid, hanggang sa napagtanto kong wala akong pera?!?! Need ba ng pera dito?

Napatingin naman ako nang makarinig ng pamilyar na boses sa isang banda. I walked towards there and saw a group of men having fun. My eyes squinted when I saw Kuya Ten!

Nakangiti niyang nilagok ang isang shot ng... I don't know? Basta alcohol. I pushed people to get closer to their area. Sinigawan ako ng iba, pero bakit ba kasi sila pahara-hara sa daan? 'Di ba?

"Kuya Ten!" sigaw ko. Hindi naman nila ako narinig. I pouted and moved more towards them. Napigilan naman ako ng isang bodyguard nila.

"Identification card first, Ma'am," sabi ng bodyguard. I scrunched my nose and showed my card. Hinablot naman 'yon ng guard at nagtaka ako nang nanlaki ang mata niya.

I glanced at Kuya Ten again, na ngayon ay wala na. Huh? Nas'an na 'yon? Tiningnan ko ang paligid para hanapin siya, pero tuluyan na siyang nawala. Luh? Parang kanina lang nand'on pa siya ah.

"H-hindi ka po pwede rito, Ma'am," nauutal na sabi sa'kin ng guard. Hinablot ko naman pabalik ang ID ko at luminga-linga sa paligid.

Where's kuya Ten?

Natigilan lang ako sa paglalakad nang biglang may humablot ng kamay ko. Mabilis akong napalingon, at doon nakita ko ang isang babae na may straight jet black hair at hazel brown eyes.

My eyebrow raised in confusion.

"Ah, excuse me? Do I know you?" tanong ko.

"Rory?" tanong ng babae sa'kin.

"Ha?"

"Aurora Calytrix. Is it really you?" tanong niya sa'kin. Nagpumiglas naman ako sa hawak niya dahil sa pagtataka.

Aurora Calytrix is the name in my fake identification card, right? Pero... akala ko ba fake lang 'yon? Is there really someone in the Orphic Dimensions named Aurora Calytrix?

"The fourth! Rory! It's you!" excited na wika ng babae, at mabilis akong sinalubong ng yakap.

What? The fourth?

The Orphic Secret
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro