Chapter 12
TEN
Today is finally the day.
"Are you already packed up?" tanong ni Iris sa'kin.
Tumango naman ako bilang tugon, at napabuntong-hininga. It's been three weeks ever since I came to this dimension. Now, it will be my first time going out the Academy. Sana lang ay makabalik pa ako.
"Si Kaiden ba?" tanong ko.
"Don't worry about him. He's probably good to go," sagot ni Iris. Ngumiti naman ako at sinuot ang malaking backpack ko.
"Oh! By the way. Iwan mo na ang watch mo at contact lenses dahil hindi ka makakapasok sa underground city kapag gamit 'yan," she said.
"Huh?" sambit ko. "Bakit naman hindi puwede? Paano nalang ako kapag bigla akong naligaw?" Iyon talaga ang inaalala ko, eh.
"Well, those accessories are only for Orpheuses. Malalaman nilang Orpheus ka kapag ginamit mo 'yan, at kapag nangyari 'yon, maaaring hindi ka na talaga makabalik.
I pouted, "Stop it! Natatakot ako!"
Tumawa naman siya, "Nagtanong ka, eh." I rolled my eyes and just removed my watch and contact lenses. Napapikit naman ako nang biglang nag-iba ang paligid. So it really is a new world having contact lenses on.
"Weird naman kapag walang contact lens," saad ko.
Iris nodded in agreement, "Gan'on talaga."
Lumabas naman siya sa pinto at sumunod nalang ako. Jeez, ang weird talagang tingnan kapag walang contact lens. Mukhang normal lang na school, walang thrill.
I remain pouting on the way to the Academy's gate. It was a long walk, pero sanay na ako. Gan'on naman talaga, kapag nagtagal ay nasasanay na tapos magsasawa- ay sorry, iba na ata 'yon.
Natanaw ko naman sa malayo si President Ephraim na baliw kasama si Kaiden na hindi ko pa rin talaga tanggap kung bakit siya ang kasama ko. Natatakot akong maiwan n'yan! Baka mamaya ibang misyon na gawin. Hay nako!
Napangiwi agad ako nang makarating sa harap nila. They stopped talking to look at me and smile. Pilit ko naming ibinalik ang ngiti sa kanila. Kaiden laughed sarcastically too. Kaagad ko naman siyang inirapan.
Pero okay lang pala, kung hindi siya kasama, baka wala akong kasama! Kainis kasi si Sirius! Ayaw akong samahan! Friends pa naman kami, hmp! Charot lang.
Tiningnan ko naman si Kaiden na halos walang dalang gamit. I cocked my head backwards. "Nas'an gamit mo?" tanong ko.
Kibit balikat naman ang sagot niya. Tumango naman ako at binato ang suot kong backpack sa kaniya. "Wala ka naman palang bitbit. Ikaw na magbitbit ng akin! Thank you-" bigla naman niyang binato pabalik sa mukha ko ang backpack ko.
"Nasa loob gamit ko, tanga."
"Okay, boomer!" sagot ko kahit hindi ko alam ang meaning ng boomer. Lel!
Napatingin naman ako sa kotse na medyo malapit sa'min. My mouth formed an 'o' immediately. Hindi naman Lamborghini ang nakita ko, pero isang flying kotse! Kitang-kita ang loob n'on dahil halos glass lahat ng walls n'on. Tapos walang nasa loob. Siguro automatic 'yan.
"You'll be sent to the main city first. Just follow those people who you think are doing illegal things. Or sign up for them. Hire them. Hindi ko rin alam kung pa'no," ay bobo, "You'll be sent to the underground city with those transactions."
"Remember, if you don't find anything within four days, return to the academy. Or if someone between the two of you is injured," sabi ni President. I nodded dahil alam ko na naman 'yon.
"Kaiden already has a plan para makarating kayo sa underground city," dagdag pa niya. Bumungisngis nalang ako at kinawayan sila.
"Sige na, Sir! Alis na kami, ba-bye!" paalam ko, at hindi na siya pinagsalita ulit. Alam ko na naman sasabihin niya, eh. "Ingat kayo!" dagdag ko- ay dapat pala kami ang sinasabihan nila n'on.
Hinila ko na rin si Kaiden papunta sa flying car. Nakita ko naman ngang nand'on na ang gamit niya. Hinanap ko naman kung nas'an ang bukasan ng pinto ng flying car. I made a face when I couldn't figure out how to open it!
Napalingon ako kay Kaiden na may pang-asar na tingin. Sinamaan ko rin siya ng tingin, "Paano ba?"
Nagkibit-balikat pa siya. Hinampas ko naman ang braso niya, "Bilis na!"
He shook his head while smiling before raising his hand, and then suddenly nagbukas na ang glass door.
"Luh, pa'no 'yon?" tanong ko.
"Ako ang naka-register sa kotse. Hindi mo 'yan mabubuksan kapag wala ako," sagot niya naman at naunang sumakay. Sumibangot ako at sumakay na rin sa flying car. So, paano na pala ako kapag wala siya?
Napahawak naman ako sa braso niya nang biglang umandar ng mabilis ang flying kotse. Gosh! Hindi ba ako masusuka rito? First time ko lumipad- ay hindi nga pala, pinalipad na nga pala ako ni Astraeus Ivor noon!
"Yie, tsansing siya, oh!" mapang-asar na wika ni Kaiden. I turned to him with a disgusted face, pero sa halip na bitawan ko siya, ngumisi ako at mas lalong siniksik ang sarili ko sa kaniya.
My disgusted eyes turned to puppy eyes, "Sorry po. Natatakot lang talaga ako, eh. Pwede payakap?" asar ko pabalik. Siya naman ngayon ang nandiri, at tinulak ako palayo.
"Gagi! Kadiri ka. Layo!" sunod-sunod niyang react. Tumawa naman ako at binitawan na siya. Tumingin na ako ngayon sa baba, at kaagad kumislap ang mat ako sa nakita.
"Woah," sambit ko nang makakita ang kabuuan ng Academy. I realized that the building was in a circular form, and in the middle was yet another circle. I think it's where reserved magic energy is stored.
"By the way, ga'no kabilis para makarating tayo sa-" natigilan naman ako sa pagsasalita nang bigla akong makakita ng tila black na portal sa harap sa'min.
"What the heck is tha-" napairit ako bigla. We entered the black portal, but light engulfed the whole car.
When the light vanished, a whole new world was before my eyes. Maraming mga flying cars ang kasama na namin ngayon sa himpapawid. Nalaglag ang panga ko.
"Nine seconds, Four. Gan'on katagal," biglang sagot ni Kaiden sa'kin. "That's what you're going to ask right?"
Napakurap ako ng ilang beses bago tingnan ang baba. Mas lalo namang nalaglag ang panga ko- not literally.
It looked like it was night here! There were city lights everywhere. Some flying buildings! Neon lights! More flying cars! Flying trains! Holographic designs! Oh my gosh.
Naiiyak ako sa ganda.
"So this is the main city of Orphic?" namamangha ko paring tanong.
He nodded at me. "I miss being here."
"Miss ka ba?"
He scoffed and slightly rolled his eyes. Nakangiti ko namang pinagmasdan lahat. We traveled in between skyscrapers. There was a robotic voice that filled the whole city. Well, it sounded like advertisements.
Ahhh, this seriously looks like the future!
Our car slowly went down, and then it landed to a building. "Bakit tayo rito binaba?" tanong ko. "Bakit hindi sa baba?"
"Ah," sambit ni Kaiden. "Ewan ko rin."
Muntik na akong mapa-facepalm sa sagot niya. Akala ko pa naman alam niya lahat!
"Welcome to Q building. You are ready to go." Awtomatiko na namang nagbukas ang glass door. Tumalon naman si Kaiden sa side niya. Sa kabilang side naman ako bumaba.
"Q building?"
"Uhuh," Kaided replied. "There are twenty-six main buildings here. Hindi ko alam kung bakit dito tayo binaba. Hehe."
"Hehe?" I mocked him. Napasimangot naman siya, "Tara na nga."
Hinila naman niya ako papunta sa isang... elevator ata 'yon. Bumukas naman 'yon, at pagtingin ko sa mukha ng lalaki, nanlaki agad ang mata ko.
The scar on his cat-like eyes were familiar. I closed my eyes as I tried remembering who he was.
"Four. Kumusta nga pala ang kapatid mo?" Nanlaki naman ang mata ko nang biglang maalala na siya ang kaibigan ni Kuya.
Ten. Ten is his name!
Namulat ko naman ang mata ko, at saktong lumagpas siya sa'min ni Kaiden. Lumingon agad ako sa kaniya at kaagad na hinablot ang kamay niya.
"K-kuya Ten?" tanong ko.
Nakita ko naman ang gulat sa mata niya, "Do I know you, Miss?"
Napaawang ang bibig ko. "I'm Four. Nine's sister. Hindi mo ba po ako naaalala?" tanong ko.
"Ah. Sorry, Miss. If you are one of those I had sex with before. I'm sorry! Let's talk another time. I'm in a hurry!" sabi niya at tumakbo na sa sasakyang sinakayan namin kanina. My mouth gaped in disbelief.
"Tell your brother that I came by and I need him. Okay, Four?" naalala kong banggit niya sa akin noon. Lagi pa siyang may dalang kung anu-ano, pero muntik ko na siyang hindi maalala dahil matagal na panahon na 'yon.
"Sure, Kuya!"
He needs him? And he's in this dimension? Does he know where my brother is?
Pero animal siya ha. Akala niya naka-sex ko siya. What the fuck? Kung sinu-sino ata kinakama. Baka may sexually transmitted disease. Kadiri!
"The heck, Four?" hinila agad ako ni Kaiden palayo. "Kilala mo ba 'yong gagong 'yon?"
The Orphic Secret
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro