Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Mark Ellis Atkinson, son of the Senate President is looking into getting in politics in the future.

Nahulog ang panga ko sa mga artikulo na binabasa ko sa internet tungkol sa lalaking kasama ko kahapon. Si Mark Ellis Atkinson ay pangalawang anak ni Senator Jorge Atkinson. Miyembro rin siya ng Omega Phi at kasalukuyang president rin nito. Nagtapos siya ng Political Science at ngayon ay nag-aaral siya ng Law.

Base sa mga forums dito sa portal ng university, bestfriends sina Koleen at Mark Ellis simula high school. Ang balita ay may boyfriend si Koleen pero walang nakakaalam kung nasaan na ang lalaki na siyang kuya naman ni Mark Ellis.

"Kaya naman pala ganun na lang ang pagprotekta ni Kahel kay Koleen. Girlfriend pala siya ng kuya niya," sambit ko habang patuloy sa pag-scroll sa cellphone ko.

"Oh, Fina, kumain ka na ba?"

Muntik ko pang nabitawan ang cellphone ko nang marinig ang boses ni Manang Isang.

Nasa kusina ako ngayon para kumuha ng juice pero naantala ako nang dahil sa mga nababasa ko sa internet.

"Mukhang seryoso ka diyan sa binabasa mo ha," sabi ulit ni Manang Isang.

"Ah, eh, hindi po." Tinago ko ang cellphone sa bulsa ko at uminom ng juice para mahimasmasan ako.

"Hindi ka pa kumakain? Ano ba'ng gusto mong kainin?"

"Ah, kumain na po. Ang ibig ko pong sabihin ay hindi po seryoso itong binabasa ko," saad ko.

"Bakit ang aga-aga mo palang lumalabas ng bahay? Hindi ka ba nag-aalmusal? Baka gutumin ka niyan."

"Okay lang po ako. Sanay naman po akong gumising ng maaga. Tsaka, ayaw ko pong ma-late sa klase. Malayo pa naman ang sakayan ng dyip mula rito."

"Pasensiya ka na. Kung nandito lang sana yung apo ni Sir President, baka pwedeng magsabay na kayong pumasok. Hindi ka naman pwedeng ihatid ng tito mo kasi baka kailanganin siya dito."

Napalunok ako. "Yung apo niya? Sino po sa kanila?"

"Si Sir Ellis. Siya lang naman yung laging bumibisita dito. Nag-aaral rin siya sa university mo."

"Ah, si Kahel... ah, Ellis pala. Ano po ba yung mga araw na pumupunta siya dito para makapagtago ako kapag nandito siya?"

Napatawa si Manang Isang. "Hanggang kailan mo ba tataguan si sir Ellis?"

"Hanggang kaya ko po. Bakit po pala sila hindi nakatira dito?" Umiral na naman ang kuryosidad ko.

"Alam mo naman ang mga mayayaman. Wala silang panahon para mag-alaga ng matanda. Tsaka, medyo ulyanin na rin kasi ang lolo nila kaya hinahayaan nalang nila dito."

"Ang lungkot naman po pala. Bakit nila hinahayaang mag-isa ang lolo nila?"

"Masyado lang silang busy sa pagpapayaman. Aba ewan ko."

"Eh buti po nandito pa rin kayo."

"Malaki ang utang na loob ko sa mga Atkinson. Sila na ang bumuhay sa akin. Lalo na si Sir President."

"Ah kaya po pala." Mababait naman pala talaga ang mga Atkinson.

Matapos ang klase namin ngayong araw, akala ko ay makakauwi na ako ng maaga. Pero paglabas ko ng kwarto namin ay may natanggap akong text mula sa isang miyembro ng Gen L Society na pinapatawag daw kami para sa isang meeting. Hindi naman ito mandatory kaya binalewala ko nalang ito.

"Fina!" Isang boses ng lalaki ang nakaagaw ng aking pansin kaya inalis ko ang tingin ko sa aking cellphone. Paglingon ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Tyler.

Napatigil ako sa aking kinatatayuan para batiin siya. "Tyler!"

"Tapos na klase mo?" Tanong nito nang marating niya ako.

Tumango naman ako. "Bakit? Di ba tapos na ang pag-tour mo sa akin?"

Napatawa si Tyler. "Oo nga. Pero I figured baka kailangan mo pa rin ng company. By the way, may meeting ang Gen L Soc ngayon, di ba? Hindi ka ba pupunta?"

"Hindi na siguro. Bago lang naman ako. Tsaka, baka wala rin naman akong maiaambag dun," sagot ko.

"If that's the case, baka gusto mong samahan akong mag-lunch?" He offered.

"Lunch?" Napatingin ulit ako sa cellphone ko para tignan ang oras. Alas-tres na ng hapon. "Teka, alas tres na ah. Hindi ka pa kumakain?"

Umiling si Tyler. "So, pwede mo ba akong samahan? My treat!"

Napabuntong-hininga ako. Wala namang mawawala sa akin kung samahan ko siya. Malilibre pa ako. "Sige na nga."

"Yes! Let's go!" Excited na sagot ni Tyler.

Sinundan ko lang siya sa paglakad hanggang sa makarating kami sa The Grounds na hindi naman masyadong malayo mula sa building ng Architecture. Napansin kong maraming nakatambay na estudyante ngayon dito dahil na rin sa mga cafe at restaurants na nakapalibot.

"Gusto mo ba ng kape?" Tanong ni Tyler nang makarating kami sa tapat ng Starbucks.

Umiling ako. "Ay, hindi na. Wala naman akong assignment ngayon kaya hindi ko kailangan magpuyat."

"Ganun ba. How about sandwich? Salad?" Offer pa ni Tyler.

"Kahit ano. Hindi pa naman ako masyadong gutom."

Napatigil saglit si Tyler. "Ah, alam ko na. Mcdo nalang?"

Napangiti ako. Hindi ako makakatanggi sa Mcdo. "Sige."

Pero hindi pa kami nakakalayo nang biglang may tumawag ulit ng pangalan ko. "Fina?"

Napatingin ako sa may entrance ng Starbucks at doon ko nakita ang isang pamilyar na babae. Naka-brown na blazer siya at may hawak siyang kape.

"Oh, hey, Koleen," bati ni Tyler.

Binaling ni Koleen ang tingin niya sa akin na para bang hindi niya nakikita si Tyler. "Hindi ka ba aattend sa meeting?"

"Ah, eh, hindi sana," diretso kong sagot.

Kinuha ni Koleen ang kamay ko at hinigpitan ang hawak sa akin. "Ano ka ba? Kailangan present ang mga new members ngayon. Let's go!"

"Wait!" Reklamo ni Tyler. "Koleen, hindi mo ba nakikitang magkasama kami ngayon ni Fina?"

Binalewala lang ito ni Koleen. "Fina, sasama ka ba sa kanya?"

Napatigil ako habang nakatitig si Koleen sa akin na parang may gusto siyang sabihin. Yung dating dilaw na aura niya ay naging pula ulit kaya alam kong may negatibong mensahe siyang gustong ipahatid sa akin.

"Fina?" Tanong ulit ni Koleen sa akin.

Kumurap ako at napatingin kay Tyler. "Sorry, Tyler. Next time nalang tayo kumain."

Bumuntong-hininga si Tyler. "Fine."

Hinila ako ni Koleen hanggang sa makalayo na rin kami kay Tyler. Ramdam ko ang pagmamadali niya. Hindi pa naman siguro magsisimula ang meeting nang wala siya.

"Fina, I'm sorry." Binitawan na rin niya ang hawak sa kamay ko at bumagal na rin ang paglakad nito.

"Okay lang. Ako nga itong dapat mag-sorry," sagot ko.

"I mean, sorry kung kinailangan kitang hatakin palayo sa lalaking iyon. Ginugulo ka ba niya?" Seryoso niyang tanong.

Napakunot ako ng noo. "Ginugulo? Hindi naman. Peer mentor ko kasi siya kaya siya yung una kong nakilala dito sa university. Mabait naman si Tyler sa akin."

Tumango si Koleen. "Mag-iingat ka pa rin sa kanya. Huwag kang magpapaloko sa inosente niyang mukha."

"Bakit? Ano'ng ibig mong sabihin?" Bigla akong nag-alala.

"Niloko niya kasi yung kaibigan ko..." Napatigil saglit si Koleen habang nakatingin sa malayo.

"Salamat sa paalala," sabi ko nalang dahil ayaw ko namang usisain pa kung ano man ang bumabagabag sa kanya. "Ano nga pala ang imimeeting ngayon?"

"Tungkol sa project na gagawin ng Gen L this year. Every year kasi may project ang org para sa fundraising festival," she explained.

Tumango ako. "Ah ganun pala. So, ano ang project niyo last year?"

Ngumiti si Koleen. "Lollipop project."

"Lollipop project?" Inulit ko habang nakakunot ang noo. "Paano 'yon?"

"Namigay kami ng lollipops around the campus na may kasamang positive messages sa bawat lollipop. Actually, may short film rin kaming ginawa with the same title."

"May naisip na ba kayo for this year?"

Umiling si Koleen. "Wala pa nga eh. Kaya kailangan namin ng fresh ideas. May suggestion ka ba?"

"Hayaan mo kapag may naisip ako, sasabihin ko agad."

Nang makarating kami sa isang lecture hall, marami na ang nakaupo sa loob. Pinagtinginan pa nga kami ng pumasok kami sa loob. Malamang ay nagtataka sila kung bakit may kasamang outsider ang President ng Gen L Society.

Nagtungo na si Koleen sa may gitna ng hall habang naiwan akong naghahanap ng bakanteng upuan. Hindi ko alam na ganito kadami ang miyembro ng society na ito. Mukhang mas madami pa ito kaysa sa mga classmates ko.

Pupunta na sana ako sa may dulo ng kwarto nang biglang may nagsalita sa may gilid ko. "Hey!"

Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa may ikatlong row. Tinuro niya yung bakanteng space sa tabi niya pero mas napatingin ako sa kulay bughaw niyang mga mata. Actually, parang may halong kulay berde rin ito. Turquoise.

"Excuse me."

May isa pang lalaking nagsalita mula sa may likuran ko. Paglingon ko, muntik pa akong matumba sa lapit ng distansiya namin. Buti nalang at mabilis ang reflexes ko kaya nabalanse ko rin ang sarili ko.

"Dadaan ako," pagpapatuloy nito at nang magtama ang tingin namin, doon ko nakita ang pamilyar na mukha at aura ng isang lalaki.

"Kell, bro! Chill!" Tumayo yung lalaking nakaupo at lumapit kaunti sa akin. "Sorry, miss. May dalaw ata siya ngayon."

Napatawa ako sa sinabi ng lalaki. Pinanliitan naman ako ng mata ni Kahel bago siya tuluyang umupo sa bakanteng upuan.

"I'm André, by the way. Bago ka dito?" Pag-introduce ng lalaki sa akin.

Tumango naman ako. "Fina, at oo bago lang ako."

"You can take my seat, Fina," André offered.

"Ay, hindi na. Nauna ka diyan," sagot ko sabay tingin ulit kay Kahel na mukhang nakatingin ulit kay Koleen sa harapan. Iba talaga ang tama nito sa President namin.

Napangisi naman si André. "Fina, no need to be shy. Besides, sawa na rin akong katabi 'yang lalaking yan."

Kahit na mas gugustuhin ko pang tumayo nalang rin, hindi na ako nakatanggi pa. Pinagtitinginan na rin kami ngayon kaya mas mabuti pang umupo na ako.

"Good choice." Tinapik ni André ang balikat ko nang makaupo na ako at nagtungo na siya sa may likod para siguro maghanap rin ng silya.

Napasulyap ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Nakahalukipkip siya na mukhang napilitan lang rin siyang pumunta dito. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang malagkit pa rin niyang tingin kay Koleen.

Maya't maya pa ay tumunog ang mikropono mula sa harap kaya napatingin ulit ako sa kung saan nakatayo ang president ng Gen L Society.

Tinapik ulit ni Koleen ang mikropono bago ito nagsalita. "Good afternoon, Gen L's and Omega Phi! Salamat sa pagdalo sa meeting natin ngayon. As you all know, every year ay mayroon tayong project, which aims to strengthen the society's vision and mission... and that is to promote positivity and foster good relationships."

"Yes, that's right," sambit naman ng Vice President na si Hailey na papalapit na rin sa tabi ni Koleen at may hawak ring mic. "Last year, our hashtag "Lollipop Project" garnered a lot of attention and became really successful. So, this year, we're hoping to do the same, if not surpass it."

"We are now seeking your ideas and suggestions on what we can do this year," patuloy ni Koleen.

"Just raise your hand and take the mic if you have an idea. Come on guys!" Pag-udyok ni Hailey.

Isa-isang nagsitaasan ng kamay ang mga miyembro ng org habang ako naman ay tahimik lang na nagmamasid. Halos puro dilaw naman ang aura ng mga tao sa paligid ko ngayon maliban lang sa katabi kong nangingibabaw ang kulay nitong kahel.

"How about Chocolate Project?" May isang nag-suggest kaya napatingin ako sa direksiyon nito.

"Are we going to do the same thing like last year? Giving out free chocolates naman this time?" May isa namang nag-protesta.

"Why not, di ba? People like free stuff."

May point naman si ate. Sino ba naman ang may ayaw sa libreng chocolate?

"Guys, I think it's better if we should think out of the box. Yung something na kakaiba naman para hindi repetitive," ani Hailey.

"I agree. Alam kong mahirap mag-isip ng fresh ideas, so what we'll do is we'll open the suggestion box for a week. You can either send us a message or email and then, we'll have another meeting to discuss it," sabi ni Koleen.

Nagpatuloy pa ang meeting tungkol sa iba pang activities ng Gen L Society. May mga outreach programs rin pala sila at sumasama rin sila medical missions dahil karamihan sa kanila ay medicine at nursing students.

Halos isang oras rin ang meeting at paglabas namin ng lecture hall ay agad na bumungad ang patak ng ulan. Wala pa naman akong dalang payong. Kung hihintayin ko namang tumila ang ulan, baka gabihin na ako.

Kaya naman binilisan ko na ang pagtakbo sa hallway at baka mas lalo pang lumakas ang ulan. Tinaas ko ang backpack ko at nilagay ito sa tuktok ng ulo ko para kahit papaano ay masilungan ako.

Hindi ko na rin pinansin ang sapatos kong natalsikan na ng putik. Buti nalang at hindi ako nakaputing damit. Basta ang mahalaga ay makasakay na ako at makauwi na.

Beep. Beep.

Natigilan ako sa isang busina ng kotse sa may gilid ko. Akala ko nakaharang ako sa daan kaya agad naman akong pumagilid.

"Fina!" Isang boses ng babae ang nakapukaw ng atensiyon ko kaya napatingin ako sa may kotse kung saan may nakababang bintana at nakatingin na pamilyar na mukha.

"Koleen?" Sambit ko sa sarili ko.

"Halika na! Hatid ka na namin!" Pasigaw nitong sabi habang inaaya ako gamit ang kamay niya.

Nang hindi ako sumagot agad, nagbukas ang pinto ng kotse at lumabas si Koleen na may dalang payong para sunduin ako sa kinatatayuan ko.

"Koleen, okay lang ako. Salamat," sagot ko sa kanya pero hinila na niya ang kamay ko hanggang sa nakarating ako sa loob ng kotse.

"All set?" Narinig ko ang boses ng isang lalaki sa may harap kaya napatingin ako sa driver at doon ko nakita si Kahel na nakatingin rin sa amin.

"Fina, okay ka na?" Tanong ni Koleen sa akin.

Tumango naman ako. "Salamat."

"Saan ka namin ibababa?" Tanong ni Kahel.

"Sa may istasyon nalang ng tren. Yung pinakamalapit," sagot ko dahil ayaw kong malaman nila na nakikitira ako sa mansion ng lolo niya.

"Fina, it's okay. Hatid ka na namin sa bahay niyo," pilit ni Koleen.

"May bibilhin pa kasi ako para sa assignment ko," pagdadahilan ko.

"Ah ganun ba," ani Koleen.

Maya't maya pa ay biglang huminto ang kotse kaya naalog ang ulo ko. Muntik pa akong mauntog sa upuan sa may harap ko.

"Sorry, may dumaan kasi bigla. Okay lang kayo?" Tanong ni Kahel sa amin.

Sa pagkakataong iyon, parang biglang nabalot ng yelo ang buong katawan ko. Nanginginig na rin ang mga kamay ko.

"Fina? Okay ka lang?" Ang layo ng boses ni Koleen kahit na alam kong nasa tabi ko lang siya. "Fina?"

Pahina nang pahina ang boses ni Koleen hanggang sa pitik ng puso ko nalang ang rinig ko at patuloy rin itong lumakas na parang sasabog na ito. Gusto ko nang lumabas ng kotse pero hindi ako makagalaw.

"Fina..." Isang pamilyar na boses ng lalaki naman ngayon ang umalingawngaw sa tainga ko.

"Tay?" Pinilit kong tignan ang lalaking nakaupo sa tabi ko. Nakatingin siya ngayon sa akin na may luhang dumadaloy sa mga mata nito. "Tay!"

Tinaas ko ang kamay ko at pinilit na abutin ang mukha niya. Malapit ko nang mahawakan ulit si tatay pero ilang segundo pa ang lumipas at naglaho na rin siya na parang bula.

Biglang kumirot ang puso ko at doon na rin tumagaktak ang mga luha sa aking pisngi.

"Fina, tahan na." Naramdaman ko ang mainit na yakap mula sa katabi ko. "It's okay."

Hindi na ako nakaimik pa dahil sa labis na kalungkutan at takot na bumabalot sa akin. Hinayaan ko nalang na magsalita ang mga luha ko para sa akin.

🍊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro