Chapter 5
May labing-limang minuto nalang ako. Bakit ba kasi ako nagpadala sa mga salita ng org president? Pwede namang umalis nalang ako.
Wala naman akong mapapala dito. Hayaan mo nang mapahiya ako. Sigurado namang hindi na kami magkikita-kita ng mga iyon. Magtatago nalang ako kung sakaling makasalubong ko sila sa hallway o sa field.
Tumalikod na ako para magtungo sa gate ng university. May nakita pa akong isang babaeng tumatakbo habang hawak ang kamay ng isang lalaki. Buti at may nahanap siyang date.
"Hi, may date ka na ba?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita at nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
"Tyler, ikaw pala." Hindi ko alam kung bakit in-assume niyang naghahanap ako ng date.
"So, hindi ka naghahanap? Are you sure? I'm very much available." Tinaas niya ang magkabilang kamay niya na parang yayakapin ako.
"May date na siya." Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang President ng Gen L Society na papalapit sa amin.
Tinaas ni Tyler ang mga kamay niya. "Koleen, hindi ko alam na mahilig ka na pala sa babae ngayon."
Tumabi si Koleen sa akin habang kinukuha ang kamay ko. "Tyler, nasa modern world na tayo ngayon. Hindi na bago ang same-sex love."
Napatawa naman si Tyler na parang may mali sa sinabi ni Koleen. "Alam ko naman yun, Koleen. What I meant was, ano'ng nangyari kay Jale? Nasa mental pa rin ba?"
Biglang binitawan ni Koleen ang hawak niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Tyler. Alam kong mali ang sinabi ni Tyler kaya hindi ko masisisi si Koleen kung bakit ganito ang reaksiyon niya ngayon.
"K!"
Isang boses ng lalaki ang nakatawag ng atensiyon ko at nang mapalingon ako sa likod ay nakita ko ang isang lalaking tumatakbo papalapit.
Unti-unti kong nakita ang kakaibang kulay na bumabalot sa kanya at doon ko napagtanto kung sino siya.
"Kahel?" Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang lalaking agad na kinuha ang kamay ni Koleen.
"K, okay ka lang?" Tanong nito kay Koleen at napatango lang ang babae. "Tyler, what the hell did you do?"
Tinaas ni Tyler ang mga kamay niya. "What? Wala akong ginagawa ah."
Nakita ko ang pagpipigil ni Kahel sa kanyang sarili habang nakatikom ang panga nito.
"Anyway, I'll go ahead, guys," nagsalitang muli si Tyler at tumingin ito sa akin. "See you tomorrow, Fina."
Tumango lang ako sa kanya.
Nang makaalis na rin si Tyler, tinignan ko ang lalaki at babae sa tabi ko. Panay ang tanong ni Kahel kay Koleen kung okay lang ba siya habang tinatapik ang balikat nito.
Titig na titig si Kahel sa kanya at kahit na hindi ko sila kilala ay kita ko kung gaano ka-worried ang lalaki.
"K, tell me," rinig ko ang pagpupumilit ni Kahel para magsalita si Koleen.
"Binanggit ni Tyler yung tungkol kay Jale at tinanong kung nasa mental pa rin daw siya." Hindi ko napigilan ang bibig ko sa pagsagot.
Napatingin sa akin si Kahel. He widened his eyes in surprise. Hindi ko alam kung nagulat ba siya na nakita niya ako o dahil sa sinabi ko.
"Who are you?" tanong niya bigla habang nakatitig sa akin.
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako? Ah, eh..."
Sigurado naman akong hindi niya ako naaalala. Maliban nalang kung nakita niya talaga ako noon sa mansion?
"Tara na sa rush event," nagsalitang muli si Koleen.
Napatingin si Kahel sa kanya. "Rush event?"
Kinuha ni Koleen ang kamay ng lalaki at lumapit sa akin. "Huwag kang mag-alala, Fina. Harmless naman 'tong lalaking ito. Siya nalang ang date mo para hindi ka na mahirapan sa paghahanap."
Napalunok ako. Eh aalis na nga dapat ako tapos bigla ko pa silang nakasalubong. Ang malas nga naman.
Maya't maya pa ay nakabalik na ulit kami sa may parke. Biglang dumoble ang bilang ng mga tao kumpara kanina. Pinapunta na rin nila kami sa open field kung saan may nakaset-up na mga mesa at upuan.
May mga fairy lights na nakalagay sa mga poste na nagsisilbing ilaw ng field dahil palubog na ang araw. Sa harapan ay may maliit na stage rin kung saan nakalagay ang "Gen L Society."
Habang naglalakad kami patungo sa isang bakanteng mesa, napansin ko ang mga tinginan ng mga tao sa direksiyon ko.
"Sino yung kasama ni Kell?"
"Oh my god! No way! Who is she?"
"Is she for real?"
Ang lakas ng mga bulungan ng mga estudyante sa paligid kaya rinig ko ang bawat salita at panlalait nila sa akin. Alam ko naman na hindi ako kagandahan. Pero kung makalait naman sila akala mo kung sinong santo itong lalaking kasama ko ngayon.
"All right, girls. Time's up!" Isang babaeng may kulot na buhok ang nagsalita mula sa stage at nagpakilala rin bilang vice president na si Hailey. "All of you here passed the first challenge. Congratulations and enjoy the rest of the night!"
Biglang nawala ang ilaw mula sa fairy lights at pinalitan ito ng makukulay na ilaw na parang katulad sa mga nakikita sa loob ng club. Nagsimula na ring tumunog ang musika mula sa DJ na nakapwesto sa may gilid ng stage.
"Fina nga pala." Inabot ko ang kamay ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko.
Tinignan niya lang ako at hindi kinuha ang kamay ko.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Hindi ka man lang ba magpapakilala?"
Bumuga lang siya ng hangin na parang multo ako at hindi niya nakikita. Alam ko namang napilitan lang siya dahil kay Koleen. Pero grabe naman ang kawalan ng interes ng lalaking ito.
Eh di sige, tatawagin ko nalang siya sa gusto ko.
"Kahel," sambit ko at sinigurado kong maririnig niya.
Agad naman siyang tumingin sa akin. "Kahel?"
Nginitian ko siya. "Tatawagin kitang Kahel."
"It's Kell," he corrected me with his deep tone.
"Kell? Oh, sakto. Magkatunog naman ang Kahel at Kell."
Umiling ang lalaki at tumayo na rin siya sa kinauupuan niya.
"Teka, aalis ka na?" Tanong ko.
Yumuko siya at nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya nalanghap ko ang mabangong cologne o kung ano man ang nilagay niya sa katawan niya. Bigla tuloy akong natulala. "Don't get me wrong, Fina. Pero sumama lang ako dito dahil kay K."
Nabilaukan ako. Sinasabi ko na nga ba. Teka, may gusto ba siya kay Koleen pero hindi siya gusto nito? One-sided love?
"Okay guys, we'll play a little game!" Ni-announce ng isang miyembro ng society sa may stage. "Whoever wins get to have a special prize for the couple."
Napailing ang lalaking nasa harap ko.
"May gusto ka kay Koleen, 'no?" Tanong ko sa lalaki na nakatayo pa rin ngayon.
Inirapan naman niya ako.
Bago pa man siya makasagot, hinatak kami ng isang miyembro ng Gen L Society patungo sa harap kasama ng ibang mga mag-partners. Wala akong balak sumali sa laro nila pero heto ako ngayon, nakatayo sa stage kasama ang isang lalaking wala ring interes na pumunta dito.
"Simple lang ang game. Kung sino ang makakatagal sa staring game, sila ang panalo."
"Staring game?" Inulit ko sa sarili ko. "Ano ba ang prize?"
"The prize is spending the day with our chosen charity."
Huminga ako ng malalim at inunat ang leeg ko. Kung para sa charity, gagawin ko. "Game!"
Narinig ko ang buntong-hininga ng lalaki sa tabi ko.
Binaling ko ang tingin ko sa lalaking katabi ko. Hanggang baba ng balikat lang niya ako kaya hindi pa nagsisimula ay nangangalay na ang leeg ko kakatingala sa kanya.
"Ready guys?" Panimula ng isang miyembro ng Gen L. "In three... two... one... go!"
Unti-unting bumaba ang lalaking kaharap ko hanggang sa magka-level na ang mga mata namin. Naka-squat na siya ngayon habang patuloy lang ang pagtitig namin sa isa't-isa.
"Galingan natin. Para sa charity ito," sabi ko sa kanya habang nakatitig pa rin.
Hindi siya sumagot pero napansin ko ang paglitaw ng dimples sa magkabilang pisngi niya habang nakatikom ang bibig nito. Ngayong nakatitig ako sa kanya, nakita ko ang mapupungay niyang mga mata na kulay tsokolate. Dahil sa medyo chinito rin siya, hirap siyang idilat ang mga ito.
Sa ayos ng buhok niya na nakataas pati na rin ang magara niyang puting long-sleeved na nakatupi sa mga braso niya, nagmumukha siyang prinsepe.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit umiilaw siya ng kulay kahel. Ang sakit pa naman sa mata. Nasanay akong puro dilaw ang mga tao sa paligid ko. At kung meron mang may kakaibang aura na kulay pula ay mangilan-ngilan lang ito.
Bakit ba kasi siya kulay kahel?
"Aww sorry, Fina and Kell. You're out!"
Lumingon ako sa nagsalita at doon ko lang na-realize na nabuwag pala ang titig ko sa lalaki.
"Akala ko ba gagalingan?" Biglang komento ni Kahel sa akin bago siya umalis sa tabi ko.
Ngumuso ako sa kanya kahit na hindi na niya ito nakita dahil nakatalikod na siya. Pero imbes na bumalik siya sa upuan niya ay nagtungo siya sa gilid kung saan nakatayo si Koleen.
Pinagmasdan ko siya habang kinakausap niya si Koleen. Hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong gusto niya si Koleen. O baka naman magka-MU sila kaya ganun nalang ang reaksiyon ng mga tao nung magkasama kami? Pero bakit naman ako tinulak ni Koleen para maging date ko yung lalaki?
Hay, ang gulo.
Babalik na dapat ako sa upuan ko nang biglang nakita kong niyakap ni Koleen si Kahel. Hindi ko maalis ang titig ko sa dalawa. Bagay nga naman sila. Isang prinsesa at isang prinsepe.
Maya't maya pa ay nakita ko ang unti-unting pag-iba ng aura ni Kahel. Pilit na lumalabas ang kulay dilaw sa kanya pero hindi rin ito nagtagal dahil binitawan na siya ni Koleen.
Si Koleen lang pala ang sagot para maging dilaw si Kahel... Hmm...
🍊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro