Chapter 4
Maaga akong lumabas ng bahay para sa unang araw ng pasukan. Hindi ko alam kung natulog ba si Kahel sa mansion at hindi ko na rin inalam.
Kahit na gutom ako kagabi, hindi ako lumabas ng kwarto ko. Buti nalang at may baon akong biscuit kaya iyon nalang ang kinain ko.
Nang makarating ako sa loob ng Fotheringham University, hinanap ko agad ang building namin. Ang lawak pa naman dito.
Nadaanan ko pa ang field habang naglalakad ako galing sa gate. Hindi naman ganito kalaki ang field namin noon sa high school. Eh halos kasing laki na ng buong eskwelahan ko dati itong field dito.
Nasa top four universities sa Pilipinas ang Fotheringham University. Medyo may kamahalan rin ang tuition fee nila rito. Mababa ang acceptance rate nila kaya malaking bagay para sa akin na natanggap ako bilang iskolar.
"Hi!" Napatigil ako sa paglakad nang may lumapit na isang petite na babae. May inabot siyang flyer sa akin at isang heart-shaped na lollipop. "Gusto mo bang mag-join sa Gen L Society?"
Napatitig ako sa lollipop na inabot niya sa akin. May maliit na papel na nakadikit dito. Spread Joy, Make Friends.
"May mga fundraising events kami. And we have a lot of connections to the outside world." Lutang ang kulay pink na blush on sa pisngi nito pati na rin ang kulay dilaw niyang "aura."
"Sige salamat. Pag-isipan ko," sagot ko nalang kahit na wala naman akong balak mag-join sa kahit na anong org sa ngayon.
"Great! I'm Alexis, by the way. And you are?" Napatingin ulit ako sa babaeng nakasuot ng crop top na kakulay ng dilaw na "aura" niya.
"Fina," simpleng sagot ko.
"I love your name! See you around!" Kinawayan ako ni Alexis bago siya nagtungo sa isa pang estudyanteng mukhang nawawala rin kagaya ko.
Agad na akong nagtungo sa building namin na nahanap ko pagkatapos ang halos tatlumpung minuto. Buti nalang at walang propesor na dumating. Sinabihan naman kami ng isang kaklase ko na kailangan raw naming magtungo sa admissions office kaya sinundan ko na rin sila.
Ang dami ko pa namang dinalang ballpen at notebook ngayon. Hindi naman pala magpapakita ang mga propesor namin. Alam ko namang first day palang pero sayang naman yung effort kong mag-backpack.
Nakarating rin ako sa admissions office matapos ang mahabang paglalakad ko mula sa building namin papunta dito. Sinabihan ako ng babae sa may counter na hintayin ko raw ang peer mentor ko dito.
Hindi naman ako nag-sign up dito, pero lahat raw ng freshmen ay may naka-assign na peer mentor. Ang role nila ay ang tulungan ang mga freshmen na mag-adjust sa unang linggo dito sa university. Sana lang ay mabait ang peer mentor ko.
"Hi, are you Josefina Melendrez?" Isang malalim na boses ang nakakuha ng atensiyon ko sa may gilid kaya napatingin agad ako.
"Ah, yes, hello. Tsaka, Fina nalang itawag mo sa akin," sagot ko habang nakatingin sa lalaking nakataas ang buhok na mala-Elvis Prestley.
Mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada kaya mas lalo pa akong nagmukhang dwarf sa tabi niya.
"I'm Tyler Kendrick and I'm going to be your peer mentor." Mukhang may accent ang pananalita niya. Pero hindi naman siya mukhang foreigner. Siguro ganito lang talaga ang mga anak-mayaman na lumaki dito sa siyudad.
"Ah, eh, nice to meet you, Tyler," bati ko sa kanya.
"You too. Have you seen much of the university yet?"
Umiling lang ako. Kanina pa siya nag-i-English. Baka naman pwedeng Tagalog nalang, kuya.
"Saan mo gustong magsimula?"
Nanlaki ang mata ko sa pag-Tagalog niya. "Marunong ka naman palang mag-Tagalog. Pinahirapan mo pa ako."
Napahalakhak siya. "Ay, sorry."
"I-tour mo nalang ako kahit saan," sagot ko.
Sinundan ko nalang siya sa paglabas sa office at naglakad na rin kami sa hallway. Nabanggit ni Tyler na maraming orgs, sororities at fraternities dito. Sa high school, iilan lang naman ang mga clubs tapos hindi pa ako masyadong active dahil kailangan ng pera sa tuwing may mga activities. Kaya hindi nalang ako sumasali kahit na gusto ko.
"Member ka ng anong org?" Tanong ko.
"Alpha Gamma."
Alpha Gamma? Naalala ko bigla yung babaeng nagbigay sa akin kanina ng lollipop. Nilabas ko yung flyer mula sa bulsa ko. "Ito ba yun?"
"Nope, that's Gen L Society. You can join Alpha Gamma. We welcome new members who want to join and we throw events and such," she explained.
"Events? Teka, hindi ba frat ang Alpha Gamma?" Curious ako kung may initiation ba o hazing. Dahil sa pagkakaalam ko, may mga namamatay dahil dito.
Tumango si Tyler. "Yes, it's a frat, but we accept girls as well. Also, there's lots of events like fundraisers and festivals."
"Walang hazing?" tanong ko ulit.
"Yes, but not the violent kind."
"Ah, eh bakit ka nag-join?"
"I just want to have normal and real friends for once," seryoso nitong sagot.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Well, my family's kind of known here for having business and stuff. People sometimes just befriend me because they want money."
Napatigil ako. Marami pa akong gustong tanungin sa kanya pero alam kong maiirita lang siya sa akin kapag nagpatuloy pa ako.
"By the way, may orientation event kami mamaya. Baka gusto mong umattend? I'll give you the details," pag-imbita ni Tyler sa akin sabay abot sa akin ng cellphone niya.
Napatitig ako sa cellphone na inaabot niya sa akin.
"Give me your number," utos nito.
Namalikmata ako. "Number agad? Kakakilala lang natin ah."
"Fina, kailangan ko ng number mo. Besides, I'm your peer mentor. Paano kita mako-contact?"
Napasinghap ako. Sabi ko nga. Kinuha ko na rin ang phone niya at tinipa ang number ko. "Hindi ko sigurado kung makakasama ako sa event niyo," inunahan ko na siya.
Wala naman talaga akong balak pumunta. Ano naman ang gagawin ko doon? Baka maging outcast lang ako.
"That's okay. But, if you do change your mind, come find me." Kinindatan niya ako bago siya umalis.
Unti-unti ko ring nakita ang "aura" niya na kulay pula. Siguro malungkot siya. Pero mukha naman siyang masaya habang kausap ako.
"Hi, nandito ka ba para mag-join sa Gen L Society?"
Napatingin ako sa babaeng nakasuot ng floral dress na lumapit sa akin.
"Uh..." Actually, napadaan lang ako. Nung tinext sa akin ni Tyler na sa building lang na malapit sa amin ang venue ng rush event ngayong hapon, hindi ko naiwasang hindi silipin.
Nandito ako ngayon sa isang mini garden na may fountain sa gitna. Medyo maaraw pa pero maraming estudyante ang nakatambay dito ngayon.
Karamihan ay nakasuot ng pormal. Sigurado akong lahat sila ay nandito para sa freshies rush event ng mga orgs. Samantalang ako ay naka-simpleng tshirt lang at mukhang dadalo sa isang children's party.
"Huwag ka nang mahiya. Welcome ang lahat dito sa Gen L," banggit ulit ng babae sa akin.
Hindi naman ako nahihiya. Na-curious lang talaga ako kaya ako pumunta. Pero dahil nandito na rin ako, silipin ko na rin kung ano ang ganap.
"Sige," sagot ko. "Pero hindi ata ako akma sa tema ninyo."
"Okay lang. Okay nga 'yang tshirt mo eh. Kung ako lang talaga ang magde-decide, ganyan din susuotin ko. So, bakit ka nga nandito?" Tanong ng babae at napatigil ako para mag-isip ng rason.
"Napadaan lang talaga ako. Uuwi na sana ako," pag-amin ko dahil wala na akong maisip na alibi.
"Ah ganun ba. Pero stay ka muna baka mag-iba isip mo. Kung may tanong ka, sabihan mo lang ako." Iniwan na rin niya ako matapos nun.
Tumungo ako sa isang booth kung saan may nakasulat na malaking sign na "Free Cookies." May dalawang pila dito at mukhang mabenta ang strategy nila dahil matapos mabigyan ng free cookies ay nakaka-recruit sila ng bagong members sa org nila.
Nang makarating ako sa unahan, nakita ko ulit yung babaeng nagbigay sa akin ng lollipop kaninang umaga. Mukhang hindi naman niya ako naaalala at inabot lang niya sa akin ang isang maliit na bag na may cookies sa loob.
Tumayo ako sa may malapit sa fountain dahil halos wala na ring maupuan sa parke. Yung iba nga ay umupo nalang rin sa sahig. Kumuha ako ng isang cookie galing sa bag at pagkagat ko nito ay gusto ko na agad iluwa sa kakaibang lasa nito.
Ano ba ang nilagay nila dito sa cookies?
"Hindi ba masarap?" Isang mahinang boses ng babae ang nakatawag ng pansin ko.
Tumingin ako sa babae sa harap ko at muntik ko pang mahulog yung bag ng cookies na hawak ko. Napatitig ako sa kulay asul niyang mga mata at sa kulay rosas niyang pisngi. Napansin ko rin ang mini dress niyang kulay itim kaya mas lalo pa siyang pumuti sa suot niya.
"It's okay. Pwede kang maging honest," sabi pa nito.
"Ah, eh medyo iba lang ang lasa." Pinilit kong ngumiti para itago ang pagkadismaya ko sa kinain ko.
"It's gluten free, sugar-free and vegan," she explained. "Kaya siguro iba ang lasa gaya ng sabi mo."
Napadilat ako ng mata sa narinig ko. Ano raw? "Gluten free? Sugar free? Ano ang ginamit niyo dito? Hindi ba dapat pag cookies eh matamis?" Reklamo ko.
Nakita ko ang paninigas ng mukha niya kaya bigla akong nagsisi sa sinabi ko.
"Ah, sorry. Okay naman siya kaso-"
"Akala ko kasi magugustuhan ng mga students dito dahil mostly ay health-conscious na ngayon," sagot ulit niya habang nakatingin sa baba. Mukhang nasaktan ko siya sa sinabi ko.
"Hala, sorry. Okay naman yung cookies. Huwag mo akong intindihin. Nakikisilip lang ako sa mga orgs. Tsaka, salamat pala sa pa-cookies."
Aalis na dapat ako nang bigla ulit siyang nagsalita. "Wait!"
Nilingon ko siya. "Bakit?"
"I'm Roxie, by the way. You are?"
"Fina," sagot ko sabay kuha ng kamay niya. Ang lambot ng kamay niya. Nahiya naman yung mala-sandpaper kong kamay.
"Hindi ka ba sasali sa society?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam kung babagay ako sa inyo. Tignan mo naman ang suot ko."
"Fina, hindi kami nagdi-discriminate dito. It's the last thing we wanted. Tsaka, na-meet mo na rin ang president namin, di ba?"
Kumunot ang noo ko. "President? Wala pa akong nakikilala dito. Ikaw pa lang."
"Uh, nakita ko kasing kausap ka niya kanina."
Si Roxie pa lang naman ang nakikilala ko dito. At yung babaeng kumausap sa akin kanina pagdating ko. Teka, siya ba yung president ng Gen L Society?
"Siya ba yun?"
Bago pa makasagot si Roxie, may biglang nagsalita gamit ang isang megaphone kaya lahat ng tao ay napatingin sa direksiyon ng boses.
Sa may gitna ng fountain ay nakatayo yung babaeng nakausap ko kanina. Alam ko namang miyembro siya ng Gen L Society dahil sa ayos ng damit at awra niya. Pero hindi ko naman ni-expect na siya pala ang president nila.
"Hello everyone! Salamat sa pagdalo sa rush event namin ngayong hapon. First off, I would like to introduce myself. I'm Koleen Fernandez, the acting president of Generation Lonely or Gen L Society and I'm honored to serve you all."
Pumalakpak ang mga tao sa paligid kaya sinamahan ko na rin sila. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakausap ko siya kanina. Wala naman akong nasabing hindi maganda, hindi ba?
"Para sa unang araw ng rush event, may simple challenge lang kaming ipapagawa. In thirty minutes, dapat ay makabalik kayong lahat dito na may kasamang date para sa dinner party mamaya."
Napaawang ang labi ko. Date? Anong klaseng challenge ito? Tsaka isa pa, org ba itong sasalihan ko o dating show?
Tulala pa rin ako sa kinatatayuan ko nang biglang may nakabangga sa balikat ko. Nagtatakbuhan na ang mga tao para maghanap ng date. Samantalang ako ay nagdadalawang-isip kung tutuloy pa ba ako dito.
"Fina, hindi ka pa ba aalis?"
Nakalimutan kong katabi ko pa pala si Roxie. "Seryoso ba 'to?"
"That's what the president said," sagot naman ni Roxie na mukhang sanay na dito.
"Hindi na ako makakasali sa inyo."
"Hindi ka na sasali?"
"Saan naman ako hahanap ng date? Tsaka wala nga akong kilala dito."
"That's why it's called a challenge, honey," may biglang sumagot mula sa likuran ko at paglingon ko ay isang baabeng nakasuot ng puting beret ang nakatitig sa akin na parang jina-judge ang pagkatao ko dahil sa pagrolyo ng mga mata nito.
"Hindi naman talaga ako pumunta dito para sumali," sagot ko.
Tinaasan ako ng kilay ng babae. "So, ano'ng ginagawa mo dito?"
"Gusto ko lang makita. Aalis na ako. Salamat ulit sa cookies." Na hindi ko naman nagustuhan ang lasa.
"Teka, ikaw ba si Josefina Melendrez?" Biglang nagsalita ang president at naglakad patungo sa direksiyon ko.
"Ako nga," sagot ko habang nagtataka pa rin kung paano niya ako nakilala.
"Nakita ko ang profile mo sa freshies portal. Isa ka sa mga scholars ng senate president, hindi ba? Sa tingin ko ay magiging malaking impluwensiya ka sa society kung sasali ka sa amin. Kailangan namin ng katulad mo na smart, genuine at passionate."
Parang may kung anong mahika ang president nila kaya bigla akong naengganyo na tumuloy sa society nila. The fact na naalala niya ang pangalan ko sa dami ng mga freshmen at scholars ay mas lalo akong napabilib sa kung gaano siya ka-dedicated sa pag-recruit ng members nila.
"Okay! Challenge accepted," sagot ko.
Ngayon, saang lupalop ng Fotheringham University ako maghahanap ng papayag na maging date ko?
🍊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro