Chapter 35
Ilang araw ang lumipas simula noong nagkabalikan kami ni Kahel. Tumatakbo na rin siyang Mayor sa probinsiya namin para sa susunod na eleksiyon. Hindi man niya ito ginusto noong una, napunta pa rin siya sa pulitika gaya ng kanyang ama. Sa kabila ng nasirang reputasyon ng kanilang pamilya, marami pa rin ang sumusuporta sa kanya dahil na rin sa angking natural na karisma at mabuting puso na nangingibabaw.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Thia at naisipan naming sa mansion nalang gawin ang celebration.
Pagkarating namin sa mansion, binati kami ng madilim na kapaligiran. Alam ko namang walang tao dito ngayon. Tsaka, sinabi ko na rin naman kay Kahel na hindi ko tatanggapin ang binigay ni Lolo Antonio sa akin.
Maya't maya pa ay nakita ko na ang naka-set up sa may garden. May mga bisita na ring naghihintay sa amin kasama ang mga malalapit naming kaibigan.
"Happy birthday to you..." kinantahan namin si Thia at masaya niyang hinipan ang kandila ng kanyang four-layered cake na binili ni Kahel.
"Happy birthday, baby," hinalikan namin ni Kahel sa magkabilang pisngi ang aming anak.
"Thank you, mommy and daddy. I love you!" sabi pa ng bata.
"Are you happy, my baby girl?" tanong ni Kahel habang karga si Thia.
"Yes, daddy! Super!" Niyakap ni Thia ang kanyang daddy at nakita ko ang malaking ngiti sa lalaki.
"Promise hindi na aalis si daddy sa tabi niyo ni mommy," sambit pa ni Kahel.
"Promise, daddy?"
Tumango ang lalaki. "I promise!"
Simpleng salu-salo lang talaga ang gusto ko, pero itong lalaking katabi ko ngayon ay hindi mapigilan sa gusto niya.
"Meow!"
Napatingin ako sa huni ng pusa na naglalakad palapit sa aking direksiyon. "Fifi!" yumuko ako para buhatin ang pusa namin.
"Mukhang gutom na si Fifi..." sabi ni Kahel habang hinahaplos ang pusa namin.
"Pakainin ko lang saglit," ani ko.
"Ako muna," hinila ako ni Kahel sabay halik sa aking labi.
May isang tumikhim mula sa grupo na nakatingin sa amin. "Pwede na bang kumain? Ituloy niyo nalang 'yan sa kwarto."
Napalingon kami sa may-ari ng boses at ito'y walang iba kung hindi si Logan. Nakangisi ang lalaki habang may kargang bata. "Gutom na ang alaga ko."
"Come here, baby Thia!" alok ni Dok Jale at binuhat ang anak namin mula sa bisig ni Kahel.
"Sige na. Punta na kayo!" sabi pa ni Koleen sa amin.
"Let's go!" Hinila ako ni Kahel patungo sa garden sa likod ng mansion at doon pala may naka-setup na catering service. May mga light bulbs rin na nakabitin sa mga poste na ginawa nila kaya nagmukhang fiesta ang birthday ni Thia.
"San tayo pupunta? Tsaka, di ba sabi ko ayaw ko ng enggrandeng celebration para kay Thia?" usal ko sa lalaking katabi ko.
Nakangiti naman ito sa akin na mukhang natutuwa sa ginawa niyang surprise. "Sorry na. Pagbigyan mo na ako."
Umiling lang ako sa kanya nang hilain niya ulit ako. "San na naman tayo pupunta? Hindi pa tayo kumakain."
"Just follow me," tugon niya habang naglalakad kami patungo sa malapit sa gazebo kung saan may nakatayong pabilog na parang tent. Mas malaki nga lang ang size nito sa isang regular tent.
Napakurap ang aking mga mata nang makarating kami sa loob nito. May mga nakahilerang orange na prutas sa gilid at may mga nakabitin rin sa taas. Napuno ang loob ng greenhouse ng orange kagaya ng pangarap ng lolo at lola ni Kahel.
"Ang galing. Tumubo nga ang orange dito," lumapit ako sa isang puno at hinawakan ang prutas na sobrang tingkad ng kulay kahel nito.
"All thanks to you," saad ng lalaki habang ginagapos ang aking maliit na katawan gamit ang kanyang mga braso. Nasa likuran ko ang lalaki kaya naramdaman ko ang pagsandal niya ng kanyang mukha sa tuktok ng aking ulo.
"Natupad na rin ang orange tree na gustong gawin ng lola mo."
Tumango ang lalaki. "Yes and I like to call it The Orange Project, but it's not just for Lola and Lolo... it's also for you, Fina."
"Para sa akin?" nalilitong tanong ko.
Nakangiti pa rin si Kahel na ngayon ay nakahawak na sa prutas na tumubo sa harap namin. "Para kahit wala ka ng synesthesia, kahel pa rin ang lagi mong makikita at maaalala. It's a reminder of how I made, and will continue to make your life orange."
Pabiro akong umiling sa kanya. "Kahel ka pa rin para sa akin kahit na wala na akong nakikitang kulay."
"I still can't believe dad tried to kill you and your family just to get the inheritance from Lolo A," naging seryoso ulit ang tono ng lalaki.
Ako rin naman ay hindi makapaniwala sa ginawa ng senador. Muntik pang mamatay ang anak niya dahil sa kanyang kasakiman.
"I'm really sorry for everything," mabagal na sambit ni Kahel habang nakatingin na ito sa lupa.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin ulit siya sa akin. "Kahel, wala kang kasalanan. Tsaka isa pa, ang mahalaga ay nandito ka at buhay na buhay. Dahil kung hindi, baka hindi ko talaga kayanin at sundan kita hanggang kamatayan."
Pinaningkitan ako ng lalaki. "Even if you love me that much, huwag na huwag mong gagawin 'yon, Fina."
Bumuga ako ng hangin at tumango. "Hindi mo alam kung gaano ako ka-depress nung mga panahong nasa ospital ka. Lalo na nung dinala ka nila sa States para gumaling. Wala man lang akong magawa kung hindi ang maghintay at magdasal."
Marahan niyang hinaplos ang aking ulo sabay sabi, "I know, that's why I'm sorry. I'm sorry that you had to go through that because of me."
Binigyan ko siya ng ngiti. "Okay na, tapos na. Masaya na ako dahil nandito ka."
"Can we go to my room now then?"
Wala na akong nagawa pa kung hindi ang sundan ulit ang lalaki hanggang sa makarating kami sa labas ng kwarto niya sa taas ng mansion.
"Ready?" tanong pa niya habang nakatakip ang kamay niya sa aking mga mata.
"Kahel, wala ako sa mood makipag-sex ha," diretsong sagot ko habang hinihila ako ng isang kamay niya papasok sa loob ng kwarto.
Tumawa naman ang lalaki at tinanggal na rin ang pagtakip sa mata ko. "Surprise!"
Kumurap ako sa nakita ko sa aking harapan. Napuno ng kulay kahel ang pader ng kwarto niya at sa gitna ay kita ang sumisilip na haring araw sa taas ng karagatan. "Bukang-liwayway?"
Tumango si Kahel habang nakatingin sa akin. "Just like what we saw before."
Napangiti na rin ako at binaling ulit ang aking tingin sa wallpaper. "Ikaw ba ang gumawa niyan?"
"Siyempre..." tumigil siya sa pagsasalita. "Nagpatulong ako kay Enrico."
"Sabi ko nga," tinapik ko nang marahan ang likod niya.
"Pero ito talaga ang ginawa ko." Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat para tumingin ako sa aming likuran.
Napaawang ang aking labi nang makita kong may naka-pintang mga letra pala sa kabilang side ng pader.
"Let me be your orange for the rest of our lives together, Fina." Nagsalita ang lalaki sa aking likuran habang binabasa ko nang paulit-ulit ang mga salita sa pader na nakasulat rin sa kahel na pintura.
Please let me be your orange forever.
"Will you marry me, Josefina Melendrez?"
Unti-unti akong tumalikod para tignan ang lalaki na yumuyuko na habang nakapatong ang kanyang isang tuhod sa sahig. Nakataas na rin ang mga kamay niyang may hawak na isang orange na prutas at may singsing na nakaipit sa tuktok nito.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at niyakap ko ang lalaki kaya napahiga kaming dalawa sa sahig. "Is that a yes?"
Imbes na magsalita ako ay hinalikan ko ang lalaki na siyang kinagulat naman niya. "Yes na yes!"
"Akala ko ba wala ka sa mood makipag-se-"
Tinikom ko ulit ang bibig niya gamit ang aking labi at sinabayan na rin ako ng lalaki habang naglalakbay ang mga kamay niya patungo sa butones ng aking pantalon. Ako pala ang nakapatong ngayon sa kanya pero hindi ko alintana ang sakit sa aking tuhod nang maramdaman ko ang kamay ni Kahel na lumusot sa ilalim ng aking underwear.
"Aahh..." Napahiyaw ako nang simulang ipasok ng lalaki ang kanyang daliri sa loob ng aking pagkababae.
"You're so wet now, Fifi," mahinang sambit ng lalaki habang labas pasok ang daliri niya sa loob ko. "But, you're gonna have to wait a bit..."
Naudlot ang kasiyahan ko nang alisin ni Kahel ang pagkakahawak niya sa aking baba. Biglang sumakit ang ulo ko lalo pa nung inayos na niya ang upo naming dalawa sa sahig.
"Kahel, ano ba?" Iritang tanong ko sa lalaki na may kinukuha sa kanyang bulsa. "Mamaya na 'yang singsing."
Napatawa naman si Kahel nang makita kong cellphone pala ang kanyang kinuha. "I have to show you something."
Bumuga ako ng hangin at tinignan ang screen ng cellphone niya. Mukha ni Lolo Antonio ang una kong nakita at nang i-play ni Kahel ang video ay unti-unti kong naalala ang mga nakita ko noong araw ng aksidente namin ni tatay.
"Hello, Fina. Kung pinapanood mo ito ngayon, marahil ay pumanaw na ako.
But yes, this is my testimony... kung hindi dahil sa iyong tatay ay malamang wala na ako noon pa.
Few years ago, bumisita kami ng asawa ko sa isang probinsiya para sa election campaign ni Jorge. And while I was driving, the car suddenly malfunctioned and unfortunately, nabangga namin ang tricycle kung saan kayo nakasakay ng iyong tatay.
It's still fresh in my mind how he tried to help me and my beloved wife. Kaya naman malaki ang utang na loob ko sa iyong tatay, Fina.
Ginawa ko ang aking makakaya para matulungan kayo at ginawa ko ito nang hindi nalalaman ni Jorge. Pero ngayon na mukhang may alam na siya, alam kong gagawin rin niya ang lahat para hindi ko maibigay sa inyong pamilya ang bahay na ito na siyang pinangako ko sa iyong tatay.
Fina, sana ay mapatawad mo ako dahil araw-araw akong kinakain ng aking konsensiya sa tuwing nakikita kita dito sa bahay.
Ang hiling ko ay sana tanggapin mo ang aking munting regalo. Hayaan mo at pagsasabihan ko rin ang aking apo na huwag nang maging masungit sa'yo."
Nakatingin lang ako sa mukha ni Lolo Antonio mula sa maliit na screen ng cellphone ni Kahel kahit na natapos na ang video. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.
Masaya ako dahil nalaman ko na ang katotohanan. Malungkot dahil kinailangan pang mawala ni Lolo Antonio para lang mabunyag ito.
"Fina..." mahinang sambit ni Kahel sa aking tabi habang hinahaplos ang aking pisngi na may tagaktak na rin ng luha.
"Hindi ko matatanggap ang regalo ng lolo mo sa akin, Kahel," umiiling kong sabi.
Tumango naman ang lalaki. "Alam ko, pero kapag ikinasal na tayo, dito tayo sa mansion titira, so you can't say no."
Napatigil tuloy ako sa pagluha. "Kaya mo ba ako pakakasalan dahil dun?"
Bumuntong-hininga ang lalaki sabay lapat ng noo niya sa akin. "A year ago, you came into my life. A mere stranger. And I was the same old Mark Ellis Atkinson, who couldn't even stand up for himself, especially not infront of my dad. But, you were there, Fina... you gave me strength when Lolo A passed away. You inspired me to do things I've never done before. You saved me from my fear and loneliness."
Nakatitig lang ako sa mga mata ni Kahel at naalala kong muli ang unang pagkakataong nakita ko siya. Noon pa lang ay malakas na ang hatak niya sa akin. Pero hindi ko inakalang mahuhulog rin ang lalaking ito sa isang Josefina Melendrez.
"I love you so much that I'm willing to die once again for you to be saved. What else do you want me to do for you to say yes?"
"Kahel..." I paused, collecting my thoughts. "Mark Ellis Atkinson, I love you so much and yes, you can be my orange forever."
In that moment, I fully gave myself to the guy who paints my life orange...
🍊
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro