Chapter 33
"Blurgh. Blurgh."
"Fina, okay ka lang diyan? Sagutin mo naman ako!" Rinig ko ang boses ni Charlie mula sa labas ng pintuan ng cr. Kasama ko na siya ngayon dito sa isang apartment malapit sa university namin.
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong nangyaring sunog. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari kay Kahel. Ang huli kong balita ay dinala siya ng mga magulang niya sa States para magpagaling. Wala akong magawa. Hindi ko man lang siya malapitan dahil sa restraining order na pinataw nila sa akin.
Inayos ko ang aking sarili bago ako lumabas ng cr. Nakita ko si Charlie na may pag-alala sa kanyang mukha. "Fina..."
"Okay lang ako, Charlie," mahinang sambit ko.
"Pero, ilang linggo ka nang ganyan. Hindi kaya-" napatigil siya habang nakatingin sa tiyan ko.
Umiling ako. "Imposible, Charlie. Matagal na kaming hindi nagkita ni Kell."
"Pero, may tiyansa pa ring buntis ka," saad ni Charlie. "Gusto mo bang samahan kita sa clinic?"
"Hindi. Hindi ako buntis," usal ko kahit na sa loob-loob ko ay may kaunting kaba akong nararamdaman. Posible kaya?
"Dinatnan ka na ba ngayong buwan? Di ba, hindi pa?" patuloy na tanong ni Charlie sa akin.
"Charlie..." hinawakan ko ang kamay niya habang pinipigilan ang sarili kong huwag maiyak. "Paano kung buntis ako?"
Bumuga siya ng hangin sabay yakap sa akin. "Nandito lang ako, Fina. Hindi kita iiwan. Magiging okay ang lahat."
Tumango nalang ako at sabay kaming pumasok sa klase ng araw na iyon. Nasa second year na kami ng kolehiyo at parehas na nagtatrabaho pa rin sa isang restaurant ng hotel. Hindi ko ipagkakaila na hindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga huling linggo. Pero, akala ko ay dahil lang ito sa mga nangyari sa akin matapos ang sunog sa bahay.
Buong araw kong iniisip ang kalagayan ko. Sana naman ay hindi ako buntis. Kahit na gusto kong magka-anak, hindi pa ako handa ngayon... lalo na at wala si Kahel sa tabi ko.
"Ano, Fina? Ready ka na?" tanong ni Charlie sa akin bago kami pumasok sa OB-GYNE clinic sa FU Hospital.
Tumango nalang ako at sabay kaming pumasok sa loob ng consultation room ng doctor. Matapos akong kunan ng ihi at dugo para gawin ang pregnancy test, hindi maalis ang kaba sa dibdib ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na rin ang resulta ng pregnancy test na ginawa gamit ang ihi ko.
"Positive ang result, hija," ani ng doctor. "Pero, malalaman pa natin ang confirmatory test bukas pag lumabas na ang blood test result mo."
Napakurap ako. "S-So, hindi pa po sigurado na buntis ako?"
Huminga nang malalim ang doctor. "Hindi pa 100%, pero mataas na ang chance na buntis ka."
Natahimik nalang ako hanggang sa makalabas kami ng clinic. Panay ang pagpapakalma sa akin ni Charlie, pero hindi maalis sa isip ko na buntis na nga ako. Hindi ako makapaniwalang nakabuo kami matapos lang ang isang beses na pagtatalik. Mahal ko naman si Kahel kaya wala akong pinagsisisihan sa parteng iyon, pero hindi pa talaga ako handa ngayon.
"Fina... may gusto ka bang kainin? Libre ko," pag-aya ni Charlie sa akin.
"Hindi ako gutom," walang ganang sagot ko.
"Pero, kailangan mong kumain para hindi magutom ang baby mo."
"Hindi nga ako gutom, Charlie."
"Gusto mo ba ng palabok? Di ba paborito mo-"
"Charlie! Tama na!" pasigaw kong sagot. "Pwede bang iwan mo na muna ako?"
"Pero, Fina, kailangan mo ng kasama ngayon."
"Si Kahel ang kailangan ko! Pero wala siya dito! Sino ang mag-aalaga sa amin ng anak ko? Hindi ko kayang buhayin ito ng mag-isa," umiiyak kong sambit habang nasa labas na kami ng ospital. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao, pero wala na akong pakialam ngayon.
"Fina..." hinawakan ulit ni Charlie ang kamay ko. "Ano ang gusto mong gawin? Ipa-abort ang bata?"
Natigilan ako sa aking narinig. Siguro nga mas mabuti pang ipa-abort ko nalang ito.
"Fina, sa tingin mo ba gugustuhin ni Kell na gawin mo 'yon? May karapatan din siya sa magiging anak ninyo."
"Pero wala siya dito ngayon! At hindi ko rin alam kung babalik pa siya!"
"Fina, hindi mo kailangang parusahan ang magiging anak ninyo. Wala siyang kasalanan."
"Alam ko, Charlie! Pero, hindi ko kakayanin! Hindi rin ako pwedeng ma-expel dito sa university. Ako nalang ang inaasahan nina nanay."
"Tahan na, Fina," niyakap akong muli ni Charlie habang tinatapik ang likuran ko. "Huwag ka munang magpadalus-dalos sa desisyon mo."
"Charlie? Fina?" Isang boses ng lalaki ang biglang dumating kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.
"Dok Jale, ikaw pala," bati ni Charlie sa lalaking nakasuot ng maroon na scrubs.
"Everything okay here?" Nakatingin na siya ngayon sa akin at hindi ko naman maitago ang mukha ko. "Fina, is this about Ellis?"
Pinilit kong ngumiti. "Wala ito, dok."
"Fina, I know it's hard. I tried my best to convince mom and dad to let him do the treatment here. But, it's out of my hands. They still sent him abroad," pag-explain ni dok.
Tumango ako. "Alam ko, dok. Salamat pa rin sa lahat."
"Are you still not going to stay in the mansion? It's yours now," sabi nito.
Umiling ako. "Hindi ko pa rin matatanggap ang binigay ng lolo niyo sa akin."
"Teka, sa'yo na ang mansion?" Hindi makapaniwalang tanong ni Charlie.
"Lolo A gave her the mansion in his last will," sagot ni dok.
"Oh, Fina, hindi mo naman na pala problema ang pera. Si Kell nalang ang kailangan-"
"Why? What's the matter?"
Napatigil si Charlie sa sasabihin nang inirapan ko siya.
"Fina, you can tell me anything. As an older brother, or friend, or doctor... I will listen and keep it confidential," pag-assure ng lalaki sa akin.
Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi. "Buntis po ako."
Ilang segundo ang lumipas na wala siyang imik. "And I assume Kell doesn't know?"
"Ngayon ko lang nalaman..."
"So, what's the problem then?"
"Hindi ko alam kung gusto ko itong baby o hindi..."
"Because you're still in college," pagpapatuloy ng lalaki na parang nabasa ang isip ko.
Tumango ako. "At dahil hindi ko alam kung paano ko ito bubuhayin na wala si Kell sa tabi ko."
Tumango na rin ang doktor. "Your concerns are very valid. But, if it'll make you feel better, I can look after you and your child. Konstant and I will be willing to help you out."
"Pero, nakakahiya na sa inyo. Masyado na kayong maraming tulong sa akin."
"Fina, I'm sure Kell will be happier if you keep your baby. But, whatever your decision is, I'll respect it."
Dahil sa mga sinabi ni Dok Jale, nabigyan ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang pagbubuntis ko. Kahit na labag sa kalooban ko, tumigil ako ng pag-aaral ng isang taon para lang dalhin ang sinapupunan ko.
Hindi nagkulang sa pag-aalaga sa akin ang mga kaibigan ni Kell, kasama na rin si Charlie. Pinautangan pa nila ako para makabili kami ng maliit na bahay sa probinsiya.
Hanggang sa dumating ang araw ng pagluwal ko sa aking anak...
"Ano pong name ng baby niyo?" tanong ng nurse sa akin nang ipatong niya ang munting anghel sa aking dibdib.
"Primrose..." mahinang sambit ko habang ramdam ko ang paghinga ng aking anghel. "Primrose Jacynthia..."
🍊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro