Chapter 31
TW: mature scenes. please always read with care.
"Kahel," bulong ko sa lalaking kanina pa humihilik nang mahina. Hindi ko alam kung paano siya nakatulog sa banig buong magdamag pero mukha namang naka-adjust na siya agad sa buhay namin dito.
Nilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang beywang at sinubukan siyang kilitiin. Hindi siya gumalaw. Sinubukan ko rin sa kili-kili niya pero wala pa rin. Nang makarating ako sa paa niya, doon lang siya gumalaw at muntik pa akong matadyakan.
"Bakit? Aalis na ba tayo?" Medyo husky pa ang boses niya habang pilit na binubukas ang mga mata nito.
"Oo, aalis na tayo kaya tumayo ka na diyan." Hinila ko ang kamay niya hanggang sa tumayo na rin siya.
Nang maayos namin ang pinagtulugan niya, napatingin siya sa bintana at nakita ang medyo madilim pa na kapaligiran kaya nilingon ulit niya ako na nakakunot ang noo. "Anong oras na?"
Tinignan ko ang cellphone na hawak ko. "Alas singko y medya."
Napatingin siya sa paligid na parang may hinahanap. "Ganito ba kaaga naglalako si nanay?"
Umiling ako sabay ngiti sa kanya. "May pupuntahan tayo."
Napatigil siya saglit. Nang maproseso niya ang sinabi ko, nilapitan niya ako at kinuha ang aking kamay. "Take me wherever you want. I'm all yours."
Umiling ako sa kanya. "Ang baduy mo talaga. Tara na nga!"
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya habang naglalakad na kami palabas ng bahay. Nakabukas pa ang mga ilaw sa poste sa labas kaya ito ang nagsilbing ilaw namin. Dumaan kami sa gilid ng bahay na kaharap namin hanggang sa marating namin ang isang kahoy na hagdan pataas kung saan patungo sa pupuntahan namin.
Puro buhangin na ang paa ako pati na rin ang lalaking kasama ko pero wala naman siyang reklamo. Naalala ko pa nung bata ako na lagi akong naglalaro dito malapit sa kapitbahay namin. May maliit na parang bundok kasi dito at sa tuktok ay kita ang kabuuan ng dagat sa di kalayuan.
Nang makarating kami sa tuktok, may maliit na parang kubo kung saan pwedeng umupo kaya nagtungo kami sa loob para magpahinga.
"Wow. Ang ganda talaga dito," manghang sambit ng lalaki sa tabi ko habang nakatayo at nakatingin sa malayo.
Napatingin na rin ako at nakita ang kahabaan ng dagat na matagal ko nang hindi nakita. Rinig pa mula rito ang paghawi ng hangin sa mga mumunting alon.
"Ngayon alam ko na kung bakit gustong-gusto mong umuwi dito sa inyo," sabi pa ni Kahel na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at nang makita ko ang maliit na liwanag sa di kalayuan ay tumayo ako sa kinauupuan ko. "Ayun! Kahel, tignan mo!"
Agad na nilingon ng lalaki ang tinuturo ko sa kanya.
Pinalilibutan ng kulay kahel ang maliit na araw na unti-unting sumisilip sa pagitan ng karagatan at kalangitan. Pinanood namin ito hanggang sa tuluyan itong nakaakyat sa taas. Lumitaw na rin ang kulay asul sa langit pati na rin ang mga ulap na nakatago kanina.
Habang nakatingin pa rin ako sa malayo, naramdaman ko ang mga kamay na bumalot sa beywang ko hanggang sa may pumatong sa tuktok ng aking ulo.
"Thank you for being my sunrise..." sambit ng lalaki sa likuran ko. "And my sunset."
Napangiti ako. "Salamat rin sa pagiging Kahel ko."
Binitawan ako saglit ng lalaki at inikot pa ako para magtama ang tingin namin. "Nakikita mo na ulit ako?"
Pinanliitan ko siya ng mata. "Anong klaseng tanong yan?"
"No, what I mean is..." Napatigil siya saglit para kolektahin ang nasa isip niya. "Sabi mo noon hindi mo na nakikita ang kulay ko simula nang mawala si Lolo A."
Tumango ako. "Oo, nung nakaraan, nung nasa palengke tayo, nakita ko na ulit ang kulay mo."
"It's a good thing then. Natakot ako na baka hindi mo na ulit ako makita," sabi pa ng lalaki habang binabalik ang pagyakap sa akin.
"Ikaw lang ang nakikita ko kahit nakapikit pa ako," birong sagot ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kahel sabay halik sa tuktok ng ulo ko. "That's good then, dahil ikaw lang rin ang nakikita ko."
Habang nakatingin kami ngayon sa sumisilip na araw, hiniling ko na sana ay araw-araw nalang kaming ganito... na sana ay magkaroon kami ng happy ending.
#
Dumating ang araw ng birthday ni nanay. Kaunti lang naman dapat talaga ang handa namin kaya lang kasama namin si Kahel kaya nagpadagdag si nanay ng isa pang putahe.
"Nay, kahit palabok lang masaya na ako," sambit ko habang palabas kami ng simbahan.
Nagsimba muna kami na siyang tradisyon ng aming pamilya kahit pa noong nabubuhay pa si tatay.
"Oo nga po. Hindi niyo naman kailangang maghanda ng sobra dahil sa akin," sagot naman ni Kahel na nakabuntot sa aking likuran.
"Ano ba kayo, mga anak? Ngayon lang tayo magkakasama kaya lubusin na natin," nakangiting wika ni nanay habang karga niya ang aking bunsong kapatid.
"Nay? Pwede ba tayong kumain ng fish ball?" Hirit pa ni Dax nang may makita itong nagbebenta sa labas ng simbahan.
"Hoy Dax, kaya namang magluto ni nanay ng ganyan. Sayang ang pera," kontra ko sa aking kapatid.
"Tara, Dax. Bilhan kita," pangungunsinti pa ng lalaki sa likod ko habang hinihila na ang kamay ng kapatid ko.
Nakataas ang kilay kong pinanood ang dalawang lalaking naglalakad na patungo sa tindera ng fish ball. "Nay, kita mo yun?"
Napatawa naman si nanay. "Hayaan mo na, anak. Mukhang magkasundo na ang kapatid mo at si Sir Ellis."
"Eh paano ba naman kasi lagi niyang binibilhan ng gusto niya," usal kong nakahalukipkip na.
Pagbalik ng dalawang mag-kuya, may dala na silang tig-isang cup ng fish ball at kwek-kwek. Sinubuan rin ni Kahel ang nanay ko ng kwek-kwek. Takam na takam siya na akala mo naman hindi siya kumain kanina bago kami pumunta dito.
"Masarap talaga ang libre eh 'no, Dax? Nagpasalamat ka ba diyan?" Tinapik ko ang likod ng kapatid kong lalaki na busy pa rin sa pagnguya.
Nilapit ni Kahel ang hawak niyang kakanin sa akin kaya nabaling ang atensiyon ko sa kanya. "Masarap. Tikman mo."
Umiling ako habang nakatingin kay nanay. "Busog pa ako."
"Please?" Malambing na pagkumbinsi ng lalaki sa akin. Nawalan na talaga siya ng hiya kahit pa kaharap namin si nanay.
Pinagbigyan ko na rin ito at kumagat ako ng kaunti sa nakagatan na niyang kwek-kwek.
"Gusto niyo po ulit, nay?" tanong ni Kahel sa aking nanay na nakatingin sa amin.
"Okay na ako, iho. Salamat," saad naman ni nanay.
Pagkarating namin sa bahay, sinimulan na namin ang simpleng salu-salo. Pero dahil kasama raw namin si Kahel ngayon, nadagdagan ang palabok na handa namin ng fried chicken, fruit salad at lumpiang shanghai.
"Happy birthday po," bati ni Kahel kay nanay habang inaabot ang isang paper bag na kanyang regalo.
"Naku, iho, hindi ka na sana nag-abala pa," sabi naman ni nanay na nahihiyang kunin ang regalo ng lalaki.
Nakangiti lang si Kahel habang pinapanood si nanay na buksan ang regalo. Isang kulay brown na wallet ang nakuha ni nanay.
"Aba'y kailangan ko ng wallet ngayon dahil sa rami ng aking nabebenta sa palengke," masiglang wika ni nanay. "Salamat, iho."
"Masaya po ako at nagustuhan niyo. Hindi ko kasi alam ang gusto niyo," napakamot pa si Kahel sa kanyang batok habang napatingin sa akin.
Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti sabay abot sa kanya ng isang canister. "May regalo rin ako sa'yo kasi monthsary rin natin bukas."
"What's this?" Bahagyang napaawang ang labi ni Kahel. Agad niyang binuksan ang binigay ko sa kanyang canister kung saan ko nilagay ang aking regalo.
Napakunot ng noo si Kahel habang kinukuha sa loob ang isang nakarolyong papel. Nang buksan niya ito, nakita ko ang pag-angat ng isang gilid ng kanyang labi.
"Hindi pa yan perpekto kaya ipaayos mo nalang sa architect ng greenhouse," saad ko.
"Fina..." Tinignan na rin ako ni Kahel at parang hindi maipaliwanag ng kanyang mukha ang kanyang saya. "Thank you so much. Sigurado akong magugustuhan ito ni Lolo A."
Ngumiti ulit ako habang iniisip ang yumaong lolo niya. "Sana nga."
Ilang oras pa ang lumipas matapos naming kumain at hindi pa rin kami natutulog ni Kahel. Kanina pa mahimbing ang tulog nina nanay sa kwarto. Samantalang ang lalaking katabi ko ay mulat na mulat pa ang mga mata habang pinaglalaruan ang aking kamay.
"Nasan na ang regalo mo sa akin?" paalala ko sa kanya dahil kanina ko pa ito hinihintay.
Inangat niya ang kanyang ulo mula sa hinihigaan niyang hita ko at dinampi ang kanyang labi sa akin. "Happy monthsary," sabi pa niya matapos niyang magnakaw ng halik.
"Yun na yun?" Reklamo ko na hindi man lang natuwa sa ginawa niya.
Napatawa siya nang mahina sabay kuha ng kung ano sa kanyang bulsa. Kinuha niya ang aking kamay at inabot ang isang itim na card sa akin.
Pinanliitan ko siya ng mata habang nakatingin sa binigay niya. "Credit card? Ito ang regalo mo sa akin? Ano ako, sugar baby?"
Mas lalo pang napatawa si Kahel habang umuupo na sa aking tabi. "Yes, you're my sugar and you're my baby."
Umiling ako sa kanya at binalik ang card sa kanyang kamay. "Salamat nalang pero hindi ko 'yan tatanggapin."
Bumuga ng hangin ang lalaki sabay lapit ng kanyang mukha sa akin. "Fina, I'm giving you the key to my heart," pabulong pa niyang sabi.
Napatigil ako saglit para intindihin ang mga salita niya. "Key to your heart? Yang card?"
"It's the key to our penthouse," saad nito na may nanunuksong ngiti.
Sumimangot ako sa kanya. "Gusto mo lang naman akong maglinis ng penthouse niyo eh."
"I want you to move in with me..." pagkasabi nito ay hinalikan niya ang aking pisngi, pati na rin ang tungki ng aking ilong hanggang sa makarating siya sa aking labi.
"K-Kahel, baka makita tayo ni nanay," pinilit kong itulak ang lalaki pero patuloy lang siya sa paghalik ng aking leeg.
"Which is why I want you to move in," sambit ulit niya.
"Kahel, hindi pa ako tapos ng kolehiyo..." Napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang paghawak ng lalaki sa aking dibdib. "Mmm... K-Kahel..."
"I can wait..." pasinghal na sagot ng lalaki sabay kagat ng aking labi kaya napangiwi ako.
"Aahh," nalasahan ko ang dugo mula sa aking labi pero nawawala na ako sa aking tamang pag-iisip dahil sa paglakbay ng kamay ni Kahel sa aking dibdib pababa sa aking beywang.
"Actually, I don't think I can wait anymore..." saglit na napatigil si Kahel sa paghalik sa akin habang hinahabol ko rin ang aking hininga.
Parang hindi ko na rin yata kayang maghintay. Sasabog na ako.
"Can we do it?" Pabulong na tanong ni Kahel sa akin.
"Kahel, hindi pwede dito," sabi ko sa lalaki sabay tingin sa aming paligid. Isa lang ang kwarto dito sa bahay at hindi namin pwedeng gawin ang gusto niya.
Tumayo ang lalaki saka niya ako hinila patungo sa cr namin.
"Kahel, anong-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako sa labi. Mabilis rin nakarating ang isang kamay niya sa ilalim ng aking tshirt sabay masahe sa aking dibdib.
Napaungol ako nang maramdaman kong bumaba ang kamay niya patungo sa aking underwear. Nahanap agad ng kanyang mga daliri ang aking hiyas saka niya ito hinaplos nang marahan.
Nang tanggalin niya ang kanyang kamay sa pagitan ng aking hita, wala na akong ibang guston gawin kung hindi ang maramdaman ang pagkalalaki niya sa loob ko.
Mas diniinan ng lalaki ang paghalik sa akin habang ramdam ko na ang bumubukol sa kanyang ibaba. Mukhang hindi na rin siya makapaghintay sa akin.
"Fifi, I'm just going to... rub it gently..." Nahihirapang sambit ni Kahel habang kinikiskis niya nang marahan ang kanyang katawan sa akin kaya ramdam ko ang pagtama ng kanyang pagkalalaki sa ibabaw ng aking underwear.
Napapikit nalang ako kahit na gustung-gusto ko na rin siyang maramdaman nang buo.
"I can't..." sabi pa ulit ni Kahel.
Alam kong nahihirapan na talaga siya dahil ako rin naman ay ganoon ang nararamdaman. Binaba ko ang suot kong underwear saka ko siya tinignan sa mata.
"Fifi..." naguguluhang usal ng lalaki.
"Hindi ko na rin kaya, Kahel," pag-amin ko sa lalaki.
Bumuga siya ng hangin saka niya binaba ang suot niyang shorts at boxers. Bumungad sa akin ang nakatayong alaga niya at walang pasubaling pinasok ang loob ko. Tinaas pa niya ang isang paa ko para mas makapasok siya nang maayos.
Kinagat ko ang aking labi habang ramdam ko ang sakit na dulot nito. Tinakpan rin ni Kahel ang aking bibig nang may kumawalang ungol mula sa akin.
Medyo matagal rin namin itong hindi ginawa kaya parang naninibago ulit ako sa laki niya. Pakiramdam ko ay may mapupunit na sa loob ko, pero ayaw ko rin naman siyang pigilan.
"Sunog!"
"What's that?" Napahinto ang lalaki kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit? Ano yun?" Nalilitong tanong ko sa lalaki.
"I heard something..." Inayos ni Kahel ang kanyang pagkakatayo at unti-unting tinanggal ang kanyang pagkalalaking nakabaon sa akin. Sinuot niyang muli ang kanyang pang-ibabang saplot. "Stay here."
"Kahel, teka lang." Inayos ko ang aking sarili at bago pa ako makalabas ng cr ay dumating na ulit si Kahel at hinila nang marahas ang aking kamay.
"Fina, run!" utos ng lalaki sabay takbo patungo sa kusina at sa kwarto nina nanay.
Nakatayo lang ako sa sala nang mapagtanto kong may nagliliyab sa aking gilid hanggang sa unti-unti na ring lumakas ang alab ng apoy.
Mainit. At sa sobrang init ay ramdam ko na ang malamig na pawis na namumuo sa aking mukha.
Lumunok ako ng paulit-ulit para kalmahin ang aking sarili. Ngunit, nagdilim na ang aking pag-iisip. Napuno ng usok ang aking lalamunan hanggang sa bumara na rin ito sa aking dibdib.
Hindi ako makagalaw. Parang akong nalulunod sa init at usok.
Pilit na bumabalik sa aking isipan ang mukha ni tatay habang sinisigaw ko ang kanyang pangalan.
"Fina!"
Boses ni Kahel ang aking narinig bago ako tuluyang maputulan ng hininga. Hindi ko lubos maisip na ito na rin pala ang huling beses kong maririnig ang tinig ng lalaki.
🍊
A/N: My FinKell heart 💔🥺
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro