Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

"Fina, kung kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako, ha?" paalala ni Koleen sa akin habang inaayos ko na ang mga bag ko pauwi sa probinsiya para sa summer break namin.

Tumango ako sa kanya habang nilalagay ang backpack sa likuran ko. "Salamat sa lahat, Koleen."

Ilang linggo rin akong pinatira nina Koleen dito sa kanilang apartment kaya laking pasasalamat ko lalo na sa kanya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ulit ako dito pero masaya akong nakilala ko sila.

Lumapit si Koleen sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "Hinihintay ka na ni André sa baba."

"Ha? Hindi na kailangan," wika ko.

Binitawan ako ni Koleen at nilagay ang mga kamay niya sa balikat ko. "Fina, kung kaya ko lang mag-drive ng motor, ako na ang maghahatid sa'yo sa terminal."

"Ayaw ko lang na makaabala pa ng tao," sagot ko.

"Wala namang ginagawa si André kaya okay lang. Tara na, baka malate ka pa sa bus mo." Tinulungan ako ni Koleen sa pagbuhat ng duffle bag ko.

Pagdating namin sa labas ng apartment, nasa labas na si André at naghihintay sa akin. Kumakaway pa ang lalaki habang naglalakad na kami patungo sa kanya.

"Fina, huwag kang mag-alala. Sinuntok ko na si Kell para sa'yo," bungad ni André nang marating namin siya.

"Huy, André, sira ka ba? Bakit mo sinuntok 'yong tao?" sagot naman ni Koleen.

Umiling si André. "What? He deserves it. Baka kailangan lang makulog ang utak niya para matauhan siya sa ginagawa niya. I may be a player, but I'm not a cheater."

"André, are you okay? Player and cheater... parehas lang 'yun," sambit ulit ni Koleen.

Nagkibit-balikat ang lalaki. "Well, in my dictionary, it's not. Besides, I'm hashtag team Fina all the way."

Bumuntong-hininga ako. Wala akong energy para sa hashtag ni André ngayon.

"Hashtag, hashtag ka pa diyan. Mukhang nahahawa ka na sa mga influencer girlfriends mo," sabi pa ni Koleen.

Tinaas ni André ang hintuturo niya. "Koko, isa lang ang babae ko ngayon and that's Liv."

"Good for you, then." Tinapik ni Koleen ang likod ng lalaki. "Oh, sige na. Ihatid mo na si Fina at baka maiwan pa siya ng bus."

Sumaludo si André. "Aye, aye!"

Muntik na talaga akong maiwan ng bus dahil pagdating namin sa terminal ay umaandar na ito. Kung hindi pa pinara ni André at pinakiusapan yung driver at binigyan ng tip ay malamang iniwan na talaga ako.

Buti nalang at may extra pang upuan sa may likod ng bus. Hindi sa gitnang likod kung hindi sa may gulong na parte kung saan magalaw at pinaka-ayaw ko pero wala akong magagawa dahil ito nalang ang bakante.

Umupo ako sa tabi ng isang mamang nakasandal na ang ulo sa bintana. Mukhang nakatulog na ito at nakahalukipkip pa ang mga kamay. Nakasuot siya ng mask kaya nilabas ko na rin ang mask ko dahil ayaw kong mahawaan ng kung anong virus na mayroon siya.

Sinandal ko na rin ang ulo ko sa upuan at pinikit ang mga mata ko.

Umaalog-alog ang ulo ko sa bawat galaw ng bus kaya hindi ako makatulog. Nahihilo na rin ako at nararamdaman ko na ang mainit na likido na gustong lumabas mula sa sikmura ko.

Hinalungkat ko ang backpack sa baba ng upuan ko para maghanap ng supot. Buti nalang at nilagay ko sa ziploc yung toothbrush ko kaya agad ko itong tinanggal mula rito.

"Blurgh..." Tinapat ko ang ziploc sa bibig ko dahil ramdam ko na talaga ang pagsuka ko.

"Fina," biglang tinawag ng lalaking katabi ko ang aking pangalan kaya nilingon ko siya.

Nakakunot ang noo kong nakatingin sa katabi ko. "Kahel?"

Nakatingin na rin siya sa akin ngayon at kahit na yung mga mata niya lang ang kita ko dahil sa suot niyang mask, alam na alam ko kung kanino ang kulay almond na mga matang ito.

"Blurgh... blurgh..."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasukahan ko ang lalaking katabi ko na nakataas na ang mga kamay habang nakatingin sa akin.

Napaubo ako matapos kong mailabas lahat ng laman ng sikmura ko. Ang hapdi na rin ng lalamunan ko pero mas gumaan na ang pakiramdam ko.

Napatingin ako kay Kahel na may kinukuha sa bulsa niya. May nilabas siyang panyo pero imbes na punasan niya ang kulay puti niyang hoodie jacket na puno ng suka ko ay pinunasan niya ang bibig ko.

"Okay ka na ba?" Mahinang tanong niya sa akin habang nasa bibig ko pa rin ang kamay niyang may hawak na panyo.

Tahimik lang akong tumango sa kanya.

"Dito ka nalang sa window seat para hindi ka mahilo," sabi pa ni Kahel habang tinatanggal na ang jacket na suot niya. Buti nalang at may shirt pala siya sa loob.

"Hindi. Okay na ako dito," mariing sagot ko.

Pagkasabi ko nito ay bigla nalang niya akong binuhat mula sa kinauupuan niya kaya napaupo ako sa may hita niya. "Gusto mo ba dito nalang?" Tanong pa niya na may halong panunukso.

Inayos ko ang upo ko at pumwesto na sa may bintana matapos niyang tumabi sa kabilang gilid. "Okay na ako," walang ekspresyong sambit ko.

"Matulog ka na. Malayo pa ang biyahe," paalala ulit niya.

Bumuntong-hininga ako bago ko siya nilingon ulit. "Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako? Hindi ba nag-usap na tayo na wala na-"

"Ssshhh..." Tinaas niya ang kamay niya at sinandal ang ulo sa upuan sabay pikit ng mga mata. "Matulog na tayo, Fifi."

Kinunot ko ang noo ko sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na siya kakausapin.

Pagmulat ko ng aking mga mata, hindi na umaandar ang bus. Agad kong tinaas ang ulo ko na nakasandal sa balikat ng taong katabi ko. Nakarating na ba kami?

"Gising ka na?"

Nilingon ko ang may-ari ng boses at nakita ang mukha ni Kahel na may ngiti sa kanyang labi. "Nandito na ba tayo?"

Tumango ang lalaki. "Kanina pa."

Nanlaki ang mata ko at dumungaw agad ako sa bintana. Naka-parking na nga ang bus sa terminal kasama ang iba pang mga bus na nakahilera sa labas. "Bakit hindi mo ako ginising?"

Nagkibit-balikat naman ang lalaki. "Ang sarap kasi ng tulog mo."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at siniksik ang sarili ko sa harap ng lalaking nakaupo sa tabi ko para makaalis na ako dito sa bus.

"Alis na tayo?" Tanong pa niya habang tumatayo na rin sa kinauupuan niya.

Tahimik lang ako habang inaabot ko ang bag kong nakalagay sa tuktok ng upuan namin. Hinablot ito ng lalaki nang walang kahirap-hirap at nilagay ito sa balikat niya.

"Kahel, akin na 'yan!" Reklamo ko habang pilit na kinukuha ang duffle bag mula sa kanya.

"Tulungan na kita," sagot naman ng lalaki. "Tara!"

"Hindi ka sasama sa akin," mariing saad ko sa kanya.

"Hindi naman ako sasama sa'yo. Ihahatid lang kita," pilit pa nito.

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Mukhang hindi ko naman siya mapipilit pa kaya hinayaan ko nalang siyang sundan ako hanggang sa makarating kami sa baba ng bus.

"Saan tayo sasakay?" Tanong ulit ng lalaki sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglakad patungo sa isang mamang driver na nag-aabang sa labas ng terminal.

"Mam, ser, tricycle kayo?"

"Magkano po papunta sa Baranggay IV?" Tanong ko.

"Ay, mam, isang daan lang po."

"Isang daan? Ang mahal naman po," reklamo ko. Huli kong sakay dito singkwenta lang singil nila ah.

"Eh, mam, mahal na po kasi ang gasolina tsaka kayo po una kong pasahero," sagot pa ng driver.

"Tara na po," biglang sambit ng lalaking katabi ko.

Nilingon ko agad siya at nakita ang nakangiting mukha nito na walang kaalam-alam sa nangyayari. Kaya lang naman mahal ang singil nila kasi nakita nilang mayaman 'tong kasama ko.

"Kuya, singkwenta lang po-"

Hinawakan ni Kahel ang kamay ko kaya napatigil ako. "Fina, ako na ang magbabayad. Tara na."

Hindi ko na namamalayang hinihila na ako ng lalaki hanggang sa makarating kami sa tricycle. Pinauna niya akong umupo sa loob at sumunod naman ito. Nauntog pa siya habang papasok dahil sa tangkad nito.

Habang umaandar ang tricycle, nadaanan namin ang mga dati kong pinupuntahan na palengke pati na rin yung eskwela ko nung high school. Wala itong pinagbago.

"So, dito ka pala lumaki?"

Napatingin ako kay Kahel na nakatingin na rin pala sa akin. Tumango lang ako sa kanya sabay tingin ulit sa labas.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na rin kami sa harap ng bahay naming bungalow.

Nakita ko pang inabutan ni Kahel ng limang daan ang tricycle driver bago kami makababa.

"Bakit ang laki ng binigay mo?" Tanong ko sa kanya.

"Mas kailangan niya 'yung pera kaysa sa akin," simpleng sagot nito.

Bumuga nalang ako ng hangin at kinuha ang duffle bag ko na hawak pa rin ng lalaki. "Saan ka tutuloy?"

"Ito ang bahay niyo?" Nakadikit ang mga mata ng lalaki sa walang pinturang bahay namin. Ang tanging kulay lang dito ay ang mga nakapalibot na puno ng mangga. Ibang-iba sa kinalakihan niyang mansion nila.

"Ngayon alam mo na kung bakit hindi tayo bagay," sambit ko.

"Anak, ikaw na ba 'yan?" Narinig ko ang pasigaw na boses ni nanay mula sa di kalayuan kaya napatingin na rin ako doon. Tumatakbo na siya habang nakataas ang mga kamay nito para yakapin ako.

"Nay!" Tumakbo na rin ako at ako na ang unang yumakap sa kanya. "Kumusta po kayo? Namiss ko po kayo sobra!"

"Miss na rin kita, anak." Napatigil si nanay nang mapansin ang isa pang bisita na hindi ko naman inimbita. "Si Sir Ellis ba 'yon?"

"Magandang umaga, po!" Narinig ko ang pagbati ng lalaki mula sa likuran namin.

Binitawan ako ni nanay at nagtungo siya sa lalaki. "Iho, mabuti naman at nakapunta ka dito."

"Gusto ko lang po kayong kumustahin," sagot ni Kahel habang niyayakap na rin siya ni nanay.

"Okay naman ako, iho. Ito at nakakakita pa rin dahil sa lolo mo," sagot ni nanay. "Oh, eh pumasok na kayo para makakain at makapagpahinga."

"Ah, nay, hindi po siya tutuloy dito," pagpigil ko sa nanay ko bago pa tuluyang makapasok sa loob ang lalaki.

"Josefina, ano ba'ng pinagsasabi mo diyan? Bisita natin si Sir Ellis kaya marapat lamang na dito siya tumuloy. 'Yun ay kung okay lang sa'yo, iho, na tumuloy dito sa mumunti naming lungga?"

"Wala pong problema sa akin basta kasama kayo," napatingin pa ang lalaki sa akin.

Kinunot ko ang noo ko sa kanya at pinatuloy na rin siya ni nanay sa loob. Agad ko silang sinundan matapos kong tanggalin ang sapatos ko at magpalit ng tsinelas.

"Maganda naman po dito sa loob," sagot pa ng lalaki habang nakatayo sa sala namin na malapit nang maabot ang kisame namin sa kanyang tangkad.

Nang mapansin kong nakasuot pa rin siya ng sapatos, agad ko siyang sinita. "Bawal ang sapatos dito sa loob ng bahay."

Napatingin ang lalaki sa suot niyang puting sapatos sabay tingin sa suot ko nang tsinelas.

"Naku, okay lang yan, iho," sabi naman ni nanay na naghahanda sa hapagkainan.

"Sorry po, hindi ko alam," agad na tinanggal ni Kahel ang sapatos niya at nilagay ito sa may harap ng pintuan namin.

Patago akong ngumisi habang pinapanood siyang tinatanggal rin ang medyas niya. Masunurin talaga ang lalaking ito. Sinungaling nga lang.

"Oh, halina kayo, mga anak. Kain na," pag-aya ni nanay sa amin kaya nagtungo na rin ako sa upuan katabi niya.

"Nasaan na si Sir Ellis?" Tanong ni nanay sa akin habang inaabutan ako ng pinggan.

"Nandyan lang po yun," sabi ko sabay kuha na ng kanin.

"Nandito po ako," narinig ko na ang boses ng lalaking paparating mula sa labas.

"Kain na, iho," ani nanay habang inaabot ang pinggan sa lalaki.

Umupo si Kahel sa silyang katapat ko at naramdaman ko pa ang pagtama ng tuhod namin dahil sa liit ng mesa. Inangat ko ang aking ulo at nakita ang nakangiting mukha ng lalaki. Mukhang tuwang-tuwa naman siya sa pagkaing nakahanda ngayon sa harap niya.

"Pasensiya na iho, ito lang ang mayroon kami," paliwanag pa ni nanay.

"Okay lang po. Paborito ko naman po itong palabok," pagkasabi ng lalaki ay napatigil ako sa pagsubo ko at napatingin ulit ako sa kanya. Kailan pa niya naging paborito ang palabok?

"Talaga? Eh, paborito rin ito ni Fina," masayang sambit ni nanay.

Tinignan ako ni Kahel na hanggang ngayon ay litaw pa rin ang dimples sa magkabilang pisngi niya. "Alam ko po kaya nga po naging paborito ko na rin ito."

Kinunot ko ang noo ko sa kanya para malaman niyang hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niyang pagpapa-good-shot sa nanay ko.

Nang matapos kami sa pagkain, sinabihan kami ni nanay na babalik na siya sa palengke para maglako kaya nagbihis na ulit ako para masamahan siya. Pagbalik ko sa sala ay nakita ko si Kahel na tinutulungan si nanay sa paghanda sa mga kakanin na ibebenta namin.

"Matagal niyo na po ba itong nilalako?" Usisa pa ng lalaki habang inaayos na ang basket na puno ng kakanin.

"Aba'y simula pa noong dalaga ako, anak, dahil minana ko pa ito sa inang ko," sagot naman ni nanay.

Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. "Ah, eh, nay, tara na po?"

Tumayo na rin si Kahel sa kinauupuan niya. "Tara na po para makarami tayo."

"Sasama ka ulit?" Nagtataka kong tanong sa lalaki.

Nagkibit-balikat lang ito sabay buhat ng basket. Ilang segundo akong napako sa kinatatayuan ko at kung hindi pa ulit ako tinawag ni nanay ay baka naiwan na ako ng tricycle.

Nakarating na rin kami sa palengke at sinimulan na rin ang pag-setup sa maliit na stall ni nanay. Napansin ko ang paglingon ng mga kababaihan sa lalaking kasama namin na mukhang walang kaalam-alam sa epekto niya.

Bumuntong-hininga ako nang umalis saglit si nanay. "Bakit ka pa sumama dito?"

"Gusto ko lang makatulong at para makita ko rin kung paano ang pamumuhay mo dito," seryosong sagot ng lalaki.

"Kahel, hindi uubra 'tong ginagawa mo sa akin. Nagsinungaling ka pa rin sa akin."

"Fina, I had to follow dad. Because if not..." Tumigil siya saglit sa pagsasalita at tinignan ako sa mata. "Hindi nila ibabalik ang scholarship mo."

"Alam mo ang tungkol doon?"

"Fina, alam ko rin kung gaano kaimportante sa'yo ang pangarap mo para sa pamilya mo. And if I can do something about it, I will. I will do anything for you."

Huminga ako nang malalim at bago pa man ako makasagot sa kanya ay may isang may edad na babaeng biglang dumating sa stall namin.

"Ang pogi mo naman, iho. Pwede bang papicture?"

Binigyan ng maliit na ngiti ni Kahel ang babae. "Ah, sige po."

"Iha, pwede bang picturan mo kami?"

Kinuha ko ang cellphone ng babae at kinuhanan ko sila ng picture. Habang nakatingin ako sa lalaking nakaputi sa harap ko ay unti-unti kong naaninag ulit ang "aura" niya. Bumalik na ulit ang kulay niya. Nakikita ko na ulit ang kahel niya.

"Salamat, iha. Ang swerte mo naman sa boypren mo," sabi pa ng babae sa akin.

"Ah, hindi ko po 'yan boyfriend," sagot ko habang nakatingin sa lalaking nakangiti sa harap ko.

"Nililigawan ko palang po," pag-singit naman ni Kahel na siyang nagpatawa naman sa babae.

"Aba'y kung ako sa'yo, iha, sasagutin ko na 'yan," sabi pa ulit ng babae.

Umiling lang ako habang napapaisip na kahit galit ako sa lalaking ito, hindi ko pa rin maalis ang nararamdaman ko para sa kanya. Mukhang bibigay na naman ako neto.

Pagbalik namin sa bahay, napansin ko ang paulit-ulit na pag-unat ni Kahel ng kanyang kamay at leeg. Alam kong napagod siya kanina sa pagtitinda sa palengke dahil hindi naman siya sanay sa pagtayo ng ilang oras.

"Maraming salamat ulit, Sir Ellis sa pagtulong sa pagbenta kanina. Hindi mo naman kailangang gawin pa 'yon," sabi pa ni nanay nang matapos kaming magligpit ng pinagkainan namin sa hapunan.

"Wala pong anuman," sagot naman ni Kahel na nakangiti pa rin simula nang makarating kami dito sa probinsiya.

"Okay ka lang ba talaga diyan sa sala matulog? Maraming lamok dito pero maglalagay tayo ng katol kung okay lang sa'yo," saad ni nanay.

Tinignan ako ni Kahel. "Okay lang po talaga ako. Huwag niyo na akong intindihin."

"Kuya, laro tayo ng basketball bukas?" Pag-aya naman ng kapatid kong lalaki na tahimik na nanonood ng tv sa tabi ni Kahel.

"Oo, sige. Walang problema," sagot naman ni Kahel.

"Matulog na tayo, Dax. Patayin mo na 'yang tv at baka magising pa ulit si Gigi," sabi ni nanay habang inaaya na ang kapatid ko papasok sa nag-iisang kwarto namin malapit sa kusina.

Tumayo na rin si Dax at sinundan si nanay patungo sa kwarto. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang tinitignan si Kahel na parang minamasahe ang kanyang tuhod at binti.

Huminga ako nang malalim bago ako lumapit sa kinauupuan niya at tinabihan siya. "Ano? Kaya pa?" paghamon kong tanong sa kanya.

Nilingon ako ng lalaki sabay ayos ng upo niya. "Oo naman, basta kasama kita."

Agad kong tinikom ang bibig niya gamit ang aking kamay sabay tingin sa paligid namin. "Tumigil ka nga! Umalis ka na!"

"Hindi ako aalis... not until you let me in your life again."

"Bahala ka diyan!"

"Fina," hinila niya ang kamay ko kaya napatigil ako. "I'm sorry."

"Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka ngayon?"

"I don't care about what they say anymore."

Umiling ako sa kanya sabay upo sa sahig kaharap niya. "Sino ba ang nagsabi sa'yong sundan mo ako dito? Hindi ba maliwanag ang usapan natin noon?"

"Maliwanag nga..." Napatigil si Kahel saglit kaya inangat ko ang tingin ko para tignan siya sa mata. Nakayuko pala ang lalaki kaya ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin ngayon. "Maliwanag na hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, Fina. At gagawin ko ang lahat para paniwalaan mo ulit ako."

Tinulak ko siya palayo at tumayo sa aking kinauupuan. "Matulog ka na! Kung anu-ano ang sinasabi mo!"

Kumalat ang balita sa lugar namin ang tungkol kay Kahel na anak ng isang senador. Nagsimula ito sa isang video na naging viral sa Facebook at Tiktok kung saan makikita si Kahel na nagbebenta ng kakanin dito sa palengke. Alam ko naman na sikat ang tatay ni Kahel pero hindi ko inasahan na aabot sa puntong ito.

"Fina, it's okay. Kung gusto nila akong kunan ng picture o video, then let them. Kung makakatulong ako sa pagbebenta ninyo ni nanay, I don't mind at all," sabi pa ni Kahel habang ine-explain ko sa kanya ang pagiging viral niya na mukhang wala namang epekto sa kanya.

"Nanay? Close na kayo? Tsaka, paano kung makarating ito sa mga magulang mo? Eh di mas lalo na naman akong pag-iinitan ng mga nun," buntong-hininga kong sagot.

Kinuha ng lalaki ang kamay ko na nakapatong mesa. Nasa loob kami ng isang restaurant ngayon matapos naming maglako sa palengke. Inaya niya ako kasi nagugutom raw siya.

"Ah, excuse me sir, mam," biglang may sumulpot na staff sa table namin kaya agad kong inalis ang kamay kong hawak ni Kahel.

"Yes?" tanong ni Kahel.

"May ibang card po ba kayo? O kaya cash? Declined po kasi ang card niyo," pagpapatuloy ng staff na siyang kinagulat ng lalaking kasama ko.

Agad na hinalungkat ni Kahel ang wallet niya at humugot ito ng isang libong papel. Inabot niya ito sa staff kaya umalis na rin ang babae sa harap namin.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya nang makita ko ang pagkunot ng noo niya habang binabalik ang card sa kanyang wallet.

Umiling naman ang lalaki. "Nothing."

Pagbalik namin sa bahay, nakita ko si nanay na nakaupo sa hapagkainan habang pinapakain ang aking bunsong kapatid.

"Nay, nandito na po kami," pagbati ko habang papasok sa sala. "Baby Gigi! Dito na ang pasalubong mong ice cream!"

"Ice cream?" Agad na bumaba si Gigi mula sa kinauupuan niya at tumakbo palapit sa akin.

"Pero kiss mo muna si ate," lambing ko habang nilalapit ang pisngi ko sa kanya. Agad naman niya akong hinalikan.

"Ako walang kiss?" pahabol naman ng kasama kong lalaki na siyang may hawak ng supot kung nasaan ang ice cream na binili namin kanina sa grocery.

Inirapan ko lang ang lalaki. Hinawakan ni Gigi ang kamay ko at tila nahihiyang lumapit kay Kahel. Kahit na ilang araw nang naninirahan dito sa amin si Kahel, medyo mailap sa kanya si Gigi. Palagay ko ay nahihiya lang talaga siya dahil seryoso lagi ang mukha ng lalaki.

Nang ilabas ng lalaki ang ice cream mula sa supot at pinakita ito sa kapatid ko, hinila ni Gigi ang kamay ko patungo kay Kahel. "Gigi, tapusin mo muna yang kinakain mo tapos pwede mo nang kainin itong ice cream. Ano, deal?"

Nakipag-deal pa talaga ang lalaki sa bata. Akala mo naman parehas sila ng level ng pag-iisip.

Tumakbo pabalik si Gigi sa hapagkainan kung saan naghihintay si nanay na may hawak nang kutsara ng kanin.

Nang matapos na kaming kumain ng hapunan, nanatili kami ni Kahel sa sala habang nanonood ng tv. Maya't maya pa ay lumabas si nanay mula sa kwarto. Buti nalang at hindi kami naglalaplapan nang dumating siya.

"Anak, pwede ko ba kayong makausap?" Seryosong panimula ni nanay nang makarating siya sa sala.

"M-May problema po ba?" utal kong sagot.

Pagkaupo ni nanay sa silya na katapat ng inuupuan namin ng lalaki, nagsalita na ulit siya. "Matagal na ba kayong magkarelasyon?"

Napaawang ang labi ko sa diretsong tanong ng nanay ko. "N-Nay... hindi po kami-"

"Nililigawan ko palang po ulit," sagot naman ng lalaki sa tabi ko. "Okay lang po ba?"

"Nay, hindi po talaga kami," pagsingit ko.

"Wala namang kaso sa akin kung ano man ang relasyon ninyo, anak," sagot ni nanay. "Ang sa akin lang, alam na ba ito ng mga magulang mo, iho? Dahil alam naman natin na magkaiba tayo ng estado at hindi maiiwasang may mga hindi pagkakaunawaan. Ayaw ko lang na may masaktan."

Kinuha ni Kahel ang kamay ko at pinisil ito nang marahan. "Hindi ko po sasaktan si Fina."

Tumango naman si nanay. "Alam ko, iho. Pero, mas mabuti nang alam rin ito ng mga magulang mo."

"Naiintindihan ko po. Gagawin ko po ang lahat para maging legal kami ni Fina at hindi ko po hahayaang masaktan siya ulit," saad pa ng lalaking katabi ko.

"Kung gayon ay masaya ako para sa inyo. Basta makita kong masaya si Fina ay masaya na rin ako," ani pa ni nanay.

"Maraming salamat po," sagot rin ni Kahel habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa aking kamay na animo'y sinasabing hindi niya ako bibitawan kahit anuman ang mangyari.

Nang makaalis si nanay, agad kong tinanggal ang pagkakahawak ni Kahel sa kamay ko. "Ano bang pinagsasabi mo? Pumayag ba akong magpaligaw ulit sa'yo?"

Ngumiti naman ang lalaki. "Pumayag na ang nanay mo."

"Bakit? Siya ba ang liligawan mo?"

Tumango siya. "If that's what it takes for you to say yes to me..."

Umiling ako. "Hangga't hindi alam ng magulang mo, hindi ako papayag."

"Alam na nila. And they won't bother us anymore."

Napatigil ako sa sinabi niya. "T-Totoo ba?"

"Hindi ka naniniwala?"

"P-Pero-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla nalang nilapit ni Kahel ang mukha niya hanggang sa naglapat ang aming mga labi.

Napasinghap ako habang ramdam ko ang paghawak niya sa magkabilang gilid ng aking mukha. Mas lumalim pa ang paghalik ng lalaki sa akin at kahit na hindi ko alam ang ginagawa ko ay sinabayan ko nalang rin siya.

"I miss you so much, Fina," sambit pa niya habang patuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

Parang nalulula na ako sa nararamdaman kong init at bilis ng daloy ng dugo sa loob ng aking katawan. Ngunit, gayunpaman ay ayaw ko rin itong tumigil.

"K-Kahel, teka... lang..." nahihirapan kong sambit habang pilit na nilalayo ang mukha niya sa akin.

Nang binuhat niya ako sa aking posisyon at pinaupo ako sa kanyang hita, mas lalo akong pinagpawisan habang hinahabol ko pa rin ang aking hininga. Naglakbay ang labi ng lalaki patungo sa gilid ng aking mukha hanggang sa tumigil ito sa aking leeg na tila sinisipsip nito ang buong pagkatao ko.

Akmang hahawakan ni Kahel ang aking dibdib nang mabalik ako sa aking tamang pag-iisip at naalala kong nandito kami sa aming bahay at anumang oras ay pwedeng makita kami ni nanay.

"K-Kahel..."

"I'm sorry," sabi niya nang mahimasmasan na rin siya. "I can't help it. I really want to make love with you right now."

"A-Ano ba? Nakalimutan mo bang nandito tayo sa maliit na bahay namin? Matulog na tayo!" kinakabahang sagot ko.

Umalis na rin ako sa pagkakakandong niya sa akin at inayos ang sarili ko bago pa may makakita sa akin.

Tumayo na rin si Kahel at tinitigan ako sa mata. "Hindi ko ata kayang matulog ngayon dito sa inyo."

Napangiti ako. "Saan ka matutulog? Sa labas?"

"Anywhere but here. Basta malayo sa'yo," umiiling na sagot pa niya sabay paulit-ulit na bumuga ng hangin.

Nilapitan ko siya at binalot ang aking mga kamay sa likuran nito. "Makakaya mong malayo sa akin?"

"Never." Hinawakan niya ang mga kamay kong nakabalot sa kanyang harapan. "I love you, Fifi."

"I love you, Kahel."

Sa pagkakataong iyon ay alam kong kung bibitawan ko ang lalaking may hawak ng puso ko ay mawawalan na rin ako ng hininga.

🍊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro