Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung huli kaming magkita ni Kahel. Hindi na rin niya ako tinext o tinawagan matapos ng mga nangyari sa mansion. Siguro nga ay natauhan na rin siya.

Mabuti nalang at isang linggo nalang ay matatapos na ang semester. Makakauwi na rin ako sa probinsiya para sa summer break namin.

"Fina?" Isang boses ang nakapukaw ng atensiyon ko galing sa likod ng aking pintuan. Kumatok rin ito ng tatlong beses kaya tumayo ako sa kinauupuan kong kama.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Koleen sa harap ko. Nakataas ang buhok niya at may kaunting strands ng buhok na nakababa sa magkabilang gilid ng mukha niya. Hindi siya nakasuot ng salamin ngayon at mukhang naka-contacts siya ng kulay light brown.

"Fina, hindi ka pa nakaayos?" Tanong niya sa akin matapos niya akong tignan mula ulo hanggang paa.

Naka-pajama pa ako at siguradong parang pugad ng ibon ang buhok ko ngayon dahil kanina pa ako nakahiga sa kama kahit na lagpas tanghali na.

Napakamot ako sa likod ng aking ulo habang nakatingin sa babaeng nakasuot ng itim na turtleneck body con dress. "May pupuntahan ba tayo?" Tanong ko.

"Fina, ngayong gabi ang Charity ball event ng Gen L Soc," paalala ni Koleen sa akin.

Napaawang ang labi ko. Hindi kasi ako nagbabasa sa group chat namin masyado kaya nakalimutan ko. "Ngayon na pala 'yon. Sorry. Nawala sa isip ko," pag-amin ko.

"Okay lang. May time ka pa naman. May isusuot ka na ba?"

Umiling ako. Wala naman akong masyadong damit. At wala rin akong disenteng isusuot na bestida.

"Buti nalang magka-size tayo. Wait lang. Maghahanap ako ng dress mo."

Iniwan na ako ni Koleen at bumalik ako sa loob ng kwarto ko. Iniisip ko kung ano ang magandang alibi para hindi na ako pumunta.

Dahil may isang tao akong ayaw kong makita.

#

"OMG! Girls, ang ganda dito!" komento ni Alexis nang makarating kami sa venue ng charity event. Nakasuot siya ng hot pink na mini halter dress kaya nagmukha siyang Barbie na hindi ko alam kung akma sa tema ng charity event.

Parang garden-style ang ginawa nila sa loob ng venue na ginanap sa isang mamahaling hotel. Maraming sponsors ang Gen L Society kaya hindi ito naging mahirap para sa kanila.

Pagkaupo ko sa tabi ni Alexis sa naka-reserved na table para sa amin, pakiramdam ko ay mapupunit ang tela ng suot kong navy blue na satin midi dress na binigay ni Koleen sa akin.

At kanina pa ako nahihirapan sa paglakad dahil sa pinahiram ni Koleen sa akin na high heels. Sinabi ko naman kasi sa kanya na ayaw ko itong suotin pero hindi ko rin naman siya mahindian.

"Bagay sa'yo 'yang dress, Fina," sabi ni Hailey na naka-floral dress naman.

Nginitian ko siya. "Salamat. Bagay rin sa'yo."

"Sana pala nagpahuli nalang tayo," saad ni Alexis nang mapansin niyang kaunti palang ang tao sa venue.

"Better to be early than late," sagot naman ni Koleen.

Ilang minuto pa ang nakalipas at unti-unti ring napuno ng mga tao ang venue. Karamihan ay miyembro ng Gen L Society pati na rin ang mga nasa Omega Phi fraternity.

Binaba ko ang ulo ko sabay kuha ng aking cellphone sa mesa para libangin ang sarili ko at para hindi ko makita ang taong ayaw kong makita.

Maya't maya pa ay narinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid kaya napatingala ako. Sa may entrance ng silid ay isang pamilyar na lalaking nakasuot ng itim na long-sleeve shirt.

Hindi nakabutones ang nasa itaas na parte ng shirt at nakalislis ang manggas nito sa kanyang braso kaya litaw ang maputi niyang balat. Pati rin ang pantalon nito ay itim at agaw pansin ang high cut Converse na suot niya sa paa.

"Ang cool talaga ni Jale," komento ni Hailey na nakatingin rin sa lalaking papalapit na sa direksiyon namin.

"Hey," bati ni Dok Jale sa amin matapos niyang halikan si Koleen sa labi na parang wala lang kami sa tabi nila.

Pagkaupo ni dok sa tabi ni Koleen, dumating na rin sina Logan at André sa may entrance. Pinagtitinginan talaga sila ng mga tao dahil sa suot nilang suit and tie. Nagmukha silang modelo at handa nang rumampa sa runway.

"Wait, may iba na naman siya?" Tumaas ang tono ni Alexis habang nakatingin kay André na may kasama palang babae na hindi pamilyar sa akin. Umiling lang ako dahil wala naman talaga akong alam.

Nilapitan kami nina Logan at André kasama ang babae niya. "Hey guys! This is Olivia, by the way!" Pagpapakilala ni André sa hawak niyang babae.

"Hi everyone," matinis ang boses ni Olivia na medyo in-expect ko dahil sa itsura niyang cute at petite lalo na sa suot niyang dark green na tube dress. Parang siyang si Tinkerbell at kulang nalang ay pakpak.

"Oh... em... gee..." mabagal na suminghap si Alexis habang nakatingin ulit sa may entrance.

Nabaling ang atensiyon ko sa tinitignan niya. Isang lalaking nakaputing coat and tie ang naglalakad papasok sa loob.

Pero hindi lang ito ang nakapukaw ng atensiyon ko at ng mga kasama ko sa table. Isang babaeng nakasuot ng cream na mermaid dress ang nakahawak sa braso ni Kahel at tila ayaw nitong bitawan.

Nakaawang ang labi ko habang tinitignan silang naglalakad sa gitna na parang bagong kasal.

"What is happening?"

"Did anyone know about this?"

"What the fuck am I seeing?"

"Fina, okay ka lang?"

Si Koleen lang ang nagtanong sa akin kung okay lang ako. Tahimik lang ako habang nakakuyom na ang mga kamay ko. Pinagpapawisan na rin ako kahit na de-aircon naman dito sa loob.

Pero sa loob-loob ko, gusto ko nang sumigaw ngayon kung hindi lang talaga ako napapaligiran ng maraming tao.

"GAGO KA KAHEL! KAILAN MO PA AKO PINAGLALARUAN? ANG TANGA TANGA KO! TANGINAAAAAAA!"

Kanina pa nagsimula ang charity event. May mga bisita rin palang mga galing sa mayamang angkan, mga anak ng pulitiko at artista at iba pang hindi ko ka-estado sa buhay.

Pinilit ko namang huwag tumingin sa kabilang table kung nasaan nakaupo si Kahel kasama ang babae niya na mukhang isang diwata dahil sa makinis at maliit niyang mukha.

Kung makangiti naman si Kahel, akala mo ay nanalo na bilang Presidente ng Pilipinas. Hindi naman siya ganyan sa akin. Siguro nga talaga ay pina-ikot lang niya ako. At ako namang si tanga ay naniwala sa mga kasinungalingan niya.

"Fina, okay ka lang ba talaga?" tanong ulit ni Koleen sa tabi ko.

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti pero hindi niya ito binalik. Ramdam siguro niya ang pagka-plastik ko ngayon.

Huminga ako nang malalim at binalik ang tingin ko sa table nina Kahel. Bigla akong nawalan ng hangin nang makita ko ang mga mata ni Kahel na nakatutok sa akin.

Nakaramdam ako ng malamig na pawis sa aking batok kaya agad akong tumingin sa ibang direksiyon.

Hindi na ako tumingin pa sa table nila buong gabi. Nang magsimula ang sayawan, unti-unti ko na namang naramdaman ang sakit sa ulo ko. Sigurado akong dahil na naman ito sa lakas ng musika at mga ilaw na paulit-ulit na dumadaan sa aking mata.

Bumuga ako nang hangin sabay tayo sa kinauupuan ko. Walang nakapansin sa akin dahil lahat ng kasama ko ay nasa dance floor na at busy sa pagsayaw.

Nang makarating ako sa labas ng hotel, umupo ako sa may gilid. Minasahe ko ang paa ko dahil kanina pa ito namamaga dahil sa high heels.

"Fina," biglang may tumawag nang mahina sa aking pangalan.

Napatingin ako sa kanan at nakita si Dok Jale na nakatayo sa gilid habang nakalagay ang mga kamay nito sa bulsa ng pantalon niya.

Umupo siya sa tabi ko at doon ko nakita na may lollipop sa bibig niya. Tinanggal niya ito saglit at nilingon ako. Nakita ko ulit ang kulay ash grey niyang mga mata.

"Did my brother tell you about his girl tonight?" Panimulang tanong ni dok.

Umiling ako.

"It's bull, don't you think so?" Narinig ko ang mahinang halakhak niya habang umiiling. "I can't believe he's still following orders."

Napalunok ako sa sinabi niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Don't tell me you believe that crap?" Nakatingin pa rin si dok sa akin habang may sarkastikong ngiti sa labi nito. "Fina, you should know by now that my brother loves you."

Umiling ulit ako. "Hindi ko na alam ang totoo."

Binalik ni Jale ang lollipop sa bibig nito at tumahimik nang ilang segundo.

Napatingin ako sa kalangitan at nakita ang mga maliliit na ilaw na kumiskislap. Siguro tinitignan ako ni tatay ngayon at nakikita niya kung gaano ako nalilito at nagagalit sa sarili ko.

"Fina, I hope you don't give up on him. Alam kong hindi madali. But you have to trust him. There is a reason why he's doing this," saad pa ni dok.

Pinilit kong ngumiti habang nag-iinit na ang mga mata ko. "Kung ano man ang rason niya, sana naisip niyang nasasaktan ako sa ginagawa niya."

Bumuga ng hangin si Jale at may kinuha saglit sa bulsa niya. Inabot niya ang isang lollipop sa akin habang nakatingin lang ako sa kamay niya. "Here, it will make you happy even just for a bit."

Kinuha ko nalang ang lollipop mula sa kamay niya at binuksan ito. Nilagay ko ito sa aking bibig at agad kong nalasahan ang orange na flavor nito. Kahel. Pati ba naman sa lollipop siya pa rin ang nalalasahan ko.

"Do you want to go back inside?" tanong ni dok sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Umiling ako. "Dito muna ako. Salamat ulit sa lollipop, dok."

Ngumiti siya sabay tayo sa kinauupuan. Pagkaalis ni Jale, humalukipkip ako dahil naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin.

Abril na pala. Ang bilis ng panahon. Nakayanan ko palang mabuhay nang mag-isa dito sa siyudad ng ilang buwan sa kabila ng mga nangyari.

Habang kinukuskos ko ang aking mga braso gamit ang mga kamay ko, naramdaman kong may naglagay ng jacket sa may likuran ko.

Agad akong napalingon sa gilid at nakita ang isang pamilyar na lalaki na umupo sa aking tabi. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Pigil ang galit sa tono ng boses ko.

"Fina, pwede bang dito ka muna sa tabi ko?" Kinuha niya ang aking kamay na parang wala lang sa kanya 'yong mga araw na hindi siya nagparamdam sa akin.

"Kahel, bakit mo ba ako pinaglalaruan?" Diretsong tanong ko habang hinayaan ko siyang iposas ang kamay ko gamit ang mainit at malambot niyang kamay.

Nilingon niya ako at agad naman akong nalunod sa pagkislap ng mga mata niya. "Fina, hindi ko makakayang mawala ka," mahina ang tono ni Kahel at habang sinasabi niya ito ay nakita ko ang lungkot sa mukha niya.

Umiling ako dahil hindi ko siya maintindihan. Iba ang sinasabi niya sa ipinapakita niya sa akin. "Ano ang gusto mong sabihin ko? Na okay lang sa akin na may iba kang babae?"

Napapikit siya saglit habang lumalanghap ng hangin. "Fina, hindi mo naiintindihan. My hands are tied here. Kapag sinabi ko ang totoo tungkol sa atin kina mom at dad, who knows what they might do to you and your family?"

Pinilit kong iproseso ang mga sinabi niya. Pero isa lang ang naintindihan ko dito. "Nakalimutan ko nga palang magkaiba tayo ng estado sa buhay. Sino nga ba naman ako, di ba?"

"Fina..." Nanginginig na ang boses ni Kahel kaya tinaas ko ang isang kamay ko at hinawakan ang pisngi niya.

"Kahel, naiintindihan ko naman. Sana lang sinabi mo sa akin nang mas maaga para hindi ako parang tanga na nag-iisip kung ano ba ang nangyari... kung may kulang ba sa akin... o kung may nagawa ba ako..."

Umiling ng mabilis si Kahel. "Fina, no! Walang mali sa'yo. Ako ang may mali. Hindi ko alam kung paano kita mapoprotektahan."

Pinilit kong ngumiti kahit na may luha nang namumuo sa mga mata ko. "Huwag na nating ipilit, Kahel. Kung nahihirapan ka, at nahihirapan rin ako, siguro mas mabuti pang tapusin na natin ito."

"Fina, that's not what I was trying to say," protesta ni Kahel.

Inalis ko ang kamay kong hawak niya pero mabilis niyang kinuha ulit ito. "Kahel, please. Tama na. Pakawalan mo na ako."

"Fina, I can't lose you. You're the only one I have," naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Kahel, sa simula palang ay mali na ang relasyon natin," namilipit ako sa sakit at sinabayan pa nito ang kanina pang sumasabog na ulo ko.

"That's not true. Our relationship is not a mistake!"

"Ang tanga ko rin kasi. Umasa akong malalagpasan natin ang kaibahan natin. Pero hindi pa rin pala talaga pwede."

"Fina, stay with me."

"At ano? Pipilitin natin ang relasyon natin habang may ibang babae kang kinakasama?"

"You're the only one I love."

"Kung talagang mahal mo ako, hindi mo dapat ako sinasaktan ngayon." Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha mula sa aking mata.

"I'm sorry, baby. Please..." Hinawakan niya ang mukha ko para punasan ang luha sa aking pisngi. "Hindi ko sinasadyang masaktan ka. I will never want to hurt you."

"Pero sinasaktan mo na ako ngayon, Kahel..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang patuloy ang agos ng luha sa aking mga mata.

"Will you feel better if I leave?" biglang tanong ng lalaki kaya napatingin ako sa mga mata niya.

Kinuyom ko ang aking mga kamay. "Hindi!" Gusto kong isigaw sa kanya pero walang lumabas sa aking bibig.

Nang hindi ako sumagot, unti-unti akong binitawan ni Kahel at tumayo sa kanyang posisyon. "I'm sorry, Fina. I'm sorry for hurting you. But, always remember that I love you... and you're the only one I will ever love in this lifetime."

Tuluyan na siyang tumalikod sa akin at humakbang palayo. Gusto ko siyang sundan pero hindi ako makagalaw. 

Hindi ko alam kung ako ba ang mali o siya. Hindi ko alam kung mabubuhay ba ako na wala siya. At hindi ko alam kung may magmamahal pa sa akin katulad ng pagmamahal na pinaramdam niya.

🍊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro