Chapter 26
"Josefina Melendrez, kailan ka pa naging fan ng baseball? Di ba nga ayaw na ayaw mong nanonood dito? Bakit ngayon kating-kati kang pumunta tayo sa field?" Reklamo ni Charlie habang hinahatak ko siya papunta sa field matapos ang pagcheck namin ng papers sa klase.
"Eh kasi nga di ba si Logan ang captain kaya kailangan nating i-support. Tsaka wala naman na tayong gagawin kaya manood nalang tayo," hingal kong sabi habang patuloy pa rin sa paglakad ng mabilis.
"Naku, Fina. Ikaw ha, baka gusto mo lang makita si Mark Ellis. Hindi ba lagi naman kayong magkasama nun?" sambit ni Charlie.
Pinisil ko ang braso niyang hawak ko kaya napangiwi siya.
"Aray ko naman!"
"Eh ikaw kasi kung anu-ano sinasabi mo. Gusto ko lang naman manood ng game," depensa ko.
Nang makarating kami sa field, nakita naming halos puno na ang bleachers. Hindi naman ganito kapuno ang field noong unang beses akong nanood.
"Ano ba 'yan? Ang daming tao. Saan tayo uupo? Tapos ang init-init pa!" Reklamo ulit ni Charlie kaya binitawan ko na rin ang kamay niya.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nakita ang isang text message.
Kahel:
"Dito kami malapit sa dugout."
Nilibot ko ang tingin ko hanggang sa makita ko ang dugout kung saan nakaupo at nag-re-ready na ang mga players.
"Fina!"
Narinig ko ang isang pamilyar na boses at pagtingin ko sa kaliwa ay nakita ko na ang kulay kahel na lalaking tumatakbo patungo sa direksiyon ko. Nakasuot siya ng pulang cap na kakulay ng jersey ng baseball team namin.
Nakaputing hoodie ulit siya at basketball shorts. Mukhang ito na ang paborito kong outfit niya. Hindi siya masyadong intimidating tignan hindi katulad sa tuwing nakasuot siya ng puting long-sleeved na dress shirt at itim na slacks na akala mo CEO.
"Mark Ellis," kaswal na bati ni Charlie sa lalaki.
Ngumiti naman si Kahel sa kanya. "Hi Charlie. Kanina pa ba kayo?"
"Ah, hindi. Kakarating lang namin," sagot ng kasama ko.
Lumapit sa akin si Kahel habang tinatanggal ang suot niyang cap. Nagulat ako nang ilagay niya ito sa ulo ko. "Let's go?"
Napalunok ako sabay tingin kay Charlie na nakaawang na ang labi. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Kahel. Hindi pa ako handang ipangalandakan sa buong mundo na kami na ng lalaking ito.
Akmang hahawakan ni Kahel ang kamay ko pero pinanliitan ko siya ng mata at nilagay ang kamay ko sa likod ko.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya pero tinulak ko siya para magsimula na sa paglalakad.
Nakarating kami sa bleachers at nakita sina Koleen, Hailey, Alexis at André na nakasuot ng jersey na may numerong 17 na mukhang number ni Logan.
"Fina!" Masayang bati ni Koleen nang makita niya ako.
Kumaway naman ako sa kanila habang nakita ko si Kahel na sinesenyasan akong umupo sa tabi niya. Umiling ako sa kanya at nakita ko ang paglisik ng mga mata niya sa akin.
Binalewala ko ito at umupo na rin ako sa tabi ni Alexis. "Si Charlie nga pala, classmate at kaibigan ko," pagpapakilala ko sa babaeng nasa kaliwa ko.
"Hello," bati ni Charlie sa kanila.
"Alexis, let's switch seats," narinig ko ang boses ni Kahel mula sa taas namin.
Nilingon ko si Alexis na nakatingin na ngayon kay Kahel. "Why?"
"Mas malapit kayo sa field," pag-rason ni Kahel.
"Isang row lang naman ang difference," sagot ni Alexis.
"Oh come on, Alexis!" umiiling na sagot ni André sa babae.
"If it isn't obvious, ayaw kitang katabi," protesta ni Alexis habang nakataas ang kilay kay André.
"Well guess what? The feeling is mutual, lady," sumbat ni André.
"Ako nalang tatabi kay André. Alexis, dito ka na," suggestion ni Koleen habang nakatayo na sa kinauupuan niya.
Tumayo si Kahel at humakbang pababa para makaupo sa tabi ko. Nakita ko pa ang pagtaas ng isang side ng labi ni Kahel na tila tuwang-tuwa sa ginawa niyang seating arrangement.
Umiling nalang ako at binaling ang tingin ko sa field kung saan nagsimula nang maipakilala isa-isa ang mga players na naka-asul mula sa baseball team ng kabilang team - ang Princedale na rival ng university namin na Fotheringham.
"Kumusta ang result ng exams mo?" Pabulong na tanong ni Kahel sa tabi ko.
Bumuga ako ng hangin at nilingon siya saglit. "Okay naman. Ikaw?"
Tumango siya sabay lapit ng mukha sa tainga ko. "Sama ka sa akin mamaya."
Nilayo ko agad ang mukha ko sa kanya at baka makahalata pa si Charlie sa tabi ko.
Buti nalang at nagsimula na ring tumugtog ang marching band kaya walang nakapansin sa patuloy na paglapit ni Kahel sa akin. Pinisil ko ang tagiliran niya para tumigil na ito.
Narinig ko ang pagngiwi niya sa tabi ko.
Umiling lang ako at binalik ang atensiyon ko sa field dahil sinimulan na rin nilang ipakilala ang mga players namin. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng kampo namin nang lumabas si Logan na siya ngang star player ng baseball team.
Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na rin ang game. Wala akong alam kung paano ang larong baseball. Naguluhan rin ako kung sino ang nakakapuntos.
Basta sa tuwing si Logan ang tatayo sa field na hawak ang baseball bat niya ay napapasabay nalang ako sa paghiyaw at pagpalakpak.
Sa loob ng isang oras ay nakailang beses niyang natamaan ang bolang binabato sa direksiyon niya.
"Home run, baby!" Sigaw ni André sa likod namin nang isang beses na matamaan ni Logan ang bola at nakarating ito sa malayo.
Halos isang oras pa ulit ang nakalipas at natapos rin ang game sa score na 6-2 kung saan nanalo ang team namin. Sa limang puntos ng team, naka-tatlong home run bats si Logan. Ganoon pala talaga siya kagaling sa baseball.
Maya't maya pa ay isang musika mula sa speakers ang nagpatigil sa mga tao sa pag-alis sa kanilang upuan kasama na rin kami.
Kinalabit ako ni Charlie sa braso. "Ano'ng meron?"
Nagkibit-balikat ako sabay tingin sa katabi kong lalaki. Nakaupo pa rin si Kahel habang nakahalukipkip na parang inaasahan talaga niya ang nangyayari ngayon.
"It's a beautiful night, we're looking for something dumb to do
Hey baby girl, I think I wanna marry you.
Is it the look in your eyes or is it this dancing juice?
Who cares, baby girl, I think I wanna marry you..."
Nalaglag ang panga ko nang ma-realize ko ang lyrics ng kanta. Teka... may nagpo-propose ba ngayon?
"OMG!"
"AAHHHH!!!"
Nagtitilian na ang mga babae sa paligid habang naglalakad yung lalaking may hawak ng mikropono at kanina pa kumakanta ala Bruno Mars sa gitna ng baseball field.
"Let's go, Jale!" Narinig ko ang sigaw ni André sa likod ko.
Habang papalapit ang lalaki na umaakyat na sa bleachers, doon ko lang nakita na si Dok Jale nga ang lalaki. Naka-coat pa siya ngayon ng puti na mukhang galing pa sa shift niya.
"Konstant, I still want to marry you," pag-announce ni dok sa mic nang patapos na ang kanta.
Napatingin ako kay Koleen na wala na pala sa kinauupuan niya at bumababa na rin sa bleachers para salubungin si Jale ng yakap at halik.
"Ang sweet naman!" Napatili si Alexis sa tabi namin.
"Isang malaking sana all nalang talaga," komento naman ni Hailey na malaki ang ngiti sa mukha.
"She said yes!" Announcement ni dok Jale matapos ang ilang minutong yakapan at halikan nila sa gitna ng bleachers.
Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao kaya nakisabay na rin ako. Nag-iba na rin ang music at pinatugtog ang Finesse na kanta pa rin ni Bruno Mars.
Naramdaman ko nalang ang isang kamay sa tuktok ng ulo ko kaya napatingin ako sa lalaking katabi ko na nakatayo na pala. "Let's go?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. "San tayo pupunta?"
"Ihahatid kita," kaswal na sagot nito.
Pinandilatan ko siya dahil baka narinig ni Charlie.
"Go lang. Uuwi na rin naman ako," biglang sagot ni Charlie na mukhang narinig nga niya ang sinabi ni Kahel.
"Dré, pakihatid naman si Charlie," utos ni Kahel sa kaibigan.
Ginulo ni André ang buhok niya at sumaludo kay Kahel. "Okay, boss."
"Naku, okay lang talaga ako," sabi pa ni Charlie.
"Hey, let's go, my lady," sambit ni André.
"Charlie ang pangalan ko," pagtatama ng katabi ko.
Umismid si André. "Charlie, lady, it's the same thing."
"Mag-ingat ka diyan, Charlie," paalala ni Alexis.
Agad na nilingon ni André si Alexis at pinanlisikan nito ng mata.
"Tama na 'yan, André," nagsalitang muli si Kahel sabay tingin sa akin. "Let's go."
#
Naabutan kami ng traffic kaya halos tatlumpung minuto ang nakalipas bago kami makarating sa isang club na malapit lang sa university. Sandbar ang pangalan ng club na tila popular sa mga estudyante dahil marami akong nakikitang labas pasok ngayon sa loob na nakauniporme.
"Bakit tayo nandito? Akala ko ba uuwi na tayo?" Reklamo ko kay Kahel habang tinatanggal na niya ang helmet mula sa ulo ko.
Inayos pa niya ang buhok ko sa gilid ng tainga ko bago siya nagsalita. "May celebration ngayon dahil sa pagkapanalo nina Logan."
"Kaya dinala mo ako dito? Kung saan makikita tayo ng marami?"
Nilagay ni Kahel ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. "Fina, relax. Walang makakapansin sa atin. First time mo bang mag-club?"
Tumango ako. "Mukha ba akong mahilig mag-clubbing?"
Bumuntong-hininga si Kahel. "Good point. Just stick with K and her friends. Nandiyan naman sila."
"Kung hindi lang talaga kita mahal," bulong ko sa sarili ko habang sinusundan na si Kahel na naglalakad patungo sa entrance ng club.
Napatigil siya bigla sa paglakad at nilingon ako. "Ano'ng sabi mo?"
Napatigil rin ako. "Ha? Wala akong sinabi."
Lumapit siya sa akin at yumuko para tignan ako sa mata. "May sinabi ka."
Nalito ako bigla. "Sabi ko lang naman kung hindi lang kita mahal, hindi ako sasama dito."
Biglang kumurap si Kahel at napahakbang patalikod habang nakatingin pa rin sa akin.
Humakbang rin ako palapit sa kanya. "Hoy, ano na? Papasok ba o hindi?"
Lumunok si Kahel at sinampal nang marahan ang pisngi niya. "Y-You love me?"
Pinanliitan ko siya ng mata habang humakbang ulit palapit. "Oo, mahal kita. Teka, okay ka lang?"
"I-I'm okay. Huwag ka lang lalapit sa akin ngayon, Fina, dahil baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko."
Lumapit ulit ako sa kanya. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo?"
"I said don't!" Tumaas ang tono ng boses niya habang nakaturo ang kamay niya sa akin na parang pinagbabantaan ako.
"Bakit ba kasi?" nalilitong tanong ko hanggang sa marating ko na ulit siya.
Hinila niya ako palapit sa kanya kaya tumama ang mukha ko sa dibdib ng lalaki. "You really love me?"
Tumango ako. "Hindi ka pa rin naniniwala?"
Ngumiti ang lalaki. "I just..." he paused, leaning his face closer to mine. "I love you so much." Hinalikan niya ako sa labi at sa pagkakataong iyon, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.
First time kong makapasok sa isang legit na club kung saan may mga taong sumasayaw sa gitna ng dance floor habang nakataas ang mga kamay nila at umiinom ng alak na parang wala ng bukas.
Hindi ko alam kung makakaya ko pang manatili dito sa loob. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko para tignan ang oras. 8:20 pm.
Sampung minuto palang pala ang nakakalipas simula nang makarating kami dito. Pero pakiramdam ko ay isang oras na akong nakakulong dito sa isa sa mga cubicle sa loob ng banyo.
"Girls, nakita niyo ba yung kasama ni Kell kanina?"
"Oh my God! Yes! Don't tell me siya ang pinalit niya kay Flora?"
"The taste! Akala ko pa naman may class si Kell."
"If I know, social climber si girl."
"I know right!"
"Ssshh... huwag kayong maingay, baka may makarinig sa inyo."
"And so? We're just stating facts."
"Let's go na nga!"
Binuga ko ang hangin na kanina ko pa kinikimkim. Hindi ko namalayan na nakakuyom na rin pala ang mga kamay ko.
Alam ko naman kung ano ang estado ni Kahel. At lalong alam ko na magkaiba kami ng pinanggalingan. Hindi ko lang inakala na sa panahon ngayon ay puno pa rin ng panghuhusga ang mga tao.
Nang mag-vibrate ang cellphone sa kamay ko, muntik ko pa itong mabitawan. Buti nalang at hindi nahulog sa toilet bowl.
Pagkakita ko ng pangalan ni Kahel na lumitaw sa screen, bumuntong-hininga ako.
Fina, san ka na?
Nasa cr ka pa rin ba?
Inayos ko ang tayo ko at lumabas ng cubicle. Tinignan ko ang sarili sa salamin at nakita ang mukha ng isang babaeng nakasuot ng pulang collared uniform at itim na slacks. May tigyawat pang sumisilip sa gilid ng noo ko.
Huminga ako ng malalim at sinampal ang pisngi ko para ipaalala sa sarili ko na hindi dapat ako magpaapekto sa mga sinasabi ng mga tao.
"Okay lang 'yan, Fina. Mahal ka ni Kahel at mahal mo siya," sambit ko sa babae sa salamin.
Matapos kong kumbinsihin ang sarili ko, tumapak ako palabas ng banyo at agad akong binati ulit ng isang nakakabinging musika.
Napahinto ako nang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko ang mukha ng isang lalaking nakasuot ng plaid na shirt.
"Fina!"
"Tyler?"
Nginitian ako ng lalaki habang hawak pa rin ang braso ko. "Long time no see."
"Tyler, bitawan mo ako," marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
Humalakhak naman ang lalaki. "Fina, relax. I'm not doing anything. Kinakumusta lang kita. And I heard kayo na raw ni Kell?"
Napalunok ako. Talaga bang pinagkakalat na nilang lahat na kami na ni Kahel?
"How's that going for you, huh?" Tinaas ni Tyler ang kilay niya habang naghihintay ng sagot ko. "Hindi ka talaga naniniwala sa sinabi ko sa'yo noon? Na ang mga Atkinson ang dahilan kung bakit ka naaksidente?"
May kung anong dumaan na nakakasilaw na ilaw kaya napapikit ako. Umiling ako nang mabilis at paulit-ulit ko itong ginawa dahil nakaramdam ako ng kirot sa gilid ng ulo ko.
"Aahh," hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sakit ng ulo ko at napahawak ako sa pader sa aking likod.
"Fina!" Narinig ko ang boses ni Kahel na papalapit. "Gago ka Tyler! Ano'ng ginawa mo?"
Nakita ko si Kahel na nakahawak na sa leeg ni Tyler habang nakangisi naman 'yong lalaki.
"Kell, bro, stop accusing me for something I didn't do," tinaas ni Tyler ang mga kamay niya. "Baka gusto mong tignan muna ang sarili mo bago mo ako patulan."
"What the hell are you talking about?" Nagngingitngit sa galit ang tono ni Kahel na ngayon ko lang narinig.
"Oh, please. Don't act like you don't know what I'm talking about. Basta, Fina, advice ko lang sa'yo, stay away from him," sabi pa ni Tyler sa akin habang nakangiti pa rin na tila tuwang-tuwa sa nangyayari ngayon.
Nakahawak na ako ngayon sa ulo ko dahil parang nahihilo na ako. Hindi rin nakatulong ang mga ilaw na dumadaan sa mata ko pati na ang tunog sa speakers na nagpapadugo sa mga tainga ko.
"You stay the fuck away from her!" Narinig ko pa ang paghiyaw ni Kahel kay Tyler bago niya ito bitawan at lumapit sa akin. "Fina, okay ka lang?"
Umiling ako sa kanya at naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sa akin.
"I'm sorry, baby. Let me take you home."
Hinatid ako ni Kahel sa mansion at nanatili ulit kami sa kwarto niya na pinipinturahan namin. Pinainom na rin niya ako ng Biogesic para matanggal ang migraine ko. Simula kanina ay hindi tumigil ang sakit nito na parang may nagmamartilyo sa ulo ko ng paulit-ulit.
"Fina," mahinang sambit ni Kahel habang hinahaplos ang noo ko. Kanina pa niya ito minamasahe at kahit na malambot namana ng kamay niya ay wala itong epekto.
"Hmm?" Tumingala ako sa kanya dahil nakaupo ako ngayon sa hita niya habang nakaupo siya sa sahig.
"Tell me something I don't know about you," pagpapatuloy nito.
Bumuga ako ng hangin habang nag-iisip. "Mmm... paborito ko ang palabok. Ikaw?"
Tinignan ako ni Kahel habang nakangiti. "Spaghetti from Jollibee at chicken sa Mang Inasal."
Napatawa ako. Hindi ko inakala na iyon ang mga paborito niya. Akala ko sosyal rin ang gusto niya dahil mayaman sila.
"Favorite subject mo nung high school or elementary?" Tanong niya. "Mine's Science."
"PE at recess kahit na wala akong baon," simpleng sagot ko.
Siya naman ngayon ang napatawa. Ilang segundo pa ay bumalik ulit siya sa pagtatanong, "Nagka-boyfriend ka na ba?"
"Mukha ba akong habulin ng mga lalaki?"
Napatigil siya habang nakatingin sa akin. "Mmm... you have a point."
Inabot ko ang kamay niyang nagmamasahe sa noo ko at kinurot ito. "Oo na pangit na ako."
Dumaan ang kamay niya sa pisngi ko at pinisil niya ito. "Hindi ka man habulin ng mga lalaki, but I promise you that I will chase you from all the ends of the Earth. Kaya pag naisipan mong lumayo, you better be ready because I will for sure find you, Fifi."
Sumimangot ako sa kanya dahil sa pagtawag niya sa akin ng Fifi.
Binalik ni Kahel ang kamay niya sa noo ko at pinagpatuloy ang pagmasahe nito. "Kailan ang birthday mo?"
"Hindi ba nabanggit ko na sa'yo noon?"
Umiling ang lalaki. "I only told you mine. Naaalala mo pa ba?"
"February 12," confident na sagot ko. Naaalala ko ito simula nung sinabi niya sa akin.
"So, kailan nga sa'yo?" Tanong niya ulit.
"July 7. Bakit? Magpapa-fiesta ka?"
The guy pressed his lips. "Maybe?"
"Ayaw ko ng enggrandeng party. Yung makasama ko lang sina nanay okay na ako," sagot ko.
"Sila lang? Paano ako?" May pa-pout pa siyang nalalaman. May ganitong side rin pala ang lalaking ito. Noon akala ko seryoso lang siya.
"Kasama ka na dun," sabi ko.
"Sabi mo pamilya mo lang."
"Kasama ka na sa pamilya ko."
"So..." Napatigil siya sa pagmasahe sa akin. "Officially part of the family na ako?"
"Hindi pa ba?"
Nagkibit-balikat siya. "It's just nice to hear it from you."
"Alam mo ang corny mo pala 'no? Ganito ka rin ba sa mga ex mo?" Usisa ko.
"Isa lang ang naging ex ko and that wasn't even my decision at first," pag-amin nito habang nakatingin sa malayo.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakapalibot ang kahel na aura sa kanya. Hindi ako makapaniwalang iisa pa lang ang naging girlfriend niya. At kung napilitan lang siya sa ex niya, malamang ay si Koleen talaga ang first love niya.
"Don't get me wrong. I tried to love her, but it's different," dagdag ni Kahel.
"Bakit hindi mo niligawan si Koleen?" Hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin ito dahil matagal ko nang gustong malaman.
Agad akong tinignan ni Kahel. "I guess I was scared. I told you before, right? I was always scared. Natakot ako na baka mawala siya sa buhay ko, so I stayed on the safe side."
"Pero kung niligawan mo siya, eh di sana naging kayo tapos-"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang yumuko siya at hinalikan ako sa labi. Parang natangay lahat ng oxygen mula sa baga ko at nang tinanggal na niya ang paglapat ng labi niya sa akin, hingal pa rin ako.
Pinalo ko ang braso niya nang maibalik ko ang dati kong paghinga. "Bakit mo ba ako laging ginugulat?"
Napangiti naman ang lalaki. "Nagseselos ka pa rin ba kay K?"
Umiling ako agad. "Hindi ah. Alam ko naman na mahal mo na ako."
Mas lalong lumawak ang ngiti niya hanggang sa lumitaw ang dimples niya. "Mabuti naman at maliwanag na sa'yo, Miss Josefina Melendrez."
"Mas maliwanag pa kaysa sa mga mata mo," sagot ko naman habang inaangat ang sarili ko mula sa pagkakahiga ko sa hita niya. Inayos ko ang upo ko sa tabi niya habang nakatingin ang lalaki sa akin.
"Tingin mo malabo ang mata ko?" Seryosong tanong niya.
Tumango ako. "Slight."
Nilapit niya ulit ang mukha niya sa akin at bago pa siya makanakaw ulit ng halik tinaas ko ang kamay ko at sinara ang bibig ko gamit ito.
Umiling ako nang mabagal at napatawa naman si Kahel. Hinalikan niya ang likod ng kamay kong nakaharang sa bibig ko bago siya tumayo sa kinauupuan naming carpeted na sahig.
Binaba ko na rin ang kamay ko at pinanood siyang lumabas ng kwarto. Pagbalik niya ay dala na niya ang gitara na galing sa kabilang kwarto.
"Do you want to hear a song?" tanong niya sabay upo ulit sa tabi ko sa gitna ng kwarto.
Tumango ako nang mabilis na parang batang naghihintay ng regalo.
Tumikhim si Kahel bago niya sinimulan ang pag-pluck sa strings ng gitara. Isa-isang nagsilabasan ang iba't-ibang kulay ng nota mula sa gitara habang pinapatugtog niya ang hindi pamilyar na kanta sa akin.
Sumasayaw ang mga kulay ng nota sa paligid ni Kahel kaya napangiti ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at sinimulan na rin niyang kumanta.
"I am yours now and I can't get out
Still don't know how I ended up here
I've always been scared and scarred my whole life
But then you came and changed my mind.
Now I'm in too deep
My white canvas is starting to fade
I'm painting myself with more colors
You say I'm an orange and I don't mind
As long as you'll stay by my side."
"I love you, Fina," mahinang sambit nito matapos ang kanta.
"Mahal rin kita, Kahel," sagot ko sabay pikit ng mga mata ko nang halikan niya ako sa labi.
(TW: not for minors. Please read with care.)
Marahas ang paghalik niya sa akin ngayon na parang gutom na gutom. Mabilis din niyang natanggal ang suot kong damit habang tinutulungan ko na rin siyang tanggalin ang suot niya.
Napahiga ako sa sahig habang nasa ibabaw ko na ang lalaki kaya mas lalo ko pang nakita ang kabubuuan ng katawan niya.
Napasinghap ako nang makita ko ang six-pack abs niya. Ganito pala ang itsura nito sa malapitan. Totoo ngang korteng pandesal ang mga ito. Parang gusto kong hawakan para malaman kung matigas ba o malambot.
"You can touch it. This is all yours," biglang nagsalita si Kahel na may tonong nanunukso o nang-aakit.
Umiling ako nang mabilis at binaling ang atensiyon ko sa mukha niya. Nakangisi siya sa akin na parang tuwang-tuwa sa ginagawa niyang panunukso.
"Nahihiya ka ba?" tanong pa niya sabay haway sa kamay ko at pinatong ito sa abs niya. "Fifi, no need to be shy."
Hinaplos ko ang katawan niya hanggang sa binaba ko ito patungo sa ibabaw ng suot niyang boxers. Kitang-kita ko ang korte ng pagkalalaki niyang mukhang handa na akong pasukin.
"Pwede ko bang... hawakan?" tanong ko sa lalaki.
Tumango naman siya. "I told you I'm all yours."
Unti-unti kong binaba ang suot niyang boxers at agad na bumungad sa akin ang pagkalalaki niya. Hindi ko alam na ganito pala kalaki. Nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan ko ito.
"Mmm... Fina," napaungol agad ang lalaki kaya patuloy ko itong hinaplos pataas at pababa.
"Okay lang ba?" tanong ko ulit.
"Yes, that feels good," sambit niya kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paghaplos sa pagkalalaki niya. Nakapikit na rin si Kahel ngayon at mukhang nagugustuhan ang ginagawa ko.
Ilang saglit pa ay sinalubong niya ako ng halik sa aking labi habang minamasahe ng kanyang mga kamay ang aking dibdib.
Nang mapagsawaan ang aking labi ay sinunod naman niyang hinalikan ang aking dibdib. Malambot ang kanyang labi, pero marahas ang kanyang mga halik na parang sabik na sabik angkinin ako.
Bumaba ang kamay niya sa aking pagkababae saka niya ito hinaplos at minasahe. Napapaungol nalang ako sa nararamdaman ko ngayon. Parang nawawala na ako sa huwisyo lalo pa nang ipasok niya ang kanyang mga daliri sa loob ko.
Hinalikan niya ang palibot ng aking hiyas habang gumagalaw pa rin ang mga daliri niya sa aking loob. Maya't maya pa ay tinanggal niya ang kanyang mga daliri at sunod na ginamit ang kanyang dila kaya mas lalo akong nilabasan.
Napalunok ako nang makita kong naghahanda na siyang pasukin ako. Hindi namin ito ginawa noon kaya hindi ko alam kung makakaya ko ba ito. Parang hindi siya kakasya sa loob ko.
"Can I come in now?" mahinang tanong niya habang nilalagay na ang condom sa kanyang pagkalalaki.
"T-Teka, ayaw ko pang magka-anak, Kahel. Marami pa akong pangarap sa buhay," kinakabahang usal ko.
"Fifi, we're safe. I'm wearing protection." Pinakita pa niya sa akin para masiguro kong hindi siya nagsisinungaling.
Tumango nalang ako at unti-unti na niyang pinasok ang loob ko. Ramdam ko ang sakit sa pagpasok niya hanggang sa nagsimula na siyang gumalaw sa ibabaw ko.
"Is it still hurting?" tanong niya habang mabagal ang paggalaw nito.
Napapikit ako sa nararamdaman kong sakit hanggang sa mapalitan ako ng kakaibang sensasyon. "O-Okay na."
Mas binilisan na ni Kahel ang paggalaw sa ibabaw ko habang nakahawak ang magkabilang kamay niya sa akin.
"Aahhh..." sabay kaming umungol hanggang sa maramdaman ko na ang paglabas ko.
Sa kabila ng sakit na dulot nito ay nangibabaw naman ang kasiyahang nararamdaman ko lalo pa at ginagawa ko ito kasama ng lalaking mahal ko. Hindi ako nagsisising binigay ko ang aking sarili sa lalaking ito.
"I love you always, Fifi," rinig kong sambit ni Kahel sa tabi ko bago kami matulog ng gabing iyon.
#
"Good morning, Fifi..."
"Mmm..." Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko nang maramdaman ko ang kamay na nakabalot sa aking beywang. Nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama at kasama ang lalaking hindi ko inakalang mamahalin ko at mamahalin ako.
Binati niya ako ng halik sa tungki ng aking ilong kaya mas lalo pa akong nagising sa naramdaman kong kuryente sa katawan ko.
Tumaas ang magkabilang gilid ng labi ni Kahel habang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang dimple niya sa pisngi pati na rin ang pagkislap ng kulay almond niyang mga mata.
Tinaas ko ang aking kamay para ihawi ang buhok niyang tumatakip sa kanyang noo.
"Ang cute talaga ng pusa ko," sambit ko habang marahan kong ginulo ang kanyang buhok.
"Mas cute ang tarsier ko," ganti niya sa akin sabay halik sa noo ko.
Ngumuso ako sa kanya. "Ha-ha. Nakakatawa."
Napatawa si Kahel sabay higpit sa pagyakap sa maliit kong katawan. Nang mahawakan ko ang dibdib niya, doon ko lang napagtanto na wala siyang saplot.
Agad akong napaupo sa kama sabay hablot sa kumot na nasa paanan ko. "Ano'ng oras na?"
"Fifi, dito muna tayo, please," malambing na tono ni Kahel habang ramdam ko ang labi niya sa aking batok.
Bumuga ako ng hangin sa inis ko at binaba ang kumot na hawak ko. "May trabaho pa ako, Kahel."
Akmang tatayo na ako nang bigla niya ulit akong binalot ng mga kamay niya at hinila ako pabalik sa kama.
"Kain muna tayo," saad niya.
"Maghahanda lang ako ng breakfast. Okay lang po ba, señorito?"
"Nandito na ang breakfast ko," sagot naman niya.
"Ha? Saan?" Nilibot ko pa ang tingin ko sa kwarto.
"Ikaw," sagot nito.
"Loko ka talaga," siniko ko siya bago ko tinanggal ang kamay niyang nakabalot sa akin. Tumayo na ako sa kama at tinignan siya ulit. "Ano ngang gusto mo? Breakfast in bed nalang tayo."
"My heart is already full," banat ulit ng lalaki.
Binato ko siya ng unan kaya napatawa siya. "Seryoso na nga! Itlog? Bacon?"
"French toast with blueberries and maple syrup," sagot niya habang umaalis na sa kama. "You know what, ako nalang ang maghahanda ng breakfast."
"Pero-" reklamo ko pero natigilan ako nang ilapat niya ulit ang labi niya sa akin habang nakatayo na kaming dalawa.
"Chill ka lang dito, okay?" The guy mumbled under his breath, kaya napatango nalang ako sa kanya at pinanood siyang lumabas ng kwarto.
Bumalik ako sa kama at inaliw ang sarili ko sa pag-scroll sa Tiktok. Naka-ilang videos na rin ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Kahel. Mahirap bang gawin yung French toast niya?
Nainip na ako at kumakalam na rin ang tiyan ko kaya tumayo ako sa kama.
Habang naglalakad ako pababa sa hagdan, parang may naririnig akong boses ng isang babae na kinakausap ni Kahel mula sa kusina.
Tahimik akong nagtungo malapit sa kusina at napatigil ako sa gilid nang mapagtanto ko kung sino ang kausap ni Kahel.
"Mom, I understand," sambit ni Kahel sa nanay niyang kausap niya sa cellphone niya.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila at mukhang nagmamakaawa ang boses ni Kahel?
"Yes, I'm doing my best." Malumanay pa rin ang pagkakasabi ni Kahel habang naglalakad siya nang pabalik-balik sa kusina.
Ano ba ang sinasabi ng nanay niya sa kanya?
Tumigil saglit si Kahel sa paglakad sabay hawak sa sentido niya. "Yes, I'm aware of the consequences."
Consequences?
Umiling ako nang mabagal at agad na umakyat pabalik sa kwarto bago pa niya ako makita. Hindi maalis sa isip ko ang mga narinig ko.
Ito na ba ang kinakatakutan ni Kahel?
Na dapat ko ring katakutan?
🍊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro