Chapter 24
Muntik pa akong nahulog sa kama ko paggising ko kinaumagahan. Buti nalang at Linggo ngayon. Mukhang napasarap ang tulog ko kagabi.
Kinuha ko ang cellphone sa baba ng unan ko at nagulat ako sa dami ng texts na galing kay Kahel. Agad akong napaupo sa kama at isa-isa kong binasa ang mga text niya.
"Good morning!"
"Just want to say..."
"Hope you have a wonderful day!"
"Also, don't forget to have breakfast."
"Text me pag gising ka na."
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng init sa mga pisngi ko matapos kong basahin ang mga mensahe ni Kahel.
Naalala ko ulit yung nangyari kagabi. Totoo pala talaga 'yon? Pakiramdam ko kasi panaginip lang ang lahat.
Baka naman na-misinterpret ko lang yung mga sinabi ni Kahel. Baka ang ibig niyang sabihin ay takot lang siyang mawala ako kasi nasanay siyang lagi kaming magkasama.
Pero teka, hindi ba ibig sabihin nun gusto talaga niya ako?
Gumulong ako sa kama ng paulit-ulit hanggang sa may marinig akong katok mula sa pintuan.
"Fina?"
Hinila ko ang sarili ko para tumayo mula sa kama at magtungo sa pinto. Binuksan ko ito at nakita si Koleen na nakangiting nakatayo sa harap ko.
"Fina, sorry. Nagising ba kita?" Tanong nito sabay ayos sa salamin sa mata.
Umiling ako sabay hawak sa tainga ko. "Ah, hindi. Okay lang."
"Sabay ka na mag-breakfast sa amin?" Pag-aya niya.
Tumango naman ako at sinundan siya patungo sa kusina. Pagkarating namin ay bumungad sa akin ang lalaking nakaputing tshirt na nakahalukipkip sa may harap ng lababo. Nakangiti lang siya habang pinapakinggan ang maingay na kwentuhan nina André at Logan kasama sina Hailey at Alexis.
"Ey! Good morning, Spongebob!" Pagbati ni André habang kumakaway kaya napatingin sila sa aming direksiyon.
"Ang cute naman ng tshirt mo, Fina," sambit ni Hailey.
Napatingin ako sa suot kong tshirt at nakita ang malaking mukha ni Spongebob. Nag-init ang tainga ko kaya napahawak ako rito.
Inangat ko ulit ang ulo ko at saktong nagtama ang tingin namin ni Kahel. Nakita ko ang malaking ngiti sa kanyang labi kaya mas lalo pa akong nakaramdam ng hiya. Bakit ko ba kasi sinuot ito?
"Are we gonna eat breakfast na ba?" Biglang tanong ni Alexis kaya nabaling na rin ang atensiyon nila sa kanya.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko habang naghahanap ng mauupuan.
"Fina, dito ka na umupo."
Hindi ko namalayang nasa tabi ko na si Kahel dahil sa pag-aayos ko ng buhok. Nakahawak na siya sa upuan at hinihintay akong umupo. Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti sabay upo sa hawak niyang silya para sa akin.
Inabutan niya ako ng plato at kubyertos bago siya umupo sa tabi ko.
"Ano'ng gusto mo?"
Nilingon ko ulit si Kahel sa tabi ko habang nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. Napatingin ako sa nakahandang pagkain sa mesa. May itlog, spam, bacon at tapa. Tinuro ko nalang yung tapa dahil mukhang masarap ang pagkakaluto nito.
"May kamatis ba dito?" Pabulong kong tanong sa kanya.
Ngumiti si Kahel bago siya tumayo sa kinauupuan. Nagtungo siya sa may pridyider at naghalungkat mula rito. "K, may kamatis ba kayo?"
"Wala na ata. Bakit? Kelan ka pa kumain ng kamatis? Di ba ayaw mo sa kamatis?" Confused na tanong ni Koleen.
Sinara ni Kahel ang pridyider at bumalik sa pag-upo sa tabi ko. "Gusto ni Fina ng kamatis," sagot nito.
May biglang bumuga ng tubig kaya natalsikan ang pagkain sa mesa. Napatingin kami kay André na sinusuntok ang sariling dibdib habang pinipilit na ibalik sa normal ang kondisyon niya.
"Dre, okay ka lang?" Napatayo si Logan para saklolohin ang kaibigan.
Tinaas ni André ang kamay niya. Nakatingin lang kaming lahat sa kanya hanggang sa magsalita siyang muli. "When did this happen?" Tanong niya habang nakaturo ang kamay sa aming dalawa ni Kahel.
Bumilis ang pagkurap ng mga mata ko habang nakatingin na silang lahat sa aming direksiyon. Ramdam ko ang pagtitig ni Kahel sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon.
"Kahapon lang," seryosong sagot ng lalaki sa tabi ko.
"So, kayo na?" Tanong naman ni Hailey.
"Finally," saad ni Koleen na parang nabunutan ng tinik sa katawan.
"Ah, t-teka..." Umiling ako. "H-Hindi pa kami."
"Hindi pa? I thought-"
Nilingon ko na rin si Kahel kaya napatigil siya sa pagsasalita at pinanliitan ko siya ng mata. "Sinagot na ba kita? Nanligaw ka ba?"
Napatigil ang lalaki at napakunot ang noo nito. "Ligaw? Kailangan pa ba?"
"Naku, Fina kung hindi manliligaw ang lalaking 'yan, wag mo munang sagutin," sabi ni Koleen habang umiiling.
Pumalakpak naman si André. "Kell, my brother, mukhang kailangan mo ng tutoring lesson on how to court a girl."
"Tingin mo naman may matututunan siya sa'yo?" Panunukso ni Logan.
Confident na tumango si André. "Of course. You can only learn from the master."
"Master ng ano? Pagiging playboy?" Sagot naman ni Koleen.
"Why the hell are you ganging up on me? Ako na nga itong nagvo-volunteer na tumulong," Naka-pout na sagot ni André.
Pinagtutulungan pa rin nila si André nang bigla kong napansin si Kahel na gumalaw sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ang nakatitig na mata niya sa akin.
"Wala pa akong niligawan dati kaya hindi ako sanay sa ganito. But, I hope you're ready, Fina..." Tumigil siya saglit at mas lumapit pa sa akin hanggang sa dumaan ang pisngi niya sa akin. "Because I'm gonna go all out for you to be mine."
#
Huling araw na ng finals namin ngayon. Isang subject nalang ang exam namin pero major kasi kaya nagpuyat na naman ako kagabi. Buti nalang at tinantanan rin ako ni Kahel sa pagtext buong linggo.
May pa-"I hope you're ready" pa siyang nalalaman. Mukhang busy rin pala siya sa pagrereview para sa exams niya.
Nangawit na ang kamay ko matapos ang apat na oras na pagguhit ng orthographic plate para sa exam namin sa Building Tech. Akala ko mababali na ang kamay at leeg ko kanina. Pati mga mata ko mukhang dudugo na rin.
"Fina!" Niyakap ako ni Charlie pagkatayo namin sa silya. "Sa wakas natapos rin ang exams!"
"Kaya nga. Gusto ko nang matulog," ani ko sabay ayos sa tali ng buhok ko.
"Matulog? Ayaw mo bang mag-celebrate?"
"Wala na akong energy para mag-celebrate, Charlie," humikab pa ako pagkasabi nito habang kinukuha ang backpack ko.
Pagdating namin sa labas ng building, sinalubong agad kami ng matinding sikat ng araw. Alas-tres palang kasi ng hapon. Agad kong naramdaman ang pawis na namumuo sa noo ko. Ang init rin ng uniform namin kaya mas lalo pa akong pinagpawisan.
"Fina," hinila ako ni Charlie kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Oh, bakit?" Tinignan ko siya at nakitang nakatingin siya sa di kalayuan.
Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang isang lalaking naka-puting hoodie at itim na shorts. Parang ngayon ko lang siya nakitang naka-hoodie ah. Bagay naman sa kanya. Nagmukha siyang basketball player na kakatapos lang sa practice.
"Nandiyan na pala angkas driver mo," komento ni Charlie sa tabi ko.
Hindi pa ako nakakasagot nang makita kong naglalakad na si Kahel papalapit sa amin. Tulala lang ako hanggang sa nasa harapan na namin siya.
Mas lalo pang napaawang ang labi ko nang makita ang mukha niya ng malapitan. Nakababa ang buhok niya ngayon na mukhang kakaligo lang at hindi naglagay ng wax.
Kahit ano'ng gawin niya sa buhok niya o kahit anong suot niya, ang pogi pa rin. Totoo ba 'tong nilalang na 'to?
"Hi," kunwari pang nahihiyang bati ni Charlie sa lalaki.
Ngumiti si Kahel kaya hindi na naman kita ang mata niya. "Hi. Tapos na exams niyo?" tanong nito habang nakatingin na sa akin.
Tumango ako. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka," sagot niya sabay kuha ng backpack at t-square mula sa balikat ko. "Let's go? Una na kami, Charlie. Charlie, right?"
Tumango si Charlie at tinulak ako papalapit sa lalaki kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sundan si Kahel.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Somewhere."
Kumunot ang noo ko sa kanya at mas lalo pa itong kumunot nang makita ko ang puting big bike na nilapitan ni Kahel. Kinuha na niya ang helmet mula dito at nilagay sa ulo ko.
"Kay André rin ba 'to?" Tanong ko habang sumasakay na sa likod niya.
"No, it's mine," sagot niya. "Don't let go of me, okay?" paalala pa niya bago niya pinaandar ang motor.
Tinanggal ko na ang hiya ko at binalot ang beywang niya gamit ang mga kamay ko. Ayaw kong mahulog.
Ay hindi. Nahulog na pala ako. Ayaw ko lang aminin. Magpapaligaw muna ako.
🍊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro