Chapter 23
"Mabuti nalang at tumigil na ito sa pagdugo pero kailangan pa rin siguro itong itahi," sambit ng babaeng nurse na naglilinis ng sugat sa kamay ko.
Nakaupo na ako ngayon sa isang kama sa loob ng ER. Labas pasok ang mga nurse na may inaasikasong pasyente. May dumating rin kanina na galing sa labas ng ospital. Naka-wheechair at duguan ang ulo nito.
Muntik pa akong maduwal sa kinauupuan ko kung hindi pa dumating yung nurse para kausapin ako. Halos sampung minuto rin akong naghintay dahil sobrang busy nila.
"Ang swerte niyo naman ma'am. Ang pogi ng boyfriend niyo," ani ng nurse sabay ngiti sa akin.
"Ah, hindi ko siya-"
"Thank you for looking after her," biglang narinig ko ang boses ni Kahel na nakatayo pa rin sa gilid ng kama ko.
Pinanliitan ko siya ng mata pero mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Ano ba'ng nasa isip ng lalaking ito?
Nilagay niya ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko at marahan nitong hinaplos ang buhok ko.
Umalis saglit ang nurse kaya agad kong inalis ang kamay ni Kahel sa ulo ko. "Bakit mo ginawa yun?"
Nagkibit-balikat ang lalaki na kunwari hindi alam ang ginawa niya. "What?"
Ngumuso ako sa kanya. "Yun!"
"Thank you?" Patanong na sagot niya.
"Hindi!" iritable kong sagot. "Bakit hindi mo tinama yung sinabi nung nurse? Akala tuloy niya mag-ano tayo."
"Mag-ano?" Inulit pa niya na kunwaring hindi alam ang sinasabi ko.
"Hey, guys! What do we have here?" Isang masiglang boses ng lalaki ang nakapukaw ng atensiyon namin ni Kahel. Napatingin ako sa lalaking nakasuot ng puting coat at may nakasabit na stethoscope sa leeg nito.
"Enrico?" Gulat na tanong ni Kahel sa doktor na dumating. "When did you get back here?"
Napailing ako habang tinitignan ang dalawang lalaki na magkaharap na ngayon. Halos parehas lang sila ng height pati build ng katawan at parehas ring gwapo. Mas makapal at magulo nga lang ang buhok ni Enrico kaya parang mas matangkad siya.
Siya na ba si Enrico na kapatid ni Kahel? At doktor siya?
"When I found out Lolo A died, I had to come back," sagot ng doktor habang may ngiti sa labi nito.
Ngayong nakangiti na siya ay nakita ko ang pagliit ng mata niya. Ang pagkakaiba nga lang nilang magkapatid ay nawawala ang mga mata ni Kahel kapag ngumingiti siya tsaka lumilitaw ang dimples niya sa magkabilang pisngi.
Nanatiling seryoso ang mukha ng lalaking nasa gilid ko na normal naman niyang ekspresyon. "Nagpakita ka na ba kay dad?"
Tumango naman ang doktor. "I haven't told Konstant though."
Napaawang ang labi ni Kahel. "Why not?"
Nakangiti pa rin ang doktor na parang naaaliw sa pagtatanong ni Kahel sa kanya. "Gusto ko siyang i-surprise. Will you help me?"
Bumuga ng hangin si Kahel. "Hindi niya kailangan ng surprise. Ikaw lang ang kailangan niya."
Biglang napatingin ang doktor sa akin at bahagyang yumuko para lapitan ang mukha ko. "This guy needs to chill, don't you think?" Bulong niya sa akin at doon ko napansin ang kakaibang kulay ng mga mata niya. Parang ash gray.
Napangiti lang ako sa kanya habang lumilitaw na rin ang kulay dilaw na "aura" niya. "Ikaw ba si Jale? Jale ni Koleen?"
Tumawa ang doktor at inayos muli ang tayo niya. "That's me. And you are?"
"Josefina, pero Fina nalang," sagot ko naman.
"Fina ni Ellis?" Nilingon ni Jale si Kahel na nakahalukipkip na.
Umiling ako habang nakakunot ang noo. "Hindi. Fina lang."
Tumawa ulit si dok Jale habang tinitignan na ang sugat sa binti ko. "Okay, Fina. How high is your pain tolerance?"
Napalunok ako. "Masakit po ba, dok?"
"Don't worry. Someone will help you right here." Tinapik ni dok ang balikat ni Kahel. "We will need to stitch it because it's on your lower limb and this area tends to be stretched a lot, so stitching is the way to go."
Pinagpawisan ako bigla kahit na may aircon naman dito sa loob ng ospital. "Baka himatayin ako dito."
"Hold her hand during the procedure and try to distract her, okay?" Utos ni dok Jale sa kapatid.
Tinignan lang ako ni Kahel at umalis saglit ang doktor para kumuha raw ng mga gamit.
Kinuyom ko ang isang kamay ko habang paulit-ulit na huminga nang malalim. Nang makita ito ni Kahel, nilapitan niya ako at nagulat nalang ako nang kunin niya ang kamay ko. Mainit ang kamay niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng init sa katawan ko.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ang pag-alala sa mga mata niya. "Kahel, ano'ng ginagawa mo?"
"You can squeeze my hand... para hindi ka masyadong kabahan," mahina ang pagkakasabi niya pero dinig ko ang bawat salita niya sa kabila ng mga boses na umaalingawgaw sa paligid namin.
Pinisil ko ang kamay niya at sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang lambot nito na parang katulad ng kamay ni baby Gigi. Halatang hindi siya gumagawa ng gawaing bahay.
"Ano? Effective ba?" Tanong ulit ni Kahel kaya nabaling ulit ang atensiyon ko sa mukha niya.
Saktong tumatango ako nang bumalik na ulit si Dok Jale kasama ang isang nurse. Nginitian kami ni dok nang makita ang magkahawak na kamay namin ni Kahel.
"Yeah, just keep doing that," sabi ni dok habang nakita kong hawak na niya ang isang syringe na may matulis na karayom. "This will hurt a bit. It's just a local anesthestic."
Nanginginig na ang kamay ko habang pinipisil ang kamay ni Kahel.
"Fina, look at me," biglang nag-shift ang atensiyon ko sa lalaking katabi ko. Tinitigan ko ang mga mata niya habang naramdaman ko ang pagpasok ng karayom sa balat ko.
"Aahhh," napangiwi ako sa sakit. Parang kinagat ako ng isang grupo ng langgam sa iisang parte ng kamay ko.
"Now I will be injecting the anesthetic," pag-explain ni dok Jale. "This is the painful bit."
Sa pagkakataong iyon, parang nasusunog na ang balat ko sa pagpasok ng anesthesia sa loob ng kamay ko. "Aaaahhhhhhhhh," napasigaw ako sa sakit kahit na ayaw ko sanang mag-eskandalo dito sa ER.
"Kaya mo 'yan. You're doing great," pag-encourage ni Kahel sa akin habang patuloy lang sa pagtitig sa mga mata ko.
Ramdam ko na ang pawis na namumuo sa noo ko pero hindi ko na ito pinansin pa. Ganito na kasakit ang sa kamay lang. Paano pa kaya kapag manganganak na? Hindi ko ata kakayanin!
"Fina, do you feel anything?" Tanong ni dok sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong tinutusok niya ang balat ko gamit yung karayom pero wala akong maramdaman. Parang naging paralisado na ang buong kamay ko.
"Wala akong maramdaman," sagot ko.
Tinignan ako ni dok Jale at binigyan ako ng malaking ngiti. "That's good. Now we can start!"
#
Matapos ang halos tatlumpung minuto ay nakalabas na rin kami ng ospital. Binalot nila ng bandage ang binti ko at pinagbawalan rin akong magbuhat ng ilang araw.
"Make sure not to move too much. No jumping around or running a marathon," muling paalala ni dok Jale sa akin.
Tumango naman ako.
"Ask this guy to do things for you," panunukso ulit ni dok sa kapatid niya.
"Oh Kahel, narinig mo ang sabi ni dok. Bawal pa akong magbuhat kaya hindi pa ako makakapaglinis sa penthouse niyo," dagdag ko pa.
"Sinabi ko bang maglilinis ka?" Sumbat naman ni Kahel.
Biglang tumawa si dok habang nakatingin sa amin. "You guys look cute together."
Nasamid pa ako sa sinabi ni dok. "Ah, salamat ulit, dok Jale."
"No problem. I'm so glad to meet you, Fina. I hope this guy is treating you right." Tinapik ni dok Jale ang likod ng kapatid.
Umiling ako. "Yang si Kahel?"
"Why do you call him Kahel, by the way? Isn't Kahel like orange?" Confused na tanong ni dok.
Napahawak ako sa tainga ko. "Ah, kasi kulay kahel siya."
Kumunot ang noo ni dok. "What do you mean? Wait, do you have synesthesia?"
Napasinghap ako. "Paano niyo nalaman?"
Napangiti si dok Jale. "I have it, too. Sometimes. I see colors in music."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ngayon lang ako nakatagpo ng kagaya kong nakakakita rin ng kulay. "Ako rin! Pero usually sa mga tao ako nakakakita."
"Ooh, I already like this girl," sambit ni dok Jale habang sumusulyap sa kapatid.
"You can't," saad naman ni Kahel na akala mo may nagawang kasalanan si dok sa kanya.
"Off limits, huh?" Tukso ulit ni dok habang nakaismid.
"Aalis na kami. Thanks, Enrico," kinuha ni Kahel ang kamay ko kaya tumayo na ako mula sa kama.
"Salamat ulit, dok," nagpaalam ako kay dok Jale at nakita na kumakaway siya sa amin habang hinihila na ako ni Kahel palabas ng ER.
Tahimik lang ako habang sinusundan si Kahel patungo sa parking lot kung saan naka-park ang bike ni André.
Nakalubog na ang araw kaya madilim na sa labas. Pinilit kong habulin ang paglakad ni Kahel para hindi ako maiwan. Parang may pulikat pa naman ngayon ang kaliwang binti ko dahil siguro sa anesthesia.
BEEP. BEEP. BEEP.
Napatigil ako sa malakas na busina galing sa isang kotse. Paglingon ko sa kaliwa ay bumungad sa akin ang nakakabulag na ilaw. Gustuhin ko mang gumalaw ay nakapako ang mga paa ko sa lupa na tila pinipilit akong lamunin ng buhay.
Wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit at hintayin ang nalalapit kong kamatayan.
"Fina!"
Naramdaman ko ang mainit na kamay na humila sa aking braso hanggang sa nakulong ako sa mga bisig ng lalaking sumagip sa akin.
"Fina! Okay ka lang?" Rinig ko ang humihingal na boses ni Kahel na parang ang layo ng tinakbo niya. "I'm so sorry. Hindi dapat kita iniwan."
Gusto kong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko. Yakap pa rin ako ni Kahel kaya hindi ko alam kung itong bilis ng tibok ng puso ko ay dahil sa muntikan ko nang pagkamatay o dahil sa nararamdaman ko para sa kanya.
"I'm really sorry. I won't ever leave you again," mahinang sambit ni Kahel na mas lalo pang nagpabaliw sa akin.
"O-Okay lang ako. Ano ka ba?" Pinilit kong kumawala sa bisig niya pero hindi pa rin niya ako binitawan.
"Fina, let me take care of you from now on," he hushed.
"H-Ha? Ano'ng sinasabi mo diyan?" Utal na sagot ko.
Bahagya niyang tinanggal ang pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mata. "Fina, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari pa ulit sa'yo. I just want you to be safe always."
Napapikit ako saglit sa mga sinabi niya at pinilit kong iproseso ang mga ito. Totoo ba ang mga narinig ko? Ayaw kong mag-assume pero...
"Fina, if you want me to spell it out for you, then let me..."
Binuksan ko ulit ang mga mata ko at nakita ang lalaking nakatitig sa akin na parang nakadepende ang buhay nito sa pagtitig sa akin.
"I've fallen for you... to the point of having the fear of losing you."
🍊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro