Chapter 21
"From now on, dito ka na tutuloy," sabi ni Kahel nang makarating kami sa isang bahay na mukhang apartment malapit sa university namin.
Dalawang babae ang bumungad sa amin sa sala nang makarating kami sa loob. Kinawayan ako ng babaeng may kulot na buhok habang papalapit sa akin. Kilala ko siya dahil siya ang vice president ng Gen L Society. Walang iba kung hindi si Hailey David.
"Welcome dito sa apartment namin, Fina," bati ni Hailey sa akin.
"Make yourself at home lang dito," sabi ng isang babae na nakapink na pajama set na si Alexis, miyembro rin ng Gen L Society.
Nginitian ko lang sila habang hinihila ako ni Kahel papasok ng bahay hanggang sa makarating kami sa kusina. "May gusto ka bang kainin?" Tanong ng lalaki sa akin.
Umiling lang ako sa kanya habang nililibot ang tingin ko sa mas maliit na kusina kumpara sa mansion.
"Coffee?" Tanong ulit ni Kahel habang nakatalikod na at kumukuha ng tubig sa water dispenser.
"Fina, gusto mo bang magpalit na ng damit?" Dumating ang isa pang pamilyar na babae sa kusina.
"Koleen, maraming salamat pala sa pagpapatuloy sa akin dito," ani ko habang nakatingin sa babaeng nakasuot ng salamin sa mata. Ngayon ko lang siya nakitang naka-salamin. Maganda pa rin naman siya. Simple lang kaya naiintindihan ko kung bakit gusto siya ni Kahel.
"Walang anuman. Besides, we're all family here," sagot ni Koleen sa akin. "Sige na. Magpalit ka na tapos kain ka ng dinner."
Tumango ako at sinundan siya sa kwartong itinuro niya sa akin. Matapos kong magpalit ng damit ay bumalik ulit ako sa kusina.
"Fina, relax ka lang diyan at ipagluluto ka raw ni Kell. Although, hindi ko pa naman siya nakikitang magluto ever," sabi ni Koleen bago siya umalis at iniwan kaming dalawa ni Kahel sa kusina.
Umupo ako sa counter kaharap ang lalaking nagluluto. Chineck ko ulit ang cellphone ko at nakita ang text ni Tito Jun.
Naihatid ko na sila sa terminal, Fina. Luluwas na sila ngayong gabi. Huwag ka nang mag-alala sa kanila. Binigyan na rin sila ni Sir Ellis ng pera.
Agad kong tinignan ang lalaki sa harap ko na busy sa paggisa sa frying pan. "Binigyan mo ng pera sina nanay?"
Tumango naman ang lalaki nang hindi ako tinitignan.
"Salamat sa tulong, pero hindi mo naman kailangang gawin lahat ng ito, Kahel," sambit ko.
Bumuga ng hangin ang lalaki at inangat ang ulo para tignan ako. "Hindi ko kailangang gawin pero gusto kong gawin."
"Maghahanap ulit ako ng trabaho na pwede kong mapasukan para mabayaran kita agad."
Tumango si Kahel sa akin. "Magtrabaho ka nalang bilang cleaner sa penthouse."
Napanganga ako. "Ano? Saang penthouse?"
"Sa penthouse namin. Babayaran kita para hindi ka na mahirapan sa paghahanap."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Pero-"
"Fina, magsisimula ka na bukas."
Ano raw? Hindi man lang ako binigyan ng tsansang makapag-isip.
#
Napamulat ako ng mga mata ko nang may marinig akong mahinang katok galing sa pintuan. Inunat ko ang leeg ko at naramdaman ko agad ang pulikat mula sa mga kamay na ginamit kong unan. Nakatulog na naman ako dito sa mesa habang nagrereview kagabi.
Sabado ngayon pero dahil sa malapit na ang midterm exams namin, kailangan ko nang simulan ang pagrereview.
Tumigil ang pagkatok mula sa pintuan pero tumayo pa rin ako sa kinauupuan ko. Mas maliit ang kwarto ko dito sa bahay nina Koleen kaysa doon sa mansion. Pero sino ba naman ako para magreklamo pa?
Akmang bubuksan ko ang pintuan nang marinig ko ang mahinang bangayan mula sa labas.
"Baka tulog pa si Fina."
"Mamaya nalang natin gisingin."
Binuksan ko na ang pinto at nakita ang dalawang babae sa harapan ko.
"Fina!" Gulat na pagbati ni Koleen sa akin habang inaayos ang salamin sa mga mata nito.
"Good morning!" Kumaway naman si Hailey sa akin.
"Sorry, nagising ka ba namin?" tanong ni Koleen.
Umiling ako. "Ah, hindi. Gising na ako kanina. Salamat ulit sa pagpapatuloy sa akin dito."
"Hay, Fina, tama na yang pagpapasalamat mo. Kumain na tayo ng breakfast." Hinila ako ni Hailey patungo sa kusina nila.
May nakahanda nang mga pagkain sa mesa kaya naman nagutom agad ako sa nakita ko.
"Kain na." Inabutan ako ni Koleen ng plato at kutsara't tinidor kaya kinuha ko naman ito habang umuupo sa tabi ni Hailey.
"Kumusta naman ang first night mo dito?" Tanong ni Hailey sa akin habang kumukuha siya ng tinapay.
"Okay naman." Nilagyan ako ni Koleen ng kanin sa plato ko. "Salamat ulit."
"Huwag kang mahiya dito. Tayo-tayo lang ang magdadamayan dito," ani Koleen habang inaabot sa akin ang plato na may lamang itlog, hotdog at bacon.
Tumango naman ako at kumuha na rin ng pagkain mula sa plato. "Galing rin ba kayo sa probinsiya?"
Tinaas ni Hailey ang kamay niya. "Ako galing Tarlac!"
"Dito lang ako sa Manila," saad ni Koleen. "Pero may relatives raw kami sa Cebu sabi ni papa noon."
Napatingin ako sa kanya. Napansin ko ang pag-iba ng tono nito. Mukhang may ayaw siyang alalahanin o sabihin kaya hindi nalang ulit ako umimik.
"Oo nga pala, susunduin ka raw ni Kell mamaya, Fina," banggit ni Koleen.
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. "Bakit raw?"
"Maglilinis ka raw sa penthouse?" patanong na sagot ni Koleen.
Umiling si Hailey. "Ginawa ka pa talagang katulong ng mga 'yon."
"Bakit hindi ka nalang magtrabaho sa library o bilang tutor?" Suggestion ni Koleen.
"Sinubukan kong magtanong sa library pero hindi na raw nila kailangan. Sa tutor naman, hindi ko pa sinubukan pero wala naman akong alam na gustong magpa-tutor."
"Hayaan mo hahanapan ka namin ng mas magandang trabaho kaysa naman maging katulong ng mga lalaking 'yon," sagot ni Hailey sa tabi ko.
"Tutulungan ka sana namin kaso kailangan kasi naming simulan ang preparation para sa fundraising activity ng Gen L," sabi ni Koleen.
"Okay lang. Sanay naman ako sa paglilinis," ani ko.
"Kahit na. Besides, sigurado akong laging makalat doon sa penthouse nila. Lalo na si André," paalala pa ni Hailey.
"Sino'ng makalat?"
Napatingin kami sa boses ng isang lalaking bigla nalang sumulpot sa kusina. Inaayos ni André ang buhok niya at mukhang kakagising lang dahil may nakikita akong maliliit na hibla ng buhok na tila ayaw lumuhod sa tuktok ng kanyang ulo.
"Ikaw," sambit ni Koleen sa lalaki habang inaabutan ito ng saging mula sa mesa.
"Excuse me? Ako yata ang pinakamalinis sa aming tatlo sa penthouse," sagot ni André sabay kuha sa saging na inaabot ni Koleen. "Fina, lesgo?"
"Kita mong kumakain pa si Fina," sagot naman ni Hailey.
"Kailangan ba talagang maglinis ni Fina sa penthouse niyo?" tanong ni Koleen sa lalaki.
Nagkibit-balikat si André. "Order ni Attorney."
"Maliligo lang ako," tumayo na rin ako sa kinauupuan ko matapos kong bilisan ang pagkain ng kanin at itlog.
"Okay na 'yang suot mo," sabi ni André habang kumakain ng saging. "I don't have all day for this. May pupuntahan pa ako."
"Fina, sige na. Hihintayin ka niyan," ani Koleen na nakangiti sa akin.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko matapos kong uminom ng tubig.
"Mahal ang oras ko ha? Hurry up, Fina!" Narinig ko pa ang sigaw ni André mula sa kusina habang naglalakad na ako patungo sa kwarto.
Nang makarating kami sa penthouse, nahulog ang panga ko sa nadatnan kong kalat simula sa sala hanggang sa kusina. Parang dinaanan ng ipo-ipo ang buong bahay nila.
Pinulot ko yung bote sa may paanan ko at sinundan si André patungo sa isang silid kung saan makikita yung mga gamit panglinis.
"Nagpa-party ba kayo lagi dito sa penthouse niyo?" tanong ko.
Kinuha ni André yung bote mula sa kamay ko. "Not really. Usually kapag weekends lang at pag may nag-aya. Anyway, if you need anything else, huwag mong sabihin sa akin dahil aalis na ako."
Inirapan ko siya. "Ha? Mag-isa lang ako dito sa penthouse niyo?"
Tumango si André. "Yeah, why? Gusto mo bang samahan pa kita?"
"Hindi ah! Baka lang kasi may magalaw akong hindi ko dapat galawin tapos-"
"Don't worry. Babantayan kita."
Agad nabaling ang atensiyon ko sa boses ni Kahel mula sa likuran ko. Paglingon ko, nakahalukipkip siyang nakatingin sa akin.
"Kell, bro, akala ko ba may pasok ka ngayon?" Nalilitong tanong ni André sa kaibigan.
"May oral exam lang kami kanina," simpleng sagot ni Kahel habang hindi pa rin bumibitiw sa pagtitig sa akin.
Napailing ako para mabuwag ang titig ko sa kanya. "Hindi ka ba magrereview para sa midterms?"
"Kaya nga ako nandito para makapag-review ako. Huwag mo nang linisin yung kwarto ko para hindi ako maistorbo sa pag-rereview."
Tumango ako. "Okay po."
"Sayonara, amigos!" Sumaludo naman sa amin si André bago siya tuluyang umalis.
Iniwan na rin ako ni Kahel kaya sinimulan ko nang kunin yung mga basahan at cleaning spray sa cabinet. Nagtungo ako sa kusina at nakita kong may ginagawa si Kahel doon dahil nakatalikod siya at rinig ko ang maingay na tunog mula sa blender.
Una kong pinunasan yung countertop sa kusina na puno ng mga bakas nang kinainan nila. Sayang naman ang ganda ng penthouse nila kung laging marumi.
Maya't maya pa ay hinarap na ulit ako ni Kahel at inabot sa akin ang basong may lamang juice. "Uminom ka muna ng mango smoothie bago ka maglinis."
"Ah, hindi na. Salamat," sagot ko naman habang patuloy sa pagpunas sa mesa.
"Fina," tawag ulit niya.
Inangat ko na naman ang ulo ko at nakita ang nakakunot na mukha ni Kahel habang inaabot sa akin ang baso.
"Just drink it," pagpilit ng lalaki.
Bumuga ako ng hangin at kinuha ito mula sa kanya. "Sige na nga. Salamat."
Nakatingin lang siya sa akin na parang hinihintay akong uminom kaya pinagbigyan ko na rin at uminom ako ng kaunti. "Masarap ba?"
Tumango lang ako at binaba ko na rin ang baso sa mesa para maipagpatuloy ang pagpupunas.
Tumalikod na ulit si Kahel at ngayon naman ay naghuhugas na siya ng mga nagkalat na pinggan at baso sa lababo.
Lumapit ako sa kinatatayuan niya. "Ano'ng ginagawa mo? Ako na ang gagawa niyan."
Patuloy lang siya sa paghugas ng mga pinagkainan nila. "Ako na dito. Ubusin mo muna yung smoothie."
Siniko ko siya para tumabi na siya. "Kaya nga ako nandito di ba para maglinis? Tsaka binabayaran mo ang oras ko dito kaya amin na."
Bumuga ng hangin si Kahel. "Fina, huwag nang matigas ang ulo mo."
Pinilit kong kinuha yung hawak niyang baso at agad naman itong nadulas mula sa kamay niya. Akala ko ay nahawakan ko ito nang maayos pero bigla itong nahulog sa paanan ko.
Umalingawngaw ang pagbasag ng baso sa sahig.
"Fina!" Napasigaw si Kahel na katabi ko lang at agad niya akong hinawakan sa braso. "Don't move!"
Napalunok ako sa higpit ng hawak at lagkit ng tingin niya. Lumuhod si Kahel para kunin yung mga naiwang bubog.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya ito. "Huwag mong kamayin baka masugat ka rin," paalala ko sa kanya.
"I'll be fine," saad ng lalaki.
Nanlamig ako nang biglang hawakan niya ang kaliwang paa ko. "Shit, may sugat ka," inangat niya ang ulo niya kaya nagtama ulit ang tingin namin.
Biglang bumilis ang pagkurap ng mga mata ko habang nakatingin sa lalaking nakaluhod sa harap ko. "Okay lang ako," pilit kong sagot kahit na ramdam ko na rin ang sakit mula sa paa ko.
Bumuga ng hangin ang lalaki at tumayo na rin matapos niyang itabi yung mga bubog. "Dadalhin kita sa ospital."
"Kahel, malayo ito sa bituka," sagot ko habang nakikita na ang pulang dugong tumutulo sa may paanan ko.
Hindi na ako nakapalag pa nang bigla niya akong buhatin habang nakatayo. Napakapit ako sa ulo niya dahil nalula ako sa tinaas ng height ko.
"Ibaba mo nga ako!" Protesta ko sa lalaki.
"Kailangan kitang dalhin sa emergency room," seryosong sagot niya habang hawak pa rin ang buong katawan ko at naglalakad na patungo sa pintuan.
"Ang OA mo na. Sabi nang okay lang ako eh," pilit kong sumbat.
"Fina, bakit ba ang kulit-"
Hindi natapos ni Kahel ang sasabihin niya nang biglang may kumatok sa pintuan. "Ellis! Are you there?"
"That's mom," alalang sabi ni Kahel pero imbes na ibaba niya ako ay bumilis ang paglakad niya patungo sa isa sa mga kwarto at nang makarating kami sa loob ay binaba niya na rin ako sa kama.
Pinanood ko siya habang may kinukuha siya mula sa aparador niya. Nakita ko ang isang panyo mula sa kamay niya habang papalapit ulit siya sa kinauupuan ko.
Lumuhod si Kahel at sinimulang balutin ang sugat sa kaliwang binti ko. "Babalik rin ako agad," mahinang sambit niya.
"P-Pero-"
Inangat niya ang tingin niya kaya nagtama ang tingin namin. "Just stay here."
Habang nakatitig siya ngayon sa akin, naramdaman ko ulit ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napatango nalang ako hanggang sa tumalikod na rin siya at iniwan ako sa loob ng kwarto.
Nilibot ko ang tingin ko at napansin kong puting-puti ang pader dito pati na ang kurtina at bedsheets niya. Parang hindi kwarto ng isang lalaki.
Walang nakakalat na damit sa sahig at may sarili rin siyang maliit na basurahan sa may malapit sa pintuan.
Nakita ko ang gitara sa gilid katabi ng isang turntable na katulad ng sa mansion. Sa shelf ay may mga libro at vinyl records rin na mukhang collection niya.
Pinilit kong tumayo kahit na may kirot pa rin sa paa ko para tignan yung mga libro niya. Halos puro tungkol sa politics ang laman nito.
Napatingin ako sa mesa niya kung saan nakapwesto ang laptop niya. Nakita ko ang isang picture frame sa gilid at hindi na ako nagulat nang makita ko ang mukha ni Kahel kasama si Koleen. Mukhang nasa high school palang sila noon dito dahil sa uniform nila.
Bumuga ako ng hangin para tanggalin ang kakaibang nararamdaman ko. Habang nakatitig ako sa litrato, nakita ko ang isang papel na nakalukot sa tabi nito.
Alam kong mali ang gagawin ko pero sinunod ko pa rin ang kuryosidad ko kaya kinuha ko yung papel at binuksan ito.
Dalawang papel na may drawing ng mukha ni Kahel at guhit ng isang pusa ang bumungad sa akin. Pamilyar ito dahil ako mismo ang gumuhit at nagbigay sa kanya nito.
"Tinago pala niya ang drawing ko?"
🍊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro