Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Pakiramdam ko nasa isang mahabang panaginip ako buong Sabado at Linggo. Hindi ko lubos maisip na ang daming mangyayari sa amin ni Kahel sa loob lang ng dalawang araw.

Wala naman talaga akong planong sabihin sa kanya ang tungkol sa kondisyon ko. Secret lang dapat iyon eh. Bakit ko ba kasi sinabi sa kanya?

Inayos ko agad ang upo ko nang pumasok ang prof namin sa Visual Techniques. Sinabihan lang kami na kailangan naming lumabas at maghanap ng pwedeng iguhit na landscape sa university premises. Umalis na rin siya matapos i-set ang timer sa cellphone niya. Apat na oras lang ang ibinigay sa amin.

Hinawakan ko ang sentido ko habang papalabas sa classroom namin. Parang mabibiyak na rin ang matres ko sa sakit. Unang araw palang ng linggo at ngayon pa talaga ako dinatnan ng dalaw ko.

Pagdating ko sa may lagoon malapit sa gymnasium, nakita ko ang isang pamilyar na babaeng naka-bob cut ang buhok na nakaupo sa may gilid. Nakatutok siya sa sketch pad niya habang may earphones sa tainga niya.

"Charlie!" Pagbati kong tanong sa kapwa ko scholar galing sa probinsya.

Inangat ni Charlie ang ulo niya. "Oh, Fina, nandito ka rin pala."

Umupo ako sa tabi niya at sumilip sa ginuguhit nito sa kanyang sketch pad. Ginuguhit niya ang gymnasium namin. "Para sa Vistech?"

Tumango naman si Charlie.

"Ang galing!" komento ko habang itinuloy na ni Charlie ang pagguhit.

Nilabas ko na ang lapis at sketch pad ko para makapagsimula na rin ako. Itong lagoon nalang ang iguguhit ko tutal nandito na rin naman ako.

Maya't maya pa ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko. Tinignan ko ito at may tumatawag na unknown number. Hindi ko ito sinagot at binaba ko ito sa mesa.

Ilang segundo ang lumipas at nag-vibrate ulit ito.

"Fina, hindi mo ba sasagutin 'yang tumatawag sa'yo?" tanong ni Charlie na mukhang nairita sa pag-vibrate ng phone ko sa mesa.

"Hindi ko kilala," sagot ko at nilagay na ulit ito sa bulsa ko.

Sinimulan ko na rin ang pagguhit ng lagoon. Ayaw ko ng mag-aksaya pa ng oras dahil ipapasa na namin ito mamaya.

Hindi pa ako nakaka-kalahati sa ginuguhit ko nang biglang may tumawag ng pangalan ko mula sa di kalayuan.

"Fina! May naghahanap sa'yo!"

Lumingon ako at nakita ko ang classmate kong si Pam na paparating habang hawak rin ang sketch pad nito.

"Ha? Sino raw?" tanong ko nang marating ako ni Pam.

"Upperclassman siya at pogi! André raw ang pangalan," sagot ng classmate ko.

Kumunot ang noo ko. "André? Wala naman akong kilalang André."

"Basta nandun siya sa classroom kanina at hinahanap ka. Hindi ka raw kasi sumasagot sa tawag niya."

"Baka ibang Fina ang hinahanap niya dahil sigurado akong wala akong kilalang-"

Napatigil ako nang biglang may humarurot na itim na big bike at huminto sa may harap namin. Tinanggal ng driver ang suot nitong helmet at doon ko nakita ang mukha ng isang lalaking may magulong light brown na buhok at kulay dagat na mga mata.

"Fina! Finally!" Nilapitan ako ng lalaking nakasuot ng parang pang-race car na jacket at kinuha ang kamay ko.

"Teka! Ano'ng ginagawa mo?" Reklamo ko habang pilit na inaalis ang kamay ko na hawak ng lalaki.

"Kanina pa kita hinahanap." Ginulo ni André ang buhok niya kaya mas lalo pa itong gumulo.

"Bakit mo ako hinahanap? Hindi naman tayo close," ani ko.

"Kailangan ka ni Lolo A," seryosong sagot ng lalaki at doon lang ako napatigil.

"Ha? Bakit? A-Ano'ng nangyari?" alala kong tanong.

"I don't know the details. Basta tinawagan lang ako ni Kell at sinabing sunduin kita," pag-explain pa niya.

"Sunduin? May ginagawa pa akong plate..." Napatigil ako at naalalang walang ibang bumibisita kay Lolo Antonio maliban kay Kahel. Kailangan niya ng karamay ngayon.

"Fine. Sasabihin ko kay Kell na hindi ka-"

"Oo na. Sasama na ako pero ibabalik mo rin ako dito kasi kailangan ko pang-"

"Aye, aye!" Hinila ako ni André papunta sa big bike niya at nilagay ang extrang helmet sa ulo ko.

Habang paakyat ako sa motor niya, nakita ko pa si Charlie na kinukuhanan ako ng video habang kumakaway sa akin.

"Ready?" tanong ng lalaki sa harap ko.

Hindi pa man ako nakakasagot ay pinaandar na niya ang motor at muntik pa akong mahulog. Napakapit nalang ako sa balikat niya. Sana lang makarating kaming buhay sa pupuntahan namin.

Matapos ang halos tatlumpung minutong pagmamaneho ni André, tumigil na rin ang motor niya sa tapat ng isang building na mukhang condo ng mga mayayaman. Napatingala ako sa taas ng building.

"Nasaan tayo? May masama ba kayong balak sa akin?" Napaatras ako mula kay André.

Humalakhak naman ang lalaki habang inaayos ang buhok niya. "Relax, Fina. Mukha lang akong bad boy pero good boy talaga ako. Besides, nandiyan si Koleen kaya you're safe."

Inirapan ko ang lalaki. "Siguraduhin mo lang."

"Follow me!"

Sinundan ko si André papasok sa loob ng building at agad naman siyang binati ng security at mga staff sa lobby. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng building. Napakalawak sa loob at sigurado akong hindi ako papapasukin dito kung mag-isa lang ako.

Pumasok kami sa elevator at pinanood ko ang mga kababaihan na kasabay namin sa loob na panay ang tingin sa lalaking kasama ko. Hindi naman ito kataka-taka dahil sa itsura ni André na mukhang foreigner na modelo.

"Bonjour, ladies!" Bati ni André sa mga babaeng kasama namin sa elevator. Mukhang alam rin ng lalaking ito ang taglay niyang magnet.

"Hello, ikaw si Alexandré Laurent, right?" Ani ng isang babae.

"Yep, the one and only!" Masiglang sagot ni André.

Nang magbukas ang elevator sa twentieth floor, nagpaalam si André sa mga fangirls niya at tahimik lang akong sumunod. Isang malaking pintuan ang bumungad sa amin. Matapos buksan ni André ang pintuan gamit lang ang card niya, namangha ako sa bumungad sa akin sa loob.

"We're here!" Sigaw ni André habang papasok sa loob.

Nakaupo sa sala ang isang morenong lalaking nakasuot ng varsity jacket na pula na may logo ng university namin. Nang makita niya kami, tinaas niya ang kamay niya.

"Logan, bro! Nandito ka na pala," bati ni André sa kaibigang mukhang athlete.

Tumawa naman si Logan. "No choice ako, bro. Iniwan ko nga ang practice namin para dito."

"Nice one!" Lumundag si André patungo sa sofa at kinuha ang isang parang remote na nakalagay sa mesa.

"Fina, nice to meet you. Ako nga pala si Logan," bati ng lalaki sabay tayo sa kinauupuan para lapitan ako.

"Ah, hello, nice to meet you rin." Tiningala ko siya ng marating niya ako. Ang tangkad niya at ang laki rin ng katawan. Siya ata ang pinakamatangkad sa kanilang magkakaibigan. Parang lagpas six feet na ata siya. Pero five feet lang ako kaya mas lalo pa siyang naging matangkad sa pananaw ko.

"Nasa kwarto lang sina Koleen. Upo ka muna dito." Tinuro ni Logan ang sofa na katabi ng kinauupuan nila ni André kaya umupo na rin ako.

"Welcome to our penthouse, Fina!" Nakangising sabi ni André habang nakatutok sa malaking tv sa harap namin. Naglalaro na siya ngayon ng isang racing game at mukhang seryoso siya dito.

"Akala ko ba kailangan ako ni Lolo Antonio?" tanong ko sa dalawang lalaki habang nilibot ang tingin ko para hanapin ang matanda. "Nasaan siya?"

Napatawa si André habang nakatingin pa rin sa tv. "I never said he was here."

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. "André, may ginagawa akong plate na kailangan kong ipasa mamaya. Kung hindi naman pala ito importante, pwede bang bumalik na ako sa klase ko?"

Sinuntok ni Logan ang kaibigan sa braso nito. "Bro, bakit hindi mo sinabi kay Fina?"

"What? I already did my job. Sinundo ko na siya, di ba?" Pikon na tugon ni André.

"Fina!" Narinig ko ang boses ni Koleen kaya napalingon ako para tignan siya.

"Koleen," kinawayan ko siya habang papalapit sa akin. Nakita ko rin si Kahel na nakabuntot sa kanya. Tinignan lang niya ako at wala man lang imik. Ano 'to? Kunwari invisible ako?

"Wala ka na bang klase?" tanong ni Koleen na umupo sa tabi ko.

"Nasa klase pa ako kanina nang sabihin sa akin ni André na kailangan ako ng lolo niya," tinuro ko si Kahel gamit ang nguso ko.

"Hindi ba sinabi kong sunduin mo siya pagkatapos ng klase niya?" Seryosong tanong ni Kahel sa kaibigan niyang parang hindi naman siya narinig.

Nakita ko si Logan na kinuha ang remote at pinatay ang tv.

"What the fuck! Bro!" Nagwala si André sa kinauupuan niya sabay lingon sa kaibigan.

"Hindi ka kasi nakikinig," sambit ni Logan.

"What?" Galit na nilingon ni André si Kahel. "Nakaupo lang siya kanina sa lagoon. Hindi ko naman alam na may klase pa siya."

"At hindi mo man lang siya tinanong?" Seryoso pa rin ang mukha ni Kahel na parang kakainin ng buhay ang kaibigan niya.

Ginulo ulit ni André ang buhok niya. "Fine. Kasalanan ko na naman. Sue me now!"

"Okay na. Tama na. Tapos na, nandito na ako, di ba?" Inawat ko sila bago pa uminit ang diskusyon. Napaka-simpleng problema lang naman pinapalaki pa nila. "Eh, bakit niyo nga ako pinatawag dito?"

"Birthday kasi ni Lolo A sa sabado, so kailangan namin ng tulong mo para i-surprise siya. Kung okay lang sa'yo, Fina?" Pag-e-explain ni Koleen.

Tumango ako. "Oo naman. Basta kaya ko. Ano ba'ng gagawin?"

"Gusto kong tapusin mo yung painting na ginawa ng lola ko para sa kanya," sabi ni Kahel.

Napaawang ang labi ko. "Tapusin? Parang ang hirap naman niyan."

"Alam ko. But, I also know that you can do it. Kaya ikaw ang gusto kong tumapos nun," dagdag ni Kahel. "Don't worry. Babayaran kita."

Bumuga ako ng hangin. "Huwag na. Regalo ko na sa lolo mo. Wala rin naman akong ibang maibibigay sa kanya."

"Wait, so how exactly do you two know each other?" Biglang tanong ni André habang nakapanliit ang mga mata.

Napatingin ako kay Kahel. Mukhang hindi pa niya nakukwento sa mga kaibigan niyang nakatira ako sa mansion ng lolo niya.

"She's staying in the mansion with Lolo A," simpleng sagot ni Kahel.

Napaubo nang malakas si André. Nakita ko rin ang biglang paglingon sa akin ni Koleen na tila nagulat rin. Habang tahimik lang si Logan na nakatingin sa akin.

Napahawak ako sa tainga ko sabay explain, "Ah, eh, nagtatrabaho kasi ako dun sa mansion."

"Bro, hindi ba child labor 'yan?" Sambit ni Logan na nakatingin na ngayon kay Kahel.

"Holy shit! Child labor nga!" tugon pa ni André.

"Pag-umpugin ko kaya kayong dalawa dyan?" Sabi naman ni Koleen habang umiiling.

Nilapit ni André ang mukha niya sa akin. "No, but seriously, bakit ka pumayag, Fina? Hindi ka ba inaalipin ng lalaking 'yan?"

Tiningala ko ulit si Kahel na nakapanliit ang mga mata sa akin. "Wala naman siya palagi sa mansion kaya okay lang."

"If you still need extra work, you can tutor me." Tinaas ni André ang kilay niya habang nakangiting naghihintay ng sagot ko.

"Hay nako, André, huwag mo nang idagdag si Fina sa mga kalokohan mo," sabi naman ni Koleen.

"What? Ano'ng mali dun? Kailangan ko naman talaga ng tutor," may pa-pout pang nalalaman ang lalaki na parang maamong tuta.

Inayos ni Koleen ang salamin sa mga mata niya. "Parehas ba kayo ng course?"

Tinignan ako ni André. "Ano ba'ng course mo, Fina?"

"Architecture," sagot ko.

Pumalakpak si André. "Oh sakto! Engineering naman ako!"

Kumunot ang noo ko. "Engineering ka?"

"Software engineering," itinama naman ni Kahel ang sagot ng kabigan.

"It's still engineering," sabat ni André. "Ano, Fina? Parehas naman tayong may Maths, di ba?"

Napahawak ulit ako sa tainga ko. "Ang totoo niyan kahinaan ko ang Math."

"Eh di ako nalang ang magtu-tutor sa'yo. Tapos bibigyan pa kita ng sweldo. Deal?" Inabot ni André ang kamay niya sa akin.

Namalikmata lang ako habang nakatitig sa kamay niya sa harap ko. Seryoso ba siya?

"Huy, André, umayos ka nga," sinampal ni Koleen ang likod ng lalaki kaya napangiwi naman si André.

"Fine. Huwag na nga lang," tampong sagot ni André habang tumatayo na sa kinauupuan niya. "Let's go, Fina. Ibabalik na kita sa lagoon."

🍊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro