Last Chapter
ANDREA POV
Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Gab. Ikinulong nila ako sa isang kwarto at lahat ng pwede kong lusutan ay sinarado nila.
Nandito ako ngayon sa loob ng bridal car. Sana nga kahit madisgrasya na lang ako para hindi matuloy ang kasalan. Kahit nawala ang alaala ko, siya pa rin ang nasa puso ko. Kahit ipagtabuyan pa niya ako, hindi ako titigil para bumalik siya sa akin.
Ngayon ang araw ng kasal naming ni Dillan. Ayoko sanang magpakasal sa kanya pero hindi ko naman kakayaning makulong si Gab. Mas gugustuhin ko nang masaktan ako kesa makita siyang nahihirapan sa kulungan.
Alam mo yung bigat sa dibdib mo na ung iba ang makakasama mo sa habambuhay. Nangarap akong bumuo ng pamilya kasama si Gab at hindi sa taong ginago at niloko ako.
"Andrea nandito na tayo." Hindi ko nalamayan na nandito na pala kami sa simbahan. Kasama ko si Kevin sa kotse at kung hindi niya ako pinaalalahanan, nakatulala pa rin ako at iniisip ang mangyayari matapos ang kasalang ito.
"Mauna na ako sa loob." paalam niya. Pinunasan ko muli ang luha sa mga mata ko. Paano ako maglalakad sa altar kung hindi naman si Gab ang madadatnan ko sa harapan? Paano ako mangangako sa harap ng Diyos kung labag sa puso ko ang bibitawan ko?
Nakasara ang pintuan at siguradong hinihintay na nila ang pagpasok ko. Ayokong sumira sa napagkasunduan namin ni Dillan at Kevin. Ayokong mabuhay si Gab sa loob ng bilangguan.
Mahal na mahal kita Gab at alam kong mahal mo rin ako.
Bumaba na ako ng kotse at pumunta sa pintuan. Naalala ko na naman yung sinabi ni Gab noong nasa simbahan kami. Na itong pintong ito, dito magbubukas ang bagong yugto ng buhay namin. Sobrang namimiss ko na siya. Hindi ko man lang siya makausap o mayakap man lang.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang buksan nila ang pintuan. Alam ko lahat ng mga mata ay nag-aabang sa pagpasok ko. Kung umiiyak man ako ngayon ay hindi dahil masaya ako, kundi nadudurog ang puso ko. Isipin ko na lang na kalayaan ng taong mahal ko ang kapalit nito.
Agad tumugtog ang kantang Ikaw. Balang araw magkikita tayo at sana maging masaya ka.
I love you Gab, goodbye.
I opened my eyes at para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Maging sa simbahan, mukha ni Gab ang nakikita ko.
Ikinalat ko ang mga mata ko at nakita ko si Dillan sa tabi ni Gab. Si Daddy, si Kevin, si Tita Veronica, si Tito David, at ang mga kaibigan ko. Kung nananaginip man ako, Lord gisingin mo ako please. Kasi hindi ko alam kung maniniwala pa ako.
May hawak na microphone si Gab at hinihintay niya ako sa altar. Lalakad ba ako? o tatakbo? Siya ba yung nakikita ko? Hulas na ang make-up ko sa kakaiyak sa araw na'to.
Si Gab ba talaga yung nakikita ko? Anong kalokohan 'to.
"Andrea. Diba sinabi ko sayo na babalikan kita? Hindi kita iiwan. Binuksan mo na ang pinto na sumisimbolo na magsisimula na ang bagong yugto ng buhay natin. Hihintayin kitang maglakad sa aisle na yan upang maging daan natin patungong forever. At dito, sa upuan na to, isusumpa natin ang pag-ibig natin sa harapan ng Diyos at ng mga taong mahal natin. At dito, sa puso ko. Dito ka maninirahan."
Parang umurong ang dila ko sa narinig ko. Lahat ng pinagdaanan naming, pakiramdam ko nasuklian ng sobrang kasiyahan na ipagpapasalamat ko buong buhay.
Nagsimula siyang kumanta na lalong nagpa-antig sa puso ko. Yung magiging asawa ko nagiging baduy nanaman.
"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw, ang iniisip-isip ko." pinipilit kong humakbang ngunit nanginginig ang mga paa ko. Kinikilabutan ako at ang lakas ng kabog sa dibdib ko.
"Hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarapngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig
ang puso." kanta niya.
Bakit Gab? Napaka-swerte ko.
"Ikaw ang pagibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw. Shet" sabi niya.
Hindi na siya makakanta dahil umiiyak na rin siya. Halos lahat ng taong makita ko ay nagpupunas ng luha nila.
"Ikaw ang pagibig na binigay sa akin ng Maykapal. Biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pagibig ko'y ikaw." Kahit nahihirapan siya ay pinipilit niyang kumanta. Kahit kailan talaga ang baduy mo Gabrielo.
Sobrang thank you Lord. Hindi mo kami pinabayaan. Bawat kanta niya ay bumabalik sa isipan ko ang lahat.
Tinanggal ko ang sandals na suot ko at tumakbo ako palapit sa kanya. Hindi ko na kayang maglakad pa gusto ko na siyang yakapin.
Binitawan niya ang microphone at sinalubong ako sa gitna. Ang mga bisita na ang kumakanta para sa amin. Sinasabayan nila ang orchestra habang pinapanood kami ni Gab.
Agad niya akong binuhat at napayakap ako sa kanya. Yung iyak ko ay wala ng katapusan. Nakayakap lang siya sa akin at rinig ko ang paghikbi niya. Mahal na mahal ko siya. Para kaming hindi nagkita ng ilang dekada. Nananabik ako sa mga yakap at halik niya.
"Mahal na mahal kita." bulong ko sa kanya. Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin at ramdam ko na sobrang saya niya.
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita Andrea."bulong niya sa tenga ko.
"Simula ngayong araw na'to magiging asawa na kita. Ilang beses nang naudlot ang kasal natin. Hindi ako papayag na hindi ko mabibigay ang apelyido ko sa kaisa-isang babaeng minahal ko." wika niya. Ano Andrea iiyak ka na lang.
Hinawakan ko ang leeg niya at inangkin ang mga labi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi matigil yung mga luha sa mata ko.
Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Hawak kamay kaming naglakad patungo sa altar. Wala akong pakialam kung naka paa lang ako. Hindi mahalaga sa akin ang maging maayos sa araw na 'to basta kasama ko siya.
Hindi ko na mabilang ang mga sakit at luha na pinagsaluhan namin dalawa. Pero ito nakatayo kami sa harapan ng simbahan. Alive and kicking ika nga nila.
He's my everything. He's my life. For better or worst. Till death do we part. Siya lang ang mamahalin ko.
Sinong mag-aakala na ang taong kinaiinisan ko dati, ang makakasama ko habambuhay?
From strangers to lovers. From Yes to I Do. The one I hate turned to be the one I love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro