Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue


8 months later

GAB POV

"Hubby!" rinig kong tawag ni Andrea. Inaantok pa ako dahil kagagaling ko lang sa trabaho.

"Bakit wifey?" nakapikit kong tanong.

"Ang sakit ng tiyan ko. Hubby.." sabi niyang muli.

"Wifey tumae ka na lang. Dumi lang yan sa katawan." sabi ko.

"Aaaaaahhhh hubby ang sakit ng tiyan ko!" makulit din asawa ko.

"Wifey andiyan lang yung CR."

"Ang engot mo talaga alimango. Lalabas na si Pugo!!"

Para akong nabuhusan nang malamig ng tubig nang marinig ko si Pugo.

"Nasaan si Pugo??" taranta kong tanong. Binuksan ko ang ilaw at bumungad sa akin ang dugo. Shet. Manganganak na ba ang asawa ko?

"Manganganak na ko hubbyyyyyyyy!"

"Shet. Manganganak ka na? Tangina anong gagawin ko?" hindi ko alam kung anong gagawin.

"HINDI KO ALAM HUMANDA KA SA AKIN!" banta niya.

Agad kong kinuha ang cellphone at tinawagan si Cheska. Ni-loudspeaker ko ito upang makapag-ayos ako.

"Shet babes manganganak na si Andrea. Anong gagawin ko?"

"Tangina naman Gab dalhin mo sa hospital. Gusto mo paanakin mo na rin." rinig kong sigaw ni Cheska.

Pabalik-balik ako sa kwarto namin at hindi ko alam kung anong uunahin ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig at nanginginig.

"Hubby lalabas na!"

"Shet shet Relaks ka lang wifey." Kukunin ko ang sasakyan.

"HUWAG MO AKONG IIWAN!" sigaw niyang muli. Mababaliw ata ako anong gagawin ko sa asawa ko?

"Sorry wifey. Natataranta ako. Shet"

"Hindi ko na kaya hubby!" sigaw niya. Narinig ko ang ambulansya sa labas ng bahay kaya inalalayan ko si Andrea.

"Wifey hawakan mo 'tong timba."

"ANONG GAGAWIN KO DIYAN??"

"Baka mahulog si Pugo. Saluhin mo." kako. Wala na ako sa pag-iisip at naririndi ako sa sigaw ng asawa ko. Ganun ba talaga kahirap manganak? Pagkalabas ko ng bahay ay agad kaming sinalubong ni Cheska at Troyan.

"Hoy sis. Prepared ata kami. Tignan mo yang asawa mo parang siya ang manganganak. Pinagpapawisan." Hawak-hawak ko lang ang tiyan ni wifey. Shet. Kinakabahan ako. Magiging tatay na ako.

"GABRIELO JOSE HINDI KA NA MAKAKA-ISA PA SA AKIN!" sigaw niyang muli. Patawarin mo ako wifey. Makakaraos ka din.

"Wifey 10 beses ka pang manganganak. Tiis tiis lang." paglalambing ko sa kanya.

"TANGINA AYOKO NA!" pagmumura niya. Umiiyak na siya sa sobrang sakit. Nang makarating kami sa hospital ay hindi ko binitawan ang kamay niya.

Nakaboxer shorts lang ako at sando. Maling pares ng tsinelas at gulo gulo pa ang buhok.

"Wifey kumapit ka lang sa kamay ko kapag hindi mo na kaya." kako. Sobrang pinagpapawisan kami ni wifey. Pakiramdam ko ay ako ang manganganak. Pati mga tuhod ko nanginginig.

Pinapa-iri nila si Andrea pero makapit si Pugo. Shet naman anak. Lumabas ka na. Kawawa na si Mommy mo. Halos mabali na ang mga buto ko sa kamay sa pagkakahawak ng asawa ko.

"Ire pa wifey." Tinutulak ko ang tiyan niya para makalas si Pugo pero makapit ito.

Hindi ko na kayang makita si Andrea na nahihirapan. Kung pwede lang akong manganak gagawin ko para sa kanya.

"Mister tulungan mo si Misis para makalabas ang anak niyo." sabi ng doctor. Shet. Anong maitutulong ko?

Dahil sa taranta ay napakanta na lang ako baka sakaling marinig ni Pugo.

"You better watch out
You better not cry
Better not pout
I'm telling you why
Baby Pugo is coming to town! " kanta ko habang hawak ang tiyan niya. Nagtatawanan sila pero wala akong pakialam.

"GABRIELO JOSE LAST NA TO. SA SOFA KA NA MATUTULOG!" sigaw ng asawa ko.

"Wifey relaks. Kailangan nating palabasin si Pugo."

Kung hindi niya nagustuhan ang kanta ko, baka lumabas na siya sa sasabihin ko.

"Bubuka ang bulaklak, papasok si Gelo lalabas si Pugo ang saya saya."

Sinasabayan na nila ako sa pagkanta at nagbigay na ng sign ang doktor na palabas na si Pugo.

Lalo ko pang nilakasan ang pagkanta at kahit nakakahiya ay wala akong pakialam. Anak ko ang nakasalalay diyan. Nagpapalakpakan sila at sumusunod sa kanta ko.

"Bubuka ang bulaklak, papasok si Gelo lalabas si Pugo ang saya saya."

"Hubby manahimik ka na lang!" sigaw muli ni Andrea. Tangina paano ako matatahimik kung naghihirap ang mahal ko. Excited lang akong makita si Pugo.

Para akong nawalan ng hininga nang marinig ko ang pag-iyak ni Pugo. Shet. Yung luha ko hindi ko mapigilan.

Unngaaa ungggaaaaa

"Wifey dumating na si Pugo." sabi ko kay Andrea. Pinunasan ko ang pawis niya at hinalikan sa labi.

"Thank you wifey. 10 kids to go." kako. Sinampal niya ako at nakatulog na siya.

Shet first time kong humawak ng bata. Ang puti ng anak ko at ang lalim ng dimples. Gusto ko nang umiyak sa sobrang saya. Salamat Panginoon.

Hindi ako nananaginip. May Pugo na kami.

Ang tagal kong pinangarap ito. Bubuo kami ng pamilya ni Andrea at tulad ng ipinangako ko sa kanya, tumalon man ang bato, hindi magbabago ang pag-ibig ko.

The End...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro