8
Dahil sa dami ng tao ay hindi na nagawa ni Andrea na maupo sa harapan kaya nagtiis ito sa likuran ng bar.
Nakataas na ang kanyang mga paa ngunit nahihirapan pa rin siyang masulyapan si Dillan.
"Sumampa ka sa likod ko." bulong ni Gab. Ibinaba niya muna ang beer na hawak upang mai-angat si Andrea ta mapanood ang idol niya.
"Ano'yun?!" sigaw ng dalaga dahil hindi niya marinig si Gab sa lakas ng music sa bar.
Umupo si Gab sa harapan ng dalaga at pinasampa ito sa likod niya. Inabutan niya ito ng beer sa taas at ramdam ni Gab ang kalukitan at kilig ni Andrea habang pinapanood ang banda.
Dahil sa sobrang excitement ni Andrea na makita si Dillan ay sumampa na lang ito at dahil na rin sa alak, nawala ang hiya niya sa binata.
Kanina pa nagtataka si Gab dahil tapos na ang kanta ng banda ay hindi pa rin bumababa si Andrea at nang sinilip niya ito ay nakapikit na ang dalaga.
"Pasaway." bulong ng binata. Iningatan niyang ibinaba si Andrea at agad na kinontak si Kevin ngunit hindi siya sumasagot sa tawag. Napagdesisyunan ni Gab na dalhin si Andrea sa bahay nila Kevin.
Kanina pa siya nagdodoor-bell ngunit parang walang tao sa bahay kaya umakyat na lang ito sa gate. Iniupo niya muna si Andrea sa pader upang mabuksan niya ang pinto,
Nang mabuksan niya ang bahay ay agad niyang ipinasok si Andrea. Mabuti na lang at hindi naka-lock ang pintuan. Inihiga niya sa sofa ang dalaga at tinanggal ang kanyang polo upang hindi lamigin ang dalaga. Hindi niya iniisip kung lalamigin siya dahil wala siyang saplot sa itaas.
Habang tinititigan ni Gab si Andrea ay hindi niya namamalayan na nakatulog na rin pala siya.
Alas-diyes ng umaga nang dumating si Kevin kasama ang Daddy nila at laking gulat nila pareho nang madatnan sina Gab at Andrea sa sofa. Walang damit pang-itaas si Gab samantalang si si Andrea ay nakahiga sa sofa at kitang-kita ang legs nito na nakabalandra dahil nahulog na ang polo ni Gab na ipinantakip ng binata kagabi.
Sabay silang naalimpungatan at nang makita nila ang isa't isa na halos magkatabi na ay napasigaw sila pareho.
"Ahhhhhhhhhhhhhh!" sigaw nina Gab at Andrea. Lalong ikinagulat nila nang makita ang kapatid at Daddy nila.
"Sandali lang. Let me explain!" agad na sabi ni Gab. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa nang suntukin siya ni Kevin at tumama ang ulo nito sa lamesa.
"Umalis ka dito hayop ka!" sigaw ni Kevin. Hinila si Andrea ng Daddy niya at sinampal ito.
"Bro, walang nangyari sa amin. Hinatid ko lang si Andrea dito." paliwanag ni Gab.
"Hindi ko alam ang nangyari Dad! Nagising na lang ako na kasama ko siya!" umiiyak na sabi ni Andrea.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro