Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5

(Simula)

Sa isang malayong lugar, mayroong isang paraiso na kinagigiliwan ng karamihan. Lahat ay perpekto at naniniwala sila na dito mo makikita ang lalaking makakasama mo habang-buhay. Maraming paro-parong nagliliparan at sa dulo ng paraisong ito nakatayo ang isang magandang babae, si Prinsesa Andrea. Sa kanyang pagtalikod ay isang matipunong lalaki ang naghihintay sa kanya, si Prinsipe Dillan.

Pumitas ng bulaklak ang prinsipe at ibinigay ito sa prinsesa. Unti-unting inilapit ni Prinsipe Dillan ang kanyang mukha sa prinsesa at balak halikan ito. Ngunit ang lahat ay isang panaginip lamang.

Bigla itong bumalik sap ag-iisip nang mabunggo siya ng isang studyante na papasok.

"Andoon na eh," naiinis na sabi ni Andrea.

Papasok pa lang siya ng Austin Academy nang mapadaan siya sa grupo ng mga kalalakihan na pasimpleng umiinom ng alak. Hinaluan nila ang coke na hawak nila upang hindi ito mapansin ng mga guards.

Napahinto sa paglakad si Andrea nang mahagip ng mga mata niya ang kanyang kuya na si Kevin kasama ang mga barkada nito.

Pagpasok pa lang niya sa shed kung saan sila tumatambay ay punong-puno ito ng usok ng sigarilyo.

"Patay tayo diyan." bulong ni Kevin. Kanina pa niya tinataguan ang kapatid niya dahil alam niyang may special request ito.

"Andrea! What are you doing here?" agad na tanong ni Oliver, ang pinsan nilang magkapatid.

Lumapit ito sa kuya niya at niyakap ito.

"Pwede ba Andrea sa Sunday na natin pag-usapan yan?" reklamo ng kuya niya.

"Ngayon na please. May gig si Dillan sa Sunday." pagmamaka-awa nito.

"Tigil-tigilan mo ko diyan kay Dillan. Hindi ka pa ba kuntento na ipinakilala ko siya sa'yo?"

"Alam mo kasi kuya, mas maganda kung nakikita niya ako lagi. Ako kaya presidente ng fansclub niyo." Ang kapatid niyang si Kevin ang manager ng banda ni Dillan kaya lahat ng gig ng banda ay alam ni Andrea.

Lahat sila ay napatingin nang dumating si Gabrielo, ang member ng kanilang grupo na kakauwi lang galing sa bakasyon. Nakasuot ito ng costume na parang alimango na ipinagtaka ng mga kasamahan.

"Dude! Ano na naman ang hinithit mo?" Halos sumakit na ang tiyan nila sa kakatawa nang makita ang binata.

"Sinamahan ko lang si Monroe sa costume party para sa charity. Anong nakakatuwa 'don?" masungit na bwelta nito habang inaayos ang costume niya.

Dahil hindi makausap ng matino ni Andrea ang kuya niya ay umakyat ito sa lamesa at nagsusumigaw ito.

"Bahala nga kayo! Puro inom at gimik na lang nasa isip niyo. At ikaw Kuya, kapag hindi mo tinapos yung project ko, sasabihin ko kay Daddy na nagda-drugs at nakikipag basag-ulo ka!" pananakot ng dalaga sa kanya. Lahat sila ay nakatingin lang kay Andrea na kanina pa nagsasalita sa harapan nila. Ang kaninang hagalpakan ay nauwi sa katahimikan dahil sa sigaw ng kapatid ni Kevin.

Nang lumabas ito ay wala siyang pakialam kung mabangga niya ang sino man sa kanila. Napatigil si Gabrielo o mas tinatawag nilang Gab nang padabog na umalis si Andrea at nasagi pa ng dalaga ang braso niya.

"Woah." bulong ni Gab.

"Sige Gab, tignan natin kung uubra ang kagwapuhan mo sa utol ko." natatawang sabi ni Kevin dahil napansin niyang parang natulala si Gab sa kapatid niya.

Pinulot ni Gab ang ID na nahulog ni Andrea at hinabol niya ito.

"Sinusundan mo ba ako?!" masungit na sabi ni Andrea.

"Andrea Ruiz?" tanong ng binata.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Iyon kasi ang sinisigaw ng puso ko." biro ni Gab sa kanya. Napansin ng dalaga ang ID na hawak ng binata kaya agad niyang inagaw ito.

"Paano mo nakuha 'to? Magnanakaw ka!" sigaw ni Andrea.

"Magnanakaw agad? Hindi ba pwedeng nagiging good boy lang? Gab Villa-Cruz." pakilala ng binata. Hindi ito pinansin ni Andrea at patuloy lang ito sa paglakad.

''Sinasabi ko lang naman. Baka interesado ka!" pahabol ng binata.

Humarap ang dalaga at nakipagtalo ito. "Bakit ako magiging interesado sa'yo? Tignan mo nga yang hitsura mo, hindi ka papasa sa kagandahan ko." pagtataray ni Andrea.

''Lalong hindi naman ako interesado sayo no. Speaker." sabat niya.

"Anong sinabi mo?" Biglang nag-init ang ulo ni Andrea sa narinig niya kaya nilapitan niya ang binata.

"Kasi naman ang ingay ingay mo. Pwede naman tayong mag-usap. Malay mo, nagpapacute ka lang pala sakin kaya ka ganyan. Para mapansin kita." Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi ni Gab. Hinawi niya ang buhok niya at lumapit ito kay Gab, Halo magkatangkad lang sila ng binata kaya magkalebel lang ang mga mata nila.

"Hoy lalaking mukhang alimango! Ito ang tatandaan mo! Una sa lahat, tignan mo nga yang height mo, baka hindi mo pa maabot yang mga pangarap mo. Pangalawa, kahit ilang gel ilagay mo sa buhok mo, mukha paring binagyo yang hitsura mo. Pangatlo, feeling mo ikaw ang pinakagwapo? Anong nilaklak mo at nag-umapaw yang confidence mo? At pangatlo, wala ka pa sa kalingkingan ng crush ko so shut up ka na lang!"

Natahimik ang binata sa sinabi ni Andrea. Lalo siyang na-challenge sa kapatid ng kaibigan niya kaya napaisip ito kung ano ang gagawin niya upang mapa-amo ito. Hindi man niya aminin, nabihag ng dalaga ang paningin niya nang makita niya ito kanina. At upang patunayan na siya pa rin ang pinakagwapo sa kanilang magbabarkada ay gagawin niya ang lahat mapansin lang siya ng dalaga.

"Matatahimik ka rin kapag naging akin ka Andrea." kampante na sabi ni binata.

"Tumalon man ang bato, hindi ako magkakagusto sa'yo!" matapang na sabi ni Andrea.

Nagkatitigan silang dalawa na para bang may namumuong bagyo. Hindi maipaliwanag ni Andrea kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman niyang inis sa lalaking hambog na nakilala niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro