Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

48

GAB POV

Pilit akong nanlaban sa mga pulis at nagmamakaawa. Saan dila dadalhin si Andrea? Hindi ko kayang mawala pa siya muli sa akin.

Ilang oras na ako sa kulungan ngunit hindi ko pa siya nakikita. Sa tuwing bubukas ang selda ay tumatayo ako. Umaasa na makita ko si Andrea.

"Gab babalik ako. Kakausapin ko lang yung abogado." paalam ni Gabriela. Tumango lang ako sa kanya at sumandal sa masikip na selda na magsisilbing tulugan ko.

Baka mapano si Andrea. Napasabunot ako sa buhok ko at tinatanong ang sarili kung bakit kailangan namin pagdaanan ito. Napakahirap. Ayoko siyang nasasaktan at nakikitang lumuluha. Nadudurog yung puso ko.

"Villa Cruz may bisita ka." Agad akong lumingon sa kanila ngunit si Dillan lang ang nakita ko.

Pilit ko siyang inaabot ngunit umiilag ito.

"Tarantado ka. Lumaban ka ng patas."

"Ilabas niyo na siya." utos niya sa isang pulis.

Nang makalabas ako ay agad ko siyang sinuntok.

"Panalo ka na Gab." Napansin ko na lang ang pag-iyak niya habang nakasandal sa pader. Tinapik ako ni Kevin sa likuran at tumabi siya kay Dillan.

"Nadala lang ako ng damdamin ko bro. Mahal ko si Andrea." wika niya. Pareho naming mahal si Andrea pero mas mahal ko siya.

Umupo ako sa tabi nilang dalawa at sumandal din sa pader. "Para tayong tanga." kako.

"Kayong dalawa ayusin niyo yang buhay niyo. Pinapahirapan niyo yung kapatid ko."

"Gab. Patawarin niyo ko ni Andrea. Ipangako mo lang na huwag mo siyang sasaktan. Makita ko lang siyang lumuluha, aagawin ko siya sayo."

"Hindi ko gagawin kay Andrea yang sinasabi mo. Kung kailangang itali ko siya sa bewang ko gagawin ko."

"Pasalamat ka bumalik ang alaala niya. Sa kangkungan ka dapat pupulutin." pagmamayabang ni Dillan.

"Huwag ka magmayabang Dillan. Ikaw ang nasa isip niya pero ako ang nasa puso niya." pambawi ko. Inabot niya sa akin ang invitation ng kasal nila ni Andrea. Ayokong buksan ito dahil masasaktan lang ako. Pero hindi ko akalain na pangalan ko ang makikita ko sa envelope na binigay niya.

"Ikakasal na kami sa makalawa. Hayaan mo akong maghintay sa harap ng altar. Makita ko man lang siya bago mo siya angkinin."

Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa kanya. Makita lang ang pangalan naming dalawa sa invitation ay kakaiba. Bagay na bagay yung pangalan naming dalawa.

"Nasaan si Andrea?" tanong ko.

"Naka kulong sa kwarto niya" wika ni Kevin.

"Bakit niyo siya kinulong?" sigaw ko.

"Pagkakataon mo na 'to para gawin ang gusto mo. Mabuti nang wala siyang alam sa mangyayari. " Nagulat ako sa sinabi niya. Paano nila nagawa ang ganitong bagay?

"Plinano niyo 'to?" litong tanong ko.

"Tanungin mo na lang yang tatlo." Inangat ko ang ulo ko at nakatayo sa harapan ko sina Cheska, Troyan at Gabriela.

"Anong kalokohan nanaman ginawa niyo?" tanong ko sa kanila.

"Little brother, gusto na naming ikasal kayo asap kaya we did everything. Kinausap namin si Dillan nang hindi niyo alam. Pero yung attempted rape wala kaming ideya. "wika ni Gabriela.

"Kaya nga. Inamin niya lang 'yon para mas kapani-paniwala ang pagpapanggap. Saka nakapag-usap na kami ni Dillan." sabi ni Troyan.

Malaki rin ang pagtataka ko nang biglang dumating sa probinsya sina Dillan at Kevin. Kagagawan pala nilang tatlo ang lahat.

"Masyado na kayong maraming paghihirap Bro. Naawa na rin ako kay Andrea kaya pinagplanuhan namin ang lahat." pang-sang ayon ni Kevin.

"Kami na ang gumawa ng paraan para malayo ka kay Andrea. Kasi naman halos magkadikit na kayo. Hindi mo man lang mabitawan yung kamay niya. So this time, mag-isip ka na ng plano sa kasal niyo. Bago pa mabaliw yang girlfriend mo."

"Gusto ko siyang makita." Agad akong tumayo ngunit sabay-sabay nilang hinawakan yung kamay ko.

"Hep hep hep. Kailangan mong magtiis Gab." sabi ni Troyan.

"Baka kasi umiiyak na naman siya." dahilan ko. Ayokong nakikita siyang umiiyak.

"Hayaan mo na siya. Dahil pagkatapos ng kasal niyo, matatapos na ang paghihirap niyong dalawa. Magpakalayo layo na kayo."

"Kahit masilip ko lang siya pagbigyan niyo na ako." pagmamaka-awa ko sa kanila.

"Tangina naman Gab eh. Hindi makatiis? Hindi pa ba kayo nagsawa sa habulan gahasa niyo kagabi?" Nahiya naman ako sa sinabi ni Cheska. Kaharap ko pa ang kapatid ni Andrea.

Kailangan ko munang hingin ang kamay ni Andrea sa Daddy niya. Kinakabahan ako pero kakayanin ko 'to para sa kanya.

"Pupunta ako sa bahay nila pero hindi para kay Andrea. Kakausapin ko lang Daddy niya." dahilan ko. Pero plano kong silipin si Andrea kahit sampung segundo lang.

"Sigurado kang hindi mo pupuntahan si Andrea sa kwarto niya?" tumango ako kay Cheska.

"Pangako. Hindi ko kayo bibiguin" sabi mo.

"Sasamahan ko siya. Ako bahala sa lokong 'to kapag pinuntahan niya si Andrea" wala na pala akong lusot sa mga 'to.

Sumakay kami sa kotse ni Kevin at nagtungo sa bahay nila. Ilang hakbang lang ang pagitan ng kwarto ni Andrea sa opisina ng Daddy niya. Pinipigilan ko ang sarili kong puntahan siya dahil gusto kong isurprise siya.

Pangako ito na ang huling beses na luluha ka sa sakit na nararamdaman. Huwag kang mag-alala sa akin. Aayusin ko ang lahat bago tayo ikasal.

"Anong sadya mo iho?" tanong ng Daddy niya. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

"Magandang hapon po Tito." Agad akong nagmano sa kanya. Paano kapag hindi siya pumayag na magpakasal kami ng anak niya. Hindi ko kakayaning malayo pa kay Andrea.

"Maupo ka." sabi niya. Nasa pintuan si Kevin at nakikinig sa usapan naming dalawa.

"Gusto ko po sanang hingin ang kamay ng anak niyo." matapang kong sabi.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Matagal ko nang gustong maikasal kayo ng anak ko. Bata pa lang kayo ni Andrea, pinagtatambal na namin kayo ng Daddy mo. Pero hinayaan naming mahanap niyo ang isa't isa."

Kaya ba pinagpipilitan nilang magsama kami ni Andrea sa iisang bahay dati? Shet sila pala ang unang presidente ng tambalan namin.

"Maraming salamat po. Pangako ko hindi ko kayo bibiguin" sabi ko.

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit niyo kailangang ikulong si Andrea."

"Dad we just want to surprise her. She's getting married. Our littile princess is now a lady." wika ni Kevin.

"May maitutulong ba ako Gab?" masayang sabi niya.

"Kami na po bahala, Gusto ko lang po ng blessing niyo bago ko ibigay ang kalahati ng puso ko." Maging sa Daddy niya nasasabi ko ang ganitong kabaduyan. I just love her that much.

"Parang kailan lang mga bata pa kayo pero tignan mo naman ngayon, umiibig na kayo at handang gawin ang lahat. Marami nang pagsubok ang dumating sa inyo, tanging gabay lang namin bilang mga magulang niyo ang kaya namin ibigay."

"Malaking bagay na po yung pagdating niyo sa kasal namin ni Andrea. Humihingi na rin po ako ng tawad sa lahat ng luha na nailabas niya. Iyakin po talaga anak niyo"

"Naiintindihan ko iho. Pabalik na ako, papunta palang kayo. Sana lang ay bigyan niyo na ako ng apo. Tumatanda na kami ng Daddy mo."

"Huwag po kayong mag-aalala on the way na si Pugo." biro ko.

Kinuha niya ang salamin sa lamesa at umupo sa tabi ko."Sino si Pugo?" tanong ng Daddy niya.

"Apo niyo po." nagulat si Daddy pero di kalaunan ay napangiti na lang siya.

"Apo ko pala si pugo. Kailan pa? Pugo yung itlog?" nagtataka niyang tanong.

"On the way na Dad. Natrapik lang." biro ko. Nagpaalam na ako upang makapunta kina Mommy. Marami akong dapat ipaliwanag sa kanya.

Sinamahan ako ni Kevin palabas ng opisina ng Daddy niya.

"Bro kahit isang sulyap lang." hiling ko. Akala ko ay malulusutan ko si Kevin pero mas matinik pa siya sa tatlo.

"Bro konting tiis na lang." Kamusta a na kaya si Andrea? Eggnog bantayan mo muna si Mommy mo at si Pugo baka kung anong mangyari sa kanila.

Napatingin lang ako sa bintana ni Andrea. Nakatayo siya doon kaya agad akong nagtago. Huwag ka ng umiyak please. Para naman sa atin 'tong gagawin ko.

Palihim akong dumaan sa likuran at nagtungo sa bahay.

Mapapatawad pa kaya ako ni Mommy at Daddy sa ginawa ko? Pinahiya ko sila sa harapan ng mga business partners nila. Pero gagawin ko 'to para kay Andrea. Ayokong masama ang loob nila sa amin.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong hinanap si Mommy. Nagluluto siya sa kusina at naghahanda ng makakain. Niyakap ko siya ng patalikod.

"I'm sorry" Nabitawan niya ang baso na hawak niya at pinunasan ko ang luha niya.

"Sorry na Mom. Hindi ko talaga kayang palitan si Andrea sa puso ko."

"Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin?" Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. Nasasaktan akong makita si Mommy na umiyak. Niyakap ko siyang muli at pinunasan ang luha sa mga mata niya.

"Mom sabi mo dati, kapag mahal ka, babalikan ka. Umasa ako na balang araw magbabalik siya."

Sa tuwing naalala ko ang nangyari sa min ni Andrea, parang gusto kong ilibing lahat sa limot. Naawa ako sa kanya nong nabaliw siya at pinaglabanan ko 'yun.

"Unang beses ko siyang makita matapos ang limang taon, shet parang nawalan ako ng pag-asang mabuhay. Nakalimutan niya ako Mom. Hindi niya maalala si Gabrielo na minahal niya." pag-amin ko.

"Masakit para sa akin 'yun pero hindi ako sumuko. Umaasa ako na darating kayo ni Daddy sa kasal namin. Maghihintay ako." Hinalikan ko sa pisngi si Mommy at umalis na. Inilapag ko rin ang invitation sa lamesa baka sakaling magbago ang isip niya.

Tutulong na lang ako sa preparation para sa nalalapit na kasal. Lahat ng kaibigan ko ay inimbitahan ko. Proud akong ipaalam sa kanila na ikakasal na ako sa babaeng mahal ko.

Ilang araw akong nagtiis na hindi siya makita. Hanggang sumapit na ang araw ng kasal namin.

Tangina alas 10 ang kasal pero alas 7 palang nakabihis na ako at nag-aabang sa simbahan. Wala akong pakialam kung mag-isa lang akong naghihintay. Mabuti nang maaga kesa malate.

Kanina pa kumakabog yung dibdib ko. Daig ko pa ang isang drum and lyre na grupo sa lakas ng kabog nito. Kanina pa ako tumatalon upang mawala yung kaba ko. Palakad-lakad lang ako sa simbahan at prinapraktis ang kanta ko para sa kanya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na ito. Ako na ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo.

At dumating na nga ang oras na pinakahihintay ko. Hindi ko mapigilan ang lumuha nang makita na sina Mommy at Daddy pa ang unang bisitang darating.

"Hindi kami papayag na hindi makadalo sa pinakaimportanteg okasyon sa buhay mo anak. Alam naming mauuna ka dito dahil matagal mo tong hinintay."

Napayakap na lang ako sa kanilang dalawa. Nabasbasan na ang pagsasama namin ni Andrea. Lahat ng bisitang dumarating ay sinasalubong ko. Para kahit papano, mabawasan yung kaba sa dibdib ko.

"Alam mo little brother, huhulaan ko. Mas magiging emotional ka pa kay Andrea."

"Huwag ganon Gabrielo. Moment ni Andrea 'yun." wika ni Cheska.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

"Nagtext sa akin si Kevin. In 10 minutes darating na sila. Pumasok na tayo sa loob" sabi ni Troyan

"Pwede ka pa magbackout bro. Ang buong akala ni Andrea ako papakasalan niya." sabi ni Dillan.

"Kahit kailan hindi ako susuko sa kanya. Pumasok na kaming lahat sa loob. Hindi namahalaga ang martsa dahil gusto ko si Andrea lang ang pinakamaganda sa araw na'to.

Nang nakarating ako sa harapan ay tinapik ako ni Daddy.

"Kaya pa ba anak?"

"Kinakabahan ako Dad. Gusto ko nang umiyak" sabi ko. Inabot na nila ang mic sa akin at nakita ko ang pagpasok ni Kevin.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro