42
ANDREA POV
Hindi ko alam kung bakit ako nagpasyang lumabas. Dinala ako ng mga paa ko sa pintuan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Gab palabas ng kwarto ko. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang makita ko siya.
"Fvck don't cry." sabi niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang pingutin. Sobrang namimiss ko na siya.
"Pinaiyak ka ba ni Dillan? Sabihin mo." wika niya.
"Ang engot engot mo talaga alimango. Uubusin ko yang lahi mo!" sabi ko. Kahit kailan talaga iyakin siya.
"Ano pang hinihintay mo alimango? Tutunganga ka na lang ba diyan? Masasapak na talaga kita!"
Agad niya akong hinila at hinalikan. Damang dama ko ang pananabik sa bawat paggalaw ng labi niya. Maging ang pagyakap niya sa akin ay parang katapusan na ng mundo.
"I'm back." sambit ko.
Pinunasan niya ang luha ko at niyakap akong muli
"Tahan na Andrea." sabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"I'm sorry babe." kako.
"Huwag ka na umiyak." sabi ko sa kanya. Unti-unti kong naramdaman ang pagbitiw niya sa kamay ko.
"Ikakasal na ako Andrea." sabi niya.
"Kung talagang mahal mo ako Gab, sasama ka sa akin. Handa akong makipagtanan sa'yo. Kahit lumayo tayo dito gagawin ko." pagmamaka-awa ko sa kanya.
Napasandal lang siya sa pader at ibinulsa ang kamay niya. "Hindi ako pwedeng umatras." sabi niya.
"Kahit lumuhod ako sa harapan mo Gab gagawin ko." pagmamaka-awa ako. Unti-unti akong lumuhod sa harapan niya. Kung ito ang magpapabago sa isip niya gagawin ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong itinayo.
"Andrea buhay ng pamilya ko nakasalalay dito." sabi niya.
Halos mawalan ng lakas ang buong katawan ko. Siguro nga hanggang dito na lang kami.
"Ang unfair noh?" kako. Hindi ko mapigilan ang umiyak sa harapan niya.
Pareho kaming tulala lang at nag uunahan ang aming mga luha. Nasa harapan ko na siya pero hindi rin pala siya mapapasa-akin.
"Sabi mo tumalon man ang bato, hindi magbabago ang pag-ibig mo." sabi ko. Tangina naman kung ganito pala kasakit magmahal sana forever na lang akong naging bata. Para pwede kong laruin ang lahat.
"Hindi naman nagbago ang pag-ibig ko Andrea. Ilang beses nating pinaglaban pero sa huli, tayo pa rin yung talunan." Iyon na ata ang pinakamasakit na salitang binitawan niya.
"So past is past na lang ganun ba?" sagot ko. Para kaming mga tanga na nagsasagutan sa isa't isa. Yung nadudurog na yung puso mo pero nakakapag-usap pa rin kami kahit pareho naming sinasaktan ang isa't isa.
"Siguro itinadhana akong makilala ka. Pero hindi ipinagkaloob ng Diyos na makasama ka." wika niya. Alam mo yung masakit? Yung siya sumusuko na pero ikaw lumalaban pa. Unti-unti akong umupo at sumandal sa pader.
"Alam mo andami kong pinagsisisihan pero yung minahal kita never kong pagsisisihan 'yon. Natamaan ako sa'yo. Tagos dito." sabi ko.
"Mangako ka sa akin Andrea na hindi ka na iiyak muli." Umupo siya sa tabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Paano Gab? Paano kita makakalimutan?" Halos suntok-suntukin ko na siya.
"Bakit ngayon ka pa sumuko kung kelan handa na akong ipaglaban ka." umiiyak kong sabi.
Niyakap niya ako at naramdaman ko ang patak ng kanyang luha. Paano ako magsisimula muli kung hinahanap ko yung mga yakap mo?
"Gab tumawag sa akin si Mommy. Hinahanap na tayo." Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Gabriela. Halos pabulong na lang niya itong sinabi. Siguro siya ang maid of honor sa kasal nila na dapat kasal namin few years ago. Nagpeplay pa sa utak ko yung kanta ng pangkasal. Mababaliw ata ako. Siguro ikaw ang pinakagwapong groom tapos ako yung bride. Pero hindi naman tayo nabubuhay sa fairytale diba?
Maging siya at natahimik nang maabutan niya kami sa ganitong sitwasyon. Pinunasan ko ang luha ko at naglakad palayo. Game over.
"Umalis na kayo dito. Ako na bahala sa lahat." wika niya.
"No Gabe. Pumirma ako sa kontrata." disappointed na sabi ni Gab. Napasuntok na lang siya sa pader at pinagsisisihan ang ginawa niya. Hindi ko rin siya masisi dahil ako rin ang nagtulak sa kanya para gawin iyon.
"Minsan na akong nagkamali nang hindi ko ipinaglaban ang pag-ibig ng taong mahal ko. I won't let that happen to you. You have to hurry bago pa nila tayo maabutan dito." sabi ni Gabriela.
Napahinto ako sa paglakad nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"Aalis tayo dito Andrea. Pangako ko hindi na tayo magkakahiwalay." sabi niya. Hindi ko na sasayangin ang ganitong pagkakataon. Nginitian ko siya at hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.
"Gabriela." tawag ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Sana maging magkaibigan tayo. Kalimutan na natin ang nakaraan." wika ko. Alam ko pangit ang simula naming dalawa pero nararamdaman ko na mabait siya at may nagtatagong kabutihan sa puso niya.
"Matagal ko nang kinalimutan ang lahat Andrea. Just promise me na pagbalik niyo, may pamangkin na ako or else makakatikim kayo ng sampal sa akin pareho." masaya niyang sabi. Napakagaan sa pakiramdaman na nagkaayos na kami. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Salamat." kako.
"Ipapahatid ko kayo sa driver. Kapag nakita niyo si Cheska sa kanto, kunin niyo yung bag. Alam naming mangyayari to kaya plinano na namin ang lahat. Magpakalayo-layo muna kayong dalawa." Hindi namin inexpect ni Gab na mangyayari ito. Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa kanila.
"Saan kami pupunta?" tanong ni Gab. Tinanggal niya ang coat na suot niya at ipinatong sa sando na suot ko.
"Mayroong bakasyunan sina Troyan sa Pangasinan. Inihanda na namin ang lahat. wala na kayong poproblemahin basta ibalik niyo si Eggnog." natatawa niyang sabi.
"Thank you." sabi kong muli.
"You can call me sister. Umalis na kayo dito baka abutan nila kayo." paalala niya.
Niyakap siya ni Gab at kitang kita ko ang saya sa mukha ng magkapatid.
Parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko nang hilahin ni Gab ang kamay ko palayo.
"Hinding hindi na tayo magkakalayo." wika niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at sabay kaming tumakbo palabas.
Parang bumagal ang oras habang tumatakas kami palayo ni Gab. Ayoko munang isipin ang mga pwedeng mangyari sa pagsama ko sa kanya. Gusto ko lang siyang makasama at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong bumawi sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro