29
Nakasilip sa bintana si Andrea habang pinagmamasdan ang patak ng ulan. Kinakausap niya ang sarili at bukambibig pa rin niya si Gab.
"Gab kailan mo ako bibisitahin?" tanong sa sarili.
Biglang bumukas ang pinto nito at agad siyang nagtago sa cabinet.
Nagbago ang isip ni Kevin na dalhin siya sa mental dahil naawa siya sa kapatid. Inuwi niya ito sa kanila upang ayusin ang mga papeles. Aalis na sila ng bansa at ikukunsulta si Andrea sa mga eksperto. Hindi man bumalik ang kanyang alaala, gusto nilang magsimulang muli ang dalaga.
"Andrea." tawag ng kanyang lola. Unti-unti siyang lumabas sa cabinet at kinikilala ang bisita niya.
"Sino ka?" tanong niya. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "Kamusta ka na apo?"
Kumalas sa pagkakayakap si Andrea at itinulak ang kanyang lola.
"Ikaw yung pumatay kay Gab!"
"Maghunos dili ka Andrea." Pinalo siya ng kanyang lola gamit ang baston nito. Umiiyak si Andrea at muling nagtago sa cabinet.
"Sino ka ba talaga?" sabi ng dalaga.
"Andrea palayain mo na si Eggnog. Maraming tao ang naghihintay sa pagbabalik mo." wika ng kanyang lola.
"Hindi kasama ko si Eggnog palagi. Malulungkot ako kapag wala siya." sabi niya habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya.
"Nag-usap na kami ng Daddy mo. Dadalhin ka namin sa ibang bansa kasama ng kapatid mo. Nakiusap siya sa akin na alagaan kita." sabi ng kanyang lola.
"Bansa?" nagtataka siya ngunit ayaw daw niya iwan si Gab.
"Sama si Gab?" tanong niya. Umupo ang kanyang lola sa tabi ni Andrea at hinawakan ang mga kamay nito.
"Andrea kailangan mong magsimula muli. Alam ko mahirap pero kailangan mo na rin pakawalan si Gab. Ang dami na niyang sakripisyo na nagawa sa'yo."
"Papakasalan ako ni Gab sabi niya." pamimilit ng dalaga. Walang magawa ang kanyang lola at lumabas na lang ito sa kwarto ng dalaga. Lingid sa kaalaman niya ay ngayon ang alis nila patungong America.
Hinihintay pa rin niya si Gab na pumasok ng kanyang pintuan. Maya't maya ay tinitignan niya kung sino ang parating. Parati rin niyang tinitignan ang frame ni Eggnog. Para bang may pilit siyang inaalala gunit sumasakit lang ang ulo niya kapag ginagawa niya iyon kaya tinigilan niya.
"Andrea aalis na tayo." sabi ng kanyang kapatid. Inabot niya ang kanyang kamay sa dalaga ngunit umiwas ito.
"Hindi ko iiwan si Gab." sabi niya.
Dahil dito ay gumawa na lang ng kwento si Kevin.
"Nasa America si Gab. Kapag sumama ka, makikita mo siya." dahilan niya.
Napalitan ng ngiti ang mukha ng dalaga at agad siyang lumabas ng kwarto dala dala ang picture frame ni Eggnog. Mas nauna pa siyang sumakay sa van dahil gusto na daw niyang makita si Gab.
"Sana mapatawad mo ako Andrea. Alam ko sa isip mo isa lang siyang kaibigan pero siya pa rin ang hinahanap ng puso mo. Kailangan mong makalimutan lahat ng sakit." bulong ni Kevin sa sarili.
Buong pamilya silang umalis ng bansa.
Wala pa ring malay si Gab at hindi rin alam na umalis na ang babaeng kanyang minamahal. Kinakausap nila ito araw-araw at sinabi rin nila na umalis na si Andrea ngunit walang nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro