27
1 year later..
GAB POV
Isang taon na ang lumipas at ang dami nang nabago. Napag-iwanan na nila ako pero wala akong pinagsisisihan.
Si Gabriela, umalis na ng bansa at sana hindi na bumalik pa.
Si Dillan bigla na lang nawala at huli kong nakita sa airport. Alam ko mahal niya si Troyan pero hindi siya kayang mahalin ng babaeng mahal niya.
Si Cheska naman ay naging si Francisco na. Pina-ibig niya si Troyan at iniwan ito bandang huli. Hindi ko masisisi si Cheska dahil buhay ng bestfriend niya ang nasira at kahit papano ay nakaganti siya. Ang ending, umalis ng bansa si Troyan. Hindi nakayanan ang sakit.
Maraming nagbago sa kanila pero ako ganito pa rin. Nangungulila sa sakit na nararamdaman.
Isang taon na ang lumipas nang iwan kami ni Eggnog. Masakit pa rin sa akin ang nangyari dahil matapos akong iwan ng anak ko ay si Andrea naman ang unti-unting nawala sa akin.
"Happy new year Andrea. Happy new year Eggnog." bati ko sa kanila.
Matapos ang isang taon ay ngayon palang ako papasok sa kwarto namin. Wala pa kaming isang araw ni Andrea sa kwartong to pero pakiramdam ko buong buhay namin ang nandito.
Tinanggal ko ang cake sa loob ng box at itinabi sa picture frame ni Eggnog. Iginuhit ko ito dahil sa pangungulila ko sa kanya.
Sana naglalakad na si Eggnog ngayon. Sana natatawag na niya kaming Mommy at Daddy. Sana nasaksihan ko ang paglaki niya. Sana hindi ako iniwan ni Andrea.
Walang araw na hindi ko sila nakakalimutan. Walang araw na hindi ako lumuluha.
"Tumalon man ang bato, hindi ako magkakagusto sa'yo!" paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko tuwing naaalala ko si Andrea. Yung mga halik niya, mga yakap at pang-aasar niya sa akin ang dumudurog sa puso ko. Paano ko makakalimutan ang lahat ng 'yon? Siya lang ang babaeng minahal ko at wala ng iba.
Tangina pati lasa ng cake ang pait na ngayon. Dito sa lugar na'to namatay ang anak ko. Kung pwede ko lang isaksak na lang sa puso ko ang tinidor na ito para matigil na lahat ng sakit.
Isang taon na ang nakalipas pero ang sakit sakit pa rin. Parang kahapon lang ang mga nangyari.
"Hindi gugustuhin ni Eggnog at ni Andrea na nagkakaganyan ka." Napasilip ako sa pintuan at kanina pa pala nakatayo doon ang Mommy ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at pinilit kainin ang cake na ito.
"You'll be fine anak."
"Paano Ma?"
"Minsan dumarating talaga sa buhay natin ang isang tao pero darating din sa punto na iiwan nila tayo." Bakit sa akin pa nangyari 'to? Ang labo naman.
"Mahal ko ang mag-ina ko."
"Mahal ka din nila. May pamilya ka pa anak. Nandito pa kami."
"Nagsisi na si Gabriela at nangako siyang hindi na siya babalik ng Pilipinas."
"Hindi niya maibabalik ang anak ko at si Andrea."
"Why don't you spend this day with her? Malay mo bumalik na siya."
Isang taon nang wala sa sarili si Andrea. Nabaliw siya sa sobrang kalungkutan at maging ako ay hindi niya makilala. Hindi ko kayang makita si Andrea na nagakakaganyan. Unti-unting nadudurog ang puso ko.
"Mamahalin pa rin niya kaya ako?"
"Minsan ang sinasabi ng isip, iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin nalilito. Hindi malaman kung ano ang susundin. Ang isip na nagsasabi ng dapat o ang pusong nagmamahal ng tapat. Hangga't hindi tinatanggal ni Andrea yung singsing sa kamay niya, hindi pa tapos ang lahat. Anak ngayon ka pa ba susuko kay Andrea? Nandiyan lang siya sa kabilang kwarto. Huwag mong sayangin ang pagkakataon." Pakiramdam ko ay natauhan ako sa sinabi ni Mommy. Huminga ako ng malalim at pinuntahan ko siya sa kwarto niya.
Simula nang mawala sa pag-iisip si Andrea ay iniuwi ko siya sa bahay. Gusto kong alagaan siya at ako ang makita niya pag bumalik na siya sa dati. Araw-araw ko siyang pinupuntahan at pinapaalala sa kanya ang lahat. Hindi ko pa kayang isuko siya sa mental dahil naniniwala ako, babalik siya. Ayokong isipin niya na ipinaubaya ko sa iba ang buhay niya. Kaya ko naman. Kahit masakit.
Tumayo ako at binuksan ko ang kwarto niya. Siya pa rin ang Andrea na minahal ko.
"Andrea." tawag ko sa kanya.
"Sino ka? Mamamatay tao ka!" Nakadungaw lang siya sa bintana na parang may hinihintay habang sinisigawan ako.
Kahit araw-araw niya ako kasama ay hindi pa rin niya matandaan ang pangalan ko. Napakasakit na hindi ka maalala ng taong mahal na mahal mo. Dati pangalan ko lang ang bukambibig mo, ngayon daig ko pa ang musmos na namamalimos ng atensyon mo.
Tumabi ako sa kanya at ipinakita ang picture frame ni Eggnog.
"Sino yan?" tanong niyang muli.
"Anak natin Andrea si Eggnog."
"Anak? Bakit ako magkaka-anak sa'yo? Hindi kita gusto. Pangit pangalan anak mo kasing pangit mo." sagot niya.
Tanginang mga luha 'to. Hindi na naubos.
"Mahal na mahal kita Andrea. Hindi ako titigil hanggang bumalik tayo sa dati. Handa akong magtiis hanggang maalala mo ako. Magpapakasal pa tayo diba?"
"Kasal? Sino ka ba talaga? Kasal yung tententenen?" pahayag niya.
"Naalala mo ba noong una tayong nagkita? Ang sungit mo sa akin. Alimango pa tawag mo sakin."
"Sinungaling ka. Tumalon man ang bato hindi ako magkakagusto sa'yo!" wika niyang muli. Sa tuwing binibisita ko siya at pinapaalala ang nakaraan ay yan lang ang sagot niya sa akin.
Kahit araw-araw ko gawin ito ay hindi ako magsasawa.
"Alam ko sa puso mo Andrea naalala mo ako. Bumalik ka na sa akin please. Ikamamatay ko kapag nawala ka." Wala akong pakialam kung umiiyak ako sa harapan niya. Kulang pa 'to sa sakit na nararamdaman ko. Nakayakap lang ako sa kanya at nasasaktan ako sa pagiging inosente niya.
Lahat ng alaala namin ay bumabalik sa isip ko. Panibagong taon nanaman ang aking haharapin nang hindi ka kasama.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Andrea. Hinawakan ko ang kamay niya at umupo kami sa sofa.
"Kasi namimiss ko na yung taong mahal ko."
"Mahal?"
"Opo. Nandito siya." Inilapat ko ang kamay niya sa puso ko at nakatingin lang siya sa akin na puno ng pagtataka.
"Niloloko mo ako eh. Paano magkakasya tao diyan?" Kahit nagkaganito si Andrea ay mahal ko pa rin siya. Ganun nga siguro kung mahal mo ang isang tao gagawin mo lahat para sa kanya kahit magmukha kang tanga.
"Kasi ang pagmamahal nararamdaman. Kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal mo, pasok yan sa puso mo." paliwanag ko. Napakaganda pa rin niya kahit ganito siya. Napapangiti pa rin niya ako.
"Yang bata sa frame pasok din sa puso mo?"
"Opo. Mahal na mahal ko si Eggnog."
"Bakit Eggnog?"
"Kasi noong buntis yung babaeng mahal ko, mahilig siya sa itlog. Alam mo ba pangalan ng mga anak namin? Si Eggnog, Eggyolk, Eggwhite, Eggshell, KwekKwek, Omelet at si Pugo." sabi ko. Napapaisip lang siya pero hindi pa rin niya maalala ang lahat.
"Ten ten tenen. Ten ten tenen." kanta niya. Oo Andrea ikaw lang ang babaeng papakasalan ko. Hihintayin ko ang pagbabalik mo at papakasalan kita kahit saan mo gusto.
"Gusto ko kasal!"
"Papakasalan kita kapag maayos na ang lahat."
"Maayos damit ko. Maayos ako." Bakit kailangang humantong tayo sa ganito Andrea?
"Andrea mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Pinunasan ko muli ang luha na kanina pa tumutulo sa mga mata ko.
"Tumalon man ang bato, hindi ako magkakagusto sa'yo!" sabi niyang muli. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ito.
Bigla siyang tumakbo palayo at nagtago sa cabinet.
"Mamamatay tao nandiyan!" sigaw niya.
"Magtago ka Eggnog!" dagdag niya. Kinuha niya ang frame at itinago niya ito sa loob ng damit niya.
"Andrea labas ka na diyan walang mamamatay. Ako to." Pinipilit ko siyang lumabas sa cabinet ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya.
"Hindi ka mamamatay tao?"
"Hinding hindi ko yun gagawin sa taong mahal ko."
"Alam mo kita ko bata sa panaginip ko. Kamukha mo." Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Gusto kong ipakita sa kanya na okay ang lahat pero hindi ko kaya. Sa tuwing tinitignan ko siya, naaawa ako sa kinahitnatnan namin.
Minsan sinasakyan ko na lang siya sa mga sinasabi niya. Ako lang ang nakakapasok sa kwarto niya dahil lahat ng tao ay kinatatakutan niya. Kahit pagod ako sa trabaho, wala akong pakialam basta mapagsilbihan ko siya. Hindi man niya ako maalala, ginawa ko pa rin ang lahat para bumalik siya.
"Kailan ka ba babalik sa akin Andrea?"
"Nandito ako sa cabinet. Babalik ako mamaya." sabi niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin at pinunasan ang luha ko.
"Hihintayin ko ang pagbabalik mo at ikaw lang ang mamahalin ko."
"Tumalon man ang bato, hindi ako magkakagusto sa'yo!" sigaw niya. Itinulak niya ako at nagtago naman siya sa ilalim ng kumot.
Naniniwala ako na babalik ka sa akin at mamahalin mo ako. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon.
Kinuha ko ang magazines at inabot sa kanya. Tinanggal ko ang kumot na nakapulupot sa kanya.
Kung nakakabalik lang ng alaala ang halik ko, matagal ko nang ginawa. Kung buhay ko ang kapalit maibalik lang siya, handa akong magsakripisyo. Kung isa lang itong fairytale, simula pa lang ay ginawa ko na lahat para happy ending kaming dalawa.
Habang tinititigan ko siya ay bigla na lang lumabas ang mga liriko sa bibig ko.
"Kung tayo ay matanda na, sana'y di tayo magbago." Hinawi ko ang buhok niya at tinitigan ang kanyang maamong mukha.
"Kailan ma'y nasaan ma'y ikaw ang pangarap ko." kanta ko. Hindi naman masamang subukan 'diba?
"Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin." Tanginang luha 'to hindi na naubos.
"Umiiyak ka na naman?" tanong niya.
"Hanggang sa pagtanda natin." Lalong naramdaman ko ang sakit nang pinunasan ni Andrea ang mga luha ko.
"Nagtatanong lang sa'yo ako pa kaya'y ibigin mo"
"Lungkot ka Gab?" tanong niya. Napapikit ako sa sobrang saya. Sa unang pagkakataon ay naalala niya ang pangalan ko at malaking bagay na yun para lalo pa akong maghintay sa kanya.
"Kahit maputi na ang buhok ko." kanta kong muli. Kinuha niya ang pulbo sa banyo at nilagyan niya ang buhok ko.
"Ayan puti na buhok mo!" sabi niya. Nakangiti siya at tuwang-tuwa sa ginagawa niya. Kinuha ko ang pulbo at nilagyan din ang buhok niya. Para kaming mga bata na naghahagisan ng pulbo sa mukha.
"Andrea ikaw lang ang laman ng puso ko kahit maputi na ang buhok ko." sabi ko.
"Tententenen..Tententenen" kanta niya. Kung hindi ka nagkaganito siguro ikinasal na tayo.
"Gusto mo ba talaga ng kasal Andrea?" tanong ko sa kanya.
"Tentenententenen." Nagsimula siyang maglakad sa buong kwarto habang hawak ang vase. Pabalik-balik siya sa kwarto habang kumakanta.
Nilapitan ko siya at niyakap.
"Magpapakasal tayo Andrea. Hindi ko na hihintaying bumalik ang alaala mo basta kasama kita habambuhay."
Lahat ay planado na simula noong nawalan siya sa sarili. Gusto ko siyang pakasalan sa oras na bumalik na siya dati. Pero kung gusto niya talaga, papakasalan ko siya kahit wala ang alaala niya.
"Bukas na bukas magpapakasal tayo." bulong ko sa kanya.
Hindi mapantayan ang mga ngiti sa mukha niya at excited na raw siya bukas. "Yehey goodnight Gab!" nakangiti niyang sabi.
Pinatay ko na ang ilaw at hinalikan ko siya sa noo.
"Goodnight Andrea. Ayokong umasa pero sana, sana bumalik ka na."
Nakangiti lang siya sa akin at kinakanta pa rin niya yung pangkasal na kanta hanggang makatulog siya.
Kinabukasan...
"Anak sigurado ka na ba?" tanong ni Mommy. Inaayos niya ang coat na suot ko habang inaayusan ng mga stylist si Andrea.
Noong una ay mailap ito pero di naglaon ay napilit ko rin siya. Kinantahan ko siya ng pangkasal na kanta habang inaayusan siya. Kahit papano ay tumino siya ngunit ang higpit ng kapit niya sa mga kamay ko.
Lumabas muna ako upang mag-ayos at para magbihis siya.
"Mahal ko si Andrea. I will do anything to make her happy." sabi ko.
"I'm so proud of you. Masaya ako na nahanap mo ang pagmamahal na nararapat sayo anak. Aba bilisan mo baka magbago pa ang isip ni Andrea."
Niyakap ko si Mommy at nagpasalamat sa pag intindi niya sa akin. Siya lang ang nakaunawa sa akin sa mga panahong nangungulila ako sa mag-ina ko.
"She's ready. Aalis na ako kung hindi lang kita kaibigan haynaku." sabi ng stylist. Nagpasalamt ako sa kanya sa tulong na ginawa niya para sa akin. Inaabangan ko ang pagbaba niya sa hagdan at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Unti-unti siyang lumabas sa kwarto niya at naramdaman ko na lang ang mga luha na tumulo sa mga mata ko.
Shet siya ang pinakamagandang babae na nakilala ko. I can see her now as a caring wife and a loving mother.
Pinunasan ko ang luha ko habang naglalakad siya sa hagdan. She's my everything. She's my life. She's my wife.
Naramdaman ko ang kamay ni Mommy na humawak sa likod ko. Hindi ko mapigilan ang lumuha. Ang tagal kong pinangarap na dumating ang araw na ito.
Lahat ng sakripisyo ko para sa kanya ay worth it. Kahit ilang beses niya pa akong ipagtabuyan, titiisin ko para sa babaeng 'to.
"Tententenen tententenen." kanta niya. Lumapit siya sa akin at pinunasan niyang muli ang mga luha ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan siyang naglakad.
"Kasal na tayo Gab. Huwag ka na umiyak. Diba sabi mo kasal tayo ngayon?" malungkot niyang sabi.
"Oo Andrea. Masaya lang ako na makakasama na kita habambuhay."
"Masaya rin Andrea. Huwag na iyak Gab. Nalulungkot ako gusto ko magtago sa cabinet." malungkot niyang sabi. Hinila ko siya at agad niyakap. Hindi mo alam kung paano mo binigyan ng kulay ang buhay ko. Hindi mo alam kung paano mo nabago ang buhay ko.
Dati barkada lang lagi kong kasama, pero ngayon buong mundo ko umiikot na sa kanya.
"Kasal na tayo!" pamimilit niya. Lumabas kami ng bahay at isinakay siya sa kotse ko.
"Andrea mangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan." sabi ko.
"Pangako Andrea!" sabi niya. Itinaas niya ang kanang kamay niya at ipinatong sa puso ko. Kapag nagiging ganito si Andrea ay lalo kong nararamdaman ang sakit. Oo masaya ako pero nandoon pa rin yung kirot sa puso ko. Nabura na ba talaga sa puso at isip mo ang mga masasayang alaala?
"Nasabi ko na ba sa'yo na ikaw ang pinakamaliit na tao sa buong mundo?" Baka sa kacornyhan ko ay bumalik ang alaala niya.
"Kasi nagkasya ka sa puso ko." sabi ko. Pwede bang mawala na lahat ng luha sa katawan ko? Napaisip lang siya at parang hindi naintindihan ang mga sinabi ko.
"Gab nakita ko yung bata na naman kagabi. Kamukha mo. Tapos naglalaro kaming dalawa." sabi niya. Hanggang kailan tayo magiging ganito Andrea?
Habang nagdadrive ako ay hindi ko maiwasan ang tignan siya. She's so gorgeous.
"Kapag nakita mo muli siya. Pwede bang sabihin mo na mahal na mahal ko siya. Sabihin mo na maraming naghihintay sa pagbabalik ng Mommy niya." sabi ko. Bigla siyang napatingin sa malayo at ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.
"Gab may malaking sasakyan. Paparating. Magtago tayo!" nakangiti niyang sabi.
Ang buong akala ko ay naghahaluccinate na naman siya pero nagkamali ako. Tumingin ako sa gilid namin at may truck na paparating. Parang nawalan ng lakas ang buong katawan ko at hindi malaman ang gagawin. Pinipilit kong lumiko ngunit ayaw gumalaw ng manubela.
"Andiyan na magnanakaw!" sigaw ni Andrea.
Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro