Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26


Ibinilin ni Gab sa Mommy niya na bantayan muna si Andrea dahil kailangan niyang umalis at ipapaalam na rin niya sa mga barkada niya ang magandang balita.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay parang ang tagal nang hindi niya nakikita si Gab. Humiga ito upang matulog ngunit bigalgn pumasok si Gabriela sa kwarto nila.

"What are you doing in my room?" sigaw ni Gabriela. Walang kaalam-alam si Gabriela na pinagpalit sila ng kwarto ni Gab dahil mas kakailanganin nila ng malaking kwarto.

"Hi." Napaupo si Andrea dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Gabriela dahil hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita.

"Ang lakas din ng loob mong matulog sa kwarto ko." galit na galit niyang sabi.

Hinawakan ni Gabriela ang buhok ni Andrea at hinila ito palabas ng kwarto.

"Lumayas ka sa pamamahay na'to. Malandi ka!" galit na sabi ni Gabriela.

"Tama na!" pagmamaka-awa ni Andrea habang hawak ang buhok niya. Hindi niya magawang lumaban dito dahil hawak niya ang tiyan niya.

Sinampal niya ito sa kaliwang pisngi ni Andrea at hindi niya ito tinigilan hanggang hindi lumalaban ang dalaga.

"Para yan sa pang-aagaw mo kay Gab."

Hinawakan niya ang kamay ni Andrea at sinampal niya muli ito sa kanang pisngi niya.

"Para yan sa pananampal mo sa akin. Well that's my advance birthday gift. Wait there's more!"

"Nasasaktan ako!" umiiyak na sabi ni Andrea. Hindi siya pinakinggan ni Gabriela at hinila muli niya ang buhok nito hanggang makalabas sila ng kwarto.

Narinig ng Mommy nila ang ingay na ito kaya nagmadali siyang umakyat ng hagdan at halos maiyak ito sa ginawa ng anak niya kay Andrea.

"Gabriela bitawan mo si Andrea!" sigaw niya. Itinulak niya ang naka niya at agad tinulungang makaupo si Andrea na hindi na matigil ang pag-iyak.

"Mas kakampihan mo pa siya Mommy?"

"Gabriela stop it. Ok ka lang ba iha?" nag-aalalang tanong ni magiging biyenan niya. Unti-unting nanghina si Andrea nang makita niya ang dugo na bumakas sa paghihila ni Gabriela sa kanya.

"Stop what? Matapos niyang agawin ang kapatid ko pati ba ikaw Mommy napaikot ng babaeng 'yan?"

Hindi niya alam kung paano patitigilin si Gabriela kaya sinampal niya ito ng hindi sinasadya.

"Buntis si Andrea. Pamangkin mo yung dinadala niya Gabriela!" nanginginig na sabi ng Mommy nila. Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"Oh my God!" sambit nito.

"I'm sorry Andrea." paulit-ulit niyang sabi. Napahawak ito sa pader nang makita niya ang maraming dugo na nanggagaling kay Andrea.

Paalis na sana si Gab ng village ngunit nakalimutan niyang dalhin ang cellphone niya kaya agad itong bumalik. Halos masuntok na niya ang kapatid niya nang maabutan niya si Andrea na nanghihina na.

"I'm sorry Gab. Hindi ko sinasadya." umiiyak na sabi ni Gabriela.

"Anong ginawa mo kay Andrea?!" Halos maiyak na si Gab nang buhatin niya si Andrea na nawalan na ng malay.

"Kapag may nangyari sa mag-ina ko kalimutan mo nang kapatid mo ko."

Pinaharurot niya ang kotse at napapasuntok na lang ito sa manubela habang pinagmamasdan si Andrea sa likod na yakap ng Mommy niya.

Nakasandal si Gab sa pader at nakapikit ito. Agad nilang nilapitan ang doctor nang lumabas ito mula sa kwarto ni Andrea.

"I'm sorry. She lost the baby."

Hindi tinigilan ni Gab ang pader at sinuntok -suntok niya ito hanggang sa matanggap niya na wala na nga ang anak nila.

"Yung anak ko. Tangina lang." umiiyak na sabi nito. Duguan na ang kamay niya ngunit hindi niya nararamdaman ang sakit dahil nagdadalamhati ito sa pagkawala ng anak nila.

Kwinelyuhan niya ang doctor at nagmamaka-awa itong gawin ang lahat mailigtas lang si Eggnog. Sa sandaling nakasama nila ito ay labis ang kanilang tuwa at kahit dugo pa lamang ito ay naramdaman na nila na karugtong ito ng buhay nila.

"Anak tama na." umiiyak na sabi ng kanyang Mommy. Hinawakan niya ang braso ni Gab at niyakap ito. Mahimbing ang tulog ni Andrea at walang kaalam-alam sa nangyari.

Unti-unting binuksan ni gab ang kwarto at umupo ito sa tabi ng girlfriend niya. Hinalikan niya ito sa noo at patuloy ang pagtulo ng mga luha niya.

"Mamahalin mo pa rin naman ako 'diba?" tanong ni Gab.

Hindi niya alam kung tatanggapin pa siya ni Andrea dahil kadugo niya ang pumatay sa anak nila ngunit hindi ito sinasadya ni Gabriela dahil hindi niya alam na buntis si Andrea at hindi rin ito sinabi ni Troyan.

"Sana pakasalan mo pa rin ako. Ayokong..ayokong mawala ka sa akin." umiiyak na sabi ni Gab habang hawak ang kamay ni Andrea. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Andrea dahil alam niyang masasaktan ito.

Unti-unting iminulat ni Andrea ang mga mata niya at napahawak siya kay Gab.

"Babe.." bulong nito.

Pinilit umupo ni Andrea at inalalayan naman siya ni Gab.

"Eggnog baby. Sorry kung napaaway si Mommy." sabi sa sarili. Pinipigilan niya ang sarili na umiyak at nagpapakatatag ito para kay Andrea ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Tumingala ito upang pigilan ang kanyang luha ngunit kahit anong pigil niya, sumasalamin ang kanyang nararamdaman sa mga luhang umaagos sa mata niya.

"Babe.. Bakit ka umiiyak?" inosenteng tanong ni Andrea. Hindi makasagot si Gab at niyakap lang niya ito ng mahigpit.

"Hindi naman niya tayo iniwan 'diba?" Unti-unti nang umiiyak si Andrea at halos habulin na niya ang hininga niya. Hanggang sa paghikbi na lang niya ang naririnig sa buong hospital.

Tinanggal niya ang mga aparatong nakakabitsa kanya at tulad ni Gab, lumabas ito upang ipagpilitan na buhay ang anak niya.

"Hindi.. Nagsisinungaling sila." umiiyak niyang sabi.

"Wala na siya." sambit ni Gab. Dumating na rin sina Cheska at napatigil sila nang makita ang dalawa. Napasuntok sa pader si Gab at si Andrea naman ay napaupo na lang sa sakit na nararamdaman.

Papasok sana sila Cheska at Madisson ngunit pinigilan sila ni Andrea.

"Gusto kong mapag-isa." pamimilit nito.

"Dito lang ako Andrea.." pamimilit ni Gab.

"Lumayas kayo sa harap ko!" sigaw ni Andrea.

Walang nagawa si Gab kaya lumabas na rin ito. Umupo si Gab sa likod ng pintuan habang pinapakinggan ang pag-iyak ng taong mahal niya sa loob ng kwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro